Pagpasok ko nakita ko si Sendoh na cool na cool nakatayo sa labas ng classroom namin.
"Good morning Satomi." ngiting bati ni Sendoh..
"Morning. Anong ginagawa mo rito?" tanong ko..
"Birthday mo di ba? Happy birthday...
Nagtaka naman ako at bigla kong naalala ang birthday ko. Sa totoo lang hindi ako nag ce-celebrate ng kaarawan dahil ayoko nga ng birthday pero tong Sendoh na to ang aga akong batiin..
"Birthday ko pala ngayon salamat. Saan ang regalo ko?" nakangusong tanong ko.
"Regalo? Ang tanda mo na gusto mo may regalo ka pa. Nung birthday ko nga wala kang regalo sakin kinalimutan mo pa akong batiin." nagtatampong sabi ni Sendoh..
"Nagtatampo ka? Sorry naman libre na lang kita mamaya." ngiti kong sabi..
"May regalo ako sayo pero di na naka balot at sigurado akong matutuwa ka." sabi ni Sendoh.
Ano naman kaya ang regalo nya sakin. Nagulat pa ako ng makita si Maki na may dalang bulaklak, cookies, chocolate at regalo putik ang aga naman nitong pakiligin ako..
"Happy birthday Hon. Hindi mo sinabi na birthday mo kundi pa sinabi ni Sendoh sa akin di ko malalaman." sabi ni Maki sabay ngiti sakin.
"Hindi naman kasi importante ang birthday ko kaya di mo na kailangan malaman." sagot ko.
"Sa akin importante yun." mahinang sabi ni Maki at binigay sakin ang bulaklak.
"Hindi kasi yan nag ce-celebrate ng birthday Maki hindi nga rin yan nag hahanda." sabat ni Sendoh.
"Mula ngayon ce-celebrate natin ang birthday mo na kasama ako at pati si Sendoh at mga malalapit mong kaibigan." seryosong sabi ni Maki.
Napaka sweet ni Maki wala talaga akong masabi at wala syang pakialam kahit pagtinginan kami sa schoo.
"Yun oh makakakain naman." natutuwang sabi ni Sendoh..
"Salamat Maki pero di ko naman kailangan nito basta makita kita masaya na ako." sabe ko dahil hindi naman talaga ako mahilig sa bulaklak at chocolate.
"Naks ang tamis naman. Iwan ko na kayo Maki may klase pa ako libre mo ko mamaya dude." pagpapaalam ni Sendoh.
Natatawa ako kay Sendoh dahil close na close na siya kay Maki sabagay hindi naman mahirap kaibigan si Sendoh dahil napaka friendly nyang tao.
"Para sayo lahat yan ayokong mamimigay ka para sayo lang yan. Sige na hihintayin kita sa gate hanggang matapos ang klase mo." sabe ni Maki at nagpaalam na sa akin.
"Teka bakit hihintayin mo ko? Wala ka bang pasok at practice?" tanong ko.
"Nag absent ako. Nagpaalam naman ako kay coach sabi ko may birthday ang asawa ko akala ko magagalit pero natuwa pa hehehe." ngiting sabi ni Maki sabay kindat sakin.
"Nababaliw ka na ba? Bakit nag absent ka pa...
Naiinis ako dahil nag absent sya para sakin. Alam ko kung gaano ka importante kay Maki ang basketball kaya ako naiinis.
"Oo nababaliw na ako dahil sayo. Mahal na mahal kita Satomi." seryosong sabi ni Maki.
"Grabe ang sweet ni Maki Satomi nakakakilig kayo." tilian ng mga classmate ko.
"Ikaw talaga Maki lage mo akong ginugulat sa mga surprise mo. Sige tapos ng klase ko hintayin mo ko., para sabay tayo umuwi." sabe ko nalang dahil nahihiya na ako.
"Hindi tayo uuwi agad. Sige na pumasok ka na galingan mo Hon I love you....
Bwesit may pa kindat pa kundi ka nga naman talaga mainlove sa kanya. Gusto kong tanungin kung san nanaman niya ako dadalhin? pero alam kong di naman nya yun sasabihin kaya di na lang ako nag tanong. Napangiti ako dahil sa dami ng binigay ni Maki kinikilig tuloy ako lalo na nung bigyan niya ako ng bulaklak at sing sing first time ko kasi bigyan ng bulaklak ng isang lalaki.
"Haba ng hair mo gurl." pang aasar ni Reika sa akin isa sa mga malalapit kong kaibigan.
"Ang sweet pala ni Maki. Akala ko snob siya pero di ko expect romantic pala nakakakilig yung ginawa niya." wika naman ni Tetsuki.
"Sagutin mo na si Maki. Alam mo napaka swerte mo sa kanya Satomi bibihira na lang kasi ang lalaki na hindi titingin sa ibang babae pero yang si Maki ikaw lang ata ang nakikita ng dalawa nyang mata hehehe yieh sweet." singit ni Shacha na hindi mapigilan kiligin.
"Tama ka dyan Shacha." sang ayon ni Reika.
Natatawa na lang ako sa mga classmate ko kasi dati gusto ni Shacha si Maki pero ngayon inaasar pa niya ako kay Maki at sinabing sagutin ko na. Ayokong madaliin ang lahat pero sigurado ako sa nararamdaman ko kay Maki mahal ko talaga sya at di yun magbabago..
Natapos na ang klase ko kaya lumabas na ako para puntahan si Maki kasi kanina pa sya naghihintay sa gate.
Napangiti ako ng makita sila Sendoh at ang team kasama si Maki di ko alam kung ano pinag uusapan nila kaya lumapit na ako..
"Hoy mga panget anong meron." pang gugulat ko..
"Maka panget ka akala mo ang ganda mo. Ay birthday mo pala ngayon kaya di kita aasarin." ngiting sabi ni Sendoh.
"Niyaya ko sila Koshino, Sendoh, Uozumi, Ikegami, Fukuda at ang ibang players ng Ryonan kasama si coach Taoka." sabe ni Maki at natuwa naman ako.
"Talaga? Eh san nga pala tayo pupunta ngayon." tanong ko.
"Sa puso ko." sagot ni Maki.
"Ayieh." pang aasar ng team.
"Matagal ka ng nasa puso ko Maki kaya wag mo kong banatan kung ayaw mo bangasan kita." pagtataray ko.
"Talaga Hon? Kung ganun pwede na ako maka-hinge ng kiss." tanong ni Maki..
"Subukan mo. Nakikita mo yung bato ipupokpok ko yun sayo kapag di ka pa tumigil kakahinge ng kiss...
Halos mag tawanan ang team at si Maki dahil sa sinabi ko. Alam ko naman sanay na sila sa akin dahil kilala na nila kung ano ugali meron ako. Hard ako oo pero may konting soft naman ang puso ko at marunong akong maka appreciate ng mga ginagawa ni Maki..
Umalis na kami ni Maki kasama ang team wala naman ginawa si Sendoh kundi mang asar sa team pati sa akin. Samantalang sila Koshino, Uozumi Fukuda at Ikegami tahimik lang..
"Alam mo ba Maki may hindi ka pa alam kay Satomi gusto mo bang malaman." nakakalokong sabi ni Sendoh.
"Tumahimik ka uupakan na talaga kita." inis kong sabi.
"Sige Sendoh ano ba yun?" tanong ni Maki habang naka tingin sa akin.
"Alam mo ba nung elementary kami may anim na lalaki na binubully sya balak ko sanang tulungan., kaso yung anim na lalaki dinala sa hospital hanggang ngayon commatose." kwento ni Sendoh habang tumatawa....
Bwesit na Sendoh talaga yan dinaldal pa kay Maki di ka ba naman magkaron ng kaibigan na ubod ng kulit.
"Totoo ba yun Hon?" tanong ni Maki..
"Bwesit ka Sendoh sarap mo talagang katayin." naiiritang sabe ko na hindi maiwasan mainis sa kanya.
"Nakakatakot ka pala Satomi baka ma-commatose ako kapag inaway kita." ngiting sabi ni Fukuda.
"Atleast si Satomi hindi pumapayag na ibully siya kaya niyang protektahan sarili niya. Ibang babae kasi pumapayag na ibully sila." paliwanag ni Uozumi.
"Hindi na ako papayag na may mambully pa sa kanya. Dahil nandito na ako walang pwedeng manakit sa babaeng mahal ko." seryosong sabe ni Maki.
"Ang sweet naman ni Maki." sabi ni Koshino.
"Kawawa nga si Maki kasi walang ka-sweetan sa katawan si Satomi tapos mapanakit pa." nang aasar na sabe ni Sendoh.
"Salamat Maki hindi mo ko hinahayaan masaktan...
"Mahal kita eh kaya gagawin ko lahat para lang di ko makita na malungkot ka o kaya umiiyak dahil ako unang unang masasaktan pag nangyari yun." sabi ni Maki at kinilig naman ako.
Sobra kong naapriciate ang pagmamahal ni Maki para sa akin. Alam kong ginagawa niya lahat para lang sumaya ako ang swerte ko naman.. lord salamat binigay mo sakin ang isang katulad ni Maki wala na akong hihilingin pa sayo dahil sobra sobra ang binigay mo sakin.
Gusto ko siya makasama habang buhay kaso hindi ko pa alam kung anong future ang naghihintay sa amin dalawa. Ayoko syang mawala sa buhay ko kasi masaya ako kapag kasama ko sya. Nawala man si papa pero binigyan ako ni lord ng katulad ni Maki ang taong pupuno at kukumpleto sa akin.