Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 22 - CHAPTER 22

Chapter 22 - CHAPTER 22

Nagsimula na nga ang practice game si Akagi at Hanagata ang nag jump ball at nakuha ito ni Fujima namumula naman ang mukha ni Sasaki dahil kay Fujima..

Napaka galing pala talaga ni Fujima dahil napaka bilis niyang kumilos talo si Miyagi ang point guard ng Shohoku.

"Subukan mo ko Fujima." seryosong sabi ni Ryota..

"Ayaw kitang kalaban Ryota pero ayokong matalo kami." ngiting sabi ni Fujima..

Pinasa ni Fujima ang bola kay Maki na ang nag babantay ay si Sendoh. Teka bakit si Sendoh nag babantay sa kanya nakakainis naman ayoko pa naman magkalaban sila...

"Laban na Maki." sabi ni Sendoh..

Nakangiti lang si Maki kay Sendoh at nagulat ito ng mag shoot si Maki napaka bilis niyang gumalaw hindi siya kaya ni Sendoh. Ganito pala kaseryoso si Maki kapag nag lalaro..

"Ano ba kayo bakit nagpapatalo kayo kay lolo uumbagin ko kayo eh." galit na galit na sa sabi ni Sakuragi..

"Tumahimik ka dyan gung-gung." iritang sabe ni Rukawa..

Bigla akong napatingin kay Sakuragi dahil sino bang lolo ang tinutukoy nya. Ayokong isipin na si Maki yun dahil paiitiman ko ang buhok niya pag nagkataon..

"Nagsisimula pa lang ang laban Jin." makahulugang sabi ni Mitsui..

"Tatalunin kita Mistui." seryosong sabi ni Jin..

Hindi maka puntos ang kabila kahit na nasa kanila si Sendoh at Rukawa dahil malakas si Maki at Fujima hindi naman nakakapag taka yun dahil si Maki ang numero uno sa distrito.

"Ang galing ni Maki maglaro di ba Satomi." ngiting sabi ni Ayako.

"Ayos lang." sagot ko..

Hindi na ako bibilib sa kanya kasi alam ko naman magaling na siya hindi naman kasi siya magiging Ace player kundi siya magaling. Masaya ako dahil lamang sila Maki ayoko man matalo sila Sendoh pero mas ayokong matalo si Maki hehehe..

Nagulat kami ng mag slamdunk si Sendoh at napalpal ito ni Maki kitang kita kay Sendoh ang pagka bigla dahil sa ginawa ni Maki hindi naman ito nainis at ngumiti pa na parang nakakaloko. Yun ang maganda kay Sendoh hindi pikon kapag naglalaro ng basketball maliban lang kapag si Rukawa ang kalaban niya.

"Nakakainis ka na lolo mamaya ka sakin." inis na sabi ni Sakuragi

"Hay naku." buntong hininga ni Rukawa..

"Balik na. Wag natin hayaan na maka lamang sila." sigaw ni Fujima..

"Jin bantayan mo ang 3 points ni Mitsui." utos ni Maki.

"Opo captain." sagot ni Jin.

Ang seryoso ni Maki pero ang hot parin niya. Lalo syang naging gwapo kapag nag lalaro ng basketball hay ang sarap mong yakapin panget.

"Fujima galingan mo." sigaw ni Sasaki

Lumapit naman si Fujima kay Sasaki at binigyan ito ng matamis na halik nakaka inggit ang dalawa kung mag halikan akala mo walang nakaka kita pero ang sweet ni Fujima sa girlfriend niyang si Sasaki.

"Tama na Fujima baka maubos na si Sasaki." pang aasar ni Mitsui..

"Ang tamis." ngiting sabi ni Ryota..

"Hindi ba Maki meron ka din." natatawang sabi ni Kiyota...

"Sino si Hon." sabe naman ni Sendoh sabay tingin sakin.

"Mag lalaro ba kayo o mag dadaldalan na lang kayo?" nagagalit na sabi ni coach Takato..

Tawa naman ng tawa ang team dahil hindi nga naman sila nag fofocus sa paglalaro! natatawa din tuloy ako kasi ang kulit nilang mag asaran hehehe..

"Coach practice game lang naman to! kahit matalo ok lang hehehe." ngiting sabi ni Sendoh..

"Tinuringan ka pa namang Ace player Sendoh nakung bata ka." inis na sabi ni coach Taoka..

"Satomi para sayo to Hon." kindat na sabi ni Maki

"Wow Hon ang sweet naman." kinikilig na sabi nila Ayako.

"Tumigil ka Maki wag mo kong ma hon hon uumpog ko yang ulo mo sa pader." naiirita kong sabi..

"Ang hard naman ng girlfriend mo Maki." bulong ni Fujima..

"Ganyan talaga yan araw araw high blood pero kinulang sa dugo." pang aasar ni Sendoh..

"Wahahaha loko ka Sendoh." natatawang sabi ni Kiyota..

"Pero love yan ni Maki." singit ni Jin..

"Kiss mo nga kung love mo." utos ni Sendoh kay Maki.

"Kiss daw Satomi hehehe." ngiting sabi ni Maki..

"Subukan mo? Nang dumugo yang nguso mo." pagtataray ko..

"Yari ka Maki. Mukhang mahihirapan kang maka score dyan." mahinang sabi ni Miyagi na hindi rin maiwasan tumawa.

"Mahilig ka pala sa babaeng palaban Maki hehehe." ngiting sabi ni Mitsui..

Nagpatuloy na sila sa paglalaro dahil naiinis na yung dalawang coach hindi kasi nila sineseryoso ang game. Si Rukawa lang ang hindi nakikipag asaran sa kanila parang may sariling mundo! pero ang gwapo nga talaga niya para siyang si Sendoh matangkad at maputi pero ang ugali magkaibang magkaiba dahil tahimik si Rukawa samantalang si Sendoh ubod ng daldal..

"Matanong ko nga si Rukawa ba may girlfriend na?" tanong ko..

"Wala pa." sagot ni Haruko..

"Bakit wala? Sa gwapo nyang yan wala siyang girlfriend?" nagtataka kong sabi..

"Mataas ang pangarap ni Rukawa at wala sa isip nyang magka girlfriend pero malay natin heheheh." ngiting sabi ni Ayako.

"Ikaw Haruko may boyfriend ka na ba?" tanong ko..

"Wala pa." malungkot na sabi ni haruko..

"Bagay kayo ni Rukawa ligawan mo na para magka girlfriend na tutal naman pareho kayong single." natatawang sabi ko..

Nabigla silang tatlo sa sinabi ko hindi ko naman alam kung bakit kaya natawa na lang si Sasaki at Ayako., bakit kaya? hehehehe...

"Ang sarap mong maging kaibigan Satomi." natutuwang sabi ni Sasaki..

"Hindi naman ako pagkain Sasaki." sabe ko habang natawa..

"Nakakatawa ka Satomi buti nagkasundo kayo ni Maki seryoso yun eh hehehe." ngiting sabi ni Ayako..

"Hindi ko nga rin alam bakit kami nagka sundo nyan! parang kaming asot pusa kung mag away. Nung una ayoko sa kanya arogante kasi tapos ang panget pa ng kulay niya mukha rin syang tatay sorry laitera talaga ako eh yun kasi ang nakikita ko sa kanya eh...

"Ibang klase ka Satomi kaya pala nagustuhan ka ni Maki." sabi ni Ayako.

Hindi na kami nanonood ng game kundi nagkwentuhan na lang kami nila Ayako Sasaki at Haruko. Napaka sarap nilang kausap lalo na si Ayako dahil nasasakyan niya ugali ko ganito talaga pag magaganda eh hehehe.