Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 45 - Chapter 42

Chapter 45 - Chapter 42

Nitong mga araw ay nakaya niyang makonekta ang kanyang sarili sa misteryosong Martial Spirit na nasa kanyang katawan. Walang naging tugon man lamang ang Martial Spirit na ito. Makailang ulit siyang nabigo ngunit dahil sa kanyang pagpupursigi ay nakaya niyang maging isa sa Martial Spirit. Ito ang tinatawag na "One with the Beast", dahil sa tagumpay na kanyang nakamit ay nakaya niyang magamit ang kapangyarihan taglay ng Martial Spirit na nasa kanyang katawan.

Maliit lamang na porsyento ang kanyang nagagamit dito ngunit ang kakarampot na kapangyarihan na ito ay nagbibigay ng gulat sa katauhan ni Van Grego. Kanina lamang habang nakapikit siya ay pumunta siya sa kabilang parte ng malapat na kwadrado na salungat sa pwesto ng mga Martial Monarch Corpse na sa loob ng Myriad Painting.

Hindi niya muna iyon inalam pa ang detalye tungkol mga Bangkay ng yumao bagkus ay itinuon niya ang kanyang sarili sa Technique na naangkin niya nang siya ay naging "One with the spirit".

Sa kasamaang palad ay isa lamang ang nalaman niya. Ayon sa binasa niya ay karaniwang tatlo ang dapat na matutunan ngunit laking pagtataka niya ng isa lamang ang naibigay sa kanya.

"Total nandito naman ako kung kaya't eensayo ko na lamang ito, ba't ang malas ko!" Maktol ni Van Grego sa kanyang isipan sa loob ng Myriad Painting.

Mayroong imahe na nagpapakita ng galaw ng Martial Art Technique. Kakaiba ang galaw nito at may komplekadong pagkakakilos ng bawat parte ng katawan.

Natatawa siya sa kanyang nakitang mga galaw na kahit siya ay nag-aalangan kung gagawin niya ba ito o hindi. Sa nakikita niya sa Technique ay parang ginawa lamang ito para sa kasiyahan. Parang natatae na hindi mailabas-labas. Kung sino man ang makakakita ay hindi ka pagtutuunan ng atensyon ng mga ito.

Nagdadalawang-isip man siya kung gagawin niya ang Technique ay napagdesisiyunan niyang pag-ensayuhan ito na may sarkastikong himig ng panlalait sa misteryosong Martial Spirit na nasa katawan niya.

Ginawa niya na ang pag-eensayo. Makailang ulit siyang nag-eensayo dito sa loob ng Myriad Painting na may abnormal na pagtakbo ng oras kung saan nagbibigay ng mahabang panahon para sa isang Cultivator na mag-ensayo o kaya ay magcultivate.

Makalipas ng ilang mga oras...

"Bakit ang hirap ng Technique na ito!" Maktol ni Van Grego.

Hindi niya lubos maisip na napakahirap ng bawat galaw na dapat gawin sa pag-activate ng Technique na ito. Tanging ang napalabas lamang niya ay ang katiting na bughaw na apoy na agad din na namamatay. Napahampas na lamang siya sa kanyang noo si Van Grego dahil sa pagkabigo.

"Bwahahaha!" Rinig na rinig ni Van Grego ang psgtawa ng misteryosong Martial Spirit sa kaniyang kaloob-looban na wari'y nasisiyahan sa kanyang kaloob-looban. Masaya sa kabiguan ng batang gustong matutunan ang Technique niya.

Ang Technique na ito ay wari bang hinahamon ang kanyang galing maging ang limitasyon ng kanyang edad kung kaya't nabubuhayan pa siya lalo  ng loob.

Hindi siya magpapatalo sa isang Technique lamang na hindi niya matutunan. Kahit pa sa isang Martial Spirit na nagmamaliit sa kakayahan niya.

Ilang oras pa ang nakalipas ay patuloy pa rin siyang nabibigo sa pagkatuto sa Technique na ito.

Dahil dito ay nagkaroon siys ng ideya upang matutunan niya ito ng mabilis o kaya ay may tsansa siyang magtagumpay sa pagsagawa ng Technique na ito.

Gamit ang Art of Calmness ay nagtagumpay siya ikalma ang kanyang sarili upang iwaksi ang kanyang mga negatibong emosyon na namumuo sa kanya. Gamit ang kanyang pagkakaalam na Sacred Divine Flame na kulay Silvery white na apoy ay pinaghalo niya sa Bughaw na apoy nagkakaroon ng paghalo ng apoy na ngayon ay nagkakaroon na ng panibagong kulay.

Ang matingkad na kulay bughaw ay ngayon ay naging mapusyaw na lamang na kakulay ng kalangitan (Skyblue) ngunit ang init nito ay sobrang nakakapaso, maging si Van Grego ay ramdam ang init nito kahit siya pa ang may hawak ng apoy na ito na pagmamay-ari niya na ngayon.

Dahil sa matagumpay na paghahalo ng dalawang magkaibang apoy ay mabilis na ginawa ni Van Grego ang Technique na kanina pa niya hindi makuha-kuha. Ginawa niya ang dapat na gawin at binigayang lahat ng kanyang makakaya.

Bawat galaw niya ay nagkakaroon ng kakaibang enerhiya na kanyang inilalabas. Sa bawat galaw niya ay sumasabay sa kanya ang magkahalong apoy.

Ramdam na ramdam ni Van Grego ang  matinding init at kapangyarihan ng apoy at ng Martial Art Technique na habang papatagal ng papatagal ay mas lalo siyang nahihirapan.

Ang kaninang medyo basang lupang kanyang naapakan na ngayon ay hindi na makikitaan ng kahit na anong tubig na halos magkabitak-bitak na sa kawalan ng pundasyon.

Naging seryoso na siya sa pagsasagawa ng Technique na ito at maya-maya lamang ay____

"Art of Fire: Trap of Death!" Sigaw ni Van Grego sa pagtatapos ng Technique na ito.

Nagkaroon ng Malaking pabilog na bagay na bigla na lamang bumulusok pailalim na siyang nakayang mag-trap ng kahit na sinuman sa dito na halos kalahating kwadrado ang laki nito.

Kahit siya na nakasaksi sa Technique na kanyang isinagaw ay nagimbal sa nangyari. Ngunit mas ikinagimbal niya ang sumunod na pangyayari.

Bigla na lamang may mga naglalakihang mga apoy ang tumatama mismo sa hugis pabilog na trap na kahit sinong tamaan nito ay siguradong mamamatay o kaya ay magtatamo ng napakalaking pinsala na baka abutin ng ilang panahon upang tuluyang makarekober sa Martial Arts na ito.

Sunod sunod na pagtama ng apoy paba sa kalupaang saklaw ng hugis pabilog na trap. Ilang oras din ang nakalipas ay natapos din ang nasabing Martial Art ay kitang-kita sa malayo ang naging resulta ng nasabing Technique.

Ang lupang kani-kanina lamang ay maayos na maayos ngunit ngayon ay napakalalim ng hukay na ito. Nagmistulang sinkhole ito lalo pa't maliban sa napakalalim nito ay naging abo ang mga bato't buhangin nito. Naiisip pa lamang ni Van Grego na matatamaan siya nito ay katapusan niya na ito.