Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 11 - CHAPTER 11

Chapter 11 - CHAPTER 11

Nag handa na ako dahil 6:00 na., kanina pa rin umalis si Sendoh at susunduin na lang niya ako ng 6:30. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan ganung party naman ang pupuntahan namin.,

Sinuot ko ang damit na bigay ni Sendoh sa akin., natuwa ako ng tumingin ako sa salamin.! dahil nagmukha akong tao dahil sa damit na bigay niya. Ang ganda ko pala talaga hehehe..,,

Pagbaba ko nakita ko si Sendoh., naka tuxedo ito napaka gwapo niya sa suot niya nagmukha rin siyang tao tulad ko., Ang totoo nyan gwapo naman talaga si Sendoh kahit anong isuot niya pero wala talaga akong pag tingin sa kanya at ganun din naman siya sakin., dahil ang turingan namin sa isat isa bestfriend, kapatid, friend minsan pa nga enemy...

"Mukha kang tao hah." nang aasar na sabe ni Sendoh sakin.

"Mukha ka namang hayop." pang aasar ko din.

"Tignan mo to pinuri ka na nga nilait mo pa ako hehehe...

May dalang sasakyan si Sendoh hindi na rin naman nakakapag taka yun dahil nasa states ang parents nito., mayaman ang pamilya nila Sendoh pero hindi mo makita sa kanya yun dahil para kay Sendoh pantay pantay lang ang tao walang mayaman walang mahirap.!. Yun naman ang nagustuhan ko sa kanya hindi siya tumitingin sa katayuan ng ibang tao kahit na mayaman sila.,

Pag dating namin sa birthday party napaka raming tao nahihiya tuloy akong pumasok. Hindi lang kasi Ryonan ang nakita kong bisita ni Koshino.

"Lintik ka Sendoh bakit di mo sinabi na may ibang players dito....

"Nag tanong ka ba?...

"Alam mo naman ayoko sa mga players di ba?, kakalbuhin talaga kita pag uwi.,

Kitang kita ng dalawang mata ko ang Shoyo, Shohoku at Kainan., Ang malas naman makikita ko nanaman yung pangit na yun.

"Hi Satomi." ngiting bati ni Koshino.

"Happy birthday Koshino." ngiti ko ring bati.

"Regalo mo daw sabi ni Koshino.." sabe ni Sendoh habang nakangiti sakin..

"Kailangan ba nun? Sige ibabalot ko si Sendoh para sayo Koshino., rinding rindi na ako sa kadaldalan nito eh...

"Ayos lang Satomi ang importante nandito ka." ngiting sabi ni Koshino.

Naupo ako sa table kasama si Sendoh halos lahat ng players nandoon dyos ko lord talaga naman., Gustong gusto ko na umuwi habang di ko pa nakikita yung pangit na Maki na yun., kaso nakakahiya naman kay Koshino dahil kadarating lang namin ni Sendoh...

Nagpaalam si Sendoh na kakausapin lang ang team ng Shohoku at Shoyo hindi naman ako tumutol dahil mga kaibigan rin ang turing ni Sendoh sa kanila kahit na hindi sila magkaka school..

"Miss pwede bang maki join?

Dahil nakatalikod ako hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya., pag harap ko nakita ko si Maki.. lintik lage ko na lang siya nakikita..

"Wala ka bang table?" mataray kong tanong.

"Meron., pero gusto ko dito..

"Nang aasar ka ba talaga? Alam mo ng ayaw kitang makita dikit ka pa ng dikit sakin...

"Kailan ako dumikit sayo? Feeling ka rin miss., hindi rin naman kita gustong makita..

"Yun naman pala kaya wag ka dito sa table ko., dun ka sa mga alagad mo...

"Sinong alagad?...

"Edi yung mga ka team mo hay naku ang slow.!!!

"Ayoko dun gusto ko rito., tutal naman nag iisa ka lang eh mahirap walang kausap masisiraan ka ng bait..

Hayop talaga nang asar pa. Bakit ba sa dinami dami ng tatabi sa akin itong pangit na to pa kung alam ko lang talaga na nandito to hindi na sana ako nagpunta bwesit..

"Miss bakit ayaw mo kumain?" tanong nya.

"Wag mo akong kausapin., di tayo close...

"Anong klaseng close ba gusto mo? Ganito ba?

Nilapit ni Maki ang upuan niya sa akin pati mukha niya., ramdam na naramdam ko ang init ng hininga niya habang naka tingin sa akin. Bakit ba ganito to! nakaka banas na...

"Lumayo ka nga sakin baka isipin pa nila may kasama akong unggoy...

"Hahaha Ibang klase ka rin.. alam mo ba sayo lang ako tumawa miss., hindi ko alam ang galing mo pala mag joke...

"Hindi yun joke totoo yun...

"Pwede na ba tayong maging close friend? since close na close na ako sayo., naka tabi pa nga yung upuan ko sa upuan mo hehehehe...

"Manigas ka., Anong close sinasabi mo!! hindi tayo magka kilala...

"Sige magpapakilala ako sayo. I'm Shinichi Maki player ng KAINAN at team captain.. Ikaw naman miss...

"Ayoko nga...

"Hindi ko masakyan ang ugali mo miss.. Una pa lang kitang nakita alam kong kakaiba ka na., hindi nga ako nagkamali...

"Ano ba tingin mo sakin?...

"Tao hehehehe...

Ma ala Sendoh rin pala ang isang ito.. Bakit ba lahat ng players ganito umasta. Feeling mga gwapo napaka arogante naman hay naku!!!!

"Pwede ba layuan mo ako., bago pa dumugo yang nguso mo., naiinis na ako eh....

"Kapag ba dumugo ang nguso ko hindi ka na maiinis sakin?

"Depende sa dami ng dugo mo...

"Hahahah...

Hindi ko alam kung ano ba nakakatawa sa sinabi ko tawa ng tawa ang unggoy nakaka banas! ang malas ng araw ko dahil nakasama ko nanaman si Maki..

"Maki., nandito ka lang pala." bungad ng lalaki na teammate ni Maki..

"Jin ikaw pala yan hehehe., may ipapakilala ako sayo." ngiting sabi ni Maki.

"Sino?" tanong naman nito.

"Jin siya si Satomi Takara kaibigan ni Sendoh." pagpapakilala ni Maki.

"Nice meeting you po Ms. Satomi...

Buti pa ang Jin na to ang bait hindi tulad ng Maki na captain nila. Gwapo si Jin at mukhang mabait pa hindi tulad ni Maki pangit na nga pangit pa ng ugali...

"Hi Jin Satomi Takara." ngiti kong sabi..

Nagtaka naman si Maki dahil ang bait ko kay Jin. Umalis naman si Jin para puntahan ang player ng Shohoku.

"Bakit kay Jin ang bait mo..

"Mabait ako sa lahat sayo lang hindi..

"Ano bang ginawa ko sayo miss? Sabihin mo sakin para hindi ka na mainis sakin...

Napaka seryoso ng mukha ni Maki at desidido siyang malaman kung bakit ayoko sa kanya., since hindi ako plastic magpapaka totoo ako sa kanya sasabihin ko lahat ng ayoko sa kanya.

"Ayoko sayo dahil arogante ka. Ayoko sayo dahil ang pangit ng kulay mo kulay black., ayoko sayo dahil hindi ka mabait sakin at higit sa lahat ayoko sayo kasi pangit ka...

"Ang sakit mo naman mag salita. Alam mo bang ikaw lang nakapag sabi sakin niyan., kung yan ang tingin mo sakin wala akong magagawa., pero sana kilalanin mo ako bago mo ako husgahan at wag ka tumingin sa kulay o physical ng tao." seryosong sabe ni Maki.

Pag kasabi ni Maki umalis na ito at iniwan ako nasaktan ako sa sinabi niya., bakit ba naging totoo lang naman ako sa sarili ko ayoko sa kanya eh.. Alam ko masama ang manlait ng kapwa pero ayoko talaga sa mukha niya at sa kulay niya kulay black....

Lumabas ako dahil wala naman akong kausap sa loob wala rin si Sendoh dahil nakikipag usap sa ibang team..,Hindi ko alam bakit ako malungkot., minsan naisip ko tama bang pinanganak pa ako sa mundo...

"Bakit nandito ka?...

Nagulat ako ng makita nanaman si Maki., hindi ko alam kung pinag tatagpo ba kami!. lage na lang kasi kami nagkikita nakakainis na...

"Ayoko sa loob wala naman akong close dun maliban kay Sendoh...

"Masarap mag isa di ba?

"Oo!! kaya lumayas ka para mapag isa ako...

"Nauna ako dito kaya ikaw ang umalis..

Hindi ko alam bakit lage kami nag aaway sa napaka babaw na dahilan., sagot pa kasi ng sagot di na lang tumahimik eh..

"Alam mo ba Satomi wala rin akong masyadong kaibigan katulad mo...

"Hindi ko tinatanong Maki...

"Hehehe makinig ka lang gusto ko mag kwento..

Hinayaan ko na lang siya mag salita kesa naman mag aaway nanaman kami. Nakakapagod na rin kasi makipag away sa kanya.

"Nang sumali ako sa team wala akong kaibigan wala akong close kahit isa, ayaw nila sakin dahil mukha daw akong tatay..

"Totoo naman." bulong ko..

"Oo na totoo na kung totoo., pero nung nalaman nila na magaling ako mag laro ng basketball nag bago sila sa akin., kinaibigan nila ako hindi dahil gusto nila kundi dahil magaling ako!! buti nga sila Jin at Kiyota hindi ganun kaya masaya ako dahil may mga totoong tao pa..

Nalungkot ako sa sinabi niya masakit nga naman kung kakaibiganin ka lang dahil sikat ka., hindi dahil sa kung sino ka.. Ayoko rin ng ganun., yung kaibigan ka lang dahil napapakinabangan ka.