Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 50 - Chapter 47

Chapter 50 - Chapter 47

"Tingnan niyo yun oh, Si Brenn Luciano!" Sabi ng isang medyo may katabaan na lalaking Martial Dominator Expert ng may pagkamangha.

Maraming sari-saring bulungan ang kanilang nagawa ngunit hindi nila direktang ipinagsigawan lalo pa't nandito si Tim Negarra.

Namangha ang lahat  lalo pa't si Brenn Luciano ay isa rin sa mga malalakas na estudyante ng Storm Wind Sect. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay mortal na kaaway ang turing ni Tim Negarra kay Brenn Luciano lalo pa't ito ang malaking banta sa kanyang posisyon na maging isa sa mga pinili o mas kilala bilang Chosen.

Noong kabataan pa nila o mas angkop na sabihin na musmos pa lamang sila ay magkasundong magkasundo sila. Araw araw ay magkasama sila na wari'y ng kanilang mga magulang at ng malalapit sa kanila ay magkakambal na sanga sila lalo pa't hindi sila maipaghiwalay. Ang turingan nila noon ay magkapatid at matalik na magkaibigan lalo pa't nagiisang anak sila ng kanilang mga magulang.

Marami silang pinagdaanan ng magkasama hanggang sa tumungtong sila sa edad na labing-siyam na taong gulang. Nag-umpisa iyon ng makilala nila ang isang napakaganda at napakatalentadong babae. Lihim silang nagkagusto sa isang babaeng ito. Dito nag-umpisa ang paglilihim nila sa isa't isa. Sa edad nilang labing-siyam ay nagkaroon na sila ng sariling pag-iisip, ito ang karaniwang edad sa kanila kung saan nagigising ang kanilang tinatawag na Heart of Martial.

Pangkaraniwang nag-uumpisa ang Cultivator sa edad na apat o limang taong gulang depende sa talento at kakayahan ng isang Cultivator.

Nagsimulang magcultivate ang dalawang batang ito sa edad na lima at sa pagtungtong ng labing siyam ay doon na nagsimula ang lamat kahit pa sabihing dahil iyon sa epekto ng tinatawag na Heart of Martial kung saan ang sinumang mapapasailalim sa stages na ito ay nakakaapekto ang kanilang damdamin sa kanilang pag-iisip bilang isang Cultivator.

Hanggang sa naglabasan na ang katotohanan tungkol sa pag-ibig nila sa isang babae. Ang nakakakilala sa dalawa ay nagulantang sa pangyayaring ito maging ang kanilang mga magulang. Dito na nag-umpisa ang lamat sa pagitan nilang dalawa na maging ang kanilang magulang ay nagkaroon ng di pagkakaunawaan sanhi ng pangyayaring ito.

Ngunit hindi lamang ito ang naging dahilsn bagkus ay nasundan pa ang problemang ito na siyang mas ikinagalit ni Tim Negarra at ng kanyang magulang na hindi nila matanggap hanggang ngayon.

Ito ay walang iba kundi ang pag-agaw sa posisyon na ayon sa panig ng mga magulang ni Tim Negarra maging ang kanyang sarili at ng buong angkan ng Negarra ay hindi karapat-dapat ang sucessor ng Luciano Clan na si Brenn ang pagiging una sa posisyon sa bawat kompetisiyon maging sa ranking ng mga Henyo at pinakatalentadong mga kabataan sa henerasyong ito.

Ang pagiging henyo ay itinuturing na mahalaga sa bawat lugar maging sa loob ng isang Kontinente. Itinuturing na kayamanan ang bawat henyong ipinanganak. Biyayang galing sa kalangitan ang turing sa mga batang ipinapanganak lalong-lalo na sa Dracon Continent. Ang Luciano at Negarra ay isa sa maraming angkan na bumubuo sa kalupaan o nasasakupan ng Storm Wind Sect. Ngunit sa lipunan, palaging may nakikitang mga deperensya lalong lalo na sa estado ng isang angkan. Isang katotohanan na itinuturing ng normal sa larangan ng Martial Arts.

Ito ang isa sa pinakalamang ng angkan ng mga Negarra. Salapi ang kanilang lakas, kayamanan ang kanilang armas sa pagbibigay buhay sa kanilang itinuturing na mga henyo sa kanilang pamilya. Sa pamamagitan nito ay kahit na ipinanganak na isang average na Cultivator lamang ang kanilang mga anak o miyembro ng angkan na ito, kapag ipinanganak ka sa isang may kayang angkany ay maituturing mo ng ikaw ay suwerte. Kagaya na lamang ni Tim Negarra na isa sa itinuturing na henyo at successor ng kanilang angkan.

Ipinanganak si Tim Negarra na isang average na Cultivator sa hinaharap ngunit dahil sa kanyang angkang kinabibilangan na itinuturing na mayaman ay nangunguna na ngayon sa mga henyong itinuturing ng kanilang pamilya. Sa edad na dalawampu't anim ay narating niya ang Martial God Realm ng agaran. Sa tulong ng kayamanang taglay ng angkan nila ay masasabi mong ang kanyang pag-apak sa Martial God Realm ay napakaposibleng mangyari. "Kayamanan ay kapangyarihan", ito ang ideolohiyang pinaniniwalaan ng kanilang angkan.

Sa kabilang banda, Si Brenn Luciano ay ipinanganak sa itinuturing na mahirap na angkan, Sa Dracon Continent ay kapag sapat lamang ang kinikita ng isang angkan sa araw-araw ay itinuturing na mahirap ang mga ito. Sa larangan ng Cultivation, pinaniniwalaan ng lahat na ang pagcu-cultivate ay nangangailangan ng maraming Cultivation Resources at iba pang kayamanan upang umangat sa lipunang kinasasadlakan nila. Ang Luciano Clan ay masasabing sapat lamang ang kanilang Cultivation Resources na pwedeng ipamahagi sa bawat isang Cultivator kung kaya't kapag nagkulang sila sa supply ay mahirap mg mapunan ang nasayang na oras nila maging ang lakas na kinakailangan ng bawat isa sa kanila. Hindi lamang silang nag-iisang angkan.

Ngunit dahil sa natural na taglay na talento nito at sa pagpupursiging magcultivate ng napakaigi samahan ng hirap at pagod sa pag-eensayo mapa-pisikal na aspeto maging ng iba pang aspeto kagaya ng mental ay matagumpay siyang nakatuntong sa Martial God Realm sa edad na labing apat.

Ang pagkompetensiya ng dalawang binatang si Tim Negarra at Brenn Luciano ay nagdulot ito ng suliranin sa dalawang panig ng kanilang angkan na siyang mas nagpalaki ng lamat sa pagitan nila kung kaya't masasabi mong ang pagsapit ng itinuturing na Chosen Competition Ceremony ay mas lalong nagpasiklab sa tahimik ngunit may tensyon na labanan sa dalawang panig kung sino ang karapat-dapat na maging susunod na Chosen ng Storm Wind Sect.

Ang Storm Wind Sect ay itinuturing na malawak na lupaing sakop ng Kontinenteng Dracon. Ilang libong angkan ang naninirahan dito na napasailalim mismo ng isang imperyo, ito ay ang Storm Wind Empire. Sa lagay ng angkan ni Brenn Luciano, maituturing lamang silang ordinaryo sa mata ng mga namumuno sa lugar na mismong tinatapakan nila. Ang malakas ay nasa ibabaw ng kalangitan, ang mahihina ay nasa kailaliman ng lupa. Walang nasa permanenteng posisyon kagaya ng bangkang papel nasa ibabaw ng karagatan. Madaming pwedeng mangyari,  pwedeng hahampasin ng malakas at marahas na tubig ang bangka na sa huli ay lulubog pailalim o kaya ay tatangayin ng malakas hangin upang makamit ang layuning umangat sa katubigang naging banta sa pagkamit ng layuni.

Ngunit dahil na rin sa talentong taglay ni Brenn Luciano ay nanatiling nasa payak at ligtas ang kanilang angkan. Kilala ang kanilang angkan sa maraming mga ipinanganak na may talento at natural sa mga ito ang pagiging angat sa nakararami. Kilala ang luciano  Clan bilang isa sa mga inborn Genius o itinuturing na Latent Genius.

May dalawang klaseng genius ang nagdudulot ng matinding usap-usapan sa alinmang Kontinente o sa isang lugar sa mundong ito at iyon ay ang Artificial Genius at ang  Latent Genius.

Ang dalawang klaseng ito ay may ibang pagtahak sa pagcucultivate. Ngunit hindi mo masasabi kung sino ang pinakalamang o ang mas malakas sa dalawa. Pero ang mas pinipiling maging Chosen ng bawat Sect maging ng ibang mga  grupo ng mga organisasyon ay ang may latent talent.

Ang mga Artificial Genius ay ang ipinanganak na may Ordinaryong kakayahan sa pagcucultivate  at nakadepende sa kayamanang taglay ng kanilang angkan. Dito ay masasabi mong kaya nilang maging malakas sa tulong ng mga matataas na kalidad ng mga Cultivation Resources. Sa tulong nito ay kaya mong pantayan ang ranggo ng mga Latent Genius. Ang halimbawa ng Artificial Genius ay walang iba kung hindi si Tim Negarra.

Sa mga Latent Genius kagaya ni Brenn Luciano ay itinuturing na tunay na kayamanan ng Storm Wind Sect. Ang ipinanganak na may natural na talento ay masasabing tunay na henyo. Ang pagkakaroon ng kayamanan para palakasin ang iyong Cultivation ay itinuturing lamang na sekondaryo kumpara sa ipinanganak na may pambihirang talento. Itinuturing pa ring malaking deperensya sa pamamagitan ng dalawang klase ng pagiging henyo.

Ang ituring na latent Genius ay masasabing napakagandang pakinggan o mas sabihing mas totoong Cultivator kaysa sa Artificial Genius. Kung may maraming Cultivation Resources ang Latent Genius ay masasabi mong magiging halimaw ang kanyang kakayahan sa bawat  henerasyon. Ngunit sa lagay na ito ni Brenn ay saka lamang siya makakakuha nito kapag naging isa siya sa magiging Chosen ng kanilang Storm Wind Sect.

Ang mga Latent Genius na galing sa mga mayayamang angkan na sakop Storm Wind Empire ay agarang nakakapasok bilang isa sa mga Chosen ng Bawat Sect sa Dracon Continent kung Kaya't sila ang maituturing na isa sa mga may potential at pinakahenyo sa lahat. Ang may pambihirang talento at may maraming Cultivation Resources ay siguradong may magandang kapalaran sa hinaharap.

Kung kaya't halos lahat ay may inggit at paghanga sa sinumang may katangian ng Latent Genius at Artificial Genius.

Samantala...

Makikita sa ibabaw ng kaulapan na ngayon ay lantaran na nakikita sa hindi kalayuang distanya mula sa tarangkahan ng Black Water Trench ang isang pigura na may matingkad na kulay kayumangging buhok na pinaresan ng  kayumangging kutis.

"Kung talento lamang ang basehan ay masasabi kung kaya kung lamangan si Tim Negarra at ang ibang Artificial Genius maging ang mga Latent Genius ng aming Storm Wind Sect!" Sambit sa isipan ni Brenn Luciano

"Sa oras na makamit ko ang Legacy ng Black Water Trench ay sisiguraduhin kung pipisain kita ng pinong-pino Brenn Luciano!" Nanggigigil na sabi Tim Negarra sa kanyang isipan ngunit hindi maitatanggi sa kanyang mukha ang hindi kanais-nais na ekspresyon.

Tunay ngang kinamumuhian niya na ang itinuturing niyang matalik na kaibigan ngayon.

Itinuturing niyang matinding banta si Brenn Luciano na siyang nagpakulo sa kanyang dugo at sa halos umusok niyang ilong sa labis na inis at galit.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Brenn Luciano maging ng ibang Cultivator na may isang pares na mga mata ang nakatingin sa malayo ang kanilang totong magiging kakompetinsiya sa pagkamit ng inaasam nilang Legacy ng makapangyarihang Martial Expert ng Black Water Trench.