Maaga akong pumasok sa school dahil ayokong tanghaliin sa unang subject ko. Hindi ako tulad ng iba na pumapasok lang para magpa cute at magtitili sa mga crush nila. Dahil mas importante sakin ang grades kesa sa lalaki.
"Good morning Satomi." ngiting bati ni Fukuda..
Mabait din naman si Fukuda pero hindi ko trip ang buhok niya para kasing bunot. Sabihin na nilang laitera ako pero yun naman kasi ang nakikita ng dalawang mata ko. Hindi ako plastic na tao kaya kung may say ako sinasabi ko talaga.
"Good morning din sayo Fukuda." bati ko.
"Pupunta ka ba mamaya sa birthday ni Koshino?" tanong niya.
"Dapat ba hindi?" mataray kong tanong.
"Hehehe gusto namin na nandun ka para masaya." ngiting sabe ni Fukuda.
"Ano ako clown niyo! Ayos ka rin eh...
"Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin Satomi., mas masaya kasi kung marami ang dadalo sa birthday ni Koshino." paliwanag ni Fukuda.
"Sige na nga Fukuda." sabe ko nalang saka naglakad na.
Iniwan ko na si Fukuda dahil ayoko talaga makipag usap sa lalaki., maliban kay Sendoh dahil kaibigan ko siya. Nagpunta na ako sa classroom at heto nanaman ang nakaka bagot na araw.! dahil wala nanaman ibang topic ang mga classmate ko kundi ang laban ng KAINAN at SHOYO rinding rindi na ako dahil sa tuwing papasok ako lage na lang basketball players ang pinag uusapan nila.
Pagpasok ng teacher namin pinalabas nito ang homework namin at nagulat ako dahil ako lang ang may assignment sa amin!.. Naloloka ako dahil wala ng laman ang utak ng mga classmate ko kundi basketball players.
"Si Satomi lang ba ang may assignment sa inyo?"
Hindi makasagot ang mga classmate ko sa hiya., dahil wala silang assignment. Lumipas ang sabado at linggo hindi nila nagawa ang homework nila., Ibang klase.
Paglabas ko ng room nakita ko si Sendoh. Alam ko naman kung bakit niya ako sinusundo para pumunta sa birthday ni Koshino.
"Hi Satomi ready ka na ba hehehe..
"Ready saan? Ayusin mo yang isasagot mo sakin kundi masasapak talaga kita..
"Mapanakit ka. 7:00 ng gabi ang party ni Koshino., mag formal attire ka! bawal dun ng naka short baka ihagis ka sa labas hehehe." ngiting sabe ni Sendoh...
"Ang dami naman kaartehan niyan may formal formal attire pa.,..
Pagkatapos sabihin ni Sendoh umuwi na ako sa bahay., hindi para mag handa ng isusuot kundi para matulog. Ayoko naman talaga mag punta sa birthday ni Koshino.! kaso baka mapagalitan ako ni Mama kapag di ako sumama kay Sendoh.
Habang nag lalakad hindi naman ako mapalagay dahil pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Huminto ako huminto rin siya ayokong lumingon sa likuran ko dahil baka magnanakaw yun. Bakit ba lage na lang ako malas nakakabadtrip na.
Binilisan ko ang pag lalakad ko kaya hindi ko na pinansin ang mga nahulog kong gamit.
"Miss." tawag ng lalaki.
Napahinto ako dahil parang kilala ko yung boses ng lalaki na tumawag sakin ng miss., pag lingon ko nakita ko si Maki., ang taong kinaiinisan ko.
"Nahulog mo yung gamit mo...
Inabot ni Maki ang gamit ko at kinuha ko naman. Hindi ako nagpasalamat sa kanya dahil ang sabi niya., hindi kami magka kilala. Dire-diretso akong naglakad habang naka sunod naman siya sa akin.
"Miss...
"Hoy miss bingi ka ba...
Bahala ka sa buhay mo.!, magsisigaw ka dyan wala akong pakialam. Naiinis talaga ako sa kanya., lalo na kapag tinatawag niya akong miss.
Humarang siya sa harapan ko kaya hindi ako nakapag lakad. Tinitigan ako ni Maki at tinitigan ko rin siya., Akala niya siya lang ang marunong tumitig..
"Bingi ka ba!? O sadyang bastos ka lang., kanina pa kita tinatawag ni magpasalamat di mo magawa.,
"Bakit sinabi ko bang pulutin mo tong gamit ko? Isa pa ang pagkaka-alam ko hindi mo ako kilala hindi ba?." mataray kong sabe sa kanya.
"Hindi naman talaga kita kilala., dahil napaka pangit ng ugali mo., Alam mo maganda ka sana pero yang ugali mo ang nagpa pangit sayo...
Hindi na ako naka tiis dahil napaka sakit ni Maki mag salita.
"Bakit ikaw sa tingin mo ba gwapo ka? Ikaw nga! pangit na nga! pangit pa ng ugali., Alam mo di nga ako naniniwala kay Sendoh na marami nagkaka gusto sayo, dahil hindi ka na nga gwapo ang pangit pa ng ugali mo." sabe ko na hindi alintana kong masasaktan ko sya.
"Sobra ka na., Hindi mo ako kilala para pag salitaan mo ng ganyan miss., Masyadong matalas yang dila mo kung mag salita...
"Hindi mo rin ako kilala para sabihan ng ganun...
Naiinis ako sa pagmumukha niya lalong lalo na sa kulay niyang maitim. Ayoko na siyang makita pa kahit kailan pero lage na lang nagkikita ang landas naming dalawa. Bakit ba naman kasi iisang way ang dinadaanan namin., kasalanan to ng kalsada hayop bwesit talaga.
Naglakad na ako palayo kay Maki hindi naman ito sumunod na at hindi ko rin nakita. Alam ko naman rude ako minsan., pero sa taong walang modo katulad ni Maki!. ang pinaka pangit na lalaki na nakilala ko..
Pag dating ko sa bahay wala si Mama kaya kumain na lang ako., Hindi ko alam bakit naiisip ko yung Maki na yun., sa totoo lang di naman ako masamang tao!. pero ewan ko ba bakit ang rude ko pag dating sa kanya siguro dahil ayoko sa pagmumukha niyang pangit., Napaka walang puso niya para sabihin sakin yun akala mo kung sino....
"Anak bakit nandito ka pa? Hindi ba birthday ng kaibigan ni Sendoh...
"Mama 7 pa daw ng gabi gaganapin ang birthday ni Koshino kaya baka tulog na ako nun." sagot ko...
Binatukan ako ni Mama dahil alam nyang gagawa ako ng paraan para di maka dalo sa birthday ni Koshino. Bakit ba naman kasi kailangan pa magsuot ng formal attire saan ko naman kukunin yun short at panty lang meron ako..
"Ikaw na bata ka wag mo ipahiya si Sendoh., sumama ka sa birthday ng kaibigan niya! Nakakahiya dun nagpupunta pa siya para lang imbitahan ka tapos di ka pupunta.,
"Nakakainis naman kasi mama kailangan daw formal attire., saan ko naman kukunin yung damit ko., eh puro short at pajama ang gamit ko., gown nga wala eh." naiinis kong sabe.
"May formal attire pa ata ako!. kasya yun sayo anak dahil magkasing katawan naman tayo.
Muntik ko ng maidura ang kinakain ko sa sinabi ni Mama., Ayoko suotin ang damit niya sinaunang panahon pa yun., dyos ko lord maawa ka sakin ayoko magkasala sa nanay ko.,,,
"Mama ano ba naman klaseng joke yan.., dadalo ako pero wag mo ako pilitin na isuot ko yung damit mo., baka pag tawanan ako dun...
"Oo na sige anak., aayusan na lang kita mag make up ka para lalong magandahan ang mga lalaki sayo dun.,
"Mama hindi ako nag make-make up ayokong gumamit ng kahit ano., Isa pa birthday ang pinunta ko dun hindi lalaki." sabe ko na hindi maiwasan mainis.
Ang dami nagagandahan sa akin sa school. Marami rin ang nanliligaw pero ni isa wala akong pinansin kasi nga wala naman akong pakialam sa mga lalaki., Hindi naman bato ang puso ko!. minsan na rin akong nagkaron ng crush pero hanggang crush lang., tapos namatay pa... ewan ko ba crush na lang di pa ako pinag bigyan ni lord.,
"Napaka simple mo talaga anak...
"Maganda naman ang maging simple Ma.,
Ayokong mapahiya si Sendoh pero wala talaga akong formal attire na pwede kong isuot sa birthday ni Koshino. Nakakainis dahil binigyan ako ng problema ni Sendoh hayop talaga yung lalaking yun palibhasa kasi siya meron siyang mga damit eh...
"Hi tita...
Nagulat ako ng makita si Sendoh dahil ang alam ko 7 pa ng gabi ang birthday party ni Koshino., 5 pa lang kaya bakit ang aga nito magpunta sa bahay...
"Tita nagpunta ako rito para ibigay tong damit kay Satomi..
"Ano gagawin ko dyan...
"Kainin mo hahaha malamang isusuot mo hehehehe....
"Hehehe kayo talagang dalawa para kayong bata kung mag asaran..
"Para kasing abnormal yang si Satomi tita hehehe..
"Wow., ang tino mo ha!.
"Naisip ko kasi na baka mag pajama ka dun kaya dinala ko yung damit ng kapatid ko., bago lang to dahil tulad mo ayaw niya rin ng formal attire...
"Ang bait mo naman sa anak ko Sendoh..
"Mabait naman ako sa lahat tita yang anak niyo lang ang di mabait sakin hehehe." nang aasar na sabe ni Sendoh...
"Salamat...
"Lambingan mo naman yung pagpapa salamat mo sakin hahaha..
"Masusuntok na kita., pag di ka pa tumahimik...
"Napaka rude mo talaga.,,