Natapos na ang klase namin kaya pinuntahan ko si Sendoh. Niyaya niya akong kumain kasama daw ang team. Ewan ko ba mula ng makasama ko si Maki hindi na ganun kasama ang tingin ko sa mga basketball players..
"Ano gusto mo kainin." ngiting tanong ni Sendoh..
"Kahit ano." sagot ko..
"Uozumi may kahit ano ba sa restaurant nyo." tumatawang tanong ni Sendoh.
Tawa ng tawa naman sila Fukuda Ikegami at Koshino sa sinabi ni Sendoh.
"Walang kahit ano dito eh." sagot naman ni Uozumi.
"Wala daw kahit ano." sabe ni Sendoh na hindi maiwasan tumawa.
"Kahit yun na lang." naka nguso kong sabi..
"Ano tawag dun?" tanong ni Sendoh habang tumatawa.
"Ihampas ko kaya sayo tong caldero ng magtigil ka kaka-tanong sinabi ko na ngang ayun eh." naiinis kong sabi..
"Lage kang high blood pero mukha ka namang anemic hahaha...
"Uozumi may sandok ka ba dyan? akina nga ihahampas ko lang dito kay Sendoh..
"Sendoh wag mo na kasing asarin si Satomi baka di na siya sumama satin." malungkot na sabi ni Koshino.
"Oo nga namam Sendoh." sang ayon ni Ikegami.
"Basta pagkain sasama yan hahahaha." natatawang sagot ni Sendoh..
Hindi ko na pinansin ang pang aasar ni Sendoh kumain na lang ako dahil gutom na rin naman ako. Nakakainis kasi yung feeling na galit ka na pero siya sige pa rin sa tawa ang lakas ng tama.,
"Satomi totoo bang kayo na ni Maki?" seryosong tanong ni Koshino.
"Hindi Koshino., wag ka maniwala kay Maki inaasar lang ako nun." sagot ko..
"Alam mo ba ang tawagan nila Hon hehehe...
"Pwede ba kumain ka na lang Sendoh kumukulo yung dugo ko sayo eh." naiinis kong sabi..
"Bakit ka pala umiyak nung nakita kita?" tanong ni Fukuda.
"Umiyak ka? Iyakin ka pala." pang aasar ni Sendoh..
Naiinis ako kay Sendoh dahil napaka daldal nito tinalo pa ang babae sa sobrang daldal nakakabadtrip. Ang dami tuloy tanong nitong mga to sakin.
"Wala napuwing lang ako nun." pagsisinungaling ko kay Fukuda.
Di ko alam bakit iniisip ko si Maki habang kumakain nababaliw na rin ata ako. Nag aalala ako para sa kanya dahil alam kong di pa siya gaanong magaling.,
"Satomi bakit ka nakatulala pasukan ng langaw yang ilong mo hahaha...
"Pwede ba Sendoh wag mo ako pakialam nag eemote ako..
"Kapag nag eemote kailangan ba talagang naka tulala..
Hindi na ako nag salita dahil di ako titigilan ni Sendoh malakas pa naman siyang mang asar. Hindi ko nga alam bakit ako nakatulala... praning na ata ako.
Pagkatapos namin kumain kanila Uozumi naghiwa-hiwalay na kami nila Koshino, Ikegami at Fukuda., sumabay naman sa akin si Sendoh pauwi.
"Satomi may laban ang KAINAN SHOHOKU RYONAN at SHOYO practice game lang naman yun..
"Ok." tipid kong sagot..
"Manood ka! nandun si Hon." ngiting sabe ni Sendoh..
"Tumigil ka Sendoh wag mo akong inaasar..
"Suportahan mo naman si Hon hehehe sige ka kapag maraming babae lumapit sa kanya ikaw rin..
"Anong ako rin?..
"Ikaw rin mag seselos hehehe..
Bakit naman ako mag seselos kung hindi naman kami. Naisip ko na marami siyang taga hanga kaya expect ko na maraming babae ang lalapit sa kanya. Ewan ko ba pero ayoko rin makita si Maki na may kasamang babae., selos nga bang matatawag yun hay..
"Ano tulala ka na naman hahaha..
"Pakialam mo ba..
"Manood ka sunday naman yun.. bye Satomi dito na ako..
"Ingat..
Hindi ko alam kung manonood ba ako o hindi kapag hindi ako nanood maraming babae lalapit kay Maki,. kapag nanood naman ako marami pa ring babaeng lalapit kay Maki hay naku kainis..
Nalulungkot ako kapag di ko siya nakikita.,
Hindi na ako nag expect na makikita ko siya dahil nagpaalam siya sakin na may practice game sila., malayo ang school ng KAINAN sa RYONAN pero naglalakad siya para sakin., para lang masabayan ako., minsan hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa ginagawa niya o maiinis dahil nahihirapan siya dahil sakin.
Malapit na ako sa bahay ng may humawak sa kamay ko., nagulat ako ng makita si Maki., hindi ko akalain na makikita ko siya dahil nga ang alam ko may practice sila.
"Anong ginagawa mo dito..
"Hehehe...
"Wag mo kong tawanan Maki sabi ko! anong ginagawa mo dito?..
"Tapos na practice namin., binilisan ko lang para makita ka kahit saglit..
Nakaka touch ang sinabi niya. Bakit ba ang sweet ng lalaking to di ko tuloy alam ang sasabihin ko.
"Alam mo ba habang naglalaro ako ikaw ang nasa isip ko." seryosong sabi ni Maki.
"Buti hindi kayo natalo hehehe.
"Muntik na nga eh hahaha..
"Hambalusin kaya kita! pasalamat ka maganda mood ko..
"Kaya ako nandito dahil gusto kita makita talaga., dahil hindi ako masaya kapag di kita nakikita." ngiting sabi ni Maki.
Hindi ko na talaga alam ang isasagot ko., masyado na akong kinikilig! putik malapit na ako maihi sa kilig., ayos din kasi tong lalaking to napaka sweet ng sinasabi hindi ko na tuloy alam kung ano ba talaga nararamdaman ko para sa kanya.