Nakarating kami sa bahay nila Maki kasama ang team.
"Wow ang laki pala ng bahay mo Maki." namamangha na sabi ni Sendoh.
"Ikaw lang ba dito Maki?" tanong naman ni Uozumi.
"Kasama ko sila Mama at Papa pero wala sila ngayon nasa bakasyon kaya ako lang nandito." sagot ni Maki.
"Teka lang anong gagawin natin dito?" takang tanong ko.
Alam kong alam nila Sendoh kung bakit ako dinala ni Maki dito sa bahay nila pero ayoko mag tanong dahil di naman sasagot sakin yung kumag na yun. Natuwa naman ako ng makita sila Haruko, Sasaki at Ayako.
"Satomi pinapunta kami ni Maki dito para tulungan ka." wika ni Sasaki.
"Tulungan saan?" tanong ko.
"Tulungan kang bihisan. Hindi kasi alam ni Maki ang taste nating mga babae kaya nya kami pinapunta dito." sagot ni Ayako.
"Gusto ka nya maging mas maganda sa kaarawan mo Satomi." ngiting sabi ni Haruko.
"Galingan nyo para naman mag mukhang tao yan." pang aasar ni Sendoh at natawa naman sila Ayako at Sasaki.
"Hindi mo naman kailangan gawin to Maki." nahihiya kong sabi..
"Gusto kong gawin kaya sumunod ka na lang kanila Ayako kung ayaw mong ako ang mag bihis sayo." nakakalokong sabi ni Maki.
Sumama na ako kanila Ayako dahil wala rin naman akong magagawa kesa naman si Maki ang mag bihis sakin ang bastos pa naman nun. Tuwang tuwa ako dahil nakita ko ulit sila at nakasama pa sa birthday ko.
"Ayako, Sasaki at Haruko salamat ha at pasensya na ginambala pa kayo ni Maki para lang sa birthday ko." nahihiya kong sabi.
"Ano ka ba Satomi wala yun gusto rin naman namin tulungan si Maki syempre pati ikaw hehehe." ngiting sabi ni Sasaki.
"Minsan lang kasi huminge ng favor yan si Maki wala daw kasi siyang tiwala sa mga taga ayos o designer mas gusto niya kami ang mag ayos sayo." saad ni Ayako.
"Alam mo kitang kita namin sa mukha ni Maki na masaya sya sayo. Happy birthday Satomi." bati ni Haruko.
Napaka bait nila Haruko, Sasaki at Ayako sa akin at kay Maki. Kahit na di kami magkaka classmate hindi nila ako tinuring na iba sana lahat ng kaibigan ganito.
Nagulat pa ako ng ilapag ni Ayako ang mga gown sa sa kama napaka dami nun at ang gaganda.
"Magbihis ka na Satomi para makita namin kung ano yung gown na bagay sayo." utos ni Ayako.
"Tingin ko lahat bagay sa kanya maputi naman kasi si Satomi." sabi ni Sasaki.
Sumunod ako sa gusto ni Ayako sinuot ko nga ang mga gown at hindi ako makapaniwala sa nakita ko dahil parang hindi ako yung nasa salamin.
"Ang ganda mo Satomi." puring sabi ni Haruko.
"Bagay na bagay sayo ang pink para kang barbie." ngiting sabe naman ni Sasaki.
Inayusan nila ako pero mild lang dahil ayoko ng make up.
"Wow Satomi lalo kang gumanda." manghang manghang sabi ni Ayako.
"Salamat sa inyo nag mukha na akong tao." natatawang sabi ko na hindi parin makapaniwala.
"Ikaw talaga Satomi." ngiting sabi ni Haruko.
Paglabas ko hinanap ko sila Maki at ang team pero di ko sila makita. Napaka lawak naman kasi ng bahay nila Maki akala mo ang daming nakatira tatlo lang naman sila..
"Si Maki ba hinahanap mo nauna na sila Satomi." sabe ni Ayako.
"Nauna saan? Bakit iniwan nila tayo?" tanong ko.
"Nakabihis na rin sila habang inaayusan ka namin. Lahat ng team nandito kaso di sila nagpakita dahil nag aayos din sila kasama sila Fujima." paliwanag ni Sasaki.
"Saan tayo nito ngayon? tambay? tae nag gown pa ako dito lang pala tayo." sabe ko na hindi maiwasan mainis.
"Susunduin tayo ng driver nila Maki para dalhin kung saan gaganapin ang birthday party mo." sagot ni Haruko.
Fuck sh*t mapapamura ka na lang talaga ng wala sa oras., Hindi ko alam na ganito pala si Maki napapa bilib na talaga niya ako., kaso naman sobra sobra yung ginagawa niya para sa akin. Hindi ako materialistic na tao kaya kuntento ako sa mga bagay na meron ako pero di ko lubos maisip na paliligayahin ako ng husto ni Maki sobra sobra pa..
Nag bihis na din sila Ayako Haruko at Sasaki pagkatapos nila akong ayusan. Napaka ganda rin nilang tatlo para kaming G4 wahahaha paki niyo G4 gusto ko. Ewan ko pero napaka saya ko sobra dahil nakasama ko sila Maki, Ayako,Haruko at Sasaki pati narin ang team.
Sinundo nga kami ng driver ni Maki at napaka ganda ng sasakyan nila. Pumasok na kaming apat para dumiretso sa venue kung saan gaganapin ang party. Iniisip ko si Mama hindi ako nakapag paalam sa kanya baka magalit sa akin yun patay akong bata ka.
Pag dating namin nagulat ako dahil napaka raming tao pati teacher inimbitahan ni Maki ibang klase talaga siya. Hindi ko na alam kung ano ba tumakbo sa utak ni Maki at kailangan pa niyang gawin to pero infairness ang sweet niya hehehe..
"Happy birthday Satomi." ngiting bati ni Reika.
"Happy birthday Satomi ito nga pala gift ko." bati rin ni Shacha.
"Inimbitahan ni Maki lahat ng classmate natin kaya wag ka na magtaka Satomi kung bakit lahat sila nandito." paliwanag ni Tetsuki.
Nawiwindang ako dahil kahit hindi ko close friend pinag iimbita ni Maki hanep sa trip. Ang lakas ng tama niya sobra..
Pagpasok ko nakita ko ang team ng SHOYO at SHOHOKU pero wala ang team nila Sendoh at sila Maki. Bakit kaya wala pa sila? Gusto ko pa naman makita na si Maki..
"Wow ang ganda mo naman Satomi." pagpuri ni Hasegawa ng makita ako.
"Happy birthday Satomi." bati ni Ryota at Mitsui.
"Happy birthday sa pinaka mamahal ni Maki." ngiting bati rin ni Fujima.
"Alam mo ba ngayon lang ginawa ni Maki to." singit ni Hanagata..
"At sa babae pa." ngiting sabi ni Mitsui.
"Malamang alangan naman sa lalaki niya gawin whahaha." tumatawang sabe ni Sakuragi.
"Oo nga naman." sang ayon ni Ryota.
Natutuwa ako sa ginawa ni Maki di ko aakalain na mag bi-birthday akong kasama sya at masaya ako dahil nakasama ko din ang ibang team..