Nakakalungkot isipin na natalo ang Ryonan sa Shohoku. Yun ang laban na huling laro ni Uozumi at Ikegami dahil balita na sa campus na nagpaalam na daw sila sa basketball team at ang papalit na bilang captain ay si Sendoh..
Pagpasok ko sa school halos lahat ng classmate ko ay naka simangot at malungkot akala mo namatayan.. expected ko naman na ganito ang dadatnan ko dahil sa pagkatalo ng team ni Sendoh...
"Balitang balita na aalis na si Uozumi at Ikegami sa basketball team., nakakalungkot isipin na hanggang dun na lang sila..
"Grabe ka naman magsalita Tetsuki! Hindi naman hanggang dun na lang sila may pag asa pa sila.. lalo na si Sendoh na ang bagong captain, sa susunod ang school naman natin ang mananalo tandaan mo yan..
Natatawa na lang ako sa pinag uusapan nila dahil halos lahat ng classmate ko ang topic ay si Sendoh pati ang naging laban nila sa Shohoku..
"Balita ko nga, ang Shoyo sasali pa sa winter tournament kahit na natalo sila..
"Talaga Nami? Sasali pa sila Fujima sabagay kasama sila sa pinaka magaling na manlalaro ng KANAGAWA kaya nga pasok sila sa top 4 dating top 2 nasa top 4 na lang ngayon, ibig sabihin magaling talaga ang Shohoku..
Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag uusapan nila at hindi ko rin kilala ang Fujima na tinutukoy nila kaya nakikinig na lang ako sa usapan ng mga classmate ko, dahil wala naman akong maambag pag dating sa ganyang topic..
Pagkatapos ng klase pinuntahan ko si Sendoh sa canteen dahil sabi niya sabay na daw kaming uuwi.. minsan lang kami sabay na umuwi at minsan lang din kami magkasama kahit na iisang school lang ang pinapasukan namin. Dahil lage siyang busy sa pag pa-practice at ako busy naman sa pag aaral..
"Ang tagal mo naman, kanina pa ako dito, malapit ko na ngang kausapin tong halaman eh." birong sabe ni Sendoh habang tumatawa.
"Wag kang OA Sendoh wala pang minutes, segundo ka lang nag hintay.. Ano aalis na ba tayo?
Halos pag tinginan ako ng mga babae dahil kausap at kasama ko si Sendoh lage naman ganun.. mamatay kayo sa inggit, natatawa na lang ako sa iniisip ko dahil akala nila may namamagitan samin ni Sendoh ang hindi nila alam mag bestfriend lang kami.
"Matanong ko lang Satomi hindi ka ba malungkot na natalo kami?
"Hindi ako malungkot pero hindi rin ako masaya Sendoh..
"Normal ka ba talaga? Hahaha..
"Gusto mong ihampas ko sayo tong hawak kong cartolina.. baka pag hinampas ko sayo to tumahimik ka sa kakatawa."
"Napaka hard mo talaga kaya wala kang boyfriend kasi nanakit ka ng lalaki." natatawang sabe ni Sendoh sakin...
"Wow nagsalita ang meron!! Ikaw nga wala ka rin girlfriend.
"Sino naman nagsabi sayong wala? Ang dami ko kayang girlfriend di mo ba nakikita yung mga babaeng tumitili sa akin kapag naglalaro ako, mga girlfriend ko yun...
"Hay!! kaya ayoko ng lalaking basketball players mga babaero kasi kayo. Ang tingin niyo sa mga babae key chain niyo..
"Hahaha.
"Sige tawa pa,, mawalan ka sana ng boses...
Nauna na akong naglakad palabas ng canteen. Hindi ko na hinintay si Sendoh dahil wala naman siya ibang ginawa kundi tawanan ang mga sinasabi ko, may sayad kasi ang utak nya..
"Satomi hintay..
Magkasama kaming lumabas ng school ni Sendoh.. masaya akong hindi malungkot si Sendoh sa pagkatalo nila, nag aalala pa mandin ako nung una dahil baka nag suicide na ang kaibigan ko..
"Satomi gusto mo kumain ng ramen?
"Ayoko tapos ako nanaman ang mag babayad ng kakainin natin..
"Hahaha bakit alam mo? Wag ka mag alala treat kita..
"Wow talaga iba ata yan kaibigan ililibre mo ako? May sakit ka ba o nawala ka na talaga sa katinuan hahaha.
"Ayaw mo ba? Madali naman ako kausap.. kung ayaw mo ikaw na lang mag bayad hahaha..
"Gusto ko... maranasan ko man lang ilibre ng isang Akira Sendoh.
Pag dating namin sa ramen house umorder agad si Sendoh. Naupo naman ako habang hinihintay si Sendoh, napaka konti ng kumakain kaya bilang na bilang mo talaga ang tao na pumapasok at lumalabas..
May isang lalaki na pumasok at nagulat ako ng makita ang lalaki na nakasagutan ko sa convenient store.. "Mukhang kakain rin ang pangit kapag nga naman minamalas ka.
"Oh bakit?
"Sendoh pwede bang wag na tayo dito kumain ang pangit kasi ng atmosphere dito..
"Naka order na ako eh... wala naman pangit dito baka sarili mo lang ang nakikita mo hahaha..
"Tumahimik ka na nga lang..
Pag dating ng order namin, nilantakan agad ni Sendoh ang ramen. Hindi ko alam kung kumain ba to o hindi kasi parang balewala sa kanya ang init ng ramen..
Hindi naman ako makakain ng maayos dahil nakikita ko sa paligid yung lalaking naka sagutan ko. Gusto ko siyang lapitan para bayaran yung soda na binili niya sakin nung nakaraan.. kaso ayoko naman asarin ako ni Sendoh may pagka malisyoso pa naman tong lalaking to..
"Sendoh ikaw pala yan..
Nagulat ako ng biglang lumapit samin yung lalaking pangit.. bakit ba pangit tingin ko sa kanya eh..
"Oh Maki ikaw pala yan hehehe..
"Magka kilala kayo?" tanong ko.
"Oo." sabay sagot ni Maki at Sendoh..
"Maki siya nga pala si Satomi sa Ryonan din siya nag aaral. Satomi siya si Shinichi Maki ang Ace player at captain ng KAINAN..
Muntik ko ng maibuga ang kinakain ko dahil hindi ako makapaniwala na itong pangit na to captain at Ace player pa ng KAINAN..
"Ikaw pala si Satomi nice meeting you miss..
Hindi ko alam kung nang aasar tong pangit na to tinawag nanaman akong miss nakakainis.. ayokong ipahalata kay Sendoh na naiinis ako sa lalaking to kaya pinilit kong ngumiti kahit peke..
"Ikaw pala si Maki..
"Pasensya ka na Maki hindi ka niya kilala.. kasi hindi yan nanonood ng laro namin hehehe." ngiting sabe ni Sendoh..
"Ayos lang Sendoh..
Tinignan naman ako ni Maki kaya lalong hindi ko na makain ang ramen ko bwesit talaga... Sa dinami dami ng makikita ko sa mundo, itong lalaking to pa.
"Miss can I join you?" tanong ni Maki nagulat naman si Sendoh ng tanungin ako ni Maki..
"Satomi ang pangalan ko hindi miss naintindihan mo mister?" pagtataray ko sa kanya.
"Okay Satomi miss..
"Hahaha..
Hindi ko alam kung pinagkakaisahan ako ni Sendoh at Maki, sinabi ng Satomi nilagyan nanaman ng miss kakabanas. Itong isa naman tawa pa ng tawa kapag nga naman minalas ka.. lord pahabain mo pa ang pasensya ko...
Naupo si Maki sa tabi ko at tulad ni Sendoh kumain din ito at hindi alintana ang init ng ramen.. Anong dila ba meron tong mga to parang wala lang sa kanila yung init..
"Naka ganda ng laban niyo sa Shohoku Sendoh..
"Napakalakas talaga ng Shohoku Maki lalo si Rukawa at Sakuragi..
"May practice game kami laban sa Shoyo gusto mong manood?" tanong ni Maki kay Sendoh..
"Oo ba kailan ba iyan?
"Next week pa naman, Isama mo rin itong si.. Ano nga ulit name mo miss?
Hindi ko alam kung nang aasar ba tong pangit na to kinalimutan agad yung pangalan ko.. umasa kang di ako manonood ng laro mo lintik kang pangit ka..
"Satomi Takara ang name niya Maki wag mong kakalimutan yan nangangagat yan kapag nagalit..
"Halata nga Sendoh...
"Nga pala babayaran ko ang utang ko sayo ayoko magkaroon ng utang na loob kahit kanino..
Nagulat naman si Sendoh sa sinabi ko ganun din si Maki.. Inabot ko sa kanya ang pera pero hindi naman niya ito tinanggap..
"Hindi ko naman sinabing bayaran mo miss..
"Ikaw ha nangungutang ka pala sa ibang players hindi ko alam yun hahaha..
"Hindi ako nangutang kay Maki nawala kasi yung wallet ko naipunched na ng cashier yung soda kaya hindi ko na pwedeng ibalik, nag insist naman siya na tulungan ako kaya binabayaran ko lang yung utang ko..
"Dami mo sinabi Satomi wag ka na mag explain hahaha..
Bwesit na Sendoh to parehong pareho sila ni Maki na arogante. Naiinis na ako dahil pinagkakaisahan ako ng dalawa tinuring mong bestfriend pero nilalaglag ka kabanas..
Pagkatapos namin kumain iniwan ako ni Sendoh kay Maki dahil pareho naman daw ang way ng daan namin pauwi.. hayop talaga yung lalaking yun pagkatapos akong ilibre iiwan ako dito sa pangit na to bwesit..