Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 25 - CHAPTER 25

Chapter 25 - CHAPTER 25

Tapos na ang klase pero di ako mapalagay dahil kinakabahan ako kung saan ako dadalin ni Maki., parang ayoko tuloy lumabas ng room baka mamaya may gawin sakin yun ayoko maging dalagang ina.

Nagulat ako ng makita si Maki sa labas ng classroom kaya pala nagtitilian ang mga estudyante paano kaya to parang di ako handa na sumama sa kanya..

"Halika na Hon...

Hawak hawak ni Maki ang kamay ko habang palabas ng room. Nagtaka naman ang kabilang section sa nakita nila dahil magka holding hands kami ni Maki..

"Pwede mo naman akong hintayin sa gate Maki di mo na kailangan umakyat." sabe ko na hindi maiwasan mahiya dahil nakatingin sa amin ang mga estudyante.

"Mamaya tumakas ka pa hehehe mahirap na..

Bwesit na lalaking to alam na alam talaga ang gagawin ko!. balak ko talagang tumakas kaso naunahan ako hehehe. Iniisip ko kung saan kami pupuntang dalawa, naku po lage akong kinakabahan sa gagawin nya napaka bilis kasi ni Maki basta ginusto niya gagawin niya..

Dinala ako ni Maki sa napaka gandang bahay hindi ko alam kung bahay nya to pero ang ganda sobra., Wala akong alam sa pagkatao ni Maki basta ang alam ko lang namatay ang kapatid nya dahil yun ang sinabi niya sakin.,

"Maki kaninong bahay to?" tanong ko..

"Sa amin." sagot ni Maki.

"Bakit mo ako dinala dito?" takang tanong ko..

Hindi sumagot si Maki pero naka ngiti ito habang papasok kami sa loob garden palang nila ang lawak na pero mas malawak pa pala ang loob. Mayaman pala si Maki pero kung titignan mo sya mukha siyang pulubi...

"Iho nandyan na ba si Satomi." tanong ng magandang babae.

"Opo Mama nandito na sya." sagot ni Maki.

Halos hindi ako makapag salita dahil nakita ko ang Mama niya ang ganda ng Mama niya at napaka puti bakit ang itim ni Maki? hindi ko lubos maisip na nanay niya to ang layo ng mukha sa kanya..

"Iha ako pala ang Mama ni Maki." pakilala ng mama ni Maki sa akin.

"Ikinagagagalak ko po kayong makilala. Napaka ganda nyo po model po ba kayo dati hehehe." ngiti kong sabi na hindi maiwasan titigan ang mama ni Maki.

"Napaka ganda mo rin iha. Halika ipapatikim ko sayo ang favorite na pagkain ni Maki." inakay ako ng Mama ni Maki sa kusina wala akong nagawa kundi sumama..

"Alam mo ba iha ngayon lang yan si Maki nagdala ng babae dito sa bahay. Akala nga namin hindi na yan mag sasalita wala rin kasing kaibigan yan mula ng mamatay ang kapatid niya." kwento ng Mama ni Maki..

"Talaga po? Ano po bang kinamatay ng kapatid niya?" tanong ko..

"May sakit sya sa puso akala namin simpleng sakit lang kasi hindi naman sya nagsasabe sa amin ayun pala malala na. Nung sinugod sya sa hospital 50/50 na at hindi na kinaya., Iyak ng iyak si Maki nun dahil mahal na mahal nya ang kapatid niya., silang dalawa lang kasi ang magkaibigan na at magkapatid pa. Masaya si Maki basta nandyan ang kapatid niya kaya nung namatay ang kapatid nya nag bago si Maki ngayon na lang siya sumaya ng husto at dahil yun sayo iha." natutuwang sabe ng Mama ni Maki sa akin.

"Hayaan nyo po tita hindi na sya ulit masasaktan." sabe ko na hindi maiwasan malungkot...

"Salamat Iha dahil dumating ka sa buhay nya...

Hindi ko alam na mabigat pala pinag daanan nya sabagay masakit mawalan ng mahal sa buhay lalo na kapatid mo pa. Ako nga na walang kapatid malungkot siya pa kaya na namatayan mas masakit yun.

Pagkatapos mag luto ng Mama ni Maki nagulat ako ng may dumating na lalaki at tingin ko tatay sya ni Maki., bakit ang gwapo ng tatay niya hindi rin niya kamukha ampon ata to si Maki eh...

"Ikaw ba si Satomi?" tanong ng lalaki..

Nakakatakot sya para siyang si Maki kung mag tanong hindi na ako magtataka kung saan nag mana si Maki pero ang gwapo ng tatay niya kaso di marunong ngumiti..

"Opo ako po si Satomi Takara." sagot ko..

"Napaka ganda mo pala talaga kaya naman pala patay na patay tong anak ko." ngiting sabi ng papa ni Maki at nakaramdam naman ako ng hiya.

"Papa naman baka umuwi si Satomi nyan." sabi ni Maki..

Sabay sabay kaming kumain at napaka saya ng pamilya ni Maki kahit tatlo lang sila., nakakahiya di man lang ako nakapag palit ng damit..,

"Satomi hindi ka ba binibigyan ng sakit ng ulo ng anak ko?" tanong ng papa ni Maki habang kumakain kami.

"Hindi po nya ako binibigyan ng sakit ng ulo palage nga po niya akong pinapasaya tito." nahihiyang sagot ko dahil yun naman talaga ang totoo...

"Buti naman Iha alam mo bang ngayon lang yan nagdala ng babae dito akala nga namin wala yan gusto kasi napaka raming babae may gusto sa kanya pero wala yan binigyan ng atensyon maliban sayo." wika ng papa ni Maki.

Naniniwala na ako kay Maki na loyal nga sya dahil mismong magulang na nya ang nagsabi. Ang ibig sabihin lahat ng sinabi niya sakin dati lahat yun totoo. Napaka swerte ko pala kay Maki dahil alam kung di nya ako sasaktan..

"Wala kasing ibang pinag tuunan yang anak kong si Maki kundi pag ba-basketball kaya masaya kami na dinala ka nya dito at pinakilala sa amin." saad naman ng Mama ni Maki..

"Papa at Mama si Satomi lang po ang babaeng pakakasalan ko. Alam kong maaga pa para sabihin to! mag tatapos ako ng kasama siya., gagawin ko lahat para lalo kayong maging proud sa akin. Alam kong proud na kayo sa mga achievements ko pero sana wag niyo tutulan ang desisyon kong pakasalan si Satomi, mahal na mahal ko siya.." seryosong sabi ni Maki..

"Kahit ngayon anak pakasalan mo na sya hinding hindi kami tututol ng mama mo dahil nakikita ko na masaya ka kay Satomi kaya walang dahilan para tutulan ang desisyon mo. Proud ako sayo anak lalo na sa mga ginagawa mo." ngiting sabi ng papa ni Maki..

Hindi ko na alam ang isasagot ko pinapakilala niya ako sa mama nya at papa nya para maging asawa niya ibang klase talaga si Maki pero kinikilig ako.

"Salamat Mama at Papa mahal na mahal ko kayo." sabi ni Maki na hindi maitago ang saya.

"Iha ayos ka lang ba? Nabigla ka ba sa sinabi ng anak ko hehehe." ngiting tanong ng mama ni Maki.

"Ang totoo po nyan masyado pa nga pong maaga para magpakasal. Nag aaral pa po kasi kaming dalawa pero hanggat nandito si Maki siya ang gagawin kong inspirasyon para makapag tapos.,

"Napaka bait mong bata Iha." pagpuri ng papa ni Maki sa akin.

"Salamat Hon wag ka mag alala willing to wait naman ako." kindat na sabe ni Maki.

"Oo dapat lang dahil kapag mahal mo hihintayin mo kahit gaano katagal." ani ng papa ni Maki..

"Alam mo ba Iha napaka daming award nyang si Maki lumaban din yan sa ibang bansa at marami din yan achievement hindi lang sa larangan ng basketball pati sa mga academic." kwento ng mama ni Maki

Unti unti kong nakilala kung sino talaga si Maki dahil kahit ako bumibilib sa kanya kapag naglalaro. Oo inaamin ko dati ayoko sa kanya pero tama si Sendoh hindi dapat natin hinuhusgahan ang tao sa physical niyang itsura. Matalino pala si Maki kahit na kasama pa siya sa team di nya pinababayaan ang pag aaral.. nakaka proud.,,

"Ang swerte ko po pala sa kanya tita." ngiti kong sabi..

"Mas maswerte ako dahil dumating ka sa buhay ko." sagot ni Maki..

"Mula ngayon Mama na ang itawag mo sakin iha...

"Sige Mama." sagot ko sabay ngiti kay Maki. 

Napaka bait ng magulang ni Maki wala akong masabi. Akala ko dati lahat ng lalaki manloloko pero hindi pala. Dahil may isang katulad ni Maki na handang magmahal ng iisang babae lang at pinatunayan nya yun sa akin.