Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 15 - CHAPTER 15

Chapter 15 - CHAPTER 15

"Akala ko ba Satomi ayaw mo sa basketball player?" naiinis na sabi ni Tetsuki.

"Oo nga., yun pala kayo na ni Maki.!" inis ding sabe ni Shacha.

"Kahit naman anong sabihin ko sa inyo hindi kayo maniniwala., sinabi ko na hindi kami ng Maki na yun inaasar lang ako nun." sabe ko na hindi maiwasan magalet kay Maki.

"So ibig sabihin nag sisinungaling si Maki?" tanong ni Tetsuki.

"Ang landi mo rin pala. Nasa loob ang kulo mo., kunwari ayaw mo sa player yun pala di mo sinabi may boyfriend kana at si Maki pa talaga." pagtataray ni Shacha sakin.

Naiinis ako dahil ang sakit mag salita ng mga classmate ko sa akin dahil sa lintik na Maki na yun kaya ako inaaway., Wala naman akong magagawa kung kay Maki sila naniniwala.

"Wag nyong awayin si Satomi." bungad ni Maki.

Lumapit ako kay Maki at malakas na sampal ang ginawa ko sa kanya sa sobrang inis., akala niya lahat biro nagkakamali siya dahil maling tao ang kinalaban niya.

"Bawiin mo lahat ng sinabi mo., bwesit ka ang lakas ng loob mong sabihin na girlfriend mo ako., paniwalang paniwala sila na tayo." naiiyak kong sabi.

"Tapos ka na ba?" tanong ni Maki..

"Ayaw na kitang makita kahit kailan yang pagmumukha mo., ang kulay mo at yang nakakainis mong ugali., bwesit ka galit ako sayo at kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan." galit kong sabi saka lumabas ng room..

Wala na akong pakialam kung marinig pa ng mga classmate ko ang sinabi ko wala rin akong pakialam kung masaktan siya., Gusto ko mag wala dahil sa sobrang sama ng loob ko sa kanya galit na galit ako sa kanya.

"Satomi bakit ka naiyak?..

Hindi ko na pinansin ang tanong ni Fukuda at dire-diretso na akong lumabas ng school., dahil ayoko ng makita pa ang pagmumukha ng Maki na yun kahit kailan..

Iyak ako ng iyak dahil naiinis ako sa kanya., ngayon lang ako umiyak ng dahil sa lalaki tapos sa Maki na yun pa.,Nagulat ako ng bumuhos ang malakas na ulan lalo akong naiyak dahil wala akong dalang payong.,, hay badtrip.

"Gusto mo bang magkasakit." seryosong tanong ni Maki..

Gulat na gulat ako dahil hindi ko akalain na sinundan pala niya ako palabas ng gate., Hindi ko siya napansin dahil sa sobrang inis ko sa kanya.

"Lumayas ka sa harap ko Maki., galit ako sayo at wag mo akong kakausapin.." pagtataray ko..

Hinatak ako ni Maki at niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya binigay niya sa akin ang jacket niya para di ako mabasa., galit ako pero hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko...

"Kapag nawala na ang ulan saka mo ko saktan. Sa ngayon yayakapin na lang kita dahil ayokong magka sakit ka." mahinang sabi ni Maki..

"Hayaan mo na ako please Maki." naiiyak kong sabi..

"Ayoko." sagot nya.

"Nababasa ka ng dahil sakin..

"Ayos lang! basta di ka mabasa." saad ni Maki.

Napaka lakas ng ulan pero hindi ako nilalamig., dahil napaka init ng yakap ni Maki sa akin. Gusto kong mainis at magalit sa kanya dahil sa ginawa niya., pero hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko parang ayoko magalit sa kanya.

"Sorry kung umiyak ka., hindi na mauulit yun." bulong ni Maki..

Tumila na ang ulan kaya humiwalay na ako sa kanya.,

"Halika na! iuuwi na kita sa inyo." sabi ni Maki.

"Wag mo na ako ihatid Maki., dalin mo na rin tong jacket mo...

Binuhat ako ni Maki paharap sa kanya., kaya kitang kita ko ang mukha niya., napaka tangos ng ilong ni Maki at napaka ganda ng mga mata niya sh*t bakit ko ba siya pinupuri..

"Maki ibaba mo na ako..

"Ayoko hahatid kita sa inyo..

"Ang bigat ko...

"Wala akong pakialam..

Nakatingin ako kay Maki habang seryoso naman siyang naka tingin sa daan., hindi pala siya panget dahil kahit maitim siya ang ganda pala ng mukha niya.,

"Wag mo ako masyadong titigan baka mainlove ka..

"Ang kapal mo talaga., ibaba mo na nga ako..

"Ayoko! aalagaan pa kita...

Nagulat ako sa sinabi niyang aalagaan niya ako., samantalang siya nga ang nabasa dahil sakin., tapos binuhat pa niya ako para tuloy nakonsensya ako sa ginawa ko sa kanya..

Pag dating namin sa bahay wala si Mama kaya pinapasok ko muna si Maki., siguradong magkakasakit siya dahil nabasa siya ng ulan..

"Hintayin mo ako ititimpla kita ng kape..

Nahihiya ako sa ginawa ko kay Maki nakakainis naman kasi yung ginawa niya eh pero nakonsensya ako. Pagkatapos kong mag timpla ng kape binigay ko ito sa kanya.

"Salamat hon." ngiting sabi ni Maki

"Tumigil ka sa kaka Hon mo sakin., kung ayaw mong sipain kita palabas..

"Ang lamig giniginaw ako..

"Sandali kukuha kita ng tuwalya..

"Hindi yun ang kailangan ko Satomi.

Nagulat nanaman ako dahil hinatak ako ni Maki at niyakap., napaka lakas ng pintig ng puso ko hindi ko alam kung bakit badtrip! ano ba tong nangyayari sakin.,

"Ikaw lang sapat na., yakapin mo lang ako para di ako lamigin..

Nagpupumiglas ako pero dahil malakas si Maki di ako makawala sa kanya.,

"Maki bitawan mo ako." nakikiusap kong sabe sa kanya.

"Ayoko! nilalamig pa ako Satomi." sagot ni Maki..

Wala akong magawa dahil kahit anong piglas ko di niya ako pinapakawalan., Natatakot ako na baka makita ni Mama na magka yakap kami ni Maki naman ohh!!