Matindi ang sikat ng araw sa dulong parteng kanluran ng Kontinente ng Hyno. Ang kanlurang bahaging ito ng Hyno Continent ay isang bulubunduking parte kung saan mayroong nagtataasang mga puno na animo'y higanteng sa taas at sa sukat naman ay maihahalintulad sa isang malaking gusali. Mayroong enerhiyang nakapalibot dito kung saan nagbibigay sinaunang pakiramdam. Ito ay ang Niraya Tree na siyang isang uri ng sinaunang punong madalang na lamang makita sa kasalukuyan lalong lalo na sa mataong lugar.
Sa ilalim ng punong ito ay may namumuong enerhiya na unti-unting lumilinaw sa paningin ng kung sinumang makakakita nito. Unti-unting nakita sa hugis pabilog na bagay ang pigura ng isang binata na walang iba kundi si Van Grego.
Inilibot ni Van Grego ang kanyang paningin sa panibagong kapaligiran na kanyang nakikita. Nang bigla siyang makaramdam ng takot dito. Alam niyang ang lugar na ito ay isa sa mga hindi pa nailalathalang lugar na nadiskubre kahit na pagbabasehan pa ang lokasyon, ito ay dahil sa mahina pa lamang ang Cultivation noon ng mga naninirahan sa Kontinente ng Hyno. Sa oras na tuluyan ng masira ang selyo ay maliit na kontinenteng ito ay siya namang paglabas ng natural na abilidad ng isang Cultivator.
Nailipat ang kanyang pag-iisip sa likas na yamang makikita ng iyong mga mata. Medyo may kataasan ang tinatapakang parte ng lupa ni Van Grego kung kaya't nagkaroon siya ng tsansang makita ang halos lahat ng nasa baba kahit na hindi lahat ay makikita niya.
Sa malawak na kapatagan na natatanaw ni Van Grego ay mistulang napaliit niya. Nakita niya ang sinaunang puno, ang Niraya Tree na siyang isa sa malahiganteng puno na hindi maikukumpara sa mga kasalukuyang puno. Ito ay napakalaki na animo'y higanteng nilalang idagdag pa ang dambuhalang laki at sukat nito.
Maraming tanawin siyang makikita katulad na lamang ng mga napakacute na maliliit na Martial Beast na naglalaro sa damuhan ngunit alam niyang napakadelikado palang nilalang ito kaya't nailipat niya ang kanyang paningin sa kabilang direksiyon.
May nakikita siyang malahiganteng taas na talon na patuloy sa pagbagsak ng malaking porsyento ng tubig pababa na animo'y malakristal na kulay ang mga ito. Napakayaman ng enerhiyang bumabalot dito na makakadagdag ng enerhiya sa bawat isang nilalang na makakainom o makaka-cultivate sa lugar na ito malapit sa talon. Ngunit hindi ito isang ordinaryong talon lamang.
Ang talon na ito ay isa sa mga Sacred Water na nakakalat sa iba't ibang lugar upang bigyang buhay ang kapaligiran maging ang mga nilalang na naninirahan malapit dito. Ito ang Sacred Falls. Kung ikukumpara ito sa Sacred Pond ay nasasabi mong mas lamang ng ilang walong porsyento ang Sacred Falls.
Dahil mas malaki ang porsyento ng tubig, mas maraming enerhiya ang nabubuo rito kung kaya't sa liit ng sacred na iyon na malapit sa pasukan ng Interstellar Palace ay masasabi mong ang agwat ng dalawang uri ng Sacred Water na ito ay parang distansya ng langit at lupa.
Nabalot ng pangamba ang kanyang pag-iisip. Lalo pa't ang pagkakaroon ng isang uri ng Sacred Water ay siya ring pagkakaroon ng malalakas na uri ng Martial Beast or Primordial Beast o iba pang klaseng Beast. Sa tagal ng naririto ng Sacred Falls ay siguradong nagkaroon na ang lugar na ito ng malalakas na uri ng Martial Beasts.
Tinanaw ni Van Grego ulit ang mga Cute na mga Martial Beasts pero nangilabot siya ng inspeksiyonin niya ito. Isang Martial Ancestor Realm. Ang lakas nito ay maikukumpara na sa kanyang lakas. Kung ang mga batang Martial Beast na ito ay may lakas na 7th Star Martial Ancestor ano pa kaya ang lakas ng mga magulang nito?
Agad na hinanap ni Van Grego ang libro ng talaan ng mga uri ng Martial Beasts at nakita niyang isang Martial Demonic Beasts pala ang mga ito ngunit napakadalang itong makita. Ito ay ang Bouncing Demonic Squirrels dahil kaya nitong maging bola at may napakataas na depensa. Nagkakahalaga ito ng Limampong milyon na Martial Money.
Hindi na tinago pa ni Van Grego ang kanyang aura at agad siyang nakita ng mga cute na mga Martial Beasts na ito.
Ang cute na mga nilalang na ito na may dalawampo ang bilang ay nagkaroon ng mga mababagsik na aura maging ang enerhiyang inilalabas nito sa katawan ay tumaas ngunit kalmado lamang si Van Grego at binuksan ang loob ng Myriad Painting.
Ang kaninang cute na nilalang na nakita niya ay may napakapangit na itsura na ngayon. Isang uri pala ng Martial Demonic Beasts ang mga ito.
Hindi niya ito lalabanan bagkos ay kukunin niya ito at ibebenta? Hindi, dahil alam niyang magagamit niya ito sa hinaharap.
Lumusob na agad ang dalawampong Martial Demonic Beasts na ito ng may lakas ang bawat isa ng 7th Star hanggang Peak Martial Ancestor Realm papunta sa direksyon ni Van Grego ngunit nanlski ang mga mata ng Bawat Bouncing Demonic Squirrels na ito. Hahablutin na sana nila ang binata ngunit parang papasok sila sa isang lugar ngunit huli na dahil bigla na lamang silang nahila ng kakaibang enerhiya papasok sa loob nito. Lahat ng Martial Beasts (Bouncing Squirrels) na ito ay sabay-sabay na umatake kung kaya't sabay-sabay din silang nawala na walang bakas na iniwan sa lugar na ito. Napatawa na lamang sa kanyang sarili si Van Grego lalo pa't sa murang edad ng Martial Beasts na ito ay natuto ng maging mabagsik at agresibo ang mga Martial Demonic Beasts na ito.
Isinara niya na ang lagusan papunta sa loob ng Myriad Painting at nagpatuloy sa paglalakad na animo'y walang nangyari.
Ang mga nakakitang mga Martial Beasts na may mababang rank sa Martial Ancestor Realm ay nahintatakutan sa ipinamalas ng binata. Agad na lumayo ang mga ito sa lugar na pinangyarihan, malayo sa binatang naghatid sa kanila ng ibayong takot. Wala din namang malalakas na nilalang ang nandifo sa araw na iti kung kaya't walang naging anumang hadlang sa labanan at paglalakbay ni Van Grego.
Matapos ang minutong paglalakad ay natagpuan na lamang ni Van Grego ang kanyang sarili sa isang malawak na parang na walang kahit na anong nilalang na makikitang pagala-gala. Tanging mga sanga at damuhan lamang ang naririto sa parang na ito. Nakita ni Van Grego na parang may mali sa lugar na ito kung kaya't inilibot niya ang kanyang paningin hindi sa baba kundi sa himpapawid o mas mabuting sabihing sa naglalakihang pugad na makikita sa malahiganteng puno ng Niraya Tree, sa pagkakita niya pa lamang nito ay alam niya kung anong klaseng nilalang ito. Walang iba kundi isang uri ng dambuhalang ibon. Hindi niya pa nakikita ang dambuhalang ibon na iyon pero sa nakikita niyang mga dambuhalang pugad na nasa mga sanga nito ay masasabi niyang dambuhalang nilalang na ibon din ang nakatira dito.
Wala din namang tubig dito kung kaya't walang tsansang maging isang isda ang nakatira dito. Natawa na lamang si Van Grego sa kalokohang naiisip niya.
Wala siyang sinayang na oras at tumapak na siya sa damuhang parte ng Parang na ito.ngunit aksidenteng natapakan niya ang isang piraso ng sanga at nagbigay ng malakas ng tunog ng pagkabali nito at iyon ang dahilan kung bakit nagising ang natutulog na mga dambuhalanh ibon sa kanilang naglalakihang mga pugad.
Isa, dalawa , tatlo... Sampo... Dalawampu't lima... Limampo... Isang daang mga pares ng mga mata ang bigla na lamang bumukas na wari'y sabik sa sinumang pumasok o manghimasok sa sarili nilang teritoryo.
Ngunit may isang kakaibang pares ng mata ang bigla na lamang nagising sa matagal nitong pagkakatulog.
Bagkaroon ng matinding paghangin at kalaunan ay nagigm marahas ang paggalaw nito maging ang mga nakakalat na mga bagay kagaya ng mga dahon at mga sanga ay nililipad na ng marahas na hangin. Ramdam na ramdam din ni Van Grego ang pag-iba ng estado ng kapaligiran maging ang isinisigaw na babala ng hangin sa paligid nito.
Mula sa himpapawid ay makikita ang marahas na pagpagaspas ng mga naglalakihang mga pakpak ng mga ibon. Kitang-kita na ni Van Grego ang itsura ng mga dambuhalang mga nilalang na ito.
Martial Heavenly Beasts! Sambit ni Van Grego sa kanyang sarili ngunit inaasahan niya na ito. May lakas ang bawat isang ibon na ito na hindi bababa sa Martial God Expert Realm at may iba ding 9th-Star Martial God Realm na.
Ayon sa nabasa niya ay ang ibong ito ay misteryosong napadpad lamang sa Hyno Continent. Hindi pa tukoy ang pinagmulan nito ngunit dahil sa malakas na selyong nailagay na kayang pumigil sa anumang nilalang na lumabas liban sa mga tao sa may pier ay hindi na makaalis sa kontinenteng ito kung kaya't napilitan ang mga nilalang na ito na dito manirahan. Ang pinakanahirapan sa sitwasyon na ito ay ang mga migrated na mga nilalang kagaya ng mga uri ng mga ibon.
Ang ibon na nasa kanyang harapan ay sinasabing isa sa napakalakas na ibon na hindi pa tukoy ang pinagmulan. Ito ay ang Dragon Sky Bird na nabibilang sa mga uri ng Martial Heavenly Beast.
Sa kanyang harapan ang nakakamanghang ibon na isa sa mga nilalang na pangarap niyang makita noong nagbabasa pa lamang siya sa labas ng Interstellar Palace.
....
Kalmado pa rin ang ekspresyon ni Van Grego sa pangyayaring nalaman niya. Hindi maitatangging ang kanyang nakita ngayon ay nakakamangha.
Ang mga ibon na ito ay may napakagandang kulay pula na animo'y apoy na mga balahibo. Ang mga pakpak ng mga ito ay patulis na animo'y isang sandatang kaya kang hiwain. Ang katawan nito ay kagaya ng mga Dragon lalo pa't nababalutan ng parang kaliskis na dragon ngunit kapag nakita mo ito ng maigi ay makikita mo ang napakatigas na uri ng balahibo ng ibon. Tunay ngang isa itong uri ng Sky Bird na may halong dugo o Bloodline ng isang isang uri ng dragon.
Likas na mababgsik ang mga ibong ito kung kaya't lumusob na ang mga itosa kinaroroonan ni Van Grego. Likas na mabibilis at maliliksi ang mga ibon na ito na agad na nakarating malapit sa pwesto ng binata ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay may lumitaw na isang kulay bughaw na nilalang sa gitna ng paglusob ng isang daang Dragon Sky Bird.
Bigla na lamang itong nagsagawa ng atake. Ang pakpak ng nilalang na ay bigla na lamang tulis ng napakatalas idagdag pa na napakahaba nito na parang kaya nitong punitin ang alinmang bagay.
Ang pakpak ng misteryosong ibon na ito ay bigla na lamang nagpalabas ng matutulis na kutsilyo na parang replika ng sarili nitong pakpak. Mabilis itong lumipad patungo sa mga ibon at sila ay nsgkaroon ng mga pinsala ngunit dahil sa depensa nila at kasalukuyang may lakas na Martial God Realm ay hindi ito nakapinsala ng malala sa isang daan na Dragon Sky Bird.
Nagalit ang Dragin Sky Bird sa pangingialam ng nilalang na nasa harapan nila. Agad silang nagpaulan ng napakaraming atake sa himpapawid direkta sa misteryosong ibon na nangialam sa kanilang hapunan.
Ramdam ni Van Grego ang napakalakas na atake ng isang daang Dragon Sky Bird. Kahit siya ay natakot din ngunit ikinalma niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang pangunahan siya ng takot. Ito ang pangalawang beses niyang pagharap sa nilalang na may rank na Martial God Realm. Ngunit hindi maikukumpara ang isang Peak Martial God Realm na kalahok sa Black Water Trench noong nakaraang araw. Baka himatayin na iyon kapag nakita niyang hinaharap ni Van Grego ang isang daang Martial God Realm na mga halimaw o mas magandang sabihin na isang Uri ng Martial Heavenly Beast, Ang Dragon Sky Bird.
Lahat ng atake ay tumama sa katawan ng misteryosong ibon na ito. Walang mintis kahit ni isang atake mula sa mga Dragon Sky Bird. Likas na matalas ang pandama ng mga ibon lalong-lalo na ang kanilang paningin kung kaya't inaasahan na ito lalo pa't hinaharangan niya ang lahat ng atakeng tatama sana kay Van Grego kung aalis siya dito.
Bumagsak ang misteryosong ibon na ito matapos saluhin nito ang lahat ng atakeng kanyang natamo. Nalaman ni Van Grego na isang Peak Martial God Realm na ang misteryosong ibon na ito. Wala siyang panahon pa upang inspeksiyunin ang misteryosong ibon na nagligtas sa kanya kani-kanina lamang.
Nagtaka nga siya kung bakit hindi pa nagbe-breakthough ang nilalang na ito lalo pa't nalaman niyang matagal na itong nasa Peak Martial God Realm ngunit may malakas na enerhiyang pumipigil sa Pag-breakthrough nito. Alam niyang may kinalaman ang selyo ng kontinenteng ito sa mga nilalang na ito.
Nakita niya sa himpapawid ang pagkilos ng mga Dragon Sky Bird ng mabibilis paibaba patungo sa kinaroroonan ni Van Grego.
May kalmadong ekspresyon ang makikita sa mukha ni Van Grego. Wala na siyang inaksayang panahon at binuksan ang lagusan ng Myriad Painting. Napakalaking lagusan ang ginawa niya at nangangailangan ito ng maraming enerhiya. Pinalaki niya pa ito at nang makita niyang sapat na ito para mapasok ang isang daang Dragon Sky Bird ay kinontrol niya ang enerhiyang nasa loob ng Myriad Painting maging ng hangin dito at nakalikha siya ng nanghihigop na enerhiyang sa oaligid nito. Inilagay niya ito malapit sa lahat ng isang daang Dragon Sky Bird. Lahat ng mga ito ay unti-unting hinihigop ng Myriad Painting kung Kaya't walang nagawa ang mga iti sa misteryoso ngunit makapangyarihang taglay ng Myriad Painting.
Halos nagamit ni Van Grego ang walumpung porsyento ng kanysng enerhiya sa pagkontrol ng Myriad Painting kung kaya't nanghina siya.
Agad siyang kumuha ng isang piraso ng Tier-7 Recovery Pill at agad niya itong nilunok. Agad ding natunaw ang nasabing Pill na siyang nagpabalik ng kaniyang lakas.
Tiningnan niyang maigi ang misteryosong ibon na ito at pinagaling sa pamamagitan ng pagtunaw ng Tier-10 Recovery Pill at inilagay ito sa pinsala ng misteryosong nilalang na ibon sa labas ng katawan at isang Tier-4 na Medicinal Elixir na kung tawagin ay Healing Boost Elixir kung saan kaya nitong i-restore ang lahat ng mga napinsalang parte ng katawan ng ibong ito. Ipinainom niya na ito. Ang kaninang naghihingalong ibon ay nagkaroon ng bakas ng pagkarekober sa kritikal na kondisyon nito kani-kanina lamang.
Agad niyang inilagay ang misteryosong ibon sa Interstellar Dimension na pinsglagyan niya noon ng mga alipin. Maraming mga Cultivation Resources dito na pwedeng-pwede na ikunsumo ng alinmang uri ng mga Martial Beasts.
Pagkatapos nito ay in-activate ni Van Grego muli ang Myriad Painting at inilagay dito ang mga dambuhalang puno ng Niraya Tree na siyang tirahan ng mga Dragon Sky Bird. Kung mamamatay ang mga ito ay babagabin pa siya ng kanyang konsensya at iyon ang hindi niya hahayaang mangyari.
Ang mga puno ng Niraya Tree ay kusang nahiwalay ang mga ugat nito sa lupang kinatatayuan nito noon at nalipat sa loob ng Myriad Painting dala ang mga pugad na siysng tirahan
Naghanap siya ng pwesto niya sa Parang at komportable itong umupo upang magcultivate.
End of Volume 1