Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 4 - CHAPTER 4

Chapter 4 - CHAPTER 4

Nabalitaan kong natalo ang Ryonan laban sa Shohoku, hindi na ako nagulat dahil ang sabi ni Sendoh magaling nga daw ang Shohoku lalo na ang Kaede Rukawa na binanggit niya sa akin..

Actually wala akong kilala sa basketball players kundi ang team lang nila Sendoh pero tulad ng sabi niya maraming magagaling sa KANAGAWA na kayang makipag sabayan sa kanya, katulad nga ni Kaede Rukawa ang Ace player ng SHOHOKU at Shinichi Maki ng KAINAN naririnig ko lang ang pangalan nila pero hindi ko pa sila nakita dahil hindi nga ako nanonood ng laro nila Sendoh..

Nagpaalam ako kay Mama para makipag kita kay Sendoh, dahil alam kong masakit tanggapin sa isang players ang matalo.

Nagpunta ako sa bahay nila Sendoh at laking gulat ko na nandoon lahat ng team maliban kay Uozumi.. Gusto kong kumaripas ng takbo pabalik sa amin pero wala na akong nagawa dahil hinatak na ako ni Sendoh..

"Hi Satomi Ikaw pala yan...

"Hindi ako to, anino ko lang to Fukuda..

"Hahaha...

"Anong nakakatawa Sendoh? Ayos ka akala ko pa naman umiiyak ka na dahil natalo kayo pero parang masaya pa kayo.. Ibang klase, kayo lang ata ang nakita kong nag ce-celebrate ng pagkatalo...

"Matalo o manalo masaya kami dahil para samin deserve ng Shohoku ang makapasok sa Inter high.. Napaka galing nilang maglaro lalo na si Rukawa..

"Tama ka dyan Ikegami.. Isa pa walang sisihan dahil lahat kami binigay namin ang best namin sa laro manalo o matalo..

"Tama na pag eemote Koshino kumain na lang tayo." ngiting sabi ni Sendoh saka sinubuan si Koshino ng gulay.

"Nga pala Fukuda nakapasa ka sa exam? Hindi ba sabi ni Sir sayo kapag hindi mo naipasa ang exam mo wala kang karapatan mag laro laban sa Shohoku?

"Nakapasa siya Satomi.. si coach Taoka ba naman nag turo sa kanya hahaha...

"Sinabi mo pa talaga Hikoichi nakakahiya kay Satomi...

"Pero maganda ang ipinakita ni Fukuda sa laro kahit na kababalik lang niya. Mabuti nga bumalik pa siya sa team kaya lalong lalakas ang team namin dahil nandito na si Fukuda...

"Bakit si Fukuda lang ba nagpapalakas ng team niyo Hikoichi?

"Hindi naman Satomi hanggat nandito pa ang Ace player namin na si Sendoh matagal ng malakas ang Ryonan mas lumakas nga lang ng bumalik si Fukuda..sayang lang natalo kami sa Shohoku..

"Akala ko ba tanggap mo na bakit malungkot ka pa rin Hikoichi?

"Gusto ko kasi mapanood kayong lahat sa inter high Ikegami...

"Hindi pa naman ito ang katapusan ng Ryonan kaya wag ka na malungkot Hikoichi..

"Oo Koshino salamat...

Ngayon ko lang napansin na ganito pala mag usap ang team nila Sendoh, akala ko kasi puro babae lang pinag uusapan ng mga basketball players hindi pala lahat.. Naawa ako kay Hikoichi dahil halata sa kanya ang lungkot ng matalo ang team...