Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 37 - CHAPTER 37

Chapter 37 - CHAPTER 37

Halos lahat ng team nasa bahay nila Maki maliban sa tatlo sila Rukawa, Sendoh at Hanagata. Nagpasya si Maki na sabay sabay na kaming pumunta sa bahay nila kaya heto kami ngayon magkakasama.

Hindi ko akalain na magiging close agad ni Sendoh si Rukawa. May pagka sayad din pala utak ni Rukawa pero tipid kung mag salita.

"Nagugutom kana ba?" tanong ni Maki sakin.

"Kami nagugutom." sagot ng tatlo.

"Hindi ko kayo tinatanong." naiinis na sabi ni Maki.

"Busog naman ako." sabe na hindi maiwasan matawa sa tatlo.

"Hindi nga yan kumakain Maki. Mula ng dinala ka sa hospital nag tubig lang yan. Iyak yan ng iyak parang bata wag mo daw siya iiwan. Sinampal pa nga niya ako grabe muntik na akong tumalsik sa lakas ng sampal niya." pagsusumbong ni Sendoh..

"Talaga Hon? Wag mo ng uulitin yun ha ayokong magkasakit ka ng dahil sakin. Kapag nangako ako sayo na di kita iiwan gagawin ko yun tandaan mo yan." seryosong sabi ni Maki.

"Wag ka maniwala dyan kay Sendoh dagdag bawas kwento nyan." inis kong sabi.

Pag dating namin sa bahay nila Maki nakita ko si Haruko at Sakuragi na nag aasaran bigla naman nagbago ang mood ni Rukawa at napansin yun ni Sendoh.

"Lolo ayos ka na ba." tanong ni Sakuragi.

"Oo. Kumain na ba kayo? Kain na tayo gutom na tong tatlo." ngiting sabi ni Maki

"Rukawa." tawag ni Sendoh.

"Bakit?" tanong ni Rukawa

"May pinapasabi si Haruko sayo." nakakalokong sabi ni Sendoh.

"Ano pinapasabi nya?" takang tanong naman ni Rukawa.

"Sabi nya ang gwapo mo daw hehehe." ngiting sabi ni Sendoh.

"Gung-gung." sagot ni Rukawa sabay alis.

Hindi ko alam kung anong trip ni Sendoh bakit niya inaasar si Rukawa kay Haruko pero kung ako ang tatanungin bagay nga sila ni Rukawa.

Unang una ng naupo si Mitsui sa lamesa kasama si Kiyota at Ryota. Hindi naman mapaghiwalay sila Sasaki at Fujima ang ganda tuloy nilang tignan para silang high school sweetheart. Ewan ko pero natutuwa ako sa kanilang dalawa halata kasi na mahal na mahal ni Fujima si Sasaki ganun din naman si Sasaki kay Fujima.

"Tita napaka sarap nyo pong magluto baka makalimutan ko na ang pangalan ko sa sobrang sarap." pambobola ni Mitsui sa Mama ni Maki.

"Ang sweet naman ng batang to kumain ka lang iho lahat yan para sa inyo." saad ng Mama ni Maki.

"Salamat po sa masarap na pagkain tita." nahihiyang sabi ni Fujima.

"Pwede ba kami araw araw dito tita whahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Hoy mahiya ka nga hindi ka naman taga KAINAN." sabi ni Ryota at siniko si Sakuragi.

"Ayos lang kahit araw araw kayong nandito sa bahay." natutuwang sabe ng Mama ni Maki.

Natuwa naman si Maki kay Sakuragi dahil napaka totoong tao nito. Napaka saya nilang tignan lalo na kapag kumakain hindi maawat na kwentuhan at kalokohan sobrang saya talaga.

"Alam niyo tita strict na captain po si Maki lage po akong pinapagalitan." pagsusumbong ni Kiyota.

"Maki totoo ba? Bakit mo naman pinapagalitan si Kiyota." tanong nito kay Maki.

"Ginagantihan ka Maki dahil sa Truth or Dare." bulong ni Sendoh.

"Mamaya yan sakin." sabe ni Maki habang nakangiti.

"Napaka gwapo nyo palang lahat." sabi ng Mama ko habang nakatingin sa team.

"Tita maliit na bagay." mayabang na sabi ni Sakuragi.

"Hindi ka kasali dun gung-gung." pang aasar ni Rukawa at nainis naman si Sakuragi.

"Sino pala ang pinaka matanda sa inyo?" tanong ng papa ni Maki.

"Si Gori po." sagot ni Sakuragi na hindi maiwasan tumawa.

"Alam ko si Uozumi." sagot naman ni Sendoh.

"Mali kayong lahat pinaka matanda si Maki." sagot ni Kiyota.

"Kanina ka pa tinitira Maki oh hahaha." natatawang sabi ni Fujima.

"Hayaan mo lang sya may kalalagyan yan." ngiting sabi ni Maki.

"Ikaw si Ayako di ba iha?" tanong ng Mama ni Maki.

"Opo ako po si Ayako." nahihiyang tugon ni Ayako.

"May mga boyfriend na ba kayong tatlo?" tanong naman ng papa ni Maki.

"Si Sasaki lang po ang may boyfriend kaming dalawa ni Haruko wala pa po." sabi ni Ayako sabay iwas ng tingin kay Miyagi.

"Bakit wala napaka gaganda nyo...

"Torpe kasi yung iba dito tito katulad ng katabi ko." sabay turo ni Mitsui kay Ryota.

"Ako nanaman ang nakita mo torpe din naman si Hanamichi." sabe ni Miyagi sabay turo kay Sakuragi

"Nagturuan pa kayo pare pareho lang kayo." sabat ni Rukawa.

"Bakit di ka ba torpe Rukawa?" tanong ni Sendoh.

"Ewan ko." tipid na sagot ni Rukawa.

"Hahaha edi torpe ka din." wika ni Miyagi.

"Mabuhay ang mga torpe except sakin." sigaw ni Sendoh sabay tawa.

"Weh di ka torpe? Kaya pala may love letter ka di mo mabigay sa babaeng gusto mo." singit ni Koshino sa usapan.

"Ano ka ngayon Sendoh." natatawang sabi ni Mitsui.

"Di ba secret lang natin yun." bulong ni Sendoh kay Koshino.

Natatawa ang pamilya ni Maki at si Mama sa kanila dahil para silang bata. Tahimik lang si Uozumi at Akagi na may sariling mundo hindi naman maawat ang asaran dahil sa sinabi ni Koshino kay Sendoh.