Umuwi ako sa bahay na umiiyak parin. Ewan ko ba nagiging iyakin na ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ayoko na makita ako ni Mama na umiiyak pero di ko naman maitago yung sakit dahil sobrang nasasaktan ako. Pagpasok ko sa loob nagulat ako ng makita ang buong team kasama sila Ayako at Sasaki pero wala dun si Maki.
"Anong ginagawa nyo rito?" tanong ko..
"Nagpunta kami dito dahil kailangan ka namin makausap Satomi." sagot ni Sendoh.
"Kung si Maki lang pag uusapan natin umalis na kayo. Dahil wala na akong pakialam sa lalaking yun at mula ngayon hindi ko na sya kilala kaya umalis na kayo bago pa ako magalit sa inyong lahat." inis kong sabi.
"Naiintindihan namin ang nararamdaman mo Satomi pero sana makipag usap ka kay Maki. Aalis sya papuntang america at iiwan ang team." malungkot na sabi ni Kiyota..
"Pakialam ko kung umalis sya pakisabi goodluck sa kanya. Isama na rin nya si Haydee bagay na bagay sila nun. Ayoko na makita pa si Maki dahil sinaktan nya ako ayoko sa taong manloloko." maiyak iyak kong sabi.
"Hindi ka nya niloko Satomi nagkakamali ka ng iniisip sa kanya. Ginawa ni Haydee yun para maghiwalay kayo ni Maki walang alam si Maki sa ginawa ni Haydee." paliwanag ni Fujima..
"Nakakatawa ka naman Fujima. Imposible hindi ginusto ni Maki yun nakahubad sila pareho tapos magka yakap pa. Kung talagang ayaw nya sana di sya pumayag na tumabi sa kanya si Haydee sana di sya pumayag na hubaran sya ni Haydee....
"Dahil nilagyan ni Haydee ng gamot ang juice ni Maki at hindi yun alam ni Maki. Maniwala ka man o hindi yun ang totoo Satomi. Kung talagang mahal mo si Maki mas maniniwala ka sa kanya." seryosong sabe ni Fujima.
"Tama sya Satomi. Hindi namin kinakampihan si Maki dahil alam namin na nasasaktan ka sa nangyari pero yun ang totoo. Walang kasalanan si Maki mahal na mahal ka nung tao Satomi." pag sang ayon ni Sendoh.
"Hindi ko na alam. Ayoko sya makitang nasasaktan kasi mahal ko sya pero nasasaktan din ako di ko matanggap na nagawa nya sakin yun." sabe ko habang umiiyak.
"Pareho lang naman kayong biktima Satomi dahil kahit si Maki nasasaktan din ng sobra." malungkot na sabi ni Koshino.
"Pareho nyong pinapatay ang sarili nyo hindi na rin kumakain si Maki, hindi na rin sya pumapasok sa school at hindi na rin sya nakikipag practice." sabi ni Kiyota
Hindi ko akalain na kayang igive up ni Maki lahat para sakin. Hindi ko rin alam na hindi sya pumapasok at kumakain bwesit sya bakit nya pinahihirapan sarili nya. Mahal ko si Maki mahal na mahal ayoko syang mawala sa buhay ko pero di ko sya talaga kayang tignan dahil naalala ko si Haydee at yung ginawa nila.
"Ano Satomi mag decide ka dahil baka di mo na makita si Maki ikaw rin." sabi ni Sendoh..
"Ayoko sya makita pasensya na. Alam nyo kung gaano ko kamahal si Maki pero sa ngayon ayoko na muna sya makausap o makita...
"Pag umalis ba si Maki hindi kana iiyak? Dahil yun ang gusto nyang mangyari ayaw ka nya makitang umiyak ng dahil sa kanya. Ayaw ka nyang makitang nasasaktan kaya sya na mismo ang lalayo sayo." wika ni Hanagata na hindi na rin nakatiis magsalita.
"Hindi ko kayang ngumiti Hanagata umalis man sya o hindi di na ako magiging masaya dahil si Maki lang ang kasiyahan ko wala ng iba." seryosong sabi ko.
"Yun naman pala eh bakit di mo na lang sya patawarin Satomi? Alam mo bigyan mo sya ng second chance deserve nya yun Satomi. Wag mong hayaan kainin ka ng galit mo bago pa mawala sayo ng tuluyan si Maki." paliwanag ni Mitsui.
"Tama." sang ayon ni Sakuragi..
"Inaantok na ako." reklamo ni Rukawa.
"Bilisan mo Satomi inaantok na rin ako hahaha." natatawang sabi ni Sendoh..
"Mamaya na kayo matulog. Hindi pa tayo tapos." seryosong sabi ni Ryota.
"Patawarin mo na kasi para makatulog na ako." naghihikab na sabi ni Rukawa.
"Loko ka Rukawa." ngiting sabi ni Kiyota.
"Wag mo na patagalin Satomi dahil pareho lang kayo mahihirapan." seryosong sabi naman ni Fujima.
"Ikaw lang ang babaeng mahal ni captain Satomi. Umiiyak sya samin habang nag sasalita. Ngayon lang namin nakita si captain na ganun wag mo syang isuko." nagsusumamong sabi ni Jin..
"Kung mahal mo sya Satomi bigyan mo sya ng chance. Ayokong makita na nasasaktan kayo pareho dahil kaibigan ko kayo please kausapin mo si Maki." naiiyak ding sabi ni Sasaki.
"Ayoko dahil ayoko sya makita. Isang beses lang ako magtiwala alam yun ni Sendoh." pagmamatigas ko.
"Sana wag mo pagsisihan sa huli yang desisyon mo." sabe nalang ni Kiyota na hindi maiwasan mainis sakin.
"Papayag ka pala na lumayo si Maki sayo. Akala ko Satomi pareho tayo ng pananaw hindi pala. Mahal ka nung tao ilang beses ba namin sasabihin sayong walang kasalanan si Maki. hindi naman siguro bato yang puso mo para di magpatawad. Siguro nga kailangan ng lumayo ni Maki dahil kahit anong gawin nya di mo na sya patatawarin. Sana lang makita mo kung ano yung ginawa nya para sayo dahil lahat kami nasasaktan sa nangyari lalo na si Maki." galit na sabi ni Sendoh at lumabas na ng hindi manlang ako tinignan....
"Kung talagang yan ang desisyon mo Satomi wala na kami magagawa. Goodluck na lang sana nga di mo pagsisihan na umalis si Maki sa buhay mo." malungkot na sabi ni Fujima saka umalis kasama si Sasaki.
"Hindi ko akalain na bato pala yang puso mo. Hindi ako galit sayo naiinis ako." seryosong sabi ni Rukawa saka lumabas din ng bahay.
"Kaya mo yan Satomi uwi na ako." pagpapaalam ni Sakuragi.
"Sayang kayo." bulong ni Jin saka umalis kasama si Kiyota.
"Bye Satomi. Ayoko na magsalita dahil kahit anong paliwanag namin di mo rin pakikinggan goodluck na lang sayo." seryosong sabi naman ni Mitsui saka lumabas kasama si Ryota.
"Hindi sila galit sayo Satomi siguro naiinis sila sa desisyon mo. Uwi na rin ako bye." ngiting sabi ni Koshino saka lumabas ng bahay..
"Bye." pagpapaalam ni Hanagata na hindi manlang tumingin sakin.
"Uwi na kami Satomi hindi lahat deserve ng second chance pero si Maki deserve yun." pagpapaalam ni Uozumi at Akagi.
"Bye Satomi." sabe ni Fukuda at sinundan sila Uozumi.
Umakyat ako sa kwarto ng umiiyak lahat ng sinabi nila tumagos sa puso ko. Hindi ko kayang maging masaya kapag nawala sakin si Maki. Hindi ko na alam gagawin ko nahihirapan na ako mula ng makita ko si Maki na umiiyak nasasaktan ako. Gusto ko syang yakapin dahil inaamin ko namimiss ko na sya lahat lahat sa kanya namimiss ko. Si Maki lang ata ang taong mamahalin ko ng habang buhay wala ng iba. Ayoko magmahal ng iba gusto ko si Maki lang baliw na kung baliw pero si Maki lang ang buhay ko at sya lang ang gusto kong pakasalan. Hindi ko na alam gagawin ko ayoko magalit sakin ang team ayoko rin mawala sakin si Maki para akong mamamatay sa sobrang sakit...