Hindi pa kami umalis ni Maki sa hospital dahil ayaw pa nyang umuwi. Nauna naman ang team para pumunta sa bahay nila Maki pero napagpaiwan sila Rukawa Hanagata at Sendoh.
"Nakaka antok." sabi ni Hanagata.
"Sinabi mo pa." sang ayon ni Sendoh.
Hindi naman nagsasalita si Rukawa kahit na kasama nya sila Hanagata at Sendoh sabagay snob nga pala si Rukawa. Dalawa lang kami ni Maki sa loob ng kwarto dahil di na dumating ang Mama ni Maki.
"Hon tabihan mo ko." paglalambing ni Maki.
"Ayoko baka mamaya may gawin ka pa sakin mahirap na napaka bilis mo pa naman." sabe ko dahil kilala ko si Maki.
"Hehehe wala naman akong gagawin sayo promise. Gusto lang kita yakapin habang kausap namiss kasi kita...
Lumapit ako kay Maki dahil sa totoo lang namiss ko din sya ng sobra. Ang laki ng pinag bago ko ng dumating si Maki sa buhay ko feeling ko naging mabait akong tao dahil sa kanya.
"Pakasal na tayo Hon." bulong ni Maki habang yakap niya ako sa likod at nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.
"Pero paano yung pag aaral natin?" tanong ko.
"Hindi naman natin pababayaan ang pag aaral natin pati ang pag ba-basketball ko. Gusto ko lang kasi maging akin ka na pwede naman tayo mag aral kahit kasal na...
"Wala naman problema sakin yun Maki dahil gusto rin kitang makasama habang buhay..
"Sweet naman. Ang sarap sarap marinig yan mula sayo Hon. Hindi ko akalain na magmamahal ako kasi wala akong ibang inisip kundi basketball at ang team pero ng dumating ka sa buhay ko ikaw na yung naging top priority ko at secondary na lang sila. Mahal na mahal kita Satomi ko..
"Lage mo kong pinapakilig Maki. Hindi ko nga rin expect na magmamahal ako ng isang basketball player dahil nung una pa lang ayoko sa mga player na tulad nyo. Akala ko mga manloloko kayo pero nagkamali ako dahil pinatunayan mo sakin na hindi lahat ng tao manloloko. Mahal na mahal din kita Maki ko...
"Hon na lang pwede? kailangan talaga pangalan ko pa. Masaya akong dumating ka sa buhay ko nawala man ang kapatid ko binigay ka naman ni God sakin. Pangako araw araw kitang pakikiligin at mamahalin dahil di ako papayag na makita kang malungkot.,..
"Nakakainis ka hehehe ang sweet mo wala na akong masabi kundi I love you...
Seryosong hinarap ako ni Maki sa kanya at tinitigan ako bakit ganun kahit may sugat siya ang gwapo parin niya. Nagulat ako ng hawakan ni Maki ang mukha ko saka ako siniil ng halik napaka sarap ng halik nya hindi ako tumutol sa ginawa niya basta pinabayaan ko lang siyang halikan ako at gumanti rin ako. Napaka init ng halik niya ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya sa akin.
"Maki." bulong ko.
"Sshhh hayaan mo lang ako...
Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Napaka tagal akong halikan ni Maki. Ganito pala ang first kiss napaka sarap pala ng unang halik at hindi ko rin akalain na napaka galing ni Maki humalik.
"Ehem." bungad ni Sendoh Rukawa at Hanagata.
"Anong ginagawa nyo dito? Akala ko ba umalis na kayo." sabi ni Maki sa tatlo.
"Maganda kasi atmosphere dito." sagot ni Sendoh.
"Feeling ko nga rin." sang ayon ni Hanagata.
"Lalabas kayo o sasapakin ko kayo isa isa." inis na sabi ni Maki.
"Bakit kasama ako. Ayoko maupo sa labas mas gusto ko dito sa loob aircon." sagot ni Rukawa.
"Hahaha oo nga noh! mas masarap maupo dito malamig hehehe." nang aasar na sabi ni Sendoh.
"Ituloy nyo lang Maki nakapikit naman kami." ngiting sabi ni Hanagata.
"Ako naka dilat." sagot ni Rukawa.
Natatawa ako sa kanila dahil inaasar nila si Maki inis na inis naman si Maki dahil naudlot nanaman yung halik naming dalawa. Hindi ko akalain na may sayad din pala si Rukawa lakas maka impluwensya ni Sendoh hehehe..
"Lumabas kayo kung ayaw nyong sipain ko kayo." utos ni Maki.
"Grabe parang may sakit ako Hanagata checked mo nga." natatawang sabi ni Sendoh kay Hanagata sabay kindat nito kunwari totoo.
"Naku mainit ka nga Sendoh kailangan mo mag stay dito." sagot naman ni Hanagata.
"Sabi sayo Maki kailangan dito muna ako hehehe." ngiting sabi ni Sendoh.
"Labas." sigaw ni Maki.
"Ayoko." sagot ni Rukawa.
"Mag silayas kayo dito., ako ang may sakit at kailangan akong alagaan ni Satomi." naiiritang sabi ni Maki.
Imbes na matakot sila kay Maki nahiga pa si Rukawa at sumandal naman si Sendoh dito., mga loko loko talaga ang lakas ng trip kaya si Maki sobrang inis na inis na.
"Tuloy niyo na kasi naka pikit naman ako bukas nga lang yung isang mata." pang aasar ni Sendoh.
"Gisingin mo na lang ako Maki." sabi ni Rukawa sabay pikit
Tawa ng tawa si Hanagata kay Sendoh at Rukawa pareho kasing may sayad ang utak. Hindi na lang sumagot si Maki pero kitang kita sa kanya ang inis Napaka kulit kasi ni Sendoh sinakyan naman ni Rukawa at Hanagata hehehe..
"Hayaan mo na." ngiti kong sabi.
"Minsan na nga lang kita masolo may mga asungot pa." inis na sabi ni Maki.
"Wag maingay." sabe ni Rukawa kahit nakapikit ang mata.
Ewan ko ba simpleng salita ni Rukawa pero matatawa ka sa kanya seryoso pa sya nyan paano pa kaya kapag nabaliw din yan katulad ni Sendoh baka mas malala pa hehehe.