Bago man mangyari ang nasabing pagrerecruit ay nagkaroon ng pagpupulong kinagabihan hindi lamang ng mga pinunong ng bawat departamento kundi maging ang lahat ng mga kasapi nito. Ito ang totoong layunin ng pagbabalik ni Van Grego na nagbabalat-kayo bilang si Mr. V sa paningin ng lahat.
Alam ng lahat ng miyembro ng Alchemy Powerhouse Association ang nangyayaring malaking krisis na magreresulta ng napakalaking digmaan sa kontinenteng ito, ang kontinente ng Hyno. Lahat ay nababahala ngunit malaki ang tiwalang ibinibigay nila kay Mr. V. Walang sinuman ang gustong umalis at magtago sa ibang lugar at Kontinente. Alam nilang mas delikado pa doon kung ikukumpara sa kalagayan ng Kontinenteng ito.
Hindi lamang lahat ng miyembro ng Alchemy Powerhouse Association ang nandito sapagkat inimbita nila ang mga matataas na posisyon o maging ang mga pinuno ng bawat angkan ng Second Rate Class at Third Rate Class. Hindi mapagkakailang marami ang nagulat sa paunang impormasyon na naibigay sa kanila ng Alchemy Powerhouse Association. Ang malaking digmaan na magaganap ilang araw mula ngayon ay siyang parang bombang sumabog sa kanilang mga pandinig. Lahat ng pamunuan maging ng mga pinuno ay nahintatakutan lalo pa't bakas sa kanilang mukha ang pamumutla at di kaaya-ayang ekspresyon. Hindi man ito kaaya-ayang balita para sa kanila ay pumayag silang pumunta sa nasabing malaking pagpupulong na isasagawa mismo sa loob ng teritoryo na sakop ng Alchemy Powerhouse Association. Hindi nila ito matatanggihan sapagkat maraming naitulong sa kanila ang malaking Asosasyon na ito maging ang kanilang mga kayamanang tinatamasa ay dahil na rin sa mga ito na lubos na ipinapasalamat sa kanila. Paano pa sila makakatanggi.
Kinagabihan mismo ay nandito na ang halos lahat ng mga may mataas na posisyon sa bawat angkan, kaharian ng bawat Second Rate Class at Third Rate Class. Makikita ang kanilang suot na napakapormal ang dadausan na pagpupulong na ito. Hindi alintana ang takot sa lakas ng First Rate Class. Bakit pa sila matatakot? Ang kanilang yaman ay maikukumpara na mismo sa First Rate Class o mas higit pa sa mga ito.
Ang kanilang kinakain ay mas masustansya pa sa mga mayayamang tao maging ang matataas na tao ng mga First Rate Class ay hindi na maikukumpara pa. Ang maraming supply ng mga Cultivation Resources ay mas marami at nasa matataas na kalidad pa kaysa sa Cultivation Resources ng mga ito. Ang malaking agwat sa pagitan ng yaman at kapangyarihan sa bawat Class ay hindi na makikita pa sapagkat ang mga minamaliit noon na mabababa na mga tao ngayon ay patuloy pang lumalakas. Kaya na nilang bayaran ang sinuman sa mga miyembro ng First Rate Class ng malalaking halaga ngunit barya lamang para sa Third Rate Class at Second Rate Class.
Kaya na niang gawing utusan maging ang gawing ang mga First Rate Class na parang asong alipin ng kayamanang parang isang kusing lamang sa mga Second Rate Class at Third Rate Class.
Naging posible ito dahil na rin sa tulong ng Alchemy Powerhouse Association sa lahat ng mga angkan at kaharian ng Second at Third Rate Class. Ang bilang nila ay lubhang napakarami kaysa sa First Rate Class. Kahit na ang kabuuang lakas ng Third Rate Class ay kayang talunin ang maliit na bilang ng mga First Rate Class Cultivator.
Sa maliit na panahon ay naging posibleng malamangan ng Second Rate Class at Third Rate Class ang First Rate Class sa tulong ng Alchemy Powerhouse Association. Ang simpleng pagbabanta ng mga taong miyembro ng First Rate Class ay isa na lamang malaking biro at kalokohan sa dalawang Classes na itinuturing noong mga mahihinang paramg mga tuta na ngayon ay malalaking mga lobong hinihintay na lamang ang pag-atake ng isang maamong tigre (isang idioma).
...
Halos lahat ng mga angkan at kaharian ng Second at Third Rate Class ay naririto na. Sa katunayan nga ay maaga silang nakarating sa malawak na Teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association na agad din silang pinapasok na may mainit na pagtanggap ng bawat miyembro ng Asosasyon na ito.
Kung malalakas ang mga bawat miyembro ng mga namumuno maging ng mga miyembro ng Second at Third Rate Class ay mas matatakot ka sa lakas na taglay ng bawat miyembro ng Alchemy Powerhouse Association.
Ang bawat isang miyembro ng Assosasyon na ito ay may lakas na hindi bababa sa Martial Emperor Realm pataas at mayroong iilang Peak Martial Monarch ang nadirito sa kanilang harap. Hindi kabilang ang Kids Department sa pagpupulong na ito lalo pa't ayaw ni Mr. V na masangkot ang mga bata sa usapin na ito. May iilang mga batang miyembro ng Alchemy Powerhouse Association na mga nasa ranggong Martial Ancestor Realm na maituturing na mga talentadong mga kabataan na magiigng makapangyarihang eksperto sa hinaharap.
Hindi nila ito kinakatakutan ang mga miyembro ng Asosasyong ito bagkus ay nirerespeto nila ang mga ito. Sa lakas na taglay ng mga Cultivator na ito maging ng malaking Asosasyon na ito ay alam nilang wala silang tsansang manalo. Kilala na ang Alchemy Powerhouse Association sa malalakas at may patas na pakikipagnegosasyon maging sa pakikitungo nito lalong-lalo na sa mga Second at Third Rate Class.
Nagagalak ang lahat ng mga angkan at mga miyembro ng kaharian sapagkat hindi nila inaasahan na aabutan sila ng napakalaking tulong ng Alchemy Powerhouse Association lalo pa't wala naman silang naibigay sa mga ito. Nagtataka man sila ngunit sa huli ay ipinagpapasalamat nila ito.
Sino ba naman ang gustong tumulong sa isang tao ng walang kapalit? Sa isip noon ng ilan ay wala sapagkat kilala ang mundong ito sa pagkakaroon ng hindi patas na pagtrato hindi lamang sa larangan ng kayamanan kundi maging sa lakas ng isang Cultivator. Ngunit pinatunayan ng Asosasyon na ito na wala silang masamang intensyon sa pagbibigay ng tulong. Bagkus ito ay isang mabuting gawa lamang para sa napakalupit na mundong ito.
...
Sa pagpasok pa lamang ng mga bisitang galing sa dalawang Classes ay agad silang binigyan ng malaking prebilihiyo maging ng atensyon at serbisyo sa bawat isa sa kanila. Todo asikaso ang mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association sa mga bisitang dumalo. Kakikitaan ng propesyunal na dating maging sa galaw ng mga ito. Hindi mo aakalaing mga taga-alalay ang mga ito sapagkat ang bawat isa ay malalakas at makikitang masasaya ang kanilang mga ekspresyon at pananalita, wakang halong kahambugan o pangmamaliit sa sinumang bisita nila.
Maraming bisita ang naiilang sa mga nag-aasikaso sa kanila ngunit sa huli ay nakasanayan na nila ito lalo pa't karamihan ay ngayon lamang nakadalo sa nasabing malaking pagpupulong na ito. Mas lumaki pa lalo ang respeto ng bawat angkan at kaharian sa Alchemy Powerhouse Association na alam nilang kulang pa ang respetong ibinibigay nila sa lahat ng tulong ng Asosasyong ito ngunit wala silang maibabalik na anumang bagay sa mga ito lalo pa't makikita mo sa bawat isnag miyembro nito ang malulusog na pangangatawan at malalakas na Cultivation Level patunay na napakasagana ng Cultivation Resources at iba pang mga kayamanan ang mga ito.
...
Maraming pagkain ang nakahain sa bawat malalaking lamesa sa harap mismo ng mga bisita. Unang kita mo pa lamang sa mga pagkain at maraming putaheng nakahain sa lamesa na hindi ito pangkaraniwang pagkain. Sa napakabangong amoy ng mga ito at sa kaunti ngunit makakapal na enerhiyang inilalabas ng mga ito ay masasabi mong ekstraordinaryong mga pagkain ito. Kahit ang mga iba't ibang mga inumin kagaya ng tsaa, kape, juices lalo na ang mga alak (kabilang na ang mga wine) ay masasabi mong napakayaman sa natural na mga enerhiyang nagpapalakas mismo ng sariling Cultivation.
Lahat ay agad na tinikman mga pagkain lalong-lalo na ang mga paborito nila at uminom ng mga likido kagaya ng alak at iba pa na kalaunan ay nagulat sila sa napakasaganang enerhiyang pumasok at dumadaloy sa bawat ugat nila. Sa pagkain pa lamang nila ay tumaas na agad ang kanilang enerhiya. Hindi nila sukat akalain na ang mga pagkaing ito ay may ekstraordinaryong kakayahan na palakasin o paangatin ang kanilang Cultivation. Malaki ang natutulong ng kaunting subo ng pagkain at patikim-tikim ng mga alak.
Dahil na rin sa may hinahawakan silang mga reputasyon at malaking katayuan sa kani-kanilang mga lugar ng kanilang angkan maging ng kani-kanilang mga Kaharian ay kakikitaan pa rin sila ng eleganteng pamamaran sa pagkain maging ng kanilang pag-inom ng alak.
Ang mas naging malaking atraksyon sa lahat ng mga angkan na nandito ay ang Grego Clan lalo pa't sila mismo ang may napakalaking benepisyong natanggap sa pagtulong ng Alchemy Powerhouse Association na ikinataka ng lahat maging ng mga ibang angkan at kaharian. Mistulang isang malaking bituin ngayon at balitang sila ay mas pinapaboran ng malaking Asosasyon na ito ngunit tikom pa rin sila sa kanilang mga bibig. Alam nilang nagbebenepisyo ang bawat isa angkan ngunit ang pagpabor sa Grego Clan ay naging isang malaking komosyon sa kanila. Kahit sila ay napapaisip sa kung ano ang dahilan ng Asosasyong ito ngunit tahimik lamang itong pinag-uusapan ng lahat.
Ayaw nilang magkaroon ng malaking problema sa pamamagitan nila laban sa malaking Asosasyon na ito na siyang iniwasan nila. Nandoon pa rin ang respetong ibinibigay nila sa Alchemy Powerhouse Association. Hindi nila hahayaang ang sarili nilang mga salita at gawa ang siysng maglilikha ng malaking kaaway. Ang paglikha ng kaaway ay masasabi nilang isang malaking maling galaw at sila mismo ang gagawa ng malaking sugat sa kanilang sariling katawan (idyoma).
Hindi sila ipinanganak kahapon lang upang gawin ito. Hindi nga nila masasabing lilikha sila ng mortal na kaaway dahil kayang kaya silang paslangin sa isang galaw lamang ng isa sa malalakas na Cultivator ng Alchemy Powerhouse Association. Ang pananatili ng mabuting pakikisama at partisipasyon sa Asosasyon na ito ang gusto nilang gawin hijdi lamang sa mabuting ganti sa tulong nila kundi sa mas malaki pang mga benepisyong nais nila makuha kagaya na lamang ng benepisyong natatanggap ng Grego Clan sa Alchemy Powerhouse Association na gusto rin nilang makamit o mas higit pa.
Ambisyoso mang isipin ngunit maging ang ibang angkan maging ang mga kaharian ng Second at Third Rate Class ay ganito rin ang sariling layunin. Ang bumuo ng maayos na relasyon ng malaking Asosasyon na ito sa kanila. Ang pagkuha mismo ng sariling atensyon ng Asosasyong ito ay isa ng tagumpay para sa mga angkan , ano pa kaya ang pagkuha ng loob ng Asosasyong ito? Nangangahulugan lamang ito ng kayamanan, mas malaking kayamanang gusto nilang matamasa.
Sa mundong ito, ang pag-angat ng isa ay kinahahangaan ngunit lihim ding kinakainggitan ng karamihan. Kung mayroong mga magagamdang komento ay mayroon ding masasama at masasakit na komento na iyong maririnig. Karaniwan na ito na siyang isang suoiranin ng karamihan. Pangarap ng lahat ng Cultivator ang umangat sa buhay, magkaroon ng masaya at maunlad na pamumuhay para sa kanilang mga ka-angkan maging sa sarili nilang pamilya. Ngunit isang pangarap ito na kung saan kapag nakuha na nila ang inaasam sa buhay ay agad naman silang bubuo ng isang pangarap.
Masasabi natin na likas sa tao ang mag-ambisyon ngunit likas din sa tao ang hindi makontento sa mga bagay-bagay na gusto nilang maasam sa buhay nila kung saan ang masamang mga gawain at pamamaraan ay kanilang isinasagawa upang makamit ang gusto nilang makamit. Isang karaniwang nangyayari sa kontinente ng Hyno ngunit mas malala pa ito sa mga ibang Kontinente kung saan ang mahina ay hindi lamang lubhang humihina bagkos ay nalulugmok sa pa sa matinding kahirapan at paghihirap. Ang malalakas ay lubha pang lumalakas na kung saan...
"Langit ang nilalakaran, buhay ng mga tao ang inaapakan,
"Sariling lupa ang ginawang kulungan,
Ng mga taong nalugmok sa sariling Lupang Sinilangan."