Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 44 - CHAPTER 44

Chapter 44 - CHAPTER 44

Natapos na ang klase ko pero wala pa rin si Maki naisip ko na baka hindi pa tapos ang practice game nila dahil wala parin si Sendoh. Nagpasya na lang akong umuwi sa bahay para tulungan si Mama hindi rin naman kasi ako galang tao aral at bahay lang ako pero ng dumating si Maki nagbago yun dahil nanonood na ako ng mga practice at laban nila para suportahan si Maki pero ngayon ayoko pumunta dahil alam ko naman nandoon si Haydee ayoko makita ang bruhang yun maiinis lang ako.

Iniisip ko parin ang pag alis ni Shacha dahil di ko expected na magpapaalam na sya sa amin sayang lang dahil hindi na namin sya makakasama sa school.

"Satomi." tawag ni Sasaki.

"Sasaki...

"Ako nga hehehe di kita nakilala. Ayaw pa sana kitang tawagin dahil baka magkamali ako ibang iba ka pala kapag naka uniform ang ganda mo hehehe." ngiting sabi ni Sasaki.

"Grabe ka naman mambola ikaw rin nagulat ako dahil nandito ka. Ang pagkakaalam ko malayo ang school ng Shoyo.

"Malayo nga gusto ko kasi manood ng practice game nila Fujima kaso wala akong kasama sila Haruko at Ayako naman nandun na kaya gusto sana kita yayain kung ayos lang sana sayo." nahihiyang sabi ni Sasaki.

"Pauwi na sana ako kaya lang di naman kita matanggihan hehehe. Isa pa gusto ko din makita si Maki kaso sigurado nandun nanaman yung kababata nyang bruha kung maka arte akala mo modelo ubod naman ng kapal ng make up." inis kong sabi.

"Hehehe Ikaw talaga Satomi wag mo na lang sya pansinin. Isa pa mas gusto naman ni Maki na nandun ka kesa sa kanya...

"Talaga ba Sasaki baka binobola mo lang ako para sumama sayo joke lang sasama ako para manood ikaw pa malakas ka sakin hehehe..

"Salamat Satomi..

Umalis na kami ni Sasaki para pumunta sa practice game nila Maki. Masaya ako dahil makakasama ko nanaman sila napaka bait at napaka lambing ni Sasaki kaya siguro gustong gusto sya ni Fujima.

Pagdating namin kitang kita ng dalawang mata ko kung paano harutin ni Haydee si Maki pero wala naman akong pakialam dahil nagpunta naman ako para manood. Naiinis ako kay Maki ayoko itago sa sarili ko na nagseselos ako dahil dyan sa Haydee na yan. Hindi ako mababaw na tao pero badtrip naman ganito ba talaga kapag wala ako lintik sarap manakit kundi ka nga naman talaga ma high blood.

"Hi babe." bati ni Fujima kay Sasaki.

"Hi din babe....

Mabuti pa tong dalawa masaya pero tong Maki na to mukhang masaya kay Haydee hay naku sana di na ako nagpunta kung ito lang makikita ko nakakabanas. Hindi napansin ni Maki ang pag dating namin ni Sasaki dahil busy sya kay Haydee.

Lalabas na sana ako ng tawagin ako ni Sendoh. Napalingon naman si Maki at nagulat dahil nakita nya ako. Akala nya siguro nasa school pa ako kaya di nya inaasahan na pupunta ako.

"Hon hindi ba sabi ko susunduin kita...

"Kahit wag na." sagot ko.

"Kamusta school mo?" tanong ni Maki.

"School parin naman hindi naman yun tumitingin sa iba kasi nag sstay lang yun kung san sya naka tayo gets mo?" irita kong sabi.

"Amoy selos." pang aasar ni Sendoh.

"Sorry na wag kana magalit." malungkot na sabi ni Maki.

Hindi ko alam kung maaawa ba ako pero naiinis kasi talaga ako. Ngayon ko lang naramdaman mag selos badtrip. Ayokong mag away kami ni Maki ng dahil kay Haydee dahil napaka babaw naman nun..

"Ayos na yun galingan mo." yun nalang ang nasabe ko.

"Hindi ka na ba galit sakin? I love you Hon promise gagalingan ko para sayo." ngiting sabi ni Maki saka niyakap ako.

Inis na inis si Haydee sa nakikita nya sa amin ni Maki. Mamatay ka sa selos. Natatawa ako dahil nakikita kong umuusok na sya sa galit sakin well wala naman ako magagawa ako pinili eh..

Natapos ang first half sa score na 40-38. Lamang ang KAINAN at SHOYO ng dalawang puntos. Hindi naman nababahala ang kabilang team dahil dalawang puntos lang naman ang lamang ng Kainan at Shoyo.

"Galingan nyo ang depensa wag nyong hayaan na mapa sa kanila ang bola. Rukawa ikaw ang mag bantay kay Kiyota Ryota kay Fujima Mitsui kay Jin Sendoh kay Maki at Akagi kay Hanagata." paliwanag ni coach Taoka.

"Teka lang bakit di ako kasama." naiinis na sabi ni Sakuragi.

"Secret weapon ka kasi Sakuragi." ngiting sabi ni Sendoh..

"Secret weapon niloloko nyo na lang ako." inis na sabi ni Sakuragi.

"Bakit hindi natin palaruin si Sakuragi coach." suggest na sabi ni Mitsui.

"Sige coach papalitan ako ni Sakuragi." seryosong sabi ni Akagi.

"Sige." sagot ni coach Taoka.

Nagsimula na ang second half at pinasok nga ni coach Taoka si Sakuragi para bantayan ang center na si Hanagata. Hindi naman naging pabigat sa team si Sakuragi dahil maganda ang ipinapakita nito.

"Sakuragi wag mong hayaan makuha ni Hanagata ang rebound." utos ni Mitsui.

"Akong bahala Mitchi." sagot ni Sakuragi.

Hindi nilubayan ni Kiyota si Rukawa ganun din si Sakuragi kay Hanagata. Unti unti naman nabawi ng Ryonan at Shohoku ang lamang ng kainan dahil sa ginawang rebound ni Sakuragi nag tie ang dalawang team pero nababawi agad ni Maki kaya lumamang nanaman ang Shoyo at Kainan sa Ryonan at Shohoku.

"Ibang klase talaga maglaro si Maki." pagod na sabi ni Mitsui.

"Kahit practice game lang to di ko kayo pagbibigyan." sabi ni Maki.

Hindi ko alam kung bakit napaka seryoso ni Maki kapag naglalaro. Nakikita ko sa mukha nya na gusto nya manalo kahit na practice game lang ang ginagawa nila.

"Galingan mo Maki." sigaw ni Haydee

"Sumigaw ka rin Satomi." ngiting utos ni Ayako.

"Ayoko nga. Isipin pa nyan ginagaya ko sya tska di ko gawain mag sisigaw para lang mapansin." sagot ko.

"Sabagay tama ka naman." pag sang ayon nalang ni Ayako.

"Balik na." sigaw ni Fujima.

Limang minuto na lang ang natitira at lamang sila Maki kaya nagmadali si Ryota na ipasa kay Mitsui ang bola. Kumilos na din si Rukawa dahil nababanas na sya sa kayabangan ni Kiyota.

"Ipasa mo sakin...

Ipinasa ni Mitsui ang bola kay Rukawa at nag fade away shot si Rukawa kaya inis na inis si Kiyota dahil hindi nya napigilan si Rukawa.

"Nice." ngiting sabi ni Sendoh saka nakipag apir kay Rukawa.

"Hoy unggoy bakit hinayaan mong maka shoot si Rukawa." naiinis ding sabi ni Sakuragi.

"Ang galing maglaro ni Rukawa hindi ba Haruko." ngiting sabi ni Ayako na parang inaasar sya kay Rukawa.

"Matagal ko naman ng alam yun." sagot ni Haruko.

Malapit na maubos ang oras at lamang parin sila Maki. Hindi naman makahabol sila Sendoh dahil mas matagal na nahawakan ng kabilang team ang bola.

"Sana manalo sila." bulong ni Haruko.

"Cheer mo kasi si Rukawa." nang aasar na sabi ni Ayako.

"Rukawa kaya mo yan galingan mo." sigaw ni Haruko.

"Naks naman Rukawa." ngiting sabi naman ni Sendoh.

Napatingin naman si Rukawa kay Haruko kaya nakuha ni Rukawa ang bola kay Jin. Hindi ko alam kung si Haruko ba ang naging dahilan kung bakit nagawa yun ni Rukawa. Naishoot ni Rukawa ang bola kaya ngumiti si Haruko sa kanya tinitigan naman ni Rukawa si Haruko.

"Ang galing mo Rukawa." sigaw ni Haruko.

"Salamat." sagot ni Rukawa.

"Nakakainis na nagpapasikat nanaman." inis na sabi ni Sakuragi.

"Sakuragi vs Rukawa sino kaya mananalo sa puso ni Haruko hahaha." natatawang sabi ni Sendoh.

"Rukawa na yan wala naman sinabi tong isa eh." sagot ni Kiyota sabay turo kay Sakuragi.

Kitang kita kay Rukawa kung paano nya titigan si Haruko. Ewan ko pero parang gusto din naman nya si Haruko kaso di nya yun pinapakita napaka galing mag tago ng feelings si Rukawa dahil hindi mo mababasa sa mukha nya kung may gusto ba sya o wala.

"Siguro kaya naishoot ni Rukawa ang bola dahil kay Haruko." sabi ni Sasaki sabay tawa.

"Magaling naman talaga sya maglaro ng basketball kaya masho-shoot nya yun." namumulang sabe ni Haruko.

"Naishoot nya yun dahil sayo Haruko. Hindi mo kasi nakita kung paano tumingin sayo si Rukawa nakayuko ka kasi." sabe ko na hindi rin maiwasan tumawa.