Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 39 - CHAPTER 39

Chapter 39 - CHAPTER 39

"Alis muna tayo." seryosong sabi nito.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Mag dadate tayo dahil hindi pa kita nadate ni minsan...

Hindi na lang ako nagsalita at sumama na lang kay Maki. Sumakay kami sa sasakyan at hindi ko akalain na marunong pala syang mag drive.

"Inlove ka nanaman sakin hehehe..

"Ang kapal mo! napatingin lang eh." nakasimangot kong sabi.

Pumunta kami sa isang sikat na restaurant. Akalain mong galante pala ang Maki na to sabagay hindi na nga naman nakakapagtaka mayaman sila eh hehehe.

"Maki...

Napalingon kaming dalawa ni Maki sa babaeng tumawag sa kanya. Napaka ganda nito at napaka sexy para akong nanliliit sa ganda niya. Kaibigan kaya sya ni Maki sino kaya sya?

"Haydee ano ginagawa mo rito? Hindi ba nasa states ka?"nagtatakang tanong ni Maki.

"I just want to see you. Nabalitaan ko kay tita na nandito kana daw kaya pumunta ako para makita ka." ngiting sabi nito saka nakipag beso beso kay Maki.

"Masaya ako nandito kana by the way meet my wife Satomi Takara." pagpapakilala ni Maki sakin.

"Wife? are you joking? Nung umalis ka sa america wala kang girlfriend tapos sasabihin mo sakin may asawa kana." irita nitong sabe na parang ayaw sakin.

Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babaeng to nakakainis sya parang hindi sya masaya na nalaman na may asawa na si Maki. Hindi ako bobo para di mahulaan na gusto nya si Maki pwes sorry kana lang dahil akin na sya...

"Hindi ako nagbibiro Haydee. Oo tama ka wala akong girlfriend ng umalis ako sa america pero nung nag aral ako dito sa japan nakilala ko si Satomi ang babaeng mahal na mahal ko." ngiting sabi ni Maki.

"Buti nga sayo." inis kong sabi sa isip ko.

"Whatever." inis nitong sabi habang masama ang tingin sakin.

"Sino ba sya Maki?" pagtataray kong tanong dahil hindi ko sya uurungan. Mas maldita ako sayo girl.

"Siya si Haydee Kitamura kababata ko. Hindi ko siya naikwento sayo kasi laking states yan hehehe." pang aasar ni Maki kay Haydee.

"Maki I'm hungry na pwede bang sabay tayong kumain." naglalambing nitong sabi.

Sarap sabunutan ng babaeng to kundi ko lang kasama si Maki nasapak ko na to napaka arte. Ang ganda nga ubod naman ng arte.

"Sige sabay sabay na tayong tatlo kumain." ngiting sabi ni Maki.

Naupo kami ni Maki ng magkatabi kaya inis na inis nanaman si bruha. Gusto ko siyang tawaging bruha dahil maarte sya.

"Maki nag transfer ako sa school mo dahil gusto ko dito na mag aral kasama mo." sabi ni Haydee 

"Talaga? Magandang balita yan bakit ayaw mo na sa states? tanong ni Maki.

Sarap hambalusin ni Maki sa totoo lang anong masaya dun magkasama sila sa school bwesit. Umuwi uwi pa kasi tong babaeng to hindi kana lang nag stay sa states.

"Kasi gusto ko makasama ka. Isa pa namiss talaga kita." sagot ni Haydee na nakataas ang kilay nito at nakatingin sa akin.

"May boyfriend kana ba?" tanong ko

"Break na kami." sagot nito.

"I see." nakakalokong sabe ko.

Hindi na ako magtataka kung iniwan sya ng boyfriend niya ang arte niya kasi. Isa pa ayoko sa kanya kung makayapos siya kay Maki parang wala ako sa harap niya.

"Anong ibig mo sabihin sa sinabi mong I see?" galit nitong tanong.

"Wala naman akong ibig sabihin dun pero kung defensive ka nasasayo na yun hehehe." nang aasar kong sabi sa kanya dahil di ko sya gusto.

"Umayos ka ng pananalita mo sakin dahil kahit nandito si Maki di kita uurungan." pagtataray ni Haydee na masama ang tingin sakin.

"Okay tama na. Wag na kayong mag away kain na lang tayo." pag awat ni Maki.

Maling tao inaway mo girl dahil di rin kita uurungan. Mabait ako sa mabait sakin pero maldita ako sa mga taong maldita rin sakin. Wala akong pakialam kahit kaharap pa si Maki dahil di ako plastic na tao at alam yun ni Maki.

Pagkatapos namin kumain sumama si bruha sa amin ni Maki para makita si tita ang Mama ni Maki. Inis na inis ako sa kanya dahil wala syang ginawa kundi dumikit ng dumikit kay Maki., mabuti na lang hindi tinatanggal ni Maki ang kamay ko sa kamay niya.