Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 40 - CHAPTER 40

Chapter 40 - CHAPTER 40

Nakarating kami sa bahay nila Maki at nagulat ang lahat ng makita si Haydee na kasama namin. Ayoko sana sumama sya kaso wala naman akong karapatan pigilan sya dahil gusto niya makita ang parents ni Maki.

"Wow ang ganda naman nun sino yun." bulong ni Mitsui kay Sendoh.

"Ewan ko baka anak nila hahaha." sagot ni Sendoh sabay tawa.

"Ang laki naman ng pwet niya." puna ni Kiyota.

"Ang kapal din ng make up." puna ring sabi ni Ryota.

"Maganda naman." ngiting sabi ni Mitsui habang nakatingin kay Haydee.

"Mga ganyan ba type mo Mitsui?" tanong ni Rukawa.

"Depende kung magaling hehehe." malokong sagot ni Mitsui.

"Ang bastos mo talaga Mitsui kaya wala kang girlfriend eh." anas na sabi ni Ryota.

"Pero sino kaya sya? kung maka dikit kasi sya kay captain parang di niya nakikita si Satomi." wika naman ni Jin.

Masaya ang Mama ni Maki na makita si Haydee at hindi naman makapaniwala ang Papa ni Maki na mag aaral ito sa school ng KAINAN.

"Lalo kang gumanda iha." pagpuri ng Mama ni Maki kay Haydee.

"Salamat tita namiss ko po kayo. Hindi na ako babalik sa states dahil gusto ko magkasama kami ni Maki." ngiting sabi naman ni Haydee.

"Sigurado kana ba na sa school nila Maki ka mag aaral? seryosong tanong ng Papa ni Maki.

"Opo tito at alam kong masaya din si Maki na magkasama kami." sabe ni Haydee sabay tingin kay Maki.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nag uusap ganun din sila Sendoh at ang buong team. Ewan ko pero parang walang gagawing mabuti tong babaeng to.

"Tama ba narinig ko sa KAINAN sya papasok." sabe ni Fujima sa team.

"Pustahan tayo type nyan si Maki." napapangiting sabi ni Sendoh.

"Pupusta rin ako." sagot ni Sakuragi.

"Maganda sana sya kaya lang ang kapal ng make up nya." singit ni Fukuda sa usapan.

"Mas maganda parin si Satomi dyan." singit din ni Koshino na hindi sinang ayunan ang sinabe ni Fukuda.

"Mas maganda si Ayako." ngiting sabi ni Ryota.

"Mas maganda si Sasaki sa lahat." bida naman ni Fujima sa girlfriend nya.

"Wala silang sinabi sa ganda ni Haruko wahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Hay naku." buntong hininga nalang ni Rukawa.

"Wag kayong ganyan may nagseselos." pagpaparinig ni Sendoh kay Rukawa.

"Sino naman." tanong ni Mitsui.

"Si Rukawa." nang aasar na sabi ni Sendoh.

Pinakilala naman ni Maki sa team ang kababata niya.

"Haydee mga teammates ko nga pala." pagpapakilala ni Maki.

"Hi sa inyo. Ako nga pala si Haydee kababata ni Maki." ngiting sabi ni bruha..

"Hisashi Mitsui pinaka gwapo sa team." pagyayabang na sabi ni Mitsui.

"Akira Sendoh pinaka cute sa team hehehe...

"Hanamichi Sakuragi pinaka magaling sa team hahaha

"Miyagi Ryota pinaka mabait sa team...

"Toru Hanagata...

"Grabe ang tipid naman Hanagata." pang aasar ni Kiyota.

"Kaede Rukawa nasa akin lahat ng meron sila..

"Ay gahaman nilahat hahaha." natatawang sabi ni Sendoh..

"Kenji Fujima yun lang din hehehe...

"Nobunaga Kiyota ang super rookie ng KAINAN

"Soichiro Jin po..

"Kicchou Fukuda nice meeting you..

"Hiroaki Koshino pleasure to meet you..

"Takenori Akagi..

"Jun Uozumi..

"Mamaya na kita ipapakilala kanila Ayako nasa loob pa kasi sila." sabi ni Maki kay Haydee.

"Ibig sabihin may babae pa dito maliban sa kanya?" tanong ni Haydee sabay turo sa akin na parang di ako kilala.

Inis talaga ako sa kanya. Nagulat naman sila Sendoh sa sinabi ni Haydee dahil parang hindi ito masaya na may mga babaeng kasama sa bahay nila Maki.