Tamad na tamad akong bumangon hindi ko alam kung bakit. Pag baba ko nakita ko si Mama na nagluluto ng almusal., natutuwa ako dahil mahal na mahal ako ni Mama sabagay nag iisang anak lang kasi ako.
"Hindi ka ba papasok? tanong ni Mama..
"Papasok ako Ma pero late., wala naman masyadong gagawin sa school." sagot ko
"Kumain ka na para hindi ka malate..
Pagkatapos kong kumain naligo na ako at nag bihis., Gusto kong mag absent kaya lang sayang ayoko mamiss yung lesson.,
Nagpaalam na ako kay Mama para pumasok., naglalakad lang ako papuntang school dahil sayang ang pera kahit late na ako.,
"Good morning..
Nagulat ako ng makita si Maki umagang umaga mukha agad niya nakita ko kamalas nga naman oh!!! bigla kong naalala na parehong way nga pala kami.
"Morning." bati ko naman.
"Nakatulog ka ba kagabi." tanong ni Maki
"Hindi nga eh!. nakita kasi kita sa panaginip ko." mataray kong sabe.
"Hahahaha akalain mo yun nag kita tayo sa panaginip..
"Ang malas ko di ba., sa lahat ng makikita ko ikaw pa..,
"Bakit nga pala nag lalakad ka?..
"May paa kasi ako eh." pamimilosopo kong sagot.
"Heheheh Oo nga naman. Ibig kong sabihin bakit di ka sumakay..
"Ayoko! sayang sa pera..
"Gusto mo libre kita,. para makabawi ako sayo..
"Wag na..
"Hindi ko mabasa ang ugali mo! pero natutuwa ako sayo., hindi ko rin alam bakit masaya ako kapag nakikita kita at nakakausap..
"Alam mo tigilan mo ako sa ka dramahan mo ang aga aga pa..." inis kong sabi kay Maki.
"Hindi naman ako nag da-drama.. totoo yun Satomi..
Hindi ko alam kong ano ibig niyang sabihin na masaya siya., kung alam niya lang kung gaano ako kainis kapag nakikita o nakakasama siya.
"Teka nga saan ba ang punta mo?" tanong ko..
"Sa school mo hehehe...
"Anong gagawin mo dun?..
"Manonood..
"Ng ano?..
"Manonood ako ng bold hahaha." natatawang sagot ni Maki
"Bwesit ka ang bastos mo., pareho pareho talaga kayong mga lalaki..
"Hehehe. Manonood ako ng laro nila Sendoh..
"Wag mo akong kausapin..
Sabi ko na bastos talaga ang Maki na to nakakainis. Bakit ba kasi nakikipag usap pa ako sa kanya., umagang umaga sira agad ang araw ko dahil sa kanya..
"Huminto ka nga." utos ni Maki
"Ayoko." sigaw ko
"Pag di ka huminto hahalikan kita..
Napahinto naman ako sa sinabi niya., dahil takot akong totohanin niya ang sinabi niya dahil malakas pa naman si Maki.,
"Hihinto ka rin pala eh hehehe., Sabay tayong mag lakad..
"Bwesit." bulong ko..
"May sinasabi ka?..
"Wala...
Nakarating kami sa school at sumama nga si Maki para manood ng practice game nila Sendoh., Inis na inis ako sa kanya.. Nakita naman kami ni Sendoh at Koshino kaya lumapit ito sa amin ni Maki..
"Wow may taga hatid na may taga sundo pa.." pang aasar ni Sendoh..
"Tumahimik ka., kung ayaw mong maghiram ng mukha sa aso..
Tumawa naman si Koshino Maki at Sendoh sa sinabi ko. Naiinis ako pati kay Sendoh kundi dahil sa kanya di malalaman ni Maki yung bahay namin..
"Papasok na ako." pagpapaalam ko..
"Satomi wait.." tawag ni Koshino..
"Salamat nga pala sa pagpunta sa birthday ko., para sayo nga pala! ginawa ko yan." nahihiyang sabi ni Koshino..
Inabot ko naman ang cookies na binigay ni Koshino dahil sayang rin yun.. seryoso naman naka tingin sakin si Maki na parang hindi masaya sa nakita..
"Salamat dito Koshino wag ka mag alala kakainin ko to..
Natuwa naman si Koshino sa sinabi ko at dumiretso na ako para pumunta sa classroom. Hindi ko alam bakit ganun ang reaction ni Maki samantalang kanina lang ang saya niya., tapos biglang sisimangot pumangit tuloy hahaha..
Hindi pa ako nakakapasok sa loob nag titilian na ang mga classmate ko., hindi ko alam kung bakit.
"Satomi nandyan si Maki yung Ace player ng KAINAN." kinikilig nilang sabi.
"Ano naman ngayon kung nandyan siya..
Hindi na ako umabot sa unang subject ko kaya sa pangalawang subject na., ang pinaka hate ko PE wala akong kahilig hilig sa sports kundi lang importante ang grades di ako sasali sa sports..
Nagpunta na ako sa locker room para magpalit..hindi talaga ako sanay mag suot ng short na sobrang igsi tapos naka sando pa hay naku!!!...
Lahat ng classmate ko ay lumabas na dahil nakapag palit na sila., Iniisip ko naman kung lalabas ako na ganito ang suot ko para kasing ang pangit tignan.., bahala na
"My god nandito si Maki at Sendoh." nagtitilian na sabi ng mga classmate ko..
Nakatingin naman si Maki sa akin kaya lalo akong nailang., naka tingin siya sa suot ko tapos naka ngiti.,Alam ko kung ano nasa isip niya hindi na ako magtataka dahil napaka bastos niya.
"Maki pwede bang pa hug." kinikilig na sabi ng babae..
"Hindi pwede! magagalit kasi girlfriend ko." ngiting sabi ni Maki habang naka tingin sakin..
Sabi niya sakin wala siyang girlfriend napaka sinungaling talaga., kaya ayoko sa kanya hindi naman pala totoo lahat ng sinabi niya sakin bwesit ka., mamaga sana mata mo..
"May girlfriend ka na pala Maki." nalungkot na sabi ni Shacha..
"Oo meron na! taga dito nga siya eh.." ngiting sabi ni Maki..
"Talaga sino?" tanong ni Shacha..
Lumapit si Maki sa akin at ngumiti sabay akbay sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya dahil pati sila Sendoh naka tingin sa amin..
"Si Satomi ang girlfriend ko., kaya hindi na ako available di ba Hon." ngiting sabi ni Maki.
"Anong Hon sinasabi mo! kilabutan ka nga., wag kayong maniniwala dito sa Maki na to..." galit kong sabi saka umalis..
"Hon pala hah." pang aasar ni Sendoh.
Bwesit ka talaga Maki nakakainis ka na., bakit ba nakilala pa kita nadidire ako sayo hayop kang panget ka.,Isusumpa na talaga kita.,
Nagpalit na ako ng damit at hindi na ako sumali sa laro sa sobrang inis., Gusto kong mag wala sa sinabi niya dahil iniisip ng mga classmate ko na boyfriend ko si Maki hay bwesit na buhay to..
"Hindi mo naman sinabi kayo na pala ni Maki hehehe." bungad ni Sendoh..
"Isa ka pa lumayas ka sa harap ko., hindi kami ni Maki kaya wag ka maniwala dun." naiinis kong sabi kay Sendoh..
"Pulang pula ka na nga eh., Hon pala tawagan niyo., si Fujima naman babe ayos., ano kaya sakin hehehe." nakangiting sabe ni Sendoh..
"Pwede ba lumayas ka sa harap ko baka masakal na talaga kita ng tuluyan...
Galit na galit ako kay Maki dahil sa kanya nawiwindang ang mga classmate ko., Ayokong isipin nila na may boyfriend ako tapos dun pa sa panget na yun nakaka bwesit..