Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 8 - CHAPTER 8

Chapter 8 - CHAPTER 8

Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko dahil nakikita ko si Maki. Sa totoo lang ayoko talaga sa kanya, makita ko pa lang pagmumukha niya naiinis na ako hindi ko alam bakit kumukulo dugo ko sa kanya.

Gusto ko ng magpaalam kay Sendoh at umuwi na. Dahil ayoko ng manood ng practice game nila Maki., hindi dahil nababagot ako kundi ayokong makita si Maki. Tawa naman ng tawa yung may pulang buhok dahil inaasar niya yung player ng KAINAN. Inis na inis ako dahil napaka ingay nila kung manood idagdag pa ang tilian ng mga babae na akala mo nakawala sa hawla...

"Satomi ayos ka lang?" ngiting tanong ni Sendoh..

"Mukha ba akong ayos dito? Sinama sama mo pa kasi ako dito nakakawalang gana manood eh." naiinis kong sabi.

Narinig naman ng Shohoku ang sinabi ko kaya tinignan nila ako ng masama. Hindi ko alam bakit masama ang tingin nila sakin, samantalang totoo naman ang sinabi ko.

"Miss kung ayaw mo manood., dapat di ka na nagpunta dito." masungit na sabi ng lalaki na may jersey na number 14.

"Bakit ikaw ba may ari nito? Kung ikaw ang may ari nito pwede mong sabihin sakin na wag akong mag punta rito! at for your information ayoko naman talagang manood ng laro." pagtataray ko.

"Tama na yan Mitsui manood na lang tayo." pag aawat naman ng may jersey na number 7.

Naiinis ako sa player ng Shohoku akala mo naman napaka gwapo. Isa parin pa lang magagaspang ang ugali lalo na yung number 14 na jersey. Isa din sa dahilan kung bakit ayoko ng basketball players dahil sa mga ugali nilang arogante mayabang at feeling gwapo. Kundi ko lang kasama si Sendoh nasapak ko na tong player na to sa sobrang inis.

Dahil hindi naman talaga ako nanonood ng laro natulog na lang ako kesa naman makita ang pagmumukha ni Maki at ng player ng Shohoku.

Nagulat ako sa hiyawan ng mga tao sa loob ng gym dahil nanalo ang KAINAN sa SHOYO, tuwang tuwa naman ang fans ng Kainan dahil sa pagka panalo ng mga ito. Niyaya ako ni Sendoh na puntahan si Maki para icongrats ito pero tumanggi ako dahil ayoko siyang makita.

Lumabas ako ng gym mag isa dahil wala naman akong kilala bukod kay Sendoh. Pinuntahan ni Sendoh ang Kainan at naghintay naman ako sa kanya sa labas. dahil nauuhaw ako pumunta ako sa vendo machine habang wala pa si Sendoh.

Pagkalagay ko ng barya bumagsak ang soda at nagtaka naman ako ng kunin yun ng lalaki. Inis akong tumingin sa kanya. Nagulat ako ng makita si Maki kasama ang player ng Kainan..

"Akin yan." inis kong sabi.

"Mas nauna akong mag lagay ng barya kesa sayo! kaya akin to." sagot ni Maki.

Kundi ba naman talaga kumulo ang dugo mo dito sa pangit na to!! Nababanas na ako dahil wala na itong ginawa kundi painitin ang ulo ko bwesit talaga..

"Edi sayo na. Mabilaukan ka sana bwesit ka." bulong kong sabi.

"Paano kayo naging magkaibigan ni Sendoh kung ganyan ka gaspang ang ugali mo? Pagkakaalam ko kasi kay Sendoh friendly at nice sa lahat, higit sa lahat mabait." seryosong sabi ni Maki.

"Alam mo nauubos na pasensya ko sayo! wag mo kong sagarin dahil baka maupakan kita ng wala sa oras. Ang dami mong sinasabi., na sayo naman yang soda ko." inis kong sabi.

"Kailan pa naging sayo ang akin? binili ko to miss. Kung wala kang pang bayad mag sabi ka, willing ulit kitang tulungan." ngiting sabi ni Maki.

Ubos na ubos na ang pasensya ko sa pangit na to. Pinapamukha niya sakin na wala akong pera, kundi ba naman talaga may sayad ang utak nito nakaka badtrip.

"Maki sino ba siya?" tanong ng player ng Kainan.

"Ewan ko, hindi ko rin siya kilala." sagot ni Maki.

Nainis ako sa sinabi ni Maki na hindi niya ako kilala, samantalang pinakilala ako ni Sendoh sa kanya. Napaka sama talaga ng ugali niya. Lumabas na ako para puntahan ang bwesit kong kaibigan sa sobrang sama ng mood ko nasapak ko ang pader malapit sa gym kaya nagdugo ang kamay ko. Naiyak naman ako sa sakit badtrip na buhay to ang malas malas..

"Miss okay ka lang?" tanong ng lalaking may jersey na number 14.

Isa pa tong bwesit sa buhay ko, hindi na natapos tapos ang kamalasan. Bakit ba ang daming players na pangit nakakabanas.

"Sa tingin mo ba okay ako? Ayusin mo yang tanong mo." pagtataray kong sabi sa kanya.

"Aba ayos to ha! Ikaw na nga tinanong ikaw pa galit!. anong klaseng ugali meron ka." inis ring sabi nito.

"Mitsui wag mo na patulan! babae yan." pag awat ng may jersey na number 7.

Umalis na ang dalawang pangit at iniwan na nila ako.. Inis na inis ako dahil mula ng makita ko ang Maki na yun sunod sunod na ang kamalasan sa buhay ko. Ayokong umuwi sa bahay na ganito ang kamay ko dahil sigurado tatanungin ako ni Mama kung kanino ako nakipag away.

Lumabas na ako para umuwi hindi ko na hinintay si Sendoh, dahil mangangampanya pa ata! ang kaibigan ko sa dami ng kinausap sa loob!.. banas talaga.

"Satomi sandali." tawag ni Sendoh.

"Ano nakausap mo ba sila lahat na iboto ka? Napaka tagal mo sa loob." inis kong sabi.

"Hahaha napasarap kasi yung kwentuhan...

"Gaano kasarap?...

"Sobrang sarap hahaha....

"Ewan ko sayo! magsama sama kayong may sayad sa utak...

Nauna na akong naglakad kay Sendoh dahil naiinis parin ako sa nangyari kanina. Hindi ko na alam kung kaya ko pa makipag usap ng maayos ganitong mainit ang ulo ko.

"Satomi napano yang kamay mo?" nag aalalang tanong ni Sendoh.

"Ayaw lumaban ng pader kaya sinuntok ko." sagot ko.

"Hahaha ano bang pumasok sa utak mo! pati pader pinag diskitahan mo...

Hindi ko na pinansin si Sendoh,! dahil alam ko naman aasarin lang ako nun. Malapit na ako sa bahay kaya umalis na si Sendoh.. hindi na siya pumasok sa bahay dahil siguradong hindi nanaman siya makakauwi ng maaga! dahil kung magkwentuhan sila Mama at Sendoh parang wala ng bukas.

Pagpasok ko sa loob dumiretso ako sa kwarto para hindi makita ni Mama ang kamay ko. Ayokong mag alala siya sa akin dahil dalawa na lang kami sa buhay.

Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Maki na hindi niya ako kilala. Inis ako sa kanya at kahit kailan hinding hindi ko siyang ituturing na kaibigan kundi kaaway. Napaka sama ng ugali niya pati buong pagkatao niya, kinasusuklaman ko siya..

Sabi ni Sendoh mabait daw ang Maki na yun, pero hindi ko makita sa kanya kahit konti ang kabaitan sa katawan. Gusto ko pa naman mag sorry sa kanya pero dahil sa ginawa niya,. enemy na kami.. isusumpa ko yan sa maitim niyang kili kili bwesit siya talaga.