Pagkatapos namin kumain ni Maki pinainom ko siya ng gamot para bumaba ang lagnat niya. Hindi ko alam bakit ako nag aalala para sa kanya..
Nagpasya siyang umuwi na para makapag pahinga., hinatid ko siya hanggang gate dahil alam kong pagagalitan ako ni Mama pag di ko yun ginawa.
"Ingat ka pagaling ka rin.." sabi ko na hindi maiwasan mag alala para sa kanya.
"Alam mo ba hindi ako pumunta ng practice game namin., para makita ka..
Nabigla ako sa sinabi niya dahil ang alam ko importante kay Maki ang paglalaro ng basketball. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa sinabi niya..
"Bakit mo naman ginawa yun..
"Ayaw mo naman kasi magpakita sakin., kaya ako na pumunta sa school mo..
"Pero sabi mo manonood ka ng practice game nila Sendoh..
"Dinahilan ko lang yun para makita ka hehehehe..
"Ikaw talaga! sorry pala dahil nasampal kita., Ikaw naman kasi eh..
"Ayos lang yun kasalanan ko naman eh., pero pakiusap wag ka na ulit iiyak dahil ayoko na makita kang umiiyak.
Hindi ko na alam kung bakit ganito sakin si Maki., hindi ko na rin maintindihan kung bakit lumalakas pintig ng puso ko., bakit ayoko tong nararamdaman ko...
"Oo hindi na ako iiyak..
"Pumasok ka na sa loob., ayokong makita mo kong naglalakad palayo dahil baka mahalikan pa kita hehehe..
"Ang bastos mo talaga Maki., madapa ka sana bwesit ka..
Pag talikod ko naririnig ko naman na tumatawa si Maki., Ibang klase napaka bastos talaga nun.. pero natuwa ako dahil hindi ko akalain na aabsent siya sa practice game para sakin..
"Naka alis na ba si Maki?" tanong ni Mama..
"Opo Ma..
"Alam mo anak bagay na bagay kayo hehehe.. may girlfriend na ba si Maki anak?
"Wala siyang girlfriend Ma..
"Buti naman dahil gusto ko siya para sayo anak hehehe..
Ano bang nakita ni Mama dun. Ang totoo mabait naman si Maki at nakita ko na yun ngayon., kahit na nga ba lage kaming nag aaway. Hindi ko alam bakit iba ang nararamdaman ko pag kasama siya ibang iba pagkasama ko si Sendoh.
Umakyat na ako sa kwarto dahil ayoko na makipag usap kay Mama., dahil wala naman siyang ibang itatanong kundi si Maki.. Bakit kaya ganun! nung una ayoko kay Maki pero habang tumatagal nagugustuhan ko siya., dahil hindi naman siya ganun kasama tulad ng iniisip ko dati..
Hay!! Bakit ba kami pinag tagpo.,
____________
Pupungas pungas akong nagising., hindi ako nag alarm kaya siguradong late na ako. Ayoko sanang pumasok kasi alam kong galit sakin ang mga classmate ko dahil akala nila kami ni Maki. Si Shacha ay malaki ang gusto kay Maki kaya galit na galit siya ng malaman na kami ni Maki kahit hindi naman talaga totoo..
Nagpaalam na ako kay Mama para pumasok., dahil baka kapag di pa ako umalis baka wala na akong abutang teacher.
"Good morning miss...
"Maki...
"Hehehe pwede bang sumabay sayo miss?..
"Hehehe Oo ba mister." sagot ko.
Hindi na ako napipikon kay Maki di tulad dati kasi alam kong inaasar lang niya ako kaya sinasakyan ko na lang. Napaka hot niya sa suot niyang jersey..
"Kumain ka ba bago pumasok?" tanong nya..
"Oo ikaw ba? Uminom ka ba ng gamot bago pumasok..
"Oo naman kasi ayoko mag alala ka sakin..
"Hindi ako nag aalala sayo." sabe ko.
"Talaga? Aw ang sakit grabe di ko na kaya..
"Anong masakit sayo? Saan ang masakit." nag aalalang tanong ko
"Hehehehe akala ko ba di ka nag aalala sakin?..
"Bwesit ka talaga., ang aga mo akong inisin..
"Ang aga ko naman naging masaya dahil sayo..
"Pwede ba wag ka na mag salita., nakakainis.
"Hindi nga ako nakatulog kagabi! iniisip kasi kita. Sabi ng puso ko Satomi Satomi Satomi...
Natatawa ako peste bakit ba ganito to ang aga aga! aminin ko man o hindi masaya ako dahil kay Maki.
"Wee talaga sabi yan ng puso mo?" tanong ko..
"Oo hehehehe." ngiting sagot ni Maki.
"Baliw hehehe..
"May practice ako mamaya., kaya baka gabi na ako makauwi.
"Bakit ka nagpapaalam sakin?
"Malamang girlfriend kita eh hehehe..
"Ang kapal mo talaga., hindi pa tayo! isa pa di kita type..
"Aray huhuhu...
"Tumigil ka sa kaartehan mo di bagay sayo..
"Mag iingat ka sa pag uwi mamaya., diretso uwi kung ayaw mong iuwi kita samin hehehe..
"Hindi naman ako gumagala eh.,.
"Good girl ka pala Hon...
"Masasapak na kita pag di ka pa umayos., tigilan mo ko Maki wag na wag mo akong tatawaging Hon kung ayaw mong sipain kita..
"Oo na sige na malapit ka na sa school nyo! bye Hon hehehe...
Nagtatakbo na si Maki dahil alam niyang sisipain ko siya., bwesit talaga nang asar pa., pagpasok ko sa school halos lahat sila naka tingin sakin badtrip naman..
"Congrats Satomi." ngiting bati ni Tetsuki.
Gulat na gulat ako dahil hindi ko alam kung bakit niya ako binabati ganun din ang iba kong classmate., nakakapag taka dahil alam ko galit sila sakin eh..
"Satomi hindi na ako magagalit sayo kahit na kayo na ni Maki kasi kaibigan kita ayokong dahil sa lalaki masira pagkakaibigan natin., sorry Satomi." hinging paumanhin ni Shacha..
Mabait naman sila Tetsuki at Shacha pero dahil nga gusto nila kay Maki kaya nagalit sila sakin pero hindi naman kasi talaga kami ni Maki.,
"Wala na yun." ngiti kong sabi.
Sabay sabay na kaming pumasok sa room dahil paniguradong late na kami., masaya ako dahil okay na kami ng mga kaibigan ko akala ko kasi galit parin sila sa akin..