Maaga akong nagising dahil gusto kong pumasok ng maaga lage na lang kasi akong late. Pagbaba ko nakita ko si Sendoh sa sala na kausap ni Mama..
"Good morning." ngiting bati ni Sendoh..
"Himala nandito ka. Anong meron?" tanong ko..
Hindi naman nagsalita si Sendoh kaya naninibago tuloy ako sa kanya. First time ko kasi sya na makitang seryoso ano kayang problema ng mokong na to.
Pagkatapos kong kumain at maligo nagpaalam na kami ni Sendoh kay Mama para pumunta sa school. Hindi naman nakibo si Sendoh kaya nagtaka na ako.
"May problema ka ba Sendoh?" seryosong tanong ko..
Hindi nanaman sya nag salita. Broken hearted ba siya? pero alam ko wala naman siyang nililigawan eh., bakit kaya tahimik siya at seryoso..
Pag dating namin sa school nakita ko sila Koshino Uozumi Ikegami at Fukuda na seryoso hindi ko na alam kung anong meron bakit sila seryoso. Umagang umaga para silang namatayan..
"Bakit napaka seryoso nyo naman dati rati binabati niyo ako ngayon wala ng good morning hehehe." ngiti kong sabi..
Hindi sila nag salita kahit si Sendoh. Napapaisip na tuloy ako kung may ginawa ba akong kasalanan sa kanila pero wala kong maisip.
"Anong nangyari sa inyo? Bakit ayaw nyo akong kausapin." sabe ko sa kanila.
"Sendoh mas mabuting sabihin mo na kay Satomi." seryosong sabi ni Koshino..
"Ayoko sabihin." sagot ni Sendoh..
"Ano yun? Bakit may kailangan ba akong malaman?" nagtataka kong tanong..
"Oo meron Satomi." sagot ni Fukuda..
"Ano yun?" tanong ko ulit..
"Si Maki..
Hindi masabi ni Sendoh ang gusto niyang sabihin dahil lahat sila naka yuko. Hindi ko na alam kung bakit niya sinabi si Maki naguguluhan ako..
"Anong si Maki Sendoh? Pag hindi kayo nag salita babangasan ko yang mga mukha nyo." naiinis kong sabi..
"Si Maki nasa hospital nag aagaw buhay baka di mo na sya maabutan Satomi." malungkot na tugon ni Sendoh..
"Nagbibiro ka ba? Ang aga mo mag joke Sendoh." sabe ko dahil ayaw kong maniwala sa sinasabe ni Sendoh.
"Hindi ako nag bibiro Satomi walang dahilan para gawin kong biro yun." umiiyak na sabi ni Sendoh
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga nalaman ko kay Sendoh. Nang makita ko sila na umiiyak ibig sabihin hindi nga nagbibiro si Sendoh. Sobrang sakit para akong mamatay sa nalaman ko..
Nagtatakbo ako at hindi na pumasok. Iyak ako ng iyak dahil di ko kayang tanggapin ang mga sinabi ni Sendoh. Hindi ko kayang mawala si Maki hindi ko kakayanin..
Lord wag niyo kunin si Maki sa akin parang awa niyo na hindi ko kayang mabuhay kapag nawala siya! pakiusap po.. Sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko na alam kung kaya ko pa magpatuloy ng di siya kasama.
"Halika Satomi pupunta tayo sa hospital." hatak hatak ako ni Sendoh kasama ang team.
"Ayoko kung gusto niyo kayo na lang." umiiyak kong sabi.
"Sasama ka sakin." sabi ni Sendoh at hinawakan ako.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko. Ayoko Sendoh dahil hindi ako pupunta dun dahil hindi mamamatay si Maki." galit kong sabi..
"Alam mo bang duguan siya ng sinugod sa hospital at ang dami rin niyang saksak sa katawan pero wala siyang bukambibig kundi pangalan mo., paano kung huling beses mo na siya makakausap at makikita pero di ka pumunta baka pagsisihan mo Satomi." sabi ni Sendoh habang umiiyak.
Sinampal ko si Sendoh dahil sa sinabi niya ayokong tanggapin na mamamatay si Maki hindi ko talaga kayang tanggapin nasasaktan ako..
"Wag kayong mag away dahil walang mangyayari kung mag aaway kayo." singit ni Uozumi.
"Nakikiusap ako puntahan mo si Maki. Mahal na mahal ka niya Satomi ayokong pagsisihan mo na hindi ka nagpunta sa hospital." pakiusap ni Sendoh saka ito umalis..
Hindi ko na alam ang gagawin ko ayoko makita si Maki sa hospital na ganun ang kalagayan niya. Ang sakit sakit. Lord bakit mo siya binigay sakin kung babawiin mo rin siya.
Kung alam ko lang na mangyayari sa kanya to sana nagpakasal na kami para di na kami nagkahiwalay. Ayoko magmahal ng iba gusto ko si Maki lang siya lang walang iba. Hindi ko na kaya maging masaya pa habang buhay siya lang ang taong gusto kong makasama siya lang..
"Satomi hindi magugustuhan ni Maki kung umiiyak ka. Hindi ba sabi niya sayo ayaw daw niya makitang iiyak ka kaya tumahan ka na." nalulungkot na sabi ni Koshino.
"Hindi ko kaya maging masaya Koshino dahil si Maki lang ang kasiyahan ko wala ng iba." sabi ko habang umiiyak
Wala na akong pakialam kung makita nila akong umiiyak. Hindi ko talaga matanggap na ganun ganun lang matatapos ang lahat sana pala di ko na sya pinauwi kagabe kung alam kong mangyayari to.