Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 7 - CHAPTER 7

Chapter 7 - CHAPTER 7

Ngayon ang araw ng practice game ng SHOYO laban sa KAINAN. Dahil SHOYO ang nag invite sa KAINAN kaya gaganapin ang practice sa school nila Maki.

Tamad na tamad ako dahil ayoko talagang manood ng practice game nila, kaso hindi ako pwedeng hindi sumama kay Sendoh dahil naka oo na ako.. Gusto kong kausapin si Maki para humingi ng sorry dahil ayokong makonsensya habang buhay sa sinabi ko sa kanya.

Bumangon na ako para maligo at mag ayos, dahil maagang dumarating si Sendoh.

"Anak nandito na si Sendoh.

"Sandali lang Ma bababa na ako." sagot ko.

Pagbaba ko nakita ko si Sendoh na kumakain kasama si Mama, ibang klase talaga kapag ang kaibigan mo at home na at home na sa bahay eh hahaha.

"Satomi kain na tayo." ngiting sabi ni Sendoh.

Naupo na ako para sabayan silang kumain. Pagkatapos namin kumain nagpaalam na kami kay mama para pumunta sa practice game nila Maki. Dahil maaga pa naman naglakad na lang kami ni Sendoh para bumaba lahat ng kinain namin.

"Matanong ko nga Sendoh bakit kailangan mag practice game ng SHOYO at KAINAN edi ba talo naman ang shoyo kanila Maki, hindi nga sila nakapasok sa Inter high di ba? Kahit kayo hehehe." nang aasar kong sabe.

"Masaya ka pa lang hindi kami nakapasok sama talaga nito,, pwede naman silang mag practice game kahit talo sila. Kapag nagustuhan ng coach yung laban nila pinapaulit yun pero practice game na lang ang tawag dun hindi na totoong laban, kasi simulat sapul si Maki at Fujima ang magka tunggali pag dating sa paglalaro ng basketball.." paliwanag ni Sendoh.

"Eh paano kung ayaw ng KAINAN tanggapin ang invitation ng SHOYO na maglaban sila ulit? Edi hindi tuloy ang practice game?" tanong ko.

"Wala pa naman akong nabalitaan na tumanggi ang coach o captain sa invitation na maglaban ulit o mag practice, kasi karangalan yun sa iba lalo na kapag inimbitahan ka nila ibig sabihin magaling ang school niyo. Sabagay magaling naman talaga ang KAINAN kaya nga sila ang number one sa distrito eh...

"Ah ganun pala yun!..

Pag dating namin sa school ng KAINAN hindi na ako mapalagay! dahil makikita ko nanaman yung Maki na yun. Ayoko na siyang tawaging pangit dahil ayoko ng magkasala nanaman masyado ng masama ang pagkatao ko baka hindi na ako mapunta sa langit.

Napaka rami ng tao sa gym kahit practice game lang, ang dami parin dumalo para mapanood ang laban nila Maki at Fujima.

"Nakikita mo ba yung gwapong yun? Siya si Kenji Fujima ang Ace player, captain at coach ng SHOYO." turo ni Sendoh kay Fujima.

"Ang galing naman niya! coach na siya captain pa! buti nakakatulog pa yan." sabe ko habang nakatingin kay Fujima.

"Hahaha grabe ka naman, ano palagay mo sa kanya hindi natutulog." tawang tawang sabi ni Sendoh.

"Ang alam ko kasi mahirap maging coach tapos captain pa siya! siguro nagtitipid yung school nila walang makuhang coach eh.

"Wahahaha.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko Sendoh? para kang baliw tawa ka ng tawa kundi ka lang pogi iisipin ng mga babae dito may sayad ka eh.

"Natatawa ako sayo eh hehehehe....

Paglabas ng team ng KAINAN nakita ko si Maki na seryoso ang mukha lalo tuloy pumangit hahaha sorry! Halos magtilian naman ang mga babae sa likod namin ni Sendoh. Wala akong ibang marinig kundi Fujima at Maki napakaraming fans ng dalawa akala mo artista, basketball players lang naman..

"Sendoh pwede pa autograph." kinikilig na sabi ng babae

"Sure no problem..

Ang mokong tuwang tuwang naman. dahil kahit Shoyo at Kainan ang maglalaban napapansin parin si Sendoh, lahat naman ng babaeng lumalapit kay Sendoh pinagbibigyan niya dahil hindi naman snob na tao ang kaibigan ko di tulad ko..

Nagsimula na ang laban sa pagitan nila Maki at Fujima kitang kita sa kanilang dalawa ang konsentrasyon sa paglalaro. Napaka gwapo pala talaga ni Fujima kaya hindi na ako magtataka kung maraming babae ang tumili sa kanya.

"Walang 3 points shooter ang Shoyo di tulad ng Kainan.

"Tama ka dyan Ryota! pero hindi naman mahihirapan ang SHOYO dahil matatangkad sila.

Napaka ingay naman ng mga pangit na to! hindi na lang manood ng laro kailangan pang magdaldalan. Nasa tabi namin ang team ng SHOHOKU. Actually wala akong kilala sa team ng Shohoku kahit yung sinasabi nilang si Kaede Rukawa wala akong pakialam dahil ayoko talaga sa mga players.

"Panoorin mong mabuti kung paano mag laro si Fujima at Maki.. dahil kahit ikaw bibilib sa dalawang yan Satomi..

"Nanonood naman ako! pero hindi ako bibilib sa mga yan. Isa pa huling nood ko na to di na mauulit pa kahit kailan..

"Ikaw naman masyado kang high blood..

Habang nanonood napapatingin ako kay Maki dahil ganito pala siya maglaro sobrang seryoso kahit na pawis na pawis na hindi niya alintana basta manalo sila.

Habang tumatagal lumalamang ang shoyo sa kainan ikina bahala naman ni coach Takato kaya nagpatawag ito ng time out.

"Ano ba naman kayo umabot na kayo dito! wag niyong sabihin na magpapatalo kayo sa shoyo?

"Hindi ako papayag coach! kahit practice game lang to hindi ako papayag na matalo sa kanila." seryosong sabe ni Kyota.

Naka tingin naman ako kanila Maki! nasa harap kami kaya kitang kita ko kung paano pagalitan ng coach ang team ng KAINAN. Napatingin naman si Maki sakin kaya agad akong yumuko baka isipin niyang tinititigan ko siya.. ew!!!