Pinapasok ko muna si Maki sa bahay dahil halata sa kanyang pagod na pagod sya.
"Gusto mo ba kumain?" tanong ko..
"Papayag lang akong kumain kapag sinubuan mo ako..
"Ang tamad mo naman may taga subo ka pa., sige papayag akong subuan ka pero gamit sandok ano payag ka?...
"Hahaha sige kakain na ako mag isa.. kawawa ako sayo hehehe..
Hinayaan lang kami ni Mama dahil gusto naman niya si Maki para sa akin. Natutuwa ako dahil hindi rin iba ang turing ni Mama kay Maki katulad ng turing niya kay Sendoh..
"Kamusta araw mo?" tanong ni Maki habang kumakain
"Ayos lang kumain lang kami nila Sendoh kasama ang team." sagot ko..
"Pati si Koshino kasama?..
"Oo teammate siya ni Sendoh eh..
"Ok...
Biglang nagbago ang mood ni Maki dahil patipid ng patipid ang sinasabi nito. Ayoko ng ganitong attitude niya dahil hindi ko mabasa kung anong iniisip niya lintik naman..
"Anong arte yan Maki?..
"Wala...
"Tumingin ka nga sakin. Pag ako nainis sayo hahambalusin kita..
"Nalulungkot lang ako..
"Bakit ka naman nalulungkot?" tanong ko
"Basta akin na lang yun.,
Napaka seryoso ni Maki di tulad ng dati na kumain kami na masaya siya.
"Ano bang problema Maki?" tanong ko..
"Ikaw..
"Ha? Hindi naman kita inaway hah..
"Hindi yun ang ibig kong sabihin." seryosong sabi ni Maki.
"Eh ano pala?" tanong ko ulit.
"Bakit pag sinabi ko ba maiintindihan mo ko?..
"Bakit ka ba nagagalit? Oo maiintindihan kita Maki." sagot ko..
"Mahal kita Satomi..
Nagulat ako sa sinabi niya halos hindi ako makapag salita dahil nabigla ako. Ang totoo di ko alam kung ano isasagot ko sa kanya., Mahal ko nga rin ba si Maki naguguluhan ang utak ko.,
"Sabi ko na di mo ako maiintindihan., ayos lang naman Satomi kung lumayo ka dahil sa nalaman mo! pero totoo tong nararamdaman ko sayo...
"Hindi ko alam! kung ano isasagot ko sa sinabi mo Maki...
"Kahit wag ka na sumagot dahil alam ko naman.. aalis na ako! wag mo na akong ihatid...
Nagpapaalam na ba siya sa akin! badtrip naman., ayoko siyang lumayo sakin gusto ko tulad parin kami ng dati kaso parang malabo na yun dahil alam kong nasaktan ko siya., Hindi ko naman kasi talaga alam ang isasagot ko sa kanya nakakainis..
Umakyat na ako sa kwarto para dun umiyak ayoko makita ni Mama na umiiyak ako dahil sa lalaki., naiinis ako sana pala sinagot ko na lang yung tanong nya kahit hindi ako sigurado banas ayoko ng ganitong pakiramdam...
Ang sakit pala umibig sh*t kung alam ko lang ganito sana nung una palang di na ako nakipag usap kay Maki., Oo gusto ko siya pero hindi pa ako sigurado., masaya ako kapag kasama siya at nakikita siya! pero hindi ko alam kung pagmamahal na ba yun., Alam kong pareho kaming walang karanasan sa pag ibig dahil sabi ni Maki never pa siyang nagkaroon ng girlfriend! pero alam kong nasasaktan siya at nakita ko yun sa mga mata niya kanina habang mag kausap kami.. ayoko siyang makitang ganun dahil nahihirapan din ako kapag nasasaktan siya., bwesit nakakaiyak naman talaga ohh!!!!... lord pwede bang ibigay mo na lang sakin si Maki yung walang ending puro happy lang pwede ba yun lord please....
__________
Pag gising ko pagang paga ang mata ko sa kakaiyak., hanggang ngayon naiisip ko parin si Maki., magkikita pa kaya kami o baka hindi na.
Bumaba na ako para kumain dahil hindi ako pwedeng umabsent dahil exam namin ngayon.
"Anak umiyak ka ba?" tanong ni Mama..
"Nagbabasa kasi ako Ma ng love story nakakaiyak kaya ito paga mata ko..
Naniwala naman si Mama sa sinabi ko kaya hindi na ito nag tanong pa. Pagtapos kong kumain umalis na ako dahil hindi ako pwedeng malate. Nag tren ako dahil pag naglakad ako baka di na ako umabot sa exam..
Pag akyat ko sa tren nakita ko si Maki! hindi na rin siya nag lakad dahil siguro ayaw niya akong makita., nakakaiyak naman parang gusto kong magwala.
"Good morning Maki." bati ko..
"Morning." seryosong sagot niya...
Bakit ganun bigla siyang nag bago ng pakikitungo sa akin., Ibang iba yung Maki na nakilala ko na masaya!. ngayon kasi seryoso sya at parang ayaw akong kausapin.
"Kumain ka ba?" tanong ko para lang may pag usapan kami..
"Wala akong gana...
"Bakit dahil sakin?...
"Wag mo na lang akong kausapin Satomi mas maganda pa yun...
Nasaktan ako sa sinabe nya kaya hindi nalang ako nagsalita.
Bumaba na si Maki at hindi manlang ako pinansin. Ganito pala gusto niya sige wala ng pansinan mula ngayon.