Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 49 - Chapter 46

Chapter 49 - Chapter 46

Halos lahat ng mga kalahok ngayong kabubukas pa lamang ng Black Water Trench ay nandito na. Halos naiinip na ang lahat at kating-kati na sa pagtamo ng sinasabing napakapambihirang legacy sa isa sa pinakadelikadong Forbidden Areas sa karagatang ito.

Ang kaninang mga Martial Beasts na nakakalat sa lugar ng karagatang ito ay nilisan ang lugar na malapit sa lokasyon ng Black Water Trench. Maging ang mga malalakas na mga Martial Beasts sa himpapawid ay nagsialisan na rin lalo pa't ang aura maging ang enerhiyang inilalabas ng Black Water Trench ay hindi basta-basta. Sobrang tahimik ng lugar na aakalain mong parang paraiso ngunit paraiso nga bang maituturing ang lugar na ito?

Ang Black Water Trench o maging ang ibang mga Forbidden Areas ay may mga patakaran alinsunod sa pagmana o pagtamo ng bagay mula rito.

Lahat ay pwedeng sumali ngunit dapat ay isa silang Cultivator maging Martial beast Cultivator man o tao. Ito ang pinakapangkaraniwan tuntunin sa pagtatamo ng legacy upang matagumpay na mapasa ito hanggang sa susunod na mga henerasyon.

Ang pwedeng matamong premyo sa mga ganitong klaseng pakikipagsapalaran ay mga pambihirang bagay kagaya ng mga ekstraordinaryong mga Technique na may mataas na kalidad o lakas, mga pambihirang Pills, at kung susuwertehin ay ang mga malalakas na mga bagay kagaya ng Artifacts. Pero ang pinakainaasam ng lahat ay ang legacy kung saan magkakaroon ka ng tsansang mapataas pa lalo ang iyong Cultivation na kung saan ay kaya mong maging mas malakas sa hinaharap upang labanan ang mga Cultivator  Ngunit ang mga ito ay nakadepende pa rin sa kakayahan ng isang Martial Expert.

Lahat ng mga ito ay alam ng lahat kung kaya't walang sinuman ang gustong magpatalo sa mga grupo ng Martial Expert na naririto ngayon  sa tarangkahan ng Black Water Trench. Makikita mo sa mga ito ang kanilang mga determinasyon na maangkin ang anumang bagay sa loob ng Fobidden Area na ito.

Nagbabaga ang mga mata ng bawat isa sa kanilang nakikita. Maging ang kanilang puso ay napasok na ang kanilang inaasam lalo pa't ang mga kayamanan ay malaking hudyat sa kanila upang gawin ang kahit na ano maging ang pagtatraydor ay hindi maiiwasan.

Wala ni isa man sa narito ang mahihina at galing sila sa malalaking mga kontinente na malapit sa Black Water Trench. Yung iba naman sa pumunta dito ay galing sa medyo may kalakihan ngunit may mga kasamahan rin  na malalakas kung Kaya't masasabi mong kaya din nilang makipagkompetensya sa ibang mga lalahok sa pagkuha ng legacy na inaasam o pinapangarap ng lahat. Ilang daan din ang bilang nila rito ngayon lalo pa't ang iba ay nasa malalayo kung kaya't ang pagpunta ng sabay-sabay sa Black Water Trench ay hindi gaanong magkakasabay ngunit halos magkakasabay din lang sila at may tsansa pang humabol ang ibang mga kalahok na gustong suungin ang panganib ng isa sa pinakadelikadong Forbidden Areas, ang Black Water Trench.

Habang naghihintay sila ay may malakas na awra ang biglang sumulpot maging ang mga naunang mga grupong nakatayo ay napaawang ang kanilang mga bibig sa gulat.

Isang hindi inaasahang kalahok ang bigla nalang nagpakita sa lugar na ito.

"Ti--im Ne--eg--Negarra!" may halong takot na pagkakasabi ng isang Martial Sacred Expert na pautal-utal ang pagkakasabi nito.

"Ano ang ginagawa niya dito?" Malakas na pagkakasambit ng isang Martial Dominator Expert na may curious na ekspresyon sa mukha.

"Dahil nandito na si Tim Negarra, ang pagkamit natin ng Legacy ay nasa alanganin na." May pagkadismayang pagkakasabi ng lider ng isang grupo na may lakas na Martial Monarch Realm.

"Kapag natalo ko siya sa labanan mamaya ay siguradong kikilalanin na ako ng lahat bwaha!ha!ha!ha!!!" May pagkahambog na sabi ng isang Martial God Expert halatang may iba pang naiisip na magandang plano para sumikat siya.

"Tim Negarra? Hmmm, hindi na masama..." sambit sa isipan ng isang Martial God Expert na halata sa kanya ang pagiging kalmado na nagpapahiwatig lamang na hindi siya nangangamba rito. Isa na siyang 8-Star Martial God Expert pero ang kalahok na nagbibigay pangamba sa lahat ay isa lamang 6-Star Martial God.

Marami pang maririnig na ibang komento o salaysay ang iba na ang iba ay masyadong hindi na kapapaniwala (exaggerated), mga negatibo o positibong mga hinaing ay maririnig sa mga grupo ng mga Cultivator na naririto sa harap ng tarangkahan ng Black Water Trench.

Napapailing na lamang ang ibang Cultivator lalo pa't ayaw nilang banggain ang ibang mga Martial Expert dito na maaaring maging mortal nilang kalaban sa hinaharap. Ayaw nilang magsalita laban sa ibang naririto na kung saan maapektuhan ang kanilang posisyon o dignidad sa sarili nilang lugar. Pinili na lamang nilang maging tikom ang kanilang mga bibig upang maiwasan ang maaaring pagsisimula o pagsiklab ng labanan.

Sa kanilang inaasahan na kalahok ay...

Bigla na lamang may lumapag sa kanilang harapan. Walang iba kundi ang sinasabi ng lahat ng kalahok, ang binatang si Tim Negarra.

Makikita mo ang isang gwapong binata na may malagong kulay berdeng buhok. Ang balat nito ang napakaputi na sa wari mo'y hindi ito nasisikatan ng araw. Katamtaman ang katawan nito ngunit ang mas lalong kapansin-pansin sa binatang ito ay ang napakatulis nitong matang may mapanghahamak na tingin. Masasabi mong perpekto ang panlabas nitong anyo ngunit kapag tumingin ka direkta sa mata nito ay makikitaan mo ng kagaspangan ng ugali nito na siya namang alam ng karamihan.

Ngunit magkagayon man ay marami pa ring gustong makipagkaibigan sa binatang si Tim Negarra lalo pa't kilala halos ng lahat ang binatang ito sa taglay nitong pambihirang talento. Sa mundong ito ay hindi basehan ang ugali kundi ang lakas at kapangyarihan ng isang Cultivator kung kaya't natural lamang na maraming gustong makipagkaibigan sa binatang si Tim Negarra. Sino ba ang gustong maging kaaway ng binatang ito? Sa taglay na pambihirang lakas at talento nito idagdag pang galing ang binatang ito sa maharlikang angkan na nagtataglay ng maraming kayamanan, sino ba ang babangga sa kanya?

Kahit na maraming naiinis o nagagalit sa binatang ito ng palikod ay wala silang magagawa pa lalo na't sa di mapapantayang pagkatao at dugong nananalaytay sa binata ay walang sinumang gustong maging mortal na kaaway nito kung meron man ay alam rin ito ng karamihan lalong lalo na sa isang malaking Sect kung saan nabibilang ang binatang si Tim Negarra na itinuturing na kayamanan ng Sect.

Isang miyembro ng Storm Wind Sect! -may halong pagkamanghang sambit ng Martial Sacred Realm Expert.

Ang Storm Wind Sect ay isa sa Nine Great Faction sa malaking Kontinente ng Dracon na mas kilala sa tawag na Land of the Dragons. Pinaniniwalaan ng ninuno maging ng mga nakakatanda dito na pinamumugaran ito noon ng mga dragon ngunit ito ay nilisan na ng mga nilalang na ito ang kontinenteng ito sa hindi maipaliwanag na dahilan. Napakabihira lamang makakita ng tunay na dragon at ang kontinenteng ito ay may malaking respeto sa usapin tungkol sa mga dragon. Pinaniniwalaan ng lahat na ang lider ng  Nine Great Faction ay may nanalaytay na dugo ng isa sa mga malalakas na dragon Bloodline kung kaya't ang ibang mga kontinente ay takot na mapasali o makalaban ang alinman sa siyam na Sect na ito. Kahit na sabihing walang basehan ang kanilang sinasabi o akusasyon ay minabuti na lamang ng mga katabing mga Kontinente ang mabuting relasyon sa kontinenteng ito kahit na sabihin na kahit wala ang sa usapin ang tungkol sa dragon ay napakalakas pa rin ng Kontinenteng ng Dracon.

Ano ang tinitingin niyo sa akin mga basurang mga nilalang!?! May panghahamak na sambit ni Tim Negarra sa mga tumitingin at nag-iinspeksyon sa kanyang kabuuan.

Nakikita ng kanysng mga mata ang daan-daang Cultivator na maituturing na malalakas.

"Wala naman po Ginoong Tim, tunay ngang napakalakas niyo pala at ang iyong kakayahan ay hindi mapapantayan. " Sambit ng lider ng grupo ng mga Martial Dominator Expert na may respeto sa binatang si Tim Negarra.

Ang grupong ito ay tinatawag na Flame Skull.

"Ang iyong kakayahan Ginoong Tim ay tunay ngang kahanga-hanga" sambit ng isang magandang dalaga na miyembro ng Flame Skull na makikitaan sa pisngi nito ang pagpula na wari mo'y kasimpula ng kamatis

"Ang iyong kakisigan Ginoong Tim ay hindi maikukumpara sa kahit na sinuman dito." Sambit ng isa pang magandang dalaga na nabighani sa gwapong binatang si Tim Negarra.

Sunod-sunod na mga magagandang komplimento ang natanggao ng binata sa mga naggagandahang dilag maging ang respeto ng ibang kalalakihan ay nakuha niya rin.

"Ang iyong estratehiya Ginoong Tim ay masasabi kong kahanga-hanga lalo pa't natalo mo ang isang Peak Martial God Expert, tunay ngang kahanga-hanga ang iyong lakas." Masayang sambit ng lalaking lider kay Tim Negarra.

"Sa iyong kakayahan at pambihirang talento Ginoong Tim ay masasabi kong ikaw ang susunod na hihiranging isa sa Chosen ng Storm Wind Sect!" Pagpupuri ng isa pang lalaking lider ng grupo ng Martial Dominator Expert. Bakas ang paghanga niya sa binatang knayang iniidolo.

Ngunit agad ring nag-ibs ang timpla ng mukha ni Tim Negarra sa paparating na aura na papunta mismo sa direksyon na ito. Mabilis itong lumilipad sa himpapawid dala ang aurang inilalabas ng isang Peak Martial God Expert.

"Brenn Luciano!"Galit na sambit ni Tim Negarra sa kanyang isipan lalo pa't ang paparating ay walang iba kundi ang kanyang itinuturing na mortal na kaaway.