Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 13 - CHAPTER 13

Chapter 13 - CHAPTER 13

Pag labas ko nagulat ako ng makita si Maki na hinihintay ako. Ayoko talaga magpa hatid sa kanya dahil kaya ko naman mag isa umuwi.

"Hatid na kita." sabi nya..

"Wag na! umuwi kana kaya ko naman mag isa...

"Binilin ka sakin ni Sendoh..

"Kaya ko umuwi mag isa Maki kaya pwede., umuwi ka na mag isa kung ayaw mo mag away tayong dalawa...

Nagulat ako ng buhatin ako ni Maki na parang isang sakong bigas.., nag wawala naman ako dahil sa ginawa niya.

"Ibaba mo ko dito bwesit kang lalaki ka..

"Tumahimik ka dyan., kung ayaw mong ihagis kita.. Ayaw mo magpahatid sakin kaya ginawa ko to..

"Magpapahatid na ako sayo ibaba mo lang ako..

"Ayoko nga hehehe..

Hayop na lalaking to nakakainis na. Bakit ba kasi pinagkatiwala ako ni Sendoh dito nakakabanas.

"Maki ibaba mo ako pinag titinginan tayo ng mga tao....

"Wala akong pakialam kung pag tinginan nila tayo.,

"Magwawala ako dito sige ka..

"Mag wala ka kung gusto mo., basta hindi kita ibaba hanggat di tayo nakakarating sa inyo..

Hindi nga niya ako binaba nakakainis. Napaka lakas ni Maki at alam ko yun kitang kita naman sa katawan niya., gusto ko siyang sapakin sa ginawa niya., pero naaawa naman ako dahil nilakad niya hanggang samin habang buhat buhat ako..

"Ayos ka lang ba dyan?..

"Tse! Nakakainis ka..

"Hindi ko alam ang bigat mo pala., mag diet ka nga." sabe nya habang tumatawa.

"Kaya nga ibaba mo na ako para di ka na mahirapan..

"Ayoko nga sinabi., baka mamaya hindi ka pa umuwi sa inyo pagalitan pa ako ni Sendoh..

Nakarating kami sa bahay kaya binaba na ako ni Maki. Inis na inis ako sa kanya pero nandun parin yung awa dahil napagod at nahirapan siya sakin. Sino ba naman kasing nag sabi na buhatin niya ako..

Pinapasok ko siya sa bahay at nagulat naman si Mama dahil may kasama akong lalaki. Never pa kasi akong nagsama ng lalaki sa bahay maliban sa kaibigan kong si Sendoh.

"Magandang gabi po Mam." bati ni Maki kay Mama.

"Aba ang galang ni panget." mahinang sabe ko

"Napaka galang mo naman iho.," ngiting sabi ni Mama.

"Ako po pala si Shinichi Maki.," pagpapakilala ni Maki..

"Ikaw pala si Maki yung captain ng KAINAN tama ba iho?" tanong ni Mama.

"Opo." magalang na sagot ni Maki..

"Napaka gwapo mo pala iho., kumain ka na ba? Salamat sa pag hatid mo sa anak ko., pasensya ka na wala kasi siyang kapatid kaya mag isa lang siyang umuuwi." sabi ni Mama..

Naku po mukhang balak pa ni Mama mag kwento kay Maki wag naman sana.. Alam ko naman kasi kapag nag kwento si Mama wala ng bukas..

"Ayos lang po yun sakin., malapit lang naman po dito ang bahay ko...

Napaka bait ni Maki sa Mama ko hindi ko alam ganito pala ka galang to. Pinakain ni Mama si Maki sa bahay dahil ayaw nitong umuwi si Maki na gutom., hindi man lang naisip ni Mama na galing kami sa birthday at busog kaming dalawa.

"Salamat po sa masarap niyong luto tita." nahihiyang sabi ni Maki.

"Wala yun iho., next time pag di ka busy pumunta ka ulit dito at ipag luluto kita."  sabi ni Mama.

"Ano! may next time pa Ma?" tanong ko.

"Sige po tita kahit araw araw pa., kung gusto niyo." ngiting sabi ni Maki.

Tuwang tuwa naman si Mama pero ako inis na inis., hindi ko alam kung nang aasar si Maki bwesit.. kaya ayokong magpahatid sa kanya nakaka badtrip..

"Asahan ko yan iho., mag ingat ka sa pag uwi ha..

"Makaka asa po kayo tita salamat po...

"Anak ihatid mo si Maki sa labas." utos ni Mama.

"May paa naman siya., kaya niyang mag lakad." inis kong sagot.

Binatukan ako ni Mama kaya napa aray ako., ngiting ngiti naman si Maki dahil sa ginawa ni Mama sa akin. Wala akong nagawa kundi ihatid tong panget na to badtrip..

"Uuwi na ako Satomi...

"Nakikita ko nga...

"Alam mo hindi ka nag mana sa mama mo., ang lambing kasi ng mama mo at napaka bait..

"Ganun ba? Edi ligawan mo mabait pala eh..

"Hehehe sige na nga uuwi na ako., bukas ulit..

"Anong bukas ulit., hoy lalaki hindi tayo close kaya wag kang pupunta dito..

"Goodnight Satomi uwi na ako..

"Kanina ka pa nagpapaalam eh. Umuwi ka na nga..

"Natutuwa kasi ako sayo hehehe goodnight ulit..

"Night bye..

Binagsak ko ang gate sa sobrang inis. Hindi ko alam bakit ba sa daming ng kakausap sakin mga players pa., Iwas na iwas na nga ako sa mga basketball players pero lage na lang kabaligtaran ang nangyayari..

"Anak napaka gwapo pala ni Maki..

"Mama lahat na lang sayo gwapo.. si Sendoh gwapo para sayo tapos si Maki gwapo rin malabo na talaga yang mata mo Ma..

"Iba naman kasi ang ka gwapuhan ni Sendoh sa ka gwapuhan ni Maki bagay nga kayo anak eh..

"Ma naman pwede ba wag mo ko inaasar sa panget na yun.. nakita mo ba kulay nun Ma?. kulay black...

"Grabe ka Anak wala naman sa kulay yan at nakita ko kay Maki na mabait siyang tao..

"Ewan ko Ma wala akong pakialam sa kanya.

"Gusto ko si Maki para sayo Anak hehehe.

"Mama naman wala pa sa isip ko ang pag boboyfriend at kung si Maki lang makaka tuluyan ko., mag bibigti na lang ako ayoko dun..

Umakyat na ako sa kwarto dahil sa inis., lahat na lang sila ang tingin kay Maki mabait., siguro may konting bait pero 1% lang. Hindi naman ako makatulog sa kakaisip ng ginawa ni Maki., first time ko kasing buhatin tapos sa kaaway ko pang si Maki never pang nagawa ni Sendoh sakin yun kahit napaka tagal naming magkaibigan..