Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 30 - CHAPTER 30

Chapter 30 - CHAPTER 30

Pagkatapos ng party unti unti ng nagpaalam ang mga classmate ko at ang ibang mga bisita. Natutuwa naman ako dahil sa ginawa ni Maki ngayon ko lang kasi naranasan ang ganitong klaseng birthday..

"Happy birthday ulit Hon...

"Salamat Maki hindi mo lang alam kung gaano ako naging masaya ngayon dahil sa ginawa mo." nakangiti kong sabi.

"I love you Hon basta para sayo gagawin ko lahat." ngiting sabi ni Maki sabay kindat..

Tae napaka sweet niya sobra., Nagpaalam na sila Fujima kasama ang girlfriend niyang si Sasaki., sumabay naman sila Ayako, Ryota at Mitsui., nagpaiwan naman sila Sakuragi Rukawa, Sendoh, Kiyota, Fukuda, Uozumi at Akagi..

"Hinatid na ng driver ang Mama mo kasama ang parents ko. Sinabi ko sa kanila na ako na ang mag hahatid sayo pauwi." sabi ni Maki.

"Salamat. Halika dun tayo kanila Sendoh." pag aaya ko kay Maki..

Hawak hawak ni Maki ang kamay ko habang papunta sa table nila Sendoh. Bakit kaya napaka seryoso nanaman ng mukha niya. Ang totoo ayoko ng seryoso si Maki nakakatakot baka mamaya galit na pala siya o nag tatampo. Hindi pa naman siya nagsasabi sakin..

"Maki at Satomi ano sali kayo sa game." tanong ni Sendoh..

"Anong game?" tanong naman ni Maki..

"Truth or Dare pero walang pass to kotong kayo sakin." natatawang sabi ni Sendoh..

Napaka isip bata talaga ni Sendoh sinama pa si Uozumi at Akagi hehehe. Sabagay wala naman masama kung sumali kami ni Maki dahil minsan narin naman kami naglaro ni Sendoh ng Truth or Dare..

"Paanong laro yan Sendoh?" tanong ni Sakuragi..

"Kapag nag Truth ka tatanungin ka at kailangan sagutin mo yun. Kapag hindi mo sinagot yun may consequences na gagawin ka at kapag nag Dare ka naman uutusan ka." paliwanag ni Sendoh kay Sakuragi..

"Game ako." seryosong sabi ni Rukawa..

"Ako na muna mauuna. Tatanungin ko si Kiyota." sabi ni Sendoh..

"Ako agad sige na nga. Truth ako Sendoh." ngiting sabi ni Kyota..

"Anong pinaka ayaw mong ugali ni Maki." tanong ni Sendoh at biglang pinagpawisan si Kiyota.

"Ayusin mo Kiyota may naka handa akong dos pordos dito hahaha." pananakot ni Maki..

Natatawa ako sa kanila sobra siraulo kasi si Sendoh na hot seat tuloy si Kiyota ng wala sa oras. Parang pinag sisihan tuloy ni Kiyota na nag truth siya

Namumula ang mukha ni Kiyota dahil naka tingin sa kanya si Maki lahat sila takot kay Maki lalo na si Kiyota..

"Pwede mag dare na lang kahit ano pagawa niyo sakin wag lang sumagot." naiinis na sabi ni Kiyota..

"Hindi pwede sagutin mo yan unggoy di tayo aandar bahala ka dyan." sabe ni Sakuragi na naiinip na

"Madali lang naman tanong ko mas mahirap pa nga yung 1+1 eh hahaha." pang aasar ding sabi ni Sendoh.

"Natatakot ata si Kiyota kay Maki eh." ngiting sabi ni Fukuda..

"Sagot na ang tagal." naiinip na sabi ni Rukawa..

"Wala akong ayaw sa ugali ni Maki." sagot ni Kiyota..

"Wee. Maniwala kami." sabe nila na hindi makapaniwala sa sagot ni Kiyota.

"Ayoko kay captain yung masyado syang perfectionist ayaw rin niya ng nalalate at ayaw niya ng umaabsent sa practice yun lang." sagot ni Kiyota na hindi makatingin kay Maki.

"Lolo narinig mo ba yun?" tanong ni Sakuragi.

"Ganyan na ganyan din si Uozumi samin dati eh hehehe" ngiting sabi ni Sendoh..

"Si Gori din ganyan may kasama pang umbag kaya nabobo ako dahil sa kanya eh." sabe ni Sakuragi at lahat kami nagtawanan maliban kay Akagi,Uozumi at Rukawa na hindi natutuwa.

"Mga loko-loko kayo." galet na sabe ni Uozumi at Akagi..

Pinipigilan ko lang matawa pero tawang tawa na ako promise dahil sa kanila. Akala ko rin magagalit si Maki pero natatawa rin siya dahil kanila Sakuragi, Sendoh at Kiyota..

"Ikaw na mag tanong Kiyota sino gusto mo tanungin?" sabi ni Fukuda..

"Rukawa Truth or Dare." tanong ni Kiyota..

"Truth." sagot ni Rukawa..

"Bakit sa Shohoku ka pumasok?" seryosong tanong ni Kiyota..

"Malapit eh." tipid na sagot ni Rukawa..

"Hahaha yan din ang dahilan ko kung bakit ako pumasok sa Ryonan eh hahaha." natatawang sabi ni Sendoh..

"Hahahaha...

Tawa sila ng tawa sa sagot ni Rukawa at Sendoh hindi ko alam kung seryoso sila o joke lang nila yun. Abnormal din pala tong si Rukawa hehehe.

"Sendoh truth or dare?" seryong tanong ni Rukawa..

"Truth." sagot ni Sendoh..

"Sino ang taong hinahangaan mo pag dating sa paglalaro ng basketball?" tanong ni Rukawa..

"Marami akong hinahangaan pero kung dito sa distrito ng KANAGAWA Ikaw si Sakuragi at Maki." sagot ni Sendoh..

Halos hindi makapaniwala sila Maki, Sakuragi at Rukawa sa sinabi ni Sendoh dahil kahit sila Uozumi hindi akalain na hahanga siya kay Sakuragi..

"Sabi ko na nga ba bilib na bilib ka sakin Sendoh eh." mayabang na sabe ni Sakuragi..

Tawa lang ang sagot ni Sendoh sa sinabi ni Sakuragi. Dahil si Sendoh ulit ang mag tatanong kinakabahan nanaman si Kiyota baka kasi siya nanaman ang tanungin ni Sendoh..

"Satomi Truth or Dare hehehe...

"Truth. Ayusin mo tanong mo makakatikim ka talaga sakin." mataray kong sabi...

"Ano nagustuhan mo kay Maki na wala sa mga manliligaw mo dati." tanong ni Sendoh..

Badtrip ayun talaga ang tanong di ako ready.., nakatingin pa naman silang lahat sa akin lalo na si Maki nakakainis talaga tong Sendoh na to hindi ako handa..

"Siguro yung pagiging sweet niya sa akin at loyal. Nakita ko sa kanya na wala sa iba yung kulay hehehe lahat kasi ng manliligaw ko maputi sya lang bukod tanging maitim." sagot ko..

"Gusto mo bang halikan kita rito." sabe ni Maki at kinabahan naman ako.

"Sorry joke lang naman." ngiting sabe ko.

"Mapapa sana all kana lang talaga." mahinang sabi ni Kiyota.

"Sige ako na. Rukawa pwede ba kitang tanungin."  sabi ko habang nakatingin kay Rukawa..

"Sige lang." tipid na sagot ni Rukawa.

"Truth or Dare?" tanong ko..

"Truth." sagot niya..

"May crush ka ba kay Haruko." seryosong tanong ko..

Hindi sila makapaniwala sa tanong ko kahit si Rukawa nagulat din. Gusto ko lang malaman kung sino ba ang type niya babangasan ko mukha nito pag ito hindi sumagot..

Nakatingin si Rukawa kay Sakuragi at hindi ko alam kung bakit pero parang may namumuong love triangle.

"Wala." sagot ni Rukawa..

"Bakit wala? Maganda si Haruko di mo type." ngiting sabi ni Sendoh..

"Gusto sya ni Sakuragi." sabi ni Rukawa sabay tingin kay Sakuragi.

Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin na gusto ni Sakuragi si Haruko kaya ba di niya crush kasi dahil kay Sakuragi? shit mapag bigay pala tong Rukawa na to hahaha...

"May naamoy ba kayong love triangle hehehe." pang aasar ni Sendoh..

Sabi ko na pareho kami ng iniisip ni Sendoh. Natawa na lang sila dahil ayaw nilang asarin si Rukawa dahil kilala nila itong pikunin.,