Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 85 - CHAPTER 85

Chapter 85 - CHAPTER 85

FINALE

"Maraming salamat sa lahat ng dumalo pasensya na kung speechles. Unang una nagpapasalamat ako sa parents ni Maki napakabuti nyo po sakin dahil minahal nyo ko na parang totoong anak at hindi nyo po tinutulan yung pag ibig ko para kay Maki. Maraming salamat din sa mama ko dahil ikaw ang tumayong nanay at tatay sakin mula ng mawala si papa pinaramdam mo na walang kulang I love you Mama. Gusto ko rin pasalamatan ang buong team dahil kung hindi dahil sa inyo baka walang Shinichi Maki sa buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung paano kayo susuklian sa lahat ng kabaitan na nagawa nyo para sakin at kay Maki pero gusto ko lang sabihin na thankful ako na nakilala ko kayo dahil nagkaroon ako ng mga totoong kaibigan na handang makinig sakin kahit na minsan nakakainis na ako. Maraming maraming salamat sa inyo ganun din sa mga coach at bago ko makalimutan salamat din sa nag iisang bestfriend ko na lageng nandyan para sakin kahit na lage kitang sinusungitan. Thank you Akira Sendoh." sabe ko na hindi maitago ang saya dahil kasal na kami ni Maki.

"Kasal na si Maki ikaw Rukawa kailan?" tanong ni Sendoh.

"Wala akong girlfriend kaya paano magpapakasal." sagot ni Rukawa sabay tingin kay Haruko.

"Oo nga naman." napapangiting sabe nalang ni Ryota.

"Gusto mo tayo na lang? wala rin akong girlfriend baka tayo talaga naka tadhana." nang aasar na sabi ni Sendoh kay Rukawa.

"Hay naku." buntong hininga nalang ni Rukawa.

Sumayaw kami ni Maki at nagtaka ako ng umakyat ang buong team. Hindi ko na tuloy nakita si Maki dahil inipit na pala nila.

"Pwede ba kitang isayaw Satomi." ngiting sabe ni Fujima at inilahad ang kamay nya sakin.

"Hoy asawa ko yan." sigaw ni Maki.

"Sige." sagot ko naman sabay ngiti kay Fujima.

Sumayaw kami ni Fujima habang hawak hawak nila si Maki.

"Ako naman Fujima." sabi ni Kiyota.

Hinawakan din ni Kiyota ang kamay ko at nag sayaw kaming dalawa.

"Napaka ganda mo Satomi." puri ni Kiyota sakin.

"Salamat Kiyota." sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Ako naman." ungot ni Sendoh.

"Heto na." sabe ni Kiyota at ibinigay naman ako kay Sendoh.

Hinawakan ni Sendoh ang kamay at bewang ko. Hindi ko tuloy maiwasan matawa dahil pinag seselos nila si Maki.

"Tama na yan ako naman." sabi ni Rukawa.

Di ko akalain na isasayaw ako ng nag iisang Kaede Rukawa. Napaka pogi pala talaga nya kapag malapitan kaya naman pala patay na patay si Haruko sa kanya.

"Congrats." bati ni Rukawa.

"Salamat Rukawa pero pwede bang ngumiti ka naman para sakin." sabe ko at pinagbigyan naman nya ako.

"Sige ehhhhhh.....

Pinagbigyan nga nya ako pero hindi ko naman alam kong natural ba nyang ngiti yun para kasing hindi sya sanay ngumiti hehehe.

Pagkatapos akong isayaw nilang lahat pinakawalan nila si Maki. Naiinis naman ito dahil wala syang nagawa.

"Bakit nyo ginawa yun?" galit na sabi ni Maki.

"Kami nga pinaglakad mo nagalit ba kami." ngiting sabi ni Mitsui.

"Tama." sang ayon ni Rukawa.

"So gumaganti kayo?" tanong ni Maki.

"Bawal magalit ang groom papanget daw wahaha." tumatawang sabi ni Sakuragi.

"Hayaan mo na Hon nag enjoy naman ako." ngiting sabe ko.

"Pinagpapalit mo na agad ako." nagtatampong sabi ni Maki.

"Kahit gaano pa kadami ang teammates mo hinding hindi kita ipagpapalit I love you Hon.

"I love you too Hon pasalamat sila dahil kung wala ka dito lagot sila sakin." sabi ni Maki at natawa nalang ako.

"Okay let's party." sigaw ni Sendoh.

"Ayan ka nanaman sa party mo bagsak ka naman sa inuman." masungit na sabe ni Rukawa.

"Nandyan ka naman para saluhin ako hahaha." tumatawang sabe ni Sendoh..

Nagulat ako ng mag dip ng cake si Maki at ipahid yun sa mukha nila Kiyota at Sakuragi. Nagtakbuhan ang team dahil sa ginawa ni Maki nag dip din si Sendoh at ipinahid yun kay Rukawa at Hanagata. Inis na inis naman ang dalawa kaya kinuha nila ang cake at binuhos kay Sendoh. Imbes na mainis si Sendoh tumawa lang ito at nilapitan sila Fujima, Akagi Uozumi at Ikegami tawa ako ng tawa dahil halos lahat sa kanila may icing ang damit.

"Hindi naman to cake Sendoh gata ata to eh." sabi ni Kiyota at inamoy ang pinahid sa kanya ni Sendoh.

"Dinumihan mo damit ko." inis na sabi ni Rukawa kay Sendoh.

"Ang ganda nyong tignan." nakangiting sabi ni Maki.

"Picture taking guys." sigaw ni Ayako.

"Ayoko." naiinis na sabi ni Kiyota.

"Ang panget na natin." ngiting sabi ni Fujima.

"Ito pa oh." sabi ni Mitsui sabay pahid ng cake sa mukha ni Fujima.

"Tama na Mitsui." sabi ni Fujima na inaalis sa mukha nya ang icing ng cake.

"Walang tama na Fujima ayaw nilang tumigil eh." inis na sabi ni Rukawa saka pinahiran ng cake sila Sendoh, Mitsui Ryota at Maki.

"Tumigil na kayo." utos ng tatlong coach.

At dahil sa sinabi nila coach nakatikim sila sa team. Pinahiran nila ng cake ang tatlong coach para silang mga bata. Tumawa nalang ang tatlong coach sa ginawa nila Sendoh, Rukawa, Kiyota, Sakuragi at Mitsui. Hindi pa nakuntento si Rukawa pinahiran din nya ng cake ang Mama ko at ang parents ni Maki hehehe.

"Party pa ito gusto mo Sendoh di ba." sabi ni Rukawa na hindi tinantanan si Sendoh.

"Ayoko na pala hahaha." tumatawang sabi ni Sendoh..

"Walang ayawan Sendoh ito gusto mo eh." ngiting sabe ni Fujima sabay pahid ng cake sa mukha ni Sendoh.

"Mukha na akong cake tama na hahaha." ngiting sabi ni Sendoh.

"Ito pa oh." sabe ni Maki sabay pahid din ng icing sa mukha ni Sendoh.

Hindi kami makapag picture taking dahil sa kanila. Ayaw tumigil nila Maki at Sendoh isama mo pa ang buong team parang children's party tuloy ang nangyari hehehe..

"Parang nakawala sa kural tong mga to." sabi ni Ayako habang nakatingin sa team.

"Namiss kasi nila isat isa." nakangiting sabe ni Sasaki.

"Picture taking na po tayo." pagtawag ng photographer.

Inayos nila ang mukha nilang may icing. Kahit si Maki may icing din ang mukha mas malala nga lang si Sendoh at Rukawa dahil mukha silang naligo sa icing may cake din ang damit ni Sendoh. Magkatabi kami ni Maki tabi naman si Fujima at Sasaki, Ryota at Ayako. Pinagitnaan naman ni Haruko si Sakuragi at Rukawa magkatabi naman si Sendoh at Daila at sinundan ni Jin, Kiyota, Koshino at Fukuda. Magka akbay naman si Aika at Hanagata katabi naman ni Mistui si Hasegawa at Takano. Magkasama naman sa gilid si Uozumi at Akagi.

"Smile po tayo." utos ng photographer.

"Smile daw." natatawang sabi ni Sendoh.

"Smile daw Sakuragi hindi wacky." sabi ni Mitsui na nakatingin kay Sakuragi.

Hinalikan ako ni Maki bago nag click at na gulat kaming lahat dahil kumiss si Sakuragi at Rukawa sa pisnge ni Haruko. Napangiti naman si Sendoh sa dalawa dahil napaka bilis din pala ni Sakuragi at Rukawa.

"Hindi kami nainform kailangan pala may kiss." sabi ni Fujima na hindi naka isa kay Sasaki.

"Edi kayo na may partner." inis na sabi ni Kiyota sabay baba..

"Bakit mo kiniss si Haruko?" galit na tanong ni Sakuragi kay Rukawa.

"Bakit ikaw kiniss mo rin sya?" masungit naman na sabe ni Rukawa.

"Gusto ko eh bakit ba." sagot ni Sakuragi.

"Gusto ko din bakit ba." sagot ding sabi ni Rukawa.

Nabigla ako ng hatakin ako ni Maki at halikan.

"Ang sarap siguro mahalikan hindi ko pa kasi naranasan yan." sabi ni Kiyota habang nakatingin sa amin ni Maki.

"Hindi mo pa naranasan? Gusto mo ba hehehehe." malokong sabe ni Sendoh.

"Oo naman." sagot ni Kiyota.

Sabay sabay na lumapit ang buong team kay Kiyota at binigyan nila ito ng kiss sa pisnge..

"Coach tulong." sigaw ni Kiyota.

"Ginusto mo yan." sabe ni coach Takato habang tumatawa.

Walang sawang pinagkikiss nila si Kiyota sa magka bilang pisnge nito tanging si Rukawa lang ang hindi kumiss kay Kiyota.

"Ang asim ni Kiyota." sabi ni Ryota.

"Kaya nga eh Icing pinahid natin pero parang suka yun lasa." natatawang sabi ni Sendoh.

"Kung alam ko lang ganito kaasim si Kiyota di na sana ako pumayag." reklamong sabi naman ni Hanagata.

"Iba talaga ang lasa ng matsing whahaha." nang aasar na sabi ni Sakuragi.

"Kaliwat kanan mo ba naman ikiss eh hahaha." humahalakhak na sabe ni Mitsui.

"Congrats sa bagong kasal mabuhay kayo." masayang sabe ni Sendoh samin ni Maki.

Lumapit ang buong team sa amin at nag group hug kaming lahat kasama sila Haydee at Max pati sila coach. Hindi ko maipaliwanag kong gaano ako kasaya dahil nakumpleto kaming lahat sa sa araw ng kasal namin ni Maki.

Tama pala si Sendoh na wag dapat husgahan ang kapwa base sa itsura nito. Marami akong natutunan lalo na sa relasyon namin ni Maki na importante ang tiwala sa isat isa. Dati marami akong negative thoughts about sa mga basketball player pero lahat yun nagbago mula ng makilala ko sila. Ang RYONAN, SHOHOKU, KAINAN at SHOYO ang nagsilbing pangalawa kong pamilya.

Sabe ko noon sa sarili ko na hindi ako magmamahal ng basketball player dahil ayoko sa kanila pero ngayon ikinasal ako sa lalaking hindi lang basta basketball player kundi MVP at Captain ng KAINAN na naghari sa loob ng maraming taon. Ngayon mas naiintindihan ko na ang kahalagahan ng love dahil napakasarap palang magmahal sa taong alam mong mahal ka rin.