Nanalo ang team ng SHOYO at KAINAN sa RYONAN at SHOHOKU. Napaka ganda ng ipinakita ng dalawang team.
"Congrats babe." bati ni Sasaki.
"Salamat babe ginalingan ko talaga para sayo hehehe." ngiting sabi ni Fujima.
Hindi pa mandin nakakaupo si Maki lumapit nasa court si Haydee para punasan ng pawis si Maki feeling girlfriend kabanas. Hinayaan ko na lang sya dahil ayoko makisawsaw sa ginagawa nya pero nagseselos ako nakakainis...
"Ayako sorry di kami nanalo." malungkot na sabi ni Ryota.
"Ano ka ba napaka galing ng ipinakita mo Ryota kaya wag ka mag sorry." sabe ni Ayako at ngumiti kay Miyagi.
"Talaga Ayako salamat. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ginagalingan ko." nahihiyang sabi ni Ryota.
Napaka sweet ni Ryota at Fujima samantalang ako nakaupo dito habang naka tingin sa lalaking mahal ko na may kasamang iba. Hindi ko alam kung manhid ba si Maki at di nya makita na nagseselos ako sa kanila ni Haydee.
"Titignan mo na lang ba sila?" tanong ni Sendoh.
"Ayoko makaistorbo." sagot ko.
"Hahaha drama mo." tumatawang sabi ni Sendoh.
Tinawag ni Sendoh si Maki at lumapit naman ito sa amin. Naiinis nanaman si Haydee dahil iniwan ito ni Maki. Gusto ko magwala dahil sa totoo lang sobra akong nagseselos sa kanila.
"Hon nanalo kami." ngiting sabi ni Maki.
"Alam ko nanood ako di ba." irita kong sabi.
"High blood nanaman ang lola mo hahaha." nang aasar na sabi ni Sendoh saka kami iniwan ni Maki para puntahan si Rukawa.
"Hindi ka ba masaya na nanalo ako?" tanong ni Maki.
"Hindi ko alam kung manhid ka o wala kang pakiramdam para akong tanga dito nanonood sa inyo ni Haydee." mataray kong sabi.
"Alam ko naman na wala lang yun sayo kasi alam ko may tiwala ka sakin. Ikaw ang mahal ko Satomi at hindi sya sana yan ang panghawakan mo dahil hinding hindi kita lolokohin." seryosong sabi ni Maki.
"Okay." tipid kong sagot.
"Hay sorry magpapalit lang ako....
Umalis si Maki upang magpalit ng damit malaki rin naman ang tiwala ko sa kanya. Ayoko rin naman nag aaway kami dahil sa babaeng yun pero nakakainis na kasi nagseselos talaga ako.
Sabay sabay kami lumabas ng gym hindi kami nagkikibuan ni Maki kahit magkasama kami. Napansin naman yun ng team dahil malungkot si Maki.
"Maki ayos ka lang?" tanong ni Kiyota.
"Ayos lang." sagot ni Maki na nakatingin sa akin.
Naghiwa-hiwalay na kami para umuwi hinatid ni Fujima si Sasaki at magkasama naman sila Ryota at Ayako sabay sabay naman sila Rukawa Mitsui Sendoh at ang ibang team.
"Galit ka pa ba Hon? Ayoko maghiwalay tayo ng ganito tayo pwede bang ayusin natin to kung gusto mo lalayo na ako kay Haydee gagawin ko yun para sayo para di kana magalit at mainis sakin." sabi ni Maki habang naka yuko.
"Ayos lang sakin kung kausapin at pansinin mo sya pero yung alagaan ka nya ayoko dahil gusto ko ako ang gagawa nun sayo Maki. Hindi ako nagagalit nagseselos ako sa inyo dahil gusto ko ako lang. Sorry kung selfish nadin ako....
"Sorry Hon hindi na po mauulit. Mahal na mahal kita hayaan mo iiwas na ako mula ngayon ikaw lang din naman ang gusto kong mag alaga sakin wala ng iba, wag kana mag selos dahil hinding hindi kita ipagpapalit pakakasalan pa kita." ngiting sabi ni Maki.
"Sinabi mo yan Hon huh. Mahal na mahal din kita at hindi rin kita ipagpapalit sa iba pangako yan." saad ko.
Masaya ako dahil napaka matured ni Maki mas pinili nyang ayusin kesa mag away o magtampuhan kami. Ayoko sya mawala sa buhay ko dahil si Maki lang nagpapasaya sakin. Niyakap nya ako sa daan kaya napaka rami nanaman tao ang naka tingin sa amin dalawa.
"I love you Hon." bulong ni Maki...
"I love you too Maki tama na ang dami naka tingin...
"Hayaan mo sila hehehe yakap lang naman ginagawa natin..
"Ano kaba Maki nakakahiya..
"Walang nakakahiya dun at never kitang ikakahiya kaya hayaan mo ako sa gusto ko kung ayaw mong halikan kita dito...
Hinayaan ko na lang si Maki kesa naman halikan nya ako dito sa daan wala pa naman tong pakialam kahit maraming nakatingin basta sinabi nya gagawin nya. Mahal na mahal ko si Maki at hinding hinding na yun magbabago pa
Pagdating namin sa bahay pumasok si Maki para kausapin si Mama. Natutuwa naman si Mama ng makita si Maki.
"Kamusta ang practice game nyo iho?" tanong ni Mama.
"Nanalo kami tita nandun kasi si Satomi hehehe." ngiting sabi ni Maki.
"Napaka sweet naman nitong si Maki ikaw anak alagaan mo tong si Maki..
"Opo Ma." sagot ko.
Niyaya ko si Maki para kumain kaya pumunta sya sa kusina habang nanonood si Mama. Masaya ako dahil kasama ko nanaman sya sa bahay ewan ko ba gusto ko araw araw syang nakikita.
"Ano yan?" tanong ni Maki.
"Ulam." sagot ko.
"Ulam yan? Bakit ganyan kulay sunog hahaha
"Kakain ka ba o ihahampas ko to sayo?
"Kakain po nag tatanong lang naman hehehe...
Natatawa ako kay Maki dahil kinain nya yung luto ko kahit nasunog. Hindi maarte si Maki kahit lumaki syang mayaman marunong din sya maka appreciate ng maliliit na bagay.
"Ang sarap ng luto mo Hon hehehe..
"Sige mang asar ka pa lilipad sayo tong plato..
"Hahaha masarap naman talaga Hon kahit na medyo sunog ayos na rin basta luto mo kakainin ko..
"Wee bolero ka suntukin kita dyan eh..
"Kiss na lang pwede hehehe...
"Tumigil ka Maki ikikiss kiss ko yang labi mo sa pader kapag di kapa tumigil.
"I miss you po Misis Maki ng buhay ko.
"Bwesit ka wag mo ko pakiligin...
"I miss you, I love you... Hi miss pwede ka ba makilala type na type po kita hehehe..
"Hahaha loko ka talaga tumigil ka baka di ako makapag hugas sayo...
"Ayos lang kaya naman kitang hugasan este kaya kitang tulungan mag hugas hahaha...
"Bwesit ka Maki pinapakilig mo ko...
"Pwede na ba kitang pakasalan miss promise di ka magsisisi sakin..
"Ah pag isipan ko strict parents ko..
"Nasabi ko na sa parents mo sabi itanan na daw kita ano pakakasal na ba tayo iuuwi na kita samin.
"Lintik ka Maki maghuhugas na ako dyan ka lang..
"Ayoko dito gusto ko dyan sa puso mo...
"Matagal kanang nasa puso kaya pwede dyan ka lang hehehe...
Napaka sweet ni Maki hindi ko na tuloy alam kung saan ilalagay yung plato para akong nawawala sa sarili sa kanya. Hindi lang sya sweet malambing pa at yun ang pinaka mamimiss ko sa kanya lalo na kapag di kami nagkikita o nagkakasama.
Pagkatapos kong maghugas binalikan ko si Maki at nakita ko syang naka yuko yun pala tulog na. Kumuha ako ng unan para maayos ang tulog nya inunat ko rin ang paa nya para diretso syang makahiga. Napaka amo ng mukha ni Maki kapag tulog at napaka sarap din nyang titigan.
"Hayaan mo lang anak matulog si Maki napagod siguro yan sa practice game nila." sabi ni Mama..
"Opo Ma." sagot ko.
Umakyat si Mama kaya dalawa lang kami ni Maki. Gusto ko sya titigan habang natutulog napaka ganda ng katawan ni Maki ilan kaya abs nya. Natatawa ako sa mga iniisip ko dahil gusto ko makita yun kaso baka mahuli nanaman ako nito mahirap na may pagka mabilis pa naman si Maki...
"Satomi ko Satomi Takara wag mo ko iwan....
Nagulat ako dahil binabanggit ni Maki ang pangalan ko habang tulog. Bakit ko naman sya iiwan di naman ako aalis tumabi ako sa kanya pero naka upo ako nasa hita ko ang ulo nya.
"Hindi kita iiwan dito lang ako." sagot ko kahit tulog sya.
"I love you." ngiting sabi ni Maki
"Gising ka?" tanong ko.
"Tulog naka pikit nga eh hahaha...
"Bwesit ka Maki wag mo ko pinagloloko gising ka eh..
"May gising bang naka pikit hehehe...
"May tulog din bang nagsasalita..
"Meron ako hahaha I love you..
Natatawa ako sa kanya na kinikilig ayoko na tuloy syang pauwiin hahaha...