Paglabas nila Ayako, Sasaki at Haruko pinakilala ko sila kay Haydee dahil yun ang gusto ni Maki. Alam kong ayaw niya samin dahil hindi naman sya ganito kanila Sendoh kanina. Masaya pa nga siya dahil nakilala niya ang team pero sila Ayako alam kong ayaw nya makilala galit ata siya sa magagandang katulad namin.
"Sa KAINAN din ba kayo nag aaral?" pagtataray na tanong ni bruha.
"Si Sasaki sa SHOYO nag aaral kaming dalawa naman ni Haruko sa SHOHOKU at si Satomi sa RYONAN." sagot ni Ayako.
"So bakit kayo nandito sa bahay nila Maki?" inis nyang tanong kanila Ayako.
Hindi na ako nakatiis at nagsalita na ako dahil diko gusto ang tanong nya. Kung tutuusin sya ang hindi invited dito nakikisawsaw pa nakakairita.
"Dahil inimbitahan kami ng Mama ni Maki." sabe ko habang nakataas ang isang kilay.
"Lahat kayo? Hindi rin makapal ang mukha nyo sinasamantala nyo ang kabaitan ni Maki at ang parents nya." inis na sabi nito samin.
"Ang sakit mo naman magsalita hindi mo kami kilala miss para pagsalitaan mo kami ng ganyan." naiinis na ding sabi ni Sasaki.
"Ikaw bruha ka este ikaw babae ka ano bang pakialam mo? Kung tutuusin ikaw dapat ang wala dito kasi hindi ka naman invited. Isa pa hindi namin sinasamantala ang kabaitan ni Maki at lalo ng parents nya." mataray at madiin kong sabe para tumagos sa lalamunan nya.
"Alam mo di kayo bagay ni Maki at hindi ko alam kung ano nagustuhan nya sayo pananamit mo pa lang napaka cheap na. Ito lang sasabihin ko sa inyo ayoko kayo maging kaibigan lalo kanang babae ka." sabe nito sabay turo sakin.
"Ayaw ka rin naman namin maging kaibigan. Isa pa cheap man si Satomi atleast sya mahal ni Maki eh Ikaw mahal ka ba? Hindi mo kilala ang taong binabangga mo." pagtatanggol ni Ayako sakin.
Natuwa ako kay Ayako dahil palaban syang tao. Alam kong palaban din si Sasaki at Haruko pero ayaw nila ng gulo kaya mas minabuti nilang tumahimik na lang pero si Ayako walang inuurungan parang ako sya. Hindi naman nagsalita si Haydee at pumunta sya sa grupo ni Maki para mag sumbong at wala naman kaming pakialam kung mag sumbong sya dahil mas kilala kami ni Maki at ng team kesa sa kanya.
"Gusto ko ng umuwi Maki." umiiyak na sabi ni Haydee.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Hanagata.
"Inaway kasi nila ako. Hindi naman ako welcome dito Maki." nagda-dramang sabe nito.
"Sinong umaway sayo?" tanong ni Maki.
"Yung apat na babae ayaw nila sakin Maki. Gusto ko lang naman makipag kaibigan pero sabi nila umalis daw ako dito dahil di ako invited." sagot ni Haydee habang umiiyak.
Parang di naman makapaniwala ang team at si Maki sa sinabi ni Haydee. Nakatingin lang sila Sendoh sa kanya ganun din si Fujima at Ryota.
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." seryosong sabi ni Rukawa.
"Hindi ko naman sinabing maniwala ka sakin dahil wala akong pakialam sayo kay Maki ako nagsusumbong." inis na sabi ni Haydee.
Gulat na gulat sila sa sinabi ni Haydee maging sila Uozumi at Akagi nagulat sa inasal nito.
"Hindi rin kasi ako naniniwala sayo pasensya na dahil kilala ko ugali ng girlfriend ko." sabe naman ni Fujima.
"Ako rin kilala kong mabait si Haruko kaya imposible yang sinasabi mo." saad naman ni Sakuragi.
"Maki kanino ka ba maniniwala sa akin o sa kanila ako ang inapi dito pati ba naman teammates mo pinagtutulungan ako." naiiyak na sabi ni Haydee.
"Kilala ko si Satomi dahil bestfriend kami since elementary. Hindi sya makikipag away kung wala kang ginawa sa kanya hindi sa kinakampihan ko sila kaso totoong tao yang si Satomi." sabe ni Sendoh na hindi naniniwala kay Haydee.
Nakatingin lang si Maki kay Haydee kung maniniwala ba sya dito o hindi. Ayaw nyang may nag aaway lalo na nasa loob kami ng bahay nila.
"Tawagin mo nga silang apat." utos ni Maki kay Kiyota.
Tinawag nga ni Kiyota kami dahil gusto niya marinig ang side naming apat. Yun naman ang kinaganda sa ugali ni Maki hindi sya one sided na tao.
"Bakit Maki may kailangan ka ba samin?" tanong ko kahit alam ko na kung bakit nya kami pinatawag.
"Nagsusumbong si Haydee inaapi nyo daw sya totoo ba?" tanong ni Maki samin.
"Kami nang aapi? Nakakatawa naman ikaw nga nagsabi na cheap si Satomi at sinabihan mo rin kami na sinasamantala namin kabaitan ni Maki at ng parents nya." kwento ni Ayako at nagulat naman ang team.
"Totoo ba yun Haydee?" galit na tanong ni Maki.
Hindi makapag salita si Haydee dahil pahiyang pahiya sya lalo na nakatingin ang buong team sa kanya. Ayaw nyang magalit si Maki sa kanya kaya gumawa nanaman ng paraan ang bruha.
"Wala akong sinasabing ganyan." sagot ni Haydee.
"Napaka sinungaling mo pala." naiinis na sabi ni Sasaki.
"Totoo lahat ng sinabi ni Ayako ayaw kaming maging kaibigan ni Haydee at tinawag din nyang cheap si Satomi tapos sinabi din nya na hindi kayo bagay Maki." sabat ni Haruko na hindi na rin nakatiis dahil sa ugali ni Haydee.
"Maniwala ka sakin Maki gumagawa lang sila ng kwento dahil ayaw nila sakin." sabe ni Haydee at hinawakan ang kamay ni Maki.
"Ayoko ng away dito Haydee pero kung aawayin mo sila Satomi magagalit ako sayo. Kilala mo ako kung paano ako magalit." seryosong sabi ni Maki.
Natuwa naman ako dahil kami parin ang pinaniwalaan ni Maki kesa sa kababata nya. Umalis si Maki kasama ang team at hinabol ni Haydee para kausapin si Maki. Nakangiti naman kami nila Ayako kaya inis na inis si bruha sa amin dahil ni isa walang kumampi sa kanya.