Di ako makakain ng maayos dahil kay Maki. Sa bawat subo ko kasi tinititigan niya ako. Ewan ko ba pero lumalakas pintig ng puso ko kapag ganito siya sakin para bang may nagrarambulang daga...
"Maki pwede ba wag mo kong titigan." bulong ko..
"Bakit ka bumubulong? Gusto kitang titigan eh pero mas gusto kitang halikan..
"Tumigil ka na Maki ang dami natin dito. Umayos ka." inis kong sabi..
"Gusto mo paalisin ko sila hehehe." ngiting sabi ni Maki
"Ewan ko sayo kumain ka na nga lang..
Napaka sweet ni Maki hindi naman chocolate tong kinakain ko pero kinikilig ako ang layo di ba? paki nyo ba..
"Tignan mo si Satomi Mitsui tumatawa nanaman mag isa." ngiting turo ni Sendoh sa akin.
"May sayad yang kaibigan mo." sagot ni Mitsui habang nakatingin din sakin.
Kung mag usap silang dalawa akala nila di ko sila naririnig pero di ko na lang pinansin kasi di rin ako mananalo kay Sendoh mas bully sakin yun eh..
"Sendoh buti nayaya mo kumain yan si Rukawa." sabe ni Kiyota..
"Hinalikan ko eh." natatawang sagot ni Sendoh..
Hindi naman maipinta ang mukha ni Rukawa sa sinabi ni Sendoh. Alam naman ng team na biro lang yun ni Sendoh pero si Rukawa seryoso ni hindi man lang ngumingiti.
"Sasaki pupunta ka pa ba ng america?" tanong ni Maki.
"Hindi na ayoko kasi magkalayo kami ni Fujima." sagot ni Sasaki..
"Ang sweet naman." ngiting sabi ni Ryota.
"Ikaw Satomi pupunta ka ba ng america?" tanong ni Fujima.
"Anong gagawin ko dun sa america? mamalengke?" sabe ko na hindi maiwasan mainis sa tanong ni Fujima.
"Try mo mag swimming hahaha." nang aasar na sabi ni Sendoh.
"Ikaw kung wala kang magandang sasabihin tumahimik ka kung ayaw mong ihampas ko sayo tong mangkok." inis kong sabi kay Sendoh.
"Maki oh inaaway ako hehehe." pag susumbong ni Sendoh.
"Loko loko ka talaga Sendoh." napapangiting sabi nalang ni Uozumi.
Sabay sabay na kaming pumunta sa gym pero dahil umalis na sila coach hindi na itinuloy ang practice. Ang ganda ng samahan ng team nila wala akong masabi para silang magkakapatid.
"Hahatid kita tapos ko magpalit." mahinang sabi ni Maki..
"Kahit wag na kaya ko naman umuwi mag isa..
"Wag makulit baka hindi kita iuwi sa inyo sige ka hehehe..
Hindi na ako nagsalita dahil baka totohanin ni Maki ang sinabi niya. Ang sarap ng pakiramdam at ang saya ko dahil nakasama ko siya sana araw araw na lang kami magkasama hehehe..
"Satomi uwi na kami ni Fujims nice meeting you ulit." ngiting sabi ni Sasaki bago nagpaalam.
"Ingat kayo nice meeting you din Sasaki...
Nagpaalam na ang iba team kaya umalis na din kami ni Maki pagkatapos nitong magbihis. Hindi ko alam bakit napaka ganda ng katawan ni Maki ang hot.
"Maki nag ggym ka ba?" tanong ko
"Oo..
"Kaya pala..
"Anong kaya pala?
"Kaya pala maganda katawan mo..
"Hindi lang naman katawan ko maganda sakin masarap din akong humalik hehehe..
"Napaka bastos mo talaga..
"Love mo ba ako Satomi?..
"Hindi ko pa yan kayang sagutin ngayon..
"Okay..
Naiinis ako bakit nagbago nanaman ang mood nya dahil ba sa sinabi ko takte naman dapat pala sinabi ko na lang na love ko sya talaga naman ohh.
"Nagagalit ka nanaman ba? Wag ka na magalit di naman ako magpapaligaw sa iba promise yan..
"Promise?..
"Promie halika hug kita...
"Ayoko ng hug gusto ko kiss hehehe..
"Yayakapin kana nga ang arte mo pa..
"Sige na nga yakap na lang..
Ang sarap yakapin ni Maki ngayon ko lang naranasan na yakapin ng isang lalaki ganito pala ang feeling ayokong mag hiwalay kami gusto ko talaga siyang kayakap napaka bango niya sobra..
"Satomi...
"Mamaya na...
"Tuloy na lang natin samin di lang yakap bibigay ko sayo." bulong ni Maki
"Ang bastos mo talaga dyan kana nga..
"Sandali hon hehehe..
Nagulat ako ng hawakan ni Maki ang kamay ko., titig na titig siya sa mukha ko. Napaka pogi pala nya kapag malapitan kahit di sya maputi.
"May ibibigay ako sayo..
"Ano yun?" tanong ko..
May inilabas si Maki na maliit na kahon na hugis puso. Iniisip ko pa lang kung ano yun bwesit bakit napaka sweet nito.. lumuhod siya sakin at binuksan ang kahon nagulat ako ng makita ang singsing napaka ganda nun..
"Will you marry me?..
"Ha? Ano bang sinasabi mo Maki..
Nawiwindang ako sa kanya di ko alam kung bakit nya to ginagawa napaka bilis ng taong to ibang klase. Hindi tuloy ako makasagot dahil ang daming naka tingin sa amin.
"Pakakasalan mo ba ako kung sakaling maging tayo? OO at HINDI lang ang isasagot mo..
"Maki tumayo ka dyan ang daming naka tingin satin..
"Tatayo lang ako dito kapag narinig ko sagot mo ngayon..
"Oo pakakasalan kita..
"Nakaka kilig naman kayo.." sigaw ng mga tao sa amin..
Tumayo si Maki at sinuot ang singsing sa akin napaka ganda ng singsing.
Romantic din pala tong taong to pero napaka bilis niya hehehe
"I love you. Wag na wag mo tatanggalin yan dahil magagalit ako..
"Opo hindi ko tatanggalin." sagot ko
Niyakap ako ulit ni Maki kahit na napaka raming tao ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya sa akin kaya susuklian ko yun dahil ayokong makitang masasaktan sya...
"Salamat Maki masaya ako sayo." naiiyak kong sabi..
"Masaya rin ako sayo sobra. Ikaw lang ang kukumpleto sa akin Satomi dahil kapag nawala ka kulang ako tandaan mo yan..
Napaka sweet nga naman talaga nya kahit sino mamahalin ang lalaking to kung ganito ka-sweet pero akin lang si Maki hindi ko siya ibibigay sa iba..
"Pangako iingatan ko to at lage kong isusuot para di ka magalit sakin..
"Dapat lang dahil kung hindi pakakasalan na kita hehehe..
"Siraulo ka talaga hehehe..
Hindi binitiwan ni Maki ang kamay ko habang naglalakad kami. Napakasaya ng saya ng puso ko sobra gusto ko mag sisigaw dahil kinikilig ako..
"Susunduin kita bukas sa school mo." seryosong sabi ni Maki..
"Bakit wala ba kayong practice?" tanong ko..
"Wala. May pupuntahan tayo bukas tapos ng klase mo..
"Saan naman? Ayusin mo Maki ayoko pa ibigay to., sasakalin talaga kita..
"Basta may pupuntahan tayo. Ginagalang kita Satomi kaya wag ka mag isip ng di maganda sakin..
"Promise yan..
"Promise po., goodboy ako hehehe..
Pagkauwi namin kinausap lang ni Maki si Mama para ipagpaalam ako bukas. Natutuwa naman ako dahil nagsasabi sya kay Mama yung ibang lalaking kilala ko hindi nagpapaalam sa magulang ng babae pero iba si Maki..
"Ingat ka umuwi ka kagad." sabi ko..
"Opo Hon uuwi agad ako para sayo hehehe..
"Sige na baka lalo ka pang gabihin..
Hinatak ako ni Maki papunta sa kanya at niyakap
"Goodnight Hon payakap lang saglit para makatulog ako ng maayos mamimiss kasi kita." bulong ni Maki
Ang sweet ni Maki sobra wala na akong pakialam kung makita ni Mama na ganito kami. Ang saya ko sobra at dahil nanaman sa kanya yun..
"Goodnight Maki mamimiss rin kita." ganting sagot ko..
"Sarap naman nun pwede isa pa hehehe..
"Mamimiss kita Maki..
"Goodnight Hon uwi na ako..
Pagpasok ko sa bahay para akong tanga dahil kinikilig ako natatawa na lang tuloy si Mama sa akin. Ayoko ng pigilan tong nararamdaman ko mahal ko na talaga si Maki at sigurado na ako dun..