Nagpaalam na ako sa Mama at Papa ni Maki para umuwi. Hindi parin ako makapaniwala na makikita at makakausap ko ang mga magulang nya.
"Pasensya ka na kung di ko sinabi na ipapakilala kita sa mga magulang ko baka kasi tumanggi ka kaya di ko sinabi sorry..
"Bakit ka nag sosorry Maki? Alam mo ngayon ko napatunayan na hindi lahat ng lalaki manloloko at nananakit dahil sayo at pinatunayan mo yun sakin ngayon kaya wag kang mag sorry. Masaya akong nakilala ang parents mo dahil napaka bait nila sa akin at masaya ako sa ginawa mo Maki." sabe ko.
"Talaga? Akala ko galit ka natatakot ako baka sampalin mo nanaman ako tapos umiyak ka. Ayoko na kasing makita kang umiiyak nasasaktan ako. Sabi ko sa sarili ko huling beses mo na yun na iiyak dahil hindi na ako papayag na may luhang tumulo sa mga mata mo dahil araw araw kitang patatawanin." seryosong sabi ni Maki..
Napaka bait ni Maki at napaka sweet wala na akong hahanapin sa taong to. Lahat ng sinabi ko dati binabawi ko na dahil hindi pala siya masamang tao kundi busilak ang puso niya at nakita ko yun..
"Salamat Maki masaya ako na dumating ka sa buhay ko basta nandyan ka masaya ako." ngiti kong sabi..
Niyakap ako ni Maki ng napaka higpit kaya niyakap ko din siya ng napaka higpit mahal na mahal ko tong taong to at ayoko na siyang mawala sa buhay ko baka di ko kayanin kapag nawala siya..
"I love you Hon napaka saya ko rin ng dumating ka sa buhay ko. Ayokong magkalayo tayo at ayokong mawala ka sakin dahil di ko yun kakayanin basta nandyan ka lahat kaya ko! basta wag mo lang akong iiwan." mahinang sabe ni Maki
"Umiiyak ka ba?" tanong ko..
Hindi nagsalita si Maki ibig sabihin umiiyak nga sya. Nakakatawa kung iisipin dahil ayaw na ayaw ko nung una sa kanya pero ngayon di ko lang sya gusto kundi mahal ko na talaga siya..
"Maki tahan na hindi kita iiwan itaga mo yan sa bato. Wag ka na umiyak sige ka lalo kang magmumukhang matanda nyan." pang aasar ko dahil ayoko syang makitang umiiyak..
"Masaya kasi ako sayo kaya ako emotional., sorry..
"Mas masaya ako sayo kaya tumahan ka na." ngiti kong sabi..
Pinunasan ko ang luha ni Maki habang nakatitig naman siya sa akin. Hindi ko na hahayaan na malungkot ulit si Maki dahil ipaparamdam ko sa kanya na hindi na siya mag iisa dalawa kaming tutupad ng pangarap namin na magkasama..
"I love you Hon salamat sa pag aalaga mo sakin ang sarap sa feeling...
"Araw araw na kitang aalagaan Maki...
Sabay kaming nag lakad na magka hawak kamay. Napaka saya ng puso ko dahil gusto ako ng mga magulang ni Maki at gusto rin siya ni Mama para sa akin. Ang sarap sa feeling...
"Tuwang tuwa si Mama at Papa sayo. Mula kasi ng makita kita sa convenient store di ka na maalis sa isip ko! ikaw lang kasi ang babaeng nag taray sa akin. Lahat ng babaeng lumalapit sakin gusto ako ewan ko pero wala akong nagustuhan ni isa sa kanila kasi ikaw at ikaw lang ang hinahanap ko..
"Talaga? Hindi ba inaway at nilait kita bakit gusto mo padin ako? Isa pa sabi mo masama ugali ko so bakit nagustuhan mo pa din ako?." tanong ko..
"Kasi wala naman pinipili ang pag ibig di ba? Hindi ko alam kung bakit gusto pa rin kita kahit na nilait mo pagkatao ko. Sa totoo lang nung nakita kita sa convenient store gandang ganda na ako sayo nun kaso nga tinarayan mo ako kaya nainis ako..
"Eh kasi arogante ka eh nagmamadali ka pa., kaya gusto mo mauna di ba naalala mo ba yun?..
"May practice game kami nun kaya ako nagmamadali dahil captain ako hindi ako pwedeng malate dahil ayokong magalit si coach Takato sa akin., pero nung nakita kita na wala kang pang bayad tinanong kita., pero sabi mo wag na kaya di ako maka alis dahil nag aalala ako sayo kasi nga ayaw mo tanggapin yung alok ko. Kung hindi pa nag salita yung cashier hindi mo talaga tatanggpin ang tulong ko di ba?..
"Oo kasi ayoko nga sayo., kung sinabi mo yun edi sana mabait ako sayo hindi sana tayo parang asot pusa..
"Nainis kasi ako sayo dahil tinarayan mo ako!. ikaw lang kasi ang babaeng gumawa sakin nun kaya nagulat ako.,..
"Sorry naman." sabe ko na hindi maiwasan maguilty.
"Alam mo bang ikaw lang din ang babaeng may lakas ng loob na tarayan ako, ikaw lang din ang babaeng lumait sakin! pero nung nakita kita at si Koshino selos na selos ako kaya sabi ko gagawin ko lahat mapa sakin ka lang., dahil di ako papayag na mapunta ka sa iba..
"Bakit ka naman nagselos kay Koshino at kailan mo kami nakitang magkasama?" takang tanong ko..
"Naalala mo ba nung unang beses kong pumunta sa school mo! sabi ko manonood ako ng game nila Sendoh pero dinahilan ko lang yun para makita ka. Tapos nakita kong binigyan ka ni Koshino ng cookies tuwang tuwa ka nun kaya akala ko gusto mo siya kaya sinabi kong girlfriend kita para di kana ligawan ng iba...
Hindi ko akalain na yun pala ang dahilan ni Maki nasampal ko pa tuloy siya. Hindi ko naman kasi alam na pinagseselosan pala nya si Koshino...
"Wala akong gusto kay Koshino kaya ko tinanggap yung cookies dahil sayang pagkain rin kasi yun." paliwanag ko.
"Kaya naman kitang ibili kahit ilang cookies pa bakit kailangan kay Koshino pa." inis na sabi ni Maki..
"Wag mong sabihin nag seselos ka parin hanggang ngayon?..
"Oo nakakainis ka kasi kung gusto mo pala ng cookies sana nag sabi ka hindi yung tinanggap mo pa..
"Ang tagal tagal na nun Maki sabi ko nga kaya ko yun tinanggap dahil sayang isa pa gawa ni Koshino yun panget naman kung itatapon ko..
"Oo na...
"Ang cute mo pala mag selos Maki hehehe..
Hindi na sumagot si Maki pero alam kong wala na yun sa kanya dahil kaibigan na ni Maki si Koshino.
Pag dating namin sa bahay nagpaalam agad si Maki kay Mama dahil may pasok pa kami bukas at may practice naman siya.
"Salamat Maki masaya ako na nakasama ka..
"Salamat lang hehehe..
"Thank you na lang hahaha..
"Hay sige na nga goodnight..
"Mahal kita Maki..
Biglang humarap si Maki sakin at niyakap ako alam kong yun ang gusto niyang marinig mula sakin kaya sinabi ko dahil ayoko ng mag tago ng nararamdaman ko. Mahal ko si Maki mahal na mahal...
"Mahal na mahal din kita Hon...
"Para di ka na mag selos at di ka na mag tampo sakin...
"Hindi na dahil narinig ko na yung gusto kong marinig." natutuwang sabe ni Maki..
"Mag ingat ka Maki goodnight..
"Salamat Hon I love you goodnight...
Pagpasok ko sa bahay tulog na si Mama kaya kinumutan ko na lang ito at dumiretso na sa kwarto sobrang saya ko dahil kay Maki.