"Uuwi na ako misis." pagpapaalam ni Maki.
"Pwede bang wag na." birong sabe ko.
"Sige tara na sa loob. Wag kang ganyan Satomi baka iuwi kita at di na kita ibalik dito...
"Nagbibiro lang naman mamimiss kasi kita...
"Gusto mo ba lumabas tayo bukas? Sama natin si Fujima at Sasaki pati si Ryota at Ayako." ngiting tanong ni Maki...
"Talaga? sige pero may pasok pa ako paano yun....
"Tapos ng klase mo hintayin kita sa gate. Wag ka masyado magpaganda baka mahalikan kita eh hahaha..
"Lintik ka Maki. Ingat ka pag uwi..
"Opo I love you goodnight Hon...
"Goodnight I love you too..
Pagpasok ko sa loob para akong maiihi sa kilig peste hahaha. Excited akong makasama sila Sasaki at Ayako bukas kasama pa sila Fujima at Ryota ang saya naman hehehe., para tuloy akong di makakatulog sa sobrang saya.
KINABUKASAN
Maaga akong pumasok para di na ako malate namimiss ko parin ang kaibigan kong si Shacha last day na nya kasi kahapon kaya di ko na sya makikita sa school mamaya. Excited naman ako dahil magkikita kami ni Maki mamaya tapos ng klase ko. Hindi na ako nakakaramdam ng selos dahil alam kong loyal si Maki sa akin at may tiwala ako sa kanya.
Pagpasok ko nakita ko si Sendoh kasama si Koshino. Hindi ko alam bakit ang aga rin nilang pumasok si Sendoh ang taong hindi maaga pumasok kaya nagugulat ako dahil ang aga nya..
"Anong ginagawa nyo dyan?" tanong ko.
"Naglalaro hahaha." pamimilosopong sagot ni Sendoh.
"Alam mo Satomi ang dami ng love letter na ginawa ni Sendoh hanggang ngayon di nya mabigay hanggang tingin na lang sya." natatawang sabi ni Koshino.
"Sino ba dyan?" tanong ko.
"Yun oh yung babaeng mahinhin pero sikat siya dahil kilala syang magaling sa larangan ng volleyball. Isa syang transferee Satomi."kwento ni Koshino.
Tinignan ko yung babae at napaka ganda nga naman kaso nag iisa lang sya parang di tuloy ako makapaniwala na sikat sya sa paglalaro ng volleyball..
"Aba ikaw Sendoh gusto mo pala ng babaeng mahinhin." nang aasar kong sabi.
"Una palang makita ni Sendoh yan nabighani na sya sa ganda nito. Hindi nga rin sya papansin kahit na sikat sya." sabi ni Koshino habang nakatingin sa babae.
"Kaso mukhang di naman ako magugustuhan nyan. Hindi nga ako napapansin kapag dumadaan ako di tulad ng ibang babae nagtitilian pa kapag nakikita ako sya parang wala lang." malungkot na sabi ni Sendoh.
"Ano bang name nya? Gusto mo ba kausapin ko tapos ibigay natin yang love letter mo. Gawa ka ng gawa di mo naman binibigay." natatawa kong sabi dahil napaka torpe ni Sendoh.
"Nissa ang name nya Satomi. Alam mo di nga yan nanonood ng practice game namin gusto sana namin kausapin kaso baka dedmahin kami." saad ni Koshino.
"Napaka torpe mo Sendoh pero infairness ang ganda nga nya kaso parang may sarili ding mundo parang si Rukawa." sabe ko na hindi maiwasan matawa.
"Alam mo Satomi ngayon lang ako nagkaron ng crush inlove na nga ata ako sa kanya. Mula ng makita ko sya maglaro nabighani ako dahil napaka galing nya at napaka ganda." sagot ni Sendoh.
"Sige akong bahala kakausapin ko yan malakas ka sakin eh hehehe." ngiti kong sabi.
"Talaga? pero wag mo sasabihin na may gusto ako sa kanya pakilala mo lang ako." sabi ni Sendoh habang nakatingin kay Nissa.
"Oo na akong bahala...
Tuwang tuwa si Sendoh ng sinabi kong tutulungan ko sya. Gusto ko rin naman syang maging masaya at magkaron ng girlfriend kaso mukhang mahihirapan sya sa babaeng gusto nya dahil una pa lang mukhang walang pinapansin na lalaki si Nissa.
Pumunta ako sa section nila dahil katapat ng section namin ang section nila. Hindi naman ako nahirapan tawagin siya dahil nasa labas sya ng room. Nilapitan ko sya para kausapin.
"Hi." ngiti kong bati.
"Hello." ngiti din nyang sagot.
Ang ganda naman pala talaga nya lalo na sa malapitan kaya naman pala patay na patay si Sendoh. Mukha rin syang mabait kaso parang lage syang nag iisa.
"Traferee ka tama ba? Ako nga pala si Satomi." pagpapakilala ko.
"Nissa nga pala. Oo transferee ako dito." ngiti nyang sagot.
"Nabalitaan ko kasali ka daw sa volleyball tama ba?...
"Oo kaso natigil ako kasi nainjured ako kaya di na ako nagpatuloy." malungkot nyang sabi...
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sya lage nag iisa. Ang hirap naman ng nangyari sa kanya lalo na kung pangarap mo yung nawala sayo nakakalungkot naman..
"Sayang naman gusto mo ba manood ng basketball. Alam mo may kaibigan ako na basketball player napaka galing nya at sya ang ACE Player ng Ryonan." sabe ko at napangiti sya.
"Yun ba si Akira Sendoh?" tanong nya..
"Paano mo nalaman?..
"Naririnig ko lang marami kasi akong classmate na may gusto sa kanya." sagot ni Nissa.
"Ah hehehe ayaw mo ba manood ng practice game nila? Pwede kitang samahan..
"Salamat Satomi pero ayoko muna. Naalala ko kasi ang nakaraan ko lalo na kapag naririnig ko ang talbog ng bola bumabalik yung sakit na nangyari sa akin...
Napaka sakit naman ng sinapit nya alam kaya ni Sendoh na may nangyari kay Nissa. Mukhang di nya pa alam hay kawawa naman sya.
"Wag kana malungkot Nissa gagaling din ang injured mo at sana makita ko na maglaro ka." ngiti kong sabi.
"Salamat Satomi...
Nagpunta ako sa room nila Sendoh kaso wala sila. Naku nag cutting nanaman ata si Sendoh hinayupak na lalaki yan.
"Si Sendoh ba hinahanap mo?" tanong ni Fukuda.
"Oo nasaan ba sya?..
"Nasa canteen kumakain nagutom daw sya sa turo ng teacher nya hehehe...
"Nagutom? Eh may klase pa sya..
"Hindi daw nya trip yung teacher na yan maingay daw kasi." sagot ni Fukuda.
"Lokong Sendoh talaga yan. Sige Fukuda puntahan ko lang sya...
Pumunta ako sa canteen para puntahan si Sendoh at nakita ko naman sya na kumakain mag isa.
"Ayos hah pakain kain na lang." bungad ko..
"Malamang buti nga di pa tulog tulog eh hahaha...
"Hoy wala ka bang klase ayos ka dito ka talaga naka tambay." panenermon ko.
"Ang ingay kasi ng teacher ko putak ng putak parang manok english subject namin pero nag tatagalog." napapakamot na sabe ni Sendoh..
"Hahaha akala mo naman talaga nakikinig sya by the way nakausap ko si Nissa..
"Talaga anong sabi?" excited na tanong ni Sendoh..
"Na injured pala sya kaya daw ayaw nya manood ng laro nyo dahil naaalala nya yung nakaraan nya. Naawa nga ako kasi mukhang fashion talaga nya ang paglalaro ng volleyball kaso mukhang tumigil na sya." kwento ko at biglang naging seryoso ang mukha ni Sendoh.
Nakita ko sa mukha ni Sendoh ang lungkot ng malaman ang nangyari kay Nissa. Ngayon ko lang nakita si Sendoh na ganito sa babae kaya siguradong gusto nya talaga si Nissa.
"Ganun ba sana wag sya huminto sa pangarap nya dahil gagawin ko lahat para maibalik ang laro nya kahit na magmukha akong tanga basta wag nya isuko ang nasimulan nya." nalulungkot na sabi ni Sendoh..
Hindi ko akalain na kaya rin pala mag seryoso ni Sendoh kasi pag magkasama kami puro kami kalokohan, asaran pero ngayon kitang kita sa kanya ang lungkot at napaka seryoso din ng mukha nya..
"Hayaan mo tutulungan natin sya Sendoh para maibalik ang paglalaro nya. Sabi ko sayo kaibigan kita kaya kung sino mahal mo mahal ko rin." ngiti kong sabi.
"Salamat Satomi ang sarap magkaroon ng kaibigan na katulad mo..
"Gaano kasarap..
"Kasing sarap ng hotdog hahaha..
"Bwesit ka..
Nagtawanan na lang kami dahil ayokong makitang malungkot si Sendoh. Ang totoo nyan parang kapatid na ang turing ko kay Sendoh lage syang nandyan para sa akin syempre ganun din ako sa kanya.
Natapos na ang klase ko kaya excited akong lumabas para makita na si Maki masaya ako dahil magkakasama nanaman kami tapos kasama pa sila Ayako at Sasaki. Nauna ng umuwi si Sendoh dahil magluluto pa daw sya ewan ko kung totoo yun hehehe...