Araw ng linggo kaya walang pasok sa school. Dahil tapos na ang homework ko nagpasya na lang akong tumambay sa labas. Natuwa ako ng may makita akong mag kapatid, Dahil sa totoo lang inggit na inggit ako kapag nakaka kita ako ng may magkapatid dahil wala akong kapatid tulad ng iba.. nag iisang anak lang kasi ako ni Mama.
"Para kang namatayan ha." bungad ni Sendoh habang nakangiti.
Nagulat ako ng makita si Sendoh na nakatayo sa harap ko. Linggong linggo nandito siya.. nagtataka naman ako kung bakit siya nandito sa amin.
"Ano bang pakialam mo., nag eemote ako eh..
"Pag eemote ba tawag mo dun? Ang pangit mo pa lang mag emote hahahaha...
"Lumayas ka sa harap ko! habang tao pa ako., dahil baka di kita matansya masapak kita...
"Ikaw naman di ka mabiro. Nagpunta ako rito dahil birthday ni Koshino...
"Oh ano naman ngayon sakin?...
"Iniimbitahan ka ni Koshino hehehe...
"Bakit ba lahat ng sinasabi mo may tawa? Nababaliw ka na ba? Hindi ako pumupunta sa birthday alam mo yan...
"Sa practice ayaw mo.! sa birthday ayaw mo pa rin ano ba gusto mo? Hehehe...
"Gusto ko.! lumayas ka sa harap ko nasisira yung araw ko sayo."...
Pumasok na ako sa loob dahil naiinis ako kay Sendoh., sira na nga kahapon ang araw ko., masisira nanaman dahil kay Sendoh.
"Satomi maraming pagkain dun ayaw mo parin...
"Marami rin kaming pagkain dito Sendoh..
"Sumama ka na kasi., malulungkot si Koshino! sige ka..
"Wala akong pakialam., kahit mabaliw pa siya..
"Hahaha ang hard mo talaga bakit ba ganyan ka? Alam mo minsan makakahanap ka ng katapat mo sige ka." sabe ni Sendoh.
Bigla kong naisip si Maki!, ang lalaking bwesit sa buhay ko., Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi niya sakin na hindi niya ako kilala. Sa totoo lang nasaktan ako dahil wala pang gumanun sakin maliban sa Maki na yun.
"Sama ka na please." nagmamakaawang sabe ni Sendoh..
"Ayoko..
Alam kong pipilitin ako ni Sendoh na sumama sa kanya., kilala ko naman si Koshino mabait na tao siya pero ayoko talagang pumunta sa birthday. Kahit na nga maraming pagkain hehehe..
Pagbaba ni Mama kinausap nanaman ni Sendoh si Mama para pilitin akong sumama sa birthday ni Koshino. Ayoko ng birthday dahil para sakin malungkot yun kahit na masaya para sa iba.. Mula ng mamatay si papa araw iyon ng birthday ko kaya hindi masaya ang birthday para sakin.
"Anak sumama kana kay Sendoh.. nakakahiya pinuntahan ka pa niya para lang imbitahan ka sa birthday ng kaibigan niya." wika ni Mama.
"Tama ka dyan tita.. hindi na naawa sakin yan." nakangusong sabe ni Sendoh.
Sarap upakan ang mukha ni Sendoh lalo na kapag nagpapa awa siya kay Mama., kundi ko lang talaga to kaibigan matagal ko ng sinakal to. Napaka kulit kasi nito tinalo pa ang babae sa sobrang kulit.
"Sige na anak sumama ka na!. bukas pa naman daw yun sabi ni Sendoh pagkatapos ng klase nyo...
"Bakit ba naniniwala kayo sa Sendong yan. hmmp malapit na kitang sakalin bwesit ka...
"Tita ohh!.. nanakit hahahaha...
Nagkaroon ka ba naman ng kaibigan na may sayad sa utak. Sanay na ako kay Sendoh dahil matagal na kaming magkaibigan dalawa., kung minsan pa nga dito na siya kumakain o natutulog wala eh makapal ang mukha eh.
"Oo na sasama na ako bwesit ka talaga eh., ginamit mo na nanaman ang mama ko para sumama sayo...
"Mag eenjoy ka naman dun., wag ka na maarte di bagay sayo hehehe." ngiting sabe ni Sendoh...
Natutuwa naman si Mama sakin at kay Sendoh dahil para kaming magka patid kung mag asaran. Sanay na rin si Mama kay Sendoh at tinuring na rin niyang parang anak ito.
"Sige tita alis na ako., salamat ulit tita love na love mo talaga ako hehehe..
"Anytime Sendoh., mag ingat ka...
"Sige po tita. Satomi hatid mo ako sa labas., baka marape ako eh hahaha.." natatawang sabe ni Sendoh.
"Walang papatol sayo lumayas ka na., bago ko pa pasabugin yang utak mo...
Umalis naman si Sendoh na tawa ng tawa sa akin., hindi ko alam kung may sayad siya! dahil lage na lang siya tumatawa sakin kapag kasama ako.
Sa totoo lang konti lang ang kaibigan ko., dahil hindi naman kasi ako friendlingtao pili lang rin ang mga taong kinakausap ko. Wala naman kasing ibang laman ang utak ko kundi pag aaral dahil gusto ko makatapos agad para matulungan ang Mama ko kaya nagsisikap ako para sa kanya.