Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 35 - CHAPTER 35

Chapter 35 - CHAPTER 35

MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO

Hindi parin gumigising si Maki kaya sobra kaming nalulungkot at nasasaktan. Alam kong lalaban sya pero bakit ganun ang tagal gusto ko na gumising siya.

"Kamusta na si Maki." tanong ni coach Takato

Araw araw dumadalaw sila coach Taoka at coach Takato si coach Anzai naman tatlong araw sa isang linggo dahil hindi sya pwede mag byhe ng malayo.

"Hindi pa siya nagigising coach." sagot ni Kiyota..

"Magigising din sya wag kayo mawalan ng pag asa. Malakas na tao yan si Maki." seryosong sabi ni coach Takato.

"Maki please gumising kana. Ang dami mong bisita nandito din sila coach please gumising ka na di ko na kaya na makita kang nakahiga dyan please...

"Satomi gumalaw ang kamay ni Maki." sabe ni Sendoh..

Tinawag agad namin si Doc dahil baka okay na si Maki. Hindi ako nawawalan ng pag asa dahil alam kong lalaban si Maki para sa akin. Tinignan ni Doc ang kalagayan ni Maki at ngumiti ito sa amin..

"Stable na si Maki masaya ako dahil lumaban ang kaibigan nyo." ngiting sabi ni Doc..

Halos magtatalon kami sa tuwa dahil sa binalita ni Doc. Napaka saya ko dahil sa wakas okay na si Maki napaka bait mo lord dahil di mo siya kinuha sa akin.

Unti unting dumilat si Maki kaya lumapit ang buong team sa kanya ganun din sila coach. Masaya na ako dahil gising na sya...

"Captain." sigaw ni Kiyota sabay yakap kay Maki..

"Ano laro na tayo." ngiting sabi naman ni Sendoh..

"Mama nasaan ang asawa ko." tanong ni Maki.

"Wow asawa hahaha." natatawang sabi ni Kiyota.

Tinulak ako ni Sendoh papunta kay Maki. Sobrang tuwa ko dahil nagising na sya.

"Maki sorry ha." umiiyak kong sabi..

"Sorry saan? Hindi ba sabi ko sayo ayokong iiyak ka? Halika nga dito." utos ni Maki.

Lumapit ako sa kanya ng husto para mayakap ko siya wala na talaga akong pakialam basta mayakap ko siya kahit maraming naka tingin. Mahal na mahal ko si Maki.

"Tahan na gising na ako. Sabi ko sayo di ba hinding hindi kita iiwan dahil ayoko ng makita kang umiiyak kasi pakakasalan pa kita." sabe ni Maki habang naka yakap ako sa kanya.

"Hindi na kita aawayin hindi na rin ako magiging pasaway sayo wag ka lang ulit masaktan. Dahil di ko kaya kapag may nangyari ulit sayo. Mahal na mahal kita Maki." sabe ko habang umiiyak.

"Ang sarap naman nun. Tahan na mahal na mahal kita Mrs Satomi Takara Maki. Ano man ang mangyari lage mong tatandaan na hindi ko na hahayaang mag isa ka pa dahil magkasama na tayo. I love you misis ko." ngiting sabi ni Maki.

"I love you too mister. Wag mo na ulit gagawin yun. Magsasabi ka sakin kapag may gustong manakit sayo! dahil hindi ka na rin mag iisa Maki. Nandito na ako at ang mga totoo mong kaibigan na mahal na mahal ka....

"Grabe ang tamis kinikilig ako." sabi ni Mitsui na hindi maiwasan mainggit samin.

"Naniniwala na ako sa forever." ngiting sabi ni Fukuda.

"Ako rin naniniwala na ako sa forever. Ang sarap mainlove kung parehong mahal niyo ang isat isa." sabe naman ni Jin.

"Tama ka dyan." sang ayon ni Fujima..

Hindi ako binitiwan ni Maki sa pagkakayakap kaya lumabas na ang buong team kasama sila coach. Umalis naman si Mama para puntahan ang Mama ko. Gusto niya maghanda dahil gising na si Maki inimbitahan din niya lahat ng team pati coach..

"Maki sandali lang." bulong ko.

"Ayoko dito ka lang. Hindi kita pakakawalan." sagot ni Maki.

"Hindi ako aalis ikukuha lang kita ng pagkain. Ang tagal mong natulog di ka pa kumakain....

"Susubuan mo ba ako?" tanong niya..

"Opo susubuan kita." ngiti kong sagot.

Humiwalay ako kay Maki para kunin ang pagkain niya. Gusto ko siyang pagsilbihan dahil gusto kong bumawi sa kanya. Aalagaan ko siya at ipinapangako ko na kahit anong mangyari di na ako papayag na masaktan pa siya.

"Hindi masarap." reklamong sabi ni Maki.

"Gusto mo bang ibili kita ng pagkain." tanong ko.

"Hindi ko kailangan nun. Ikaw lang gusto ko hehehe., pwede bang makahingi ng halik sayo? kahit dampi lang sige na please." nagmamaka awang sabi ni Maki

"Sige pero ubusin mo muna yan hehehe." ngiti kong sabi..

Binilisan nga ni Maki ang pagkain hindi na niya nginu-nguya kundi nilulunok na lang niya. Natatawa ako sa kanya basta sa halik gagawin lahat hehehe..

"Ubos na! nasaan na halik ko hehehe." sabi ni Maki.

"Masyado ka talagang mabilis bwesit ka." natatawa kong sabi.

Magkikiss na sana kami ng dumating si Kiyota kasama si Sakuragi at Sendoh..

"Malapit na eh pasaway talaga." bulong ni Maki.

"Maki dun daw kami matutulog sa inyo." ngiting sabi ni Kiyota.

"Kahit dun pa kayo tumira wala kong pakialam., istorbo kayo eh." inis na sabi ni Maki.

Natatawa naman si Sendoh sa sinabi ni Maki.

"Si lolo high blood. Ito na lalabas na tutukain mo na ba." nakakalokong sabe ni Sakuragi.

"Oo tutukain ko na hehehe." sagot ni Maki sabay tawa

Tawa naman ng tawa sila Sendoh at Kiyota habang palabas ng kwarto mga abnormal talaga. Masaya ako sobra dahil may mga kaibigan na si Maki na totoo sa kanya.

"Siguro naman pwede na natin ituloy." ngiting sabi ni Maki.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang." sabi ko

"Ayoko ng bukas gusto ko ngayon...

Patay ako pag sinabi nga pala niya kailangan gawin ni hindi ko nga alam paano humalik dahil first time ko hahalik takteng yan..

"Satomi ano na? Lage mo na lang sinasaktan ang puso ko di kana naawa ang dami kong sugat tapos..

Hinalikan ko na si Maki kaya gulat na gulat sya hindi niya ako hinayaan makaalis kaya hindi lang dampi ang nangyari., peste ang sarap ng halik nya! hinawakan ni Maki ang mukha ko saka ako hinalikan ng husto parang ayoko ng matapos to.

"Maki...

Gulat na gulat kami ng pumasok sila Fujima, Mitsui, Sasaki Ryota at Ayako nakita nila kaming naghahalikan ni Maki. Nakakahiya.

"Kumatok naman kayo kapag papasok." inis na sabi ni Maki.

"Hahaha sorry naman inimbitahan kasi kami ng Mama mo doon matulog sa inyo at kumain." sabe ni Fujima.

"Sinabi na yan ni Kiyota kung gusto niyo dun pa kayo tumira basta wag niyo kaming istorbohin ni Satomi." sabe ni Maki.

"Sorry Maki." nahihiyang sabi ni Sasaki at Ayako.

"Hehehe ayos lang tapos na kami." ngiti kong sabi.

"Anong tapos na? Wala pa nga tayo sa kalahati." kakamot kamot sa ulo na sabi ni Maki.

"Hoy lalaki baka gusto mo madagdagan yang sugat sa mukha mo. Kiss lang sabi ko sayo sobra pa nga yung ginawa mo hindi dampi tamaan ka sakin." sabi ko at ngumiti naman si Maki..

"Ang sarap hon hehehe...

"Sige na tuloy nyo na lalabas na kami pero wag nyong kalimutan hospital to." natatawang sabi ni Mitsui saka sila sabay sabay na lumabas.

"Alam mo ba natakot ako ng malaman ko kay Sendoh na nasa hospital ka. Maki wag mo ko iiwan hindi ko kakayanin ayoko ng magmahal ng iba." sabe ko at niyakap sya.

"Sino ba nagsabing iiwan kita? Ayoko rin mawala ka sakin Satomi dahil ikamamatay ko yun. Gusto ko makasama ka habang buhay at hindi ako papayag na magkahiwalay tayo. Sabi ko sarili ko di bale ng masaktan ako wag ka lang dahil kaya kong pumatay kapag may nanakit sayo. Mahal na mahal kita sobra Hon." seryosong sabi ni Maki.

Ang sarap marinig ng mga sinabi ni Maki sobrang saya ko talaga sa kanya. Ano man ang mangyari hinding hindi na ako aalis sa tabi niya pangako yan..