Nagpasya na si Maki na ihatid na ako dahil masyado ng gabi. Nagpaalam na kami sa team para umuwi dahil ayaw ni Maki na uuwi ako ng gabing gabi.
Hindi kami nag uusap habang naglalakad hindi tulad dati bakit kaya? Ano nanaman kayang problema nito napapaisip nanaman tuloy ako kung ano ba ginawa ko..
"Galit ka ba? Hindi mo ko kinakausap eh..
"Malungkot lang lang ako." sagot ni Maki
"Bakit naman?" tanong ko..
"Magkakahiwalay na kasi tayo. Alam mo ba Satomi araw araw kitang namimiss kapag nakikita kita ayaw na kitang pakawalan yung parang ayaw na kitang iuwi sa inyo. Ang selfish ko di ba sorry...
"Pareho lang naman tayo ng nararamdaman Maki. Kapag di kita nakikita o nakakasama nalulungkot ako araw araw din kitang namimiss." ngiti kong sabi..
"Kung sakali ba na mamatay ako ngayon magmamahal ka pa ba?" seryoso niyang tanong.
Sa totoo lang naiinis ako sa tanong nya dahil ayoko ng ganitong usapan. Hindi ko kaya mawala sakin si Maki masasaktan ako ng sobra kaya di ko alam kung kaya ko pang magmahal pag nawala siya sa buhay ko..
"Hindi ka mamamatay tumigil ka Maki wag mo sabihin sakin yan kung ayaw mong magalit ako sayo." inis kong sabi..
"Gusto ko lang marinig ang sagot mo malay mo di mo na ako makita bukas...
Hindi ko alam bakit siya ganyan para siyang nagpapaalam nakakainis na. Nalulungkot tuloy ako sa mga sinasabi niya ayoko mawala siya sa buhay ko dahil hindi ko na alam kung paano maging masaya kung wala siya..
"Hindi ako magmamahal ng iba kahit kailan Maki dahil di ka mawawala tandaan mo yan kaya tumigil kana ng kakatanong dahil masasapak na kita." galit kong sabi..
Hindi na nga nagsalita si Maki hanggang sa makarating kami sa bahay. Nagtataka na ako sa kanya kung bakit siya ganun ayokong isipin na mawawala siya sakin dahil di ko talaga kakayanin..
"Goodnight Hon hindi na ako papasok.,
"Ayos ka lang ba?" tanong ko..
"Oo tandaan mo Satomi mahal na mahal kita..
"Mahal din kita Maki mag iingat ka.
Pag sara ko ng gate tumalikod na si Maki di ko alam bakit ganun siya ang lungkot ng mukha niya..
"Lumabas na kayo." utos ni Maki.
"Sino yun Maki girlfriend mo? Ang ganda niya pero di namin sya sasaktan tulad ng gusto mo. Dahil marunong kaming tumupad sa usapan...
"Tapusin na natin to Zeku kung papatayin mo ko gawin mo na pero wag na wag mong sasaktan si Satomi dahil ayoko syang masaktan..
"Masyado ka namang inlove Maki sisimulan pa lang kita pahirapan dahil ikaw ang umagaw sa mga pangarap ko kaya di ko hahayaan na maging masaya ka...
"Ang dami mong sinasabi." galit na sabi ni Maki..
"Sige isakay niyo na yan at piringan niyo ang mata." utos ni Zeku.
Si Zeku ay isang basketball player din katulad ni Maki. Naging magkalaban sila sa ibang bansa nung nag compete si Maki. Malaki ang inggit nito kay Maki dahil si Maki ang umagaw ng pangarap ni Zeku ng manalo si Maki bilang MVP sa ibang bansa..
Dinala ni Zeku si Maki sa liblib na lugar na walang tao maliban sa kanila para doon saktan at patayin si Maki. Pinasok nila sa loob si Maki tinali sa paa at sa kamay..
"Alam mo bang magiging proud na dapat sakin si Daddy pero dahil sayo nagalit sya dahil di kami nanalo. Ikaw ang may kasalanan Maki ikaw ang umagaw ng pangarap ko." galit na galit na sabi ni Zeku.
"Bakit hindi mo na lang tanggapin na hindi ka talaga magaling." sabe ni Maki..
"Tumahimik ka....
Sinaktan nila si Maki binugbog at pinagpapalo. Halos duguan na ang mukha ni Maki pero walang tigil si Zeku para saktan si Maki. Hindi makalaban si Maki dahil napakarami ng kasama ni Zeku walang awa nilang sinaktan si Maki hanggang sa hindi na ito maka dilat.
"Ano bumangon ka Maki. Tinanggal ko ang tali mo para makalaban ka kaya wag kang mahiga dahil di pa ako tapos sayo..
"Lumaban ka ng patas Zeku." nanghihinang sabi ni Maki..
Hindi pa nakuntento si Zeku sinaksak niya si Maki sa tagilaran at hinampas sa ulo kaya tuluyan ng nawalan ng malay si Maki.
"Wala ka pala eh. Itapon nyo na yan tapos na ako." utos ni Zeku sa mga kasamahan niya..
Hindi naman makatulog si Satomi dahil iniisip nya si Maki. Ayaw na niyang mag isip ng negative pero di niya makalimutan sa isip niya kung bakit ganun si Maki sa kanya.