Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 51 - Chapter 48

Chapter 51 - Chapter 48

"Bakit ka dumating dito, Alam ba ito ni Maestro Morgan?" May mapanghamak na sambit ni Tim Negarra sa kadadating palang na binata.

Ang binatang ito ay walang iba kundi si Brenn Luciano na itinuring na mortal na kaaway ni Tim Negarra.

(Si Maestro Morgan ay isa sa ginagalang na guro ng Storm Wind Sect, Siya ay isa sa mga naatasang magpangalaga sa mga Chosen).

"Nagpaalam ako kay Maestro, ang pagkuha ng Succession ng Black Water Trench ay lubhang napakahalaga kung kaya't ipinadala nila ako dito."direktang sabi ni Brenn Luciano sa binatang si Tim Negarra.

"Nila? At sinong nagsabing kailangan ko ng pabigat at walang silbing katulad mo? Hmmp!" Malakas na sabi ni Tim Negarra kay Brenn Luciano bakas ang matinding inis dito. Hindi niya alam na hindi sigurado ang ibang Opisyales sa kanysng kakayahan sa pagkuha ng Legacy ng namayapang Martial Epert upang gawing successor nito.

Sa isip ni Tim Negarra, sa palagay niya ay kumikilos ng palihim si Brenn Luciano para pumanig sa kanya ang mga matataas na Opisyales ng Storm Wind Sect na lubos niyang ikinagalit. Habang papalapit ang Chosen Competition Ceremony ay nag-aalab ang kompetisiyon sa isang daang kalahok bilang msging ganap Chosen.  Marami pa siyang malalakas na kalaban sa pagkamit ng posisyon bilang Chosen.

Maya-maya pa ay marami pang mga malalakas na Cultivator ang dumating sa Black Water Trench. Akala nila na ang kaninang madaming mga Cultivator ay mas domuble pa ang bilang ng mga ito. Hindi maipagkakailang ang kanilang kompetisiyon ay mas maalab mamaya sa loob ng Fobidden Area na ito.

Ang probabilidad na magtagumpay sila sa pagkuha ng kayamanan maging ng pinakainaasam nilang Legacy para maging susunod na succession ay maliit lamang na porsyento. Sa bilang palang ng mga kalahok ay mahihirapan sila sa pagkuha ng succession isama pa ang naglalakasang rank ng bawat indibiduwal na may Iba't ibang alas o baraha sa kanilang mga bulsa.

Samantala....

Apat na grupo ang sumama sa panig ni Tim Negarra samantalang nag-iisa lamang si Brenn Luciano. Kilala itong nag-iisa sa pagsuong sa mga delikadong lugar kung kaya't walang nagplanong sumama o gustong sumama sa Martial God Expert na ito. Mapapahiya lamang sila o mas sabihing kakausapin lamang nila ang hangin na magpababa pa lalo ng kanilang sarili. Isang sampal sa sarili mismong kamay ma ayaw na ayaw nilang mangyayari. Bawat tao ay may iniingatang dignidad maging ng reputasyon kung kaya't isinasaalang nila ang kanilang mga ginagawa at sinasabi.

....

Lahat ay may kanya-kanya ng grupo. may madaming miyembro ang isang grupo, mayroon ding konti at iba ay solo lamang. Marami ding mga Rogue Cultivators ang nandirito. Lahat ay may lakas na Martial Sacred Realm at walang ni isang Martial Ancestor Realm?

Bigla na lamang may malakas na pwersa ang bigla na lamang naramdaman ng Bawat isang Cultivator na nandito sa labas ng Tarangkahan.

Ang sanhi ng malakas na pwersang iyon ay walang iba kundi ang Protective Spell ng Black Water Trench. Mula sa kadilimang nagmumula sa loob ng tarangkahan ay lumitaw ang isang nilalang. Sa unang kita palang ay aakalain mong totoong tao ito ngunit ng papalapit ng papalapit ito papalabas ng tarangkahan ay makikita mong ang nilalang na ito ay isang puppet o mas mabuting sabihin na isang uri ng  Martial Slave.

Hindi maipagkakailang ang Martial Slave na ito ay may malakas na kapangyarihan sa Cultivation ngunit hindi nila matukoy ang lebel ng kapangyarihan nito. Parang naghahanap sila ng nakapikit na wari'y bulag lalo pa't hindi nila matukoy kung saang parte ng Martial Slave na ito  nagmumula ang enerhiyang bumabalot sa katawan nito. Dito palang ay humahanga na sila maging ang mga Martial God. Tunay ngang misteryoso at lubhang delikado ang lugar na kagaya ng Black Water Trench.

Magandang araw sa inyong lahat! Ngayon ay Opisyal ng nagbukas ang Black Water Trench! Lakas at talino ang kailangan upang manalo. Hindi maiiwasan ang mga babawian ng buhay at lahat ng pamamaraan ay pwedeng-pwede upang maging matagumpay sa huli. Hindi basta-basta ang pagpasok sa Black Water Trench kaya't kung sinuman ang nagdadalawang-isip na pumasok ay pwede na kayong umalis! Sabi ng Martial Slave na kakikitaan ng pagiging strikto at babala sa sinuman na gustong pumasok sa loob ng Black Water Trench. Hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa na wari mo'y walang halaga o simple lamang ang kanyang sinasabi.

Ngunit lingid sa inaasahan ng Martial Slave ay wala ni isang umatras sa babala ng Martial na nasa kanilang harapan. Alam na nilang ang pagpasok dito ay para kang  sumuong sa napadelikadong parte ng lugar na ito. Sa simula palang ng pagcu-cultivate nila ay alam na nila ang takbo ng buhay ng Cultivation World. Iyon ay ang sumuong sa matitinding labanan at napakadelikadong sitwasyon kung saan masusubok ang kanilang kakayahan. Lahat ng Cultivator ay sumusuong sa mga alanganing sitwasyon upang maging malakas sa huli aa pamamagitan ng pagkamit ng kani-kanilang mga minimithi materyal na bagay man o masalimuot karanasan para tumibay pa ang kanilang mga kakayahan bilang isang malakas na Martial Expert sa hinaharap.

Hmm, nasasagap ko ang isang Martial Ancestor Realm mula sa inyo, Gusto mo bang umatras? Magpakita ka! May tono ng awtoridad ang boses ng Martial Slave sa bawat katagang kanyang sinasabi.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay nahihirapang hanapin ng Martial Slave ang May lakas na Martial Ancestor Realm na Cultivator na ito. Napakaimposibleng hindi niya mahanap ang Martial Ancestor Realm na itinuturing niya lamang na isang kutong-lupang pwedeng tirisin sa isang paggalaw lamang ng kanyang daliri. Sa lakas niyang ito na higit pa sa Martial God ay nahirapan pa siya? Imposible diba? Paanong nangyari iyon? Ito ang mga katanungang namumuo sa Martial Slave na ito. Kung malalaman lamang ng mga ito ng mga naririto na matataas pa ang lebel ng Cultivation ay siguradong magiigng katawa-tawa siya ngunit dahil dito ay umusok ang kanyang ilong dahil sa inis. Ang pinakahinihindian niya ay ang tusuhan siya o pagtaguan siya ng hindi niya nalalaman kaya ganon na lamang ang kanyang inis dito.

Bigla na lamang lumitaw ang isang binatang kanina pa nagmamasid sa paligid ng Black Water Trench. Hindi niya aakalain na mararamdaman siya ng Martial Slave sa maikling oras.

"Magaling! Magaling! Tunay ngang malakas ang Martial Slave na katulad mo HA! HA! HA!" Simpleng sagot ni Van Grego na nasa anyong binata direkta sa Martial Slave na nasa hindi kalayuan mula sa kanyang puwesto.

Parang may kung anong puwersang tumusok direkta sa puso ng Martial Slave na ito. Natigilan ito ngunit agad din itong nakabalik sa reyalidad. Hindi siya makapapayag na insultuhin siya ng binata.

Sa ipinakitang paglalaro ng isang Martial Ancestor sa katulad niyang isang malakas na Martial Slave ay minamaliit lamang nito ang kakayahan at posisyon niya bilang tagapangalaga at instruktor ng Black Water Trench.

Isa kang inutil! Ang iyong pakikipaglaro at panghahamon sa katulad kung isang Martial Slave ay isang paglabag sa patakaran ng Black Water Trench! Sabi ng Martial Slave na ngayon ay sobrang galit na ang nararamdaman nito. Hindi siya makakapayag na madungisan ng isang insektong Martial Ancestor Realm Cultivator ang kanyang reputasyon at posisyon sa lugar na ito.

Maging ang iba ay hindi din makatiis sa mga pangyayaring kani-kanina lang. Ang panghahamak ng isang Cultivator na may lakas na Martial Ancestor Realm ay isang pangbabastos hindi lamang sa kakayahan ng Martial Slave na ito maging ng namayapang isang malakas na Martial Expert sa kasaysayan. Hindi lamang iyon lalo pa't sa tinging ibinibigay ni Van Grego sa kanila ay nagsasabing hindi karapat-dapat tingnan ang sinuman sa kanila maging ang malakas na Martial Slave na nasa harapan ng binatang ito.

Hindi maiiwasang manggalaiti ang halos lahat ng naririto. Hindi lamang iyon dahil binigyan ng atensyon ng isang makapangyarihang Martial Slave ang isang Cultivator na may lakas na isang Martial Ancestor Realm. Kahit na sila ay may mataas na Cultivation o ranggo ay hindi sila pinagtuunan ng pansin. Isang sampal ito sa kanila na hindi nila matatanggap kailanman.

Kailangan nilang gumanti sa binatang ito upang mabangon nila ang  sarili nilang dignidad. Hindi nila maatim na minamaliit lamang sila ng pesteng binatang ito.

Para sa kanila ay malalakas lamang ang pwedeng bigyan ng atensyon at importansya sa mundong ito. Sa pag-aagaw ng isang hamak na Martial Ancestor Realm Expert sa atensyon na sana'y nararapat sa kanila ay naagaw ng itinuturing nilang peste dahil sa mababa nitong Cultivation. Hinding-hindi nila matatanggap ito, iyon ang nasa isip nilang lahat.

"Isang hamak ka lamang na Martial Ancestor Realm pero sa sinasabi mo ay halatang iniinsulto mo kami maging ang malakas na Martial Slave at ng yumaong Makapangyarihang Martial Expert." Galit na pagkakasabi ng isang Martial God Expert na may maikling kulay dilaw ng mga Buhok.

"Ang iyong Cultivation ay napakahina lamang ngunit kung makapagsabi ka sa amin ay parang kayang-kaya mo kami!" Pangangatwiran ng isang Martial Dominator Expert sa mga naging takbo ngpangyayari kani-kanina lamang. Halatang hindi din nito nagustuhan ang naging galw nito maging ang pag-agaw nito ng atensyon ng isang Martial Slave.

"Sa lagay mo binata, maging sa aking obserbasyon sa'yo ay walang espesyal sayo na nangangahulugan lamang na isa ka lamang hamak na basura sa paningin naming lahat!" Pang-iinsultong sambit ng medyo may katandaang gulang na Lalaking Cultivator na issng Martial God Realm Expert.

Sunod-sunod na mga komento, paghahamak at pag-apak sa dignidad ng Martial Ancestor Realm Cultivator na walang iba kundi ang nasa Binatang anyo na si Van Grego. Nagkaroon ng matinding ingay sa Labas ng Black Water Trench ukol lamang sa pagbabalik ng insulto na wari'y natanggap daw nila.

Nang halos lahat ay natapos na sa pagsasalita ng biglang nagsalita si Van Grego.

"Tapos na ba kayo?" maikling sambit ni Van Grego na may paghikab pang kasama tanda na hindi niya binibigyang atensyon ang sinasabi ng ibang Cultivator. Ang paghikab niya ay tanda na inaantok siya at bagot na bagot na sa pangyayaring ito na wari niya'y inaatake siya ng mga maiingay na putakte at bubuyog na lubos niyang ikinayamot.

Sa simpleng sagot lamang ni Van Grego sa lahat ng mga sinasabi ng mga Martial Expert na nasa kanyang harapan o mas angkop sabihin na lamang ng ilang beses sa lebel ng kanilang Cultivation ay natahimik na wari'y nagulantang sa katangian ng binata na para sa kanila ay walang pinagkaiba sa walang silbeng batong pinupokpok ng malakas sa kanilang ulo.

Halos lahat ng nandito maging ang Martial Slave ay natameme sa binatang nakatayo sa kanilang harapan.