"Maki patawarin mo ako." nagsusumamong sabi ni Haydee.
"Totoo ba yung sinabi ni Ayako sinabihan mo si Satomi ng ganun?" galet na tanong ni Maki.
"Nagawa ko lang naman yun dahil nagseselos ako. Hindi ba tayong dalawa lage magkasama sa america tapos ngayon dumating yang Satomi na yan." inis na sabi ni Haydee.
"Wala kang karapatan sabihin sa babaeng mahal ko yun. Magkaibigan tayo Haydee pero kung aawayin mo si Satomi magagalit ako sayo." sabi ni Maki.
"Sige magiging mabait na ako sa kanya Maki wag ka lang magalit sakin." sabe nya saka hinawakan si Maki.
"Okay pero mag sorry ka sa ginawa mo sa kanila." utos na sabi ni Maki.
Sumama si Maki at ang team kay Haydee para magsorry ito sa amin nila Ayako. Sa totoo lang di ako naniniwala sa kanya na magiging mabait sya sa amin lalo na siguro sa akin dahil alam kung gusto nya si Maki thankful ako dahil napaka loyal ni Maki sa akin.
"Sorry sa inyong apat hindi na yun mauulit." nakayukong sabi ni Haydee.
Hindi kaming apat sumagot dahil alam namin na hindi sincere ang sorry nya. Ginagawa nya lang yun dahil nakatingin si Maki at ang team sa kanya. Hindi ko talaga sya feel dahil ang sama ng ugali nya at napaka sinungaling pa kaya pala hindi sya nagustuhan ni Maki.
"Okay bati bati na lang hehehe." ngiting sabe nalang ni Sakuragi dahil walang nagsasalita sa aming apat.
"Tama isulong ang world peace." sigaw ni Sendoh.
"Ayoko ng maulit pa to Haydee." seryosong sabi ni Maki.
"Oo promise Maki." sagot ni Haydee na peke ang ngiti sa amin.
"Saan ka pala matutulog babe?" tanong ni Fujima kay Sasaki.
"Sa guest room kasama sila Satomi." ngiting sagot naman ni Sasaki.
"Maki pwede bang dito na lang din ako matulog gabi na rin kasi kung uuwi pa ako." naglalambing na sabi ni Haydee kay Maki.
Ewan ko pero tinalo nya pa ako kung umasta sya para sya ang girlfriend ni Maki sabagay di pa naman talaga official na girlfriend ako ni Maki.
"Sige." sagot ni Maki na parang napilitan pa.
Tinawag na kami ng Mama ni Maki para kumain. Hindi natulog ang Mama ko dahil di sya sanay matulog sa ibang bahay kaya hinatid na lang sya ng driver samin. Naiwan ako kasama sila Ayako at ang team kaya kampante naman ang Mama ko.
Mauupo na sana ako ng maupo si Haydee sa tabi ni Maki nag tinginan na lang kami nila Ayako at Sasaki dahil grabe sya kung dumikit kay Maki. Hindi naman ito napansin ni Maki dahil kausap nya ang team kaya wala akong nagawa kundi maupo na lang sa ibang pwesto bwesit kasi si bruha napaka epal...
"Haydee naglalaro ka rin ba ng basketball?" tanong ni Fukuda.
"Hindi eh pero nanonood ako ng mga laban ni Maki di ba hehehe." ngiting sabi nito kay Maki.
"Oo." tipid na sagot ni Maki.
"May boyfriend ka na ba Haydee?" tanong ni Mitsui.
"Break na kami." sagot ni Haydee.
"Ow sorry." mahinang sabe ni Mitsui.
"Ayos lang yun Mitsui nandito naman si Maki para sa akin di ba Maki." ngiting sabi ni Haydee.
"Satomi bakit ka nandyan?" tanong ni Sendoh ng makita ako malayo kay Maki.
"Hon dito ka sa tabi ko bakit dyan ka naupo?" takang tanong naman ni Maki sakin.
"Dami kasing bangaw nakikisingit sa upuan ng may upuan." inis kong sabi.
"Hahaha dami ba? Hindi ba isa lang yun hehehe." nang aasar na sabi ni Sendoh sabay tingin kay Haydee.
"Loko ka talaga Sendoh." napapangiti nalang si Fujima dahil alam nito kung sino ang tinutukoy namin ni Sendoh.
Nakahalata naman si Haydee na parang sya ang tinutukoy ni Sendoh kaya inis na inis ito kay Sendoh. Lumapit si Maki sa akin para tumabi at iniwan si Haydee sa upuan. Kumindat naman sakin si Sendoh at alam ko kung ano ang gusto ipahiwatig ni Sendoh kaya nya yun ginawa bestfriend talaga kami..
"Ayos ka lang ba Hon?" tanong ni Maki.
"Ayos lang nandito kana eh." ngiti kong sabi para lalong magselos si bruha.
"Nga pala bukas na ang practice game natin sabi ni coach hindi kasi naituloy yung practice natin nung nakaraan." sabe ni Fujima kay Maki.
"Okay maaga na lang bukas walang malalate." utos ni Maki sa team.
"Hindi ako makakapanood ng practice mo may pasok ako." sabi ko kay Maki kahit gustong gusto ko manood.
"Ayos lang yun Hon basta kapag natapos ang practice susunduin kita...
"Pwede ba akong manood ng practice game nyo?" tanong ni Haydee.
"Oo naman." sagot ni Maki.
"Manood ka rin Satomi para ganahan si Maki." ngiting sabi ni Kiyota.
"May pasok kasi ako pero try ko humabol." sabe ko nalang.
Pagkatapos namin kumain nagtungo na kami nila Ayako at Sasaki sa kwarto. Kasama naman ni Haruko ang kuya nyang si Akagi kaya kaming tatlo lang ang nasa guest room. Masaya ako dahil sila ang kasama ko balak pa sana ni Maki itabi samin si Haydee para daw maging close namin pero si Haydee na mismo ang tumangg. Mabuti na lang dahil ayaw rin naman namin syang makasama.