Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 21 - CHAPTER 21

Chapter 21 - CHAPTER 21

----SUNDAY----

Araw ng linggo kaya walang pasok pero ngayong araw din ang laban ng KAINAN laban sa tatlong team ang SHOHOKU, SHOYO at RYONAN. Ayoko sanang pumunta kaso gusto ni Maki na nandun ako dahil mag tatampo raw sya sa akin..

Pagbaba ko nakahain na si Mama dahil alam niyang manonood ako ng laban nila Maki at Sendoh. Masaya ako dahil ngayon ko lang mapapanood ang laban ng apat na pinaka magaling sa KANAGAWA., gusto ko rin suportahan si Maki pati na rin ang kaibigan kong si Sendoh...

"Good morning anak bilisan mo kumain para maaga ka makarating." excited na sabi ni Mama

"Opo Ma. Parang mas excited ka pa sakin eh." ngiti kong sabe.

Pagkatapos kong kumain naligo at nag ayos na ako para nga naman hindi ako mahuli..

Nag tren na ako para maagang makarating sa laro nila Maki. Dati ayoko manood ng laban nila pero ngayon gusto ko siguro dahil makikita ko si Maki. Lintik ang landi ko hahaha..

Pag dating ko hindi ko makita si Maki pero nandun na sila Sendoh at ang Shohoku. Bakit wala siya kaya nga ako nandito dahil sa kanya eh.

"Hi Satomi ang ganda mo ngayon para kang tao." pang aasar ni Sendoh habang tumatawa.

"Hobby mo talagang asarin ako. Wag mo kong kausapin Sendoh kung ayaw mong paputukin ko yang labi mo." mataray kong sabe sa kanya...

"Good morning Satomi." ngiting bati ni Ikegami at Koshino.

"Good morning din." bati ko sa dalawa.

Napaka cute ng team ng Ryonan syempre school namin yun hehehe. Ang cute nila kapag naka jersey lalo sila Sendoh at Koshino lutang na lutang ang kaputian ng dalawa.

Kitang kita ko naman ang Shohoku na nag wawarm up para mag handa sa practice game. Naka tingin naman sakin si Mitsui iniisip siguro niya kung bakit ako nandito. Ang sarap tusukin ng mata nya ang laki kasi...

"Ano Sendoh handa kana bang matalo wahaha." natatawang sabi ng may pulang buhok napaka yabang nito ang panget naman kakairita pa yung kulay ng buhok red parang manok...

Tawa lang ang sagot ni Sendoh dun sa sinabi ng may pulang buhok..

Dumating na ang Shoyo at grabe nakaka gulat nga dahil napaka tatangkad nila si Fujima lang ata ang pandak sa kanila paano kaya siya naging coach at captain ganung maliit siya hehehehe ang sama ko talaga..

"Good morning coach Anzai and coach Taoka." bati ng team ng SHOYO sa dalawang coach..

May kasamang babae si Fujima parang girlfriend niya kasi magka holding hands ang dalawa nakakainggit ang sweet nila.

Nagulat ako ng may kumalabit sakin kaya napatingin ako..

"Miss ano ginagawa mo rito? bawal ng panget dito..

Nagulat ako dahil nakita ko si Mitsui. Ayos din tong lalaki to ang lakas mang asar umagang umaga., ayoko sana uminit ang ulo ko pero kung ganito ba naman maiinis ka talaga..

"Bakit nandito ka rin kung bawal ng panget dito." pagtataray ko..

"Ayos ka ha! wala pang nagsasabing pangit ako lahat sila sinasamba ako.," sabi ni Mitsui.

"Ang lakas din ng tama mo. Alam mo itulog mo yan di kita sasambahin kahit mamaga pa yang mata mo., matalo ka sanang panget ka." naiiritang kong sabe sa kanya.

"Sobra ka na. Umalis ka nga dito! kundi ka lang babae papatulan kita eh.,

"Subukan mo Mitsui! ako makakalaban mo." bungad ni Maki..

Nagulat kaming dalawa dahil dumating na pala ang team ng KAINAN. Seryosong seryoso ang mukha ni Maki akala mo galit! ano nanaman kayang problema nito..

"Maki ikaw pala yan hehehe." ngiting sabi ni Mitsui..

"Wag mo gagalawin ang girlfriend ko! kung ayaw mong magalit ako sayo." seryosong sabi ni Maki.

"Girlfriend mo yan?." nagulat na tanong ni Mitsui.

"Oo bakit. May problema ba dun Mitsui?" sabi ni Maki na seryosong seryoso ang mukha...

"Wala naman hehehe....

Hawak hawak ni Maki ang kamay ko. Imbes na maupo ako sa bench ng Ryonan sa bench ng Kainan ako nakaupo dahil dun ako dinala ni Maki. Ano ba naman to! mag tatampo naman sakin si Sendoh bahala na nga..

"Maki pakilala mo naman kami dyan." ngiting sabi ni Kiyota..

"Satomi Takara girlfriend ko." pakilala ni Maki..

Halos hindi makapaniwala ang team ng KAINAN pati ang coach nila sa narinig., bwesit na Maki kasi to ang lakas ng loob ipakilala akong girlfriend hindi pa naman kami.

"Siya yung kaibigan ni Sendoh di ba captain?" tanong ni Jin..

"Oo siya nga yun." sagot ni Maki..

"Alam mo ba Satomi first time ni Maki mag dala ng babae. Snob kasi yan sa mga babae kahit na ang daming may gusto sa kanya wala siyang pinapansin yun pala ikaw ang dahilan." sabi ni Kiyota na hindi makapaniwala.

"Talaga snob siya? patingin nga! parang di naman." sabe ko habang nakatingin kay Maki.

Natawa naman sila sa sinabi ko ganun din si Maki. Di ko inakala na mababait pala ang team ng KAINAN friendly pa hindi katulad ng Mitsui na yun na team ng Shohoku.

"Ang cool naman ng girlfriend mo Maki." nahihiyang sabi ni Jin.

"Kaya nga mahal ko eh!., di ba Hon hehehe." ngiting sabi ni Maki.

"Umayos ka Maki! kung ayaw mong bangasan ko yang mukha mo." sabi ko na hindi maiwasan mainis sa kanya.

Pinatawag ng tatlong coach ang team para hatiin sa dalawa ang magkakampi Ryonan at Shohoku. Kainan at Shoyo naman nagulat pa si Sendoh dahil gusto niya makalaban ang Ace player ng Shohoku na si Kaede Rukawa.

"Ang starting 5 sa team ng Shohoku at Ryonan si Sendoh, Akagi, Mitsui, Ryota at Rukawa hindi kasama si Sakuragi ang may pulang buhok! ang starting 5 naman sa team ng Shoyo at Kainan si Maki Fujima Kyota Jin at Hanagata.

"Dito ka lang maglalaro lang ako." ngiting sabi ni Maki.

"Malamang alangan naman sumama pa ako sayo....

"Wala bang kiss pampagana hahaha...

"Suntok gusto mo? Mas gaganahan ka dun...

"Hehehehe..

Masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya ang gwapo pala niya fuck sh*t para tuloy gusto ko siyang bigyan ng kiss. Ang landi mo Satomi sabunutan kita eh hahahaha..

"Tatang bakit di ako kasama? Lage mo na lang ako binabangko." naiinis na sabi ni Sakuragi.

Natatawa ako sa kanya dahil kung umasta siya parang di coach ang tingin niya kay coach Anzai. Ang daming babae nagpunta sa practice game tilian sila ng tilian ng makita sila Rukawa, Sendoh, Maki, Fujima, Hanagata, Mitsui, Koshino.. halos lahat sila may taga hanga grabe naman para silang sikat..

"Maki ikikiss kita pag nanalo ka baby...

"Fujima galingan mo para sakin..

"Maki pakakasalan kita pag nanalo ka..

"Sendoh please love me...

"Rukawa I love you..

Naiinis ako sa mga babaeng to kasi hindi naman cheer ang ginagawa nila kundi kalandian.

"Sasaki ayos ka lang?" tanong ni Ayako..

"Hindi naman ako nagseselos Ayako alam ko naman ako lang mahal ni Fujima." ngiting sagot ni Sasaki..

Narinig ko silang nag uusap dahil tumabi ako sa kanila. Wala naman kasi akong kasama sa upuan kundi ang coach ng Kainan.,

"Girlfriend ka ni Fujima?" tanong ko..

"Oo." nahihiyang sagot ni Sasaki..

"Halikan mo nga yung boyfriend mo ng mag tigil tong mga to ang lalandi eh." inis kong sabi..

"Hehehehe." ngiti lang ang sagot ni Ayako sa sinabi ko ganun din si Sasaki..

"Ikaw ba boyfriend mo si Maki?" tanong ni Ayako..

"Hindi pa. Ewan ko ba sa lalaking yan pinagkakalat na girlfriend niya ako may sayad kasi sa utak yan eh." sabe ko..

"Pero ang sweet niyong tignan at bagay kayo.," nakangiting sabe ni Sasaki..

"Salamat ano nga palang name mo?" tanong ko.

"Sasaki Rukawa. Ito naman si Haruko kapatidi ni Akagi tapos ito si Ayako." pagpapakilala ni Sasaki..

"Satomi Takara kaibigan ni Sendoh." pagpapakilala ko naman..