Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 33 - CHAPTER 33

Chapter 33 - CHAPTER 33

Nagpasya akong sumama kanila Koshino para puntahan si Maki sa hospital. Hindi parin ako nawawalan ng pag asa na hindi mamamatay si Maki alam kong lalaban siya para sa akin. Ano man ang mangyari hinding hindi ako aalis sa tabi nya. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal kahit di nya ako nakikita..

Nakarating kami nila Koshino at lahat ng team nandun maging ang Shohoku at Shoyo. Alam kong naging bahagi ng buhay nila si Maki kaya alam kong nalulungkot din sila sa nangyari kay Maki. Ayoko na mag isip ng kahit ano basta ang gusto ko lang makita ko siya ngayon.

"Satomi anak." umiiyak na sabi ng Mama ni Maki..

Ayoko pumasok sa loob pero gusto ko siyang makita paano kung pagpasok ko bigla siyang mamamatay natatakot ako. Ayoko syang mawala baka di ko talaga kayanin.

"Mama." umiiyak kong niyakap ang Mama ni Maki.

Kitang kita ko kung gaano kalungkot ang team dahil kahit si Kiyota at Sakuragi nakayuko at malungkot maging sila Fujima at Sasaki. Umiiyak naman sila Jin at ang ibang team dahil sa sinapit ni Maki..

"Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito kay captain." galit na sabi ni Kiyota..

"Wala siyang awa tao pa ba sya." inis na sabi naman ni Mitsui.

"Naniniwala ako na gigising si Maki. Dahil alam nyang marami ang nagmamahal sa kanya." malungkot na sabi ni Fujima.

"Hindi ko na siya tatawaging lolo basta magising siya." naka yukong sabi ni Sakuragi.

"Dapat pala sabay sabay na lang tayo umuwi para hindi nangyari sa kanya to." sabi ni Sendoh..

Natutuwa ako dahil lahat sila nag aalala at nag mamalasakit kay Maki. Nakakalungkot lang dahil nangyari to sa kanya hinding hindi ko mapapatawad ang taong nanakit sa kanya isusumpa ko yan..

Pagpasok ko sa loob napaka raming aparato ang nakakabit kay Maki kinabitan din siya ng oxygen. Hindi ko siya kayang tignan dahil puro sugat at pasa ang mukha niya. Sobrang sakit na makita ko siyang ganito para akong mamamatay sa sakit.

Hinawakan ko ang kamay niya at kinausap ko sya kahit di niya ako marinig. Hindi ko talaga sya kayang tignan sa sitwasyon niya ngayon napaka sakit..

"Maki gumising ka na hindi ba sabi mo magpapakasal pa tayo. Alam mo ba suot suot ko tong sing sing na bigay mo sakin. Hindi ba sabi mo ayaw mo kong nakikitang umiiyak kaya please lang gumising ka na para di na ako iiyak. Maki mahal na mahal kita hindi ko kaya mawala ka sakin..

Tuluyan ng pumatak ang luha ko at nakita yun ng team. Ang sakit sakit gusto kong magwala. Hindi ako aalis sa tabi niya kahit anong mangyari hihintayin ko siyang magising.

"Satomi tahan na." nag aalalang sabi ni Sendoh..

"Sendoh hindi ko kaya na mawala siya sakin. Sabihin mo sakin di niya ako iiwan please Sendoh." umiiyak kong sabi..

"Tahan na Satomi. Oo hindi ka nya iiwan tulad ng sabi ni Fujima gigising siya dahil marami nagmamahal sa kanya." sagot ni Sendoh..

"Captain sorry hindi na kami magiging pasaway. Araw araw na din kaming magpa-practice basta gumising ka lang please captain." umiiyak ding sabi ni Kiyota..

"Captain hindi ba magpapakasal pa kayo ni Satomi., kaya gumising ka na." sabi naman ni Jin.

Lahat kami emotional kahit sila Akagi at Uozumi pati sila Ayako, Sasaki at Haruko malungkot din sa nangyari kay Maki.

"Sino kaya ang gumawa nito sa kanya. Alam ko wala naman kaaway si Maki." seryosong sabi ni Fujima.

"Aalamin natin yan Fujima." galet na sabe ni Sendoh..

"Hindi ba nakita si Maki sa liblib na lugar imposible naman walang nakakita sa kanya dun. Bakit di nyo puntahan." sabi ni Rukawa.

"Tama si Rukawa." sang ayon ni Hanagata..

Magkakasamang lumabas si Sendoh, Fujima, Kiyota, Sakuragi, Mitsui, Ryota, Fukuda at Hasegawa naiwan naman sila Uozumi Rukawa, Hanagata, Akagi, Koshino, Ikegami, Haruko, Sasaki at Ayako.

"Tahan na Satomi gigising si Maki naniniwala ako sa sinabi ni Fujima." mahinang sabi ni Sasaki.

Pumasok ang doctor kaya nag tayuan kami para malaman kung ano ang kalagayan ni Maki. Natatakot ako sa sasabihin ng doctor..

"Tatapatin ko na kayo hindi 100% sure na mabubuhay ang pasyente dahil commatose siya. Napakaraming sugat at saksak ang natamo niya pero kung lalaban siya may pag asa siyang mabuhay." paliwanag ng doctor..

"Kailan po siya magigising doc?" tanong ko..

"Hindi ako ang makakasagot nyan dahil sya mismo ang dapat lumaban para magising siya." sagot ni Doc.

Pagkalabas ni Doc hindi ko napigilan umiyak kay Sasaki. Dahil napaka sikip ng dibdib ko sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Tahan na Satomi mabubuhay si Maki sabi naman di ba ni Doc basta lumaban siya magigising siya." nalulungkot na sabi ni Sasaki.

"Salamat Sasaki pasensya ka na kung di ko na napigilan umiyak sayo ang sakit kasi sobra." sabe ko habang umiiyak.

"Naiintindihan kita Satomi lahat tayo nasasaktan at nalulungkot sa nangyari para kay Maki kaya ayos lang kung umiyak ka sakin....

"Salamat Sasaki...

Masaya ako dahil dumating sila sa buhay ko pero napaka sakit naman dahil sa nangyari kay Maki. Hindi ko na alam ang gagawin ko sana ako na lang, sana hindi na lang sya. Mahal na mahal ko si Maki kapag niyaya niya akong magpakasal di na ako tatanggi dahil gusto ko na siya makasama habang buhay.