"Wala ka namang magagawa pa kahit lumikas pa kami o kahit na sinuman, mamamatay rin naman tayong lahat, kung sinabi mo ang mga ito bago pa ang nalalapit na araw ay maaari pa sana kaming makaalis sa kontinenteng ito!" may hinanakit na sambit ng isang Elder ng Privo Clan na halata sa boses nito na gusto niyang ibunton lahat ng galit at pagsisisi sa matanda.
"Oo nga, halatang pinapairal mo lamang ang iyong mga hangarin ngunit hindi moiniisip ang mga taong nakatira dito. Kung mangyari mang makakaligtas ako o kami ay ikaw ang una naming gagantihan at babawian ng buhay!" Hindi maitatago ang labis na galit ng isang Prime minister ng Flonter Kingdom lalo pa't hindi lamang sila simpleng mga tao maging ang kanilang bilang ay napakarami dahil binubuo ang kaharian nila ng maraming angkan maging ng mga malalakas na assasin. Para sa kanila, ang pagpatay sa matanda ay isang pitik lamang ng kanilang kamay. Kahit na maraming mga alagad ang Asosasyon nito ay kompiyansa silang mapapatay agad sa isang atake lamang ñila ang matandang huklubang kaharap nila.
"Sumusobra na yata kayo sa sinasabi niyo!
, ang dapat sa inyo ay ------" galit na sambit ni Clero Minara ngunit agad siyang makita niya ang limang taong papalapit sa kanya.
"Ano ba ang nararapat sa amin? Sabihin mo ng malaman mo kung sino ang makakalaban mo at ano ang mangyayari sa inyo!" Sambit ni First Elder Ramon na may halong pagbabanta kay Clero Minara maging kay Mr. V at ng mga Miyembro ng Asosasyong ito.
"Mga lapastangan kayo! Hindi niyo na nirespeto ang aming lider, sana nga ay mamatay na ang mga walang utang na loob na mga katulad niyo!" Galit na pagkakasabi ni Clero Minara dahil na rin sa pambabastos ng mga tao dahil sa pambabato ng mga akusasyon at pambabatikos ng halos lahat ng Opisyales ng Second at Third Rate Classes. Napuno na siya sa mga mahihinang mga nilalang na ito na may masamang intensiyon at layunin laban kay Mr. V at sa Alchemy Powerhouse Association.
"Sino kaya ang mamamatay sa gabing ito? Marami kaming naririto at napapalibutan namin ang buong teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association bwahahaha!" Sambit ni Fourth Elder Glemor.
"Hahahaha, napasok na namin ang teritoryo ng buong Asosasyon na ito, sa ayaw sa gusto matanda ay mapapasamin na ang lahat ng kayamanan ng Asosasyong ito!" Dagdag at may pinal na pagkakasabi ni Fourth Elder Glemor sa lahat ng miyembro ng Alchemy Powerhouse Association na naririto maging kay Mr. V.
"Talaga bang ginawa niyo ang bagay na ito ayon sa masasama niyong hangaring mapasakamay ang malaking Asosasyon na ito? Hindi ba kayo natatakot sa maaaring gawin sa inyo ni Mr. V?" May halong galit at pagbabala na sambit ni Nica Frunto lalo pa't tuluyan ng nasira ang ginawang pormal sanang pagpupulong ngunit nauwi sa pagkakaroon ng debate o mas angkop sabihin na rebelyon laban sa Alchemy Powerhouse Association.
Hindi maiiwasang mag-aalala ang bawat miyembro ng Alchemy Powerhouse Association na naririto na may isang daang miyembro lamang ang naririto ngunit napakaraming mga bisita na may matataas na posisyon ang naririto. Hindi nila alam na maraming mga Cultivator ang gustong angkinin ang Teritoryo maging ang lahat ng kayamanang mayroon ang Asosasyong ito. Hindi mapigilang magalit ang mga miyembro ng Asosasyong ito ang mapoot. Kung wala lamang ang founder nila dito ay pinulbos na nila ang maraming mga Opisyales ngunit hindi rin naman sola tanga upang patulan at paslangin ang mga ito lalo pa't may malaki silang kinakaharap na problema at yun ay ang nalalapit na malsking digmaan na kung saan ay dito mismo sa Teritoryo ng Kontinente ng Hyno ang magiging dausan ng mga madugong labanan at pagdanak ng dugo ng maraming Cultivator.
Makinig kayong lahat,hinalughog namin ang bawat gusali at alam niyo ba ang aming nakita maging ng mga ipinadala naming mga assassin at mga espiya sa teritoryo ng malaki daw na Asosasyong ito? Sambit ni Fourth Elder Glemor Grego na kung saan ay nakaagaw siya ng mga atensyon mula sa iba't ibang mga Cultivator. Lahat ng naririto ay binigyang atensyon ang lahat ng sinasabi ni Fourth Elder Glemor Grego patunay lamang na maging ang iba ay mayroong mga katanungan at gusto ang mga kasagutan patungkol sa sinasabi ni Fourth Elder Glemor Grego sa kanyang paghalughog ng mga gusali.
"At ano naman ang iyong nakita at mga nahanap Elder Glemor?" Sambit ng isang ministro ng Grale Kingdom na isa sa mga respetadong indibiduwal na minsan lang kung magsalita sa ibang mga tao. Ang Grale Kingdom ay isa sa mga malalakas na kaharian ng Second Rate Class kung saan ay masasabi mong may ibubuga ang kahariang ito.
"Ano naman ang iyong nalamang impormasyon patungkol sa malaki ngunit misteryosong Assosasyon na ito?" Pagtatanong ng Judge Minister ng Dymier Kingdom na isa ring malakas na Kingdom.
"Handa akong magbayad ng malaking halaga para sa impormasyong iyong sasabihin." Hindi din mapigilan magtanong ng isang Judge ng isa sa sampong malalakas na kingdom ang magtanong lalo pa't alam niyang lubha itong napakasensitibong bagay patungkol sa Alchemy Powerhouse Association na misteryosong umusbong sa maliit na kontinenteng ito. Ito ay ang Serviah Kingdom na kilala kahit na hindi sila nakikisangkot sa anumang digmaan ngunit pagdating sa kayamanan ay kilala sila bilang napakayamang kaharian ng Second Class.
Marami pang mga tanong ang maririnig bakas ang kuryusidad sa kanilang mga isip patungkol sa impormasyong nalaman ng Grego Clan.
Ito lamang ang masasabi ko sa lahat ng mga kapwa namin panauhin, ang inaakala nating malakas at malaking Asosasyon ng Alchemy Powerhouse Association na ito ay isang nakakatawa Asosasyon lalo pa't niloko lamang tayo ng mga ito. Ang mga pills na ibenebenta natin ay gawa lamang sa mga ordinaryong mga sangkap na kahit tayo ay kayang-kaya itong gawin. Nakita namin ng Grego Clan ang isang gusaling masasabi kong imbakan nila ng mga Cultivation Resources ay kakaunti na lamang at halatang mabababang uri lamang ang mga ito patunay ang mga mahinang enerhiyang inilalabas ng mga ito." Malakas na pagkakasabi ni Fourth Elder Glemor Grego sa lahat ng mga bisitang naririto.
"Hindi lamang iyon ang nakita naming mga Elders ng Grego Clan, liban doon sa sinabi ni Fourth Elder Glemor ay isa ako sa saksi at nandoon sa gusali na iyon at may nakita pa kaming isang malaking gusali na masasabi kong paggawaan ng pagkain at mga produkto kagaya ng mga Pills. Marami akong nakita roon na masasabi kong nakakadiri at nakakasuka lalo pa't hindi ko magawang hindi sabihin sa inyo ang mga ito." Mahabang salaysay ni Fifth Elder Elmo sabay dukot sa kanyang bulsa ng kanyang roba at makikita ang isang Visual Recording Shell.
Agad na nagliwanag ang nasabing Virtual Recording Shell tanda na na-activate ito. Mula sa malabong mga gumagalaw na imahe ay unti-unti ng lumilinaw kung saan makikita ang napakaruming paggawaan ng Alchemy Powerhouse Association. Maraming mga uod na nagsisigapang at gumagalaw sa malalaking mga kawa, kaserola, kaldero at iba pa. May mga dumi pa ng mga hayop ang makikita sa isang tadtaran ng mga karne. May mga dugo pa na nakakalat sa iba't ibang parte ng sinasabing lugar na lutuan ng pagkain at paggawaan ng mga Pills at iba pang produkto. Marami pang ipinakita ang Visual Recording Shell kung saan ay mga hindi kanais-nais ang ipinakita dito na siyang nagpaniwala sa lahat ng mga Cultivator na naririto sa loob ng teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association.
Halos masuka ang lahat habang nanonood ang mga ito sa ipinakita ng Visual Recording Shell patungkol sa gawain ng Asosasyong ito. Hindi nila masikmura ang napanood nila.
"Hindi lamang iyon, masasabi kong pabagsak na at paubos na ang kayamanan ng angkan na ito kung kaya't masasabing kong wala na tayong mapapala sa basurang Asosasyong ito."
"Ano ang nakakadiring ginagawa ng Alchemy Powerhouse Association na ito? Gusto kong masuka sa mga kinain ko noon at kani-kanina lamang."sambit ng isang opisyales mula sa mga grupo ng tao.
"Oo nga, masyado yata akong nagpadalos-dalos
ng desisyon lalo pa't isa palang manloloko ang mga ito at ang mga gawain nila ay hindi ko lubos maisip." Sambit ng isa pang Opisyales
Marami pang mga negatibong mga pahayag at komento ang natanggap ng Alchemy Powerhouse Association sa kanilang mga bisitang naririto. Ang mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association ay halos hindi na mapigilan ang matinding galit lalo na sa mga pambibintang ng mga bisitang mga Cultivator lalong-lalo na sa mga Elder ng Grego Clan.
"Malapit ng matapos ang oras ng malaking Pagtitipon na ito at ang gusto ng umalis ay opisyal ko ng tinatanggalan ng karapatan na maging bahagi pa ng negosyasyon ng Asosasyong ito." Malakas na pagkakasabi ng matandang si Mr. V hindi alintana ang matatalas at galit na mga ekspresyon sa mukha ng mga Opisyales ng Second at Third Classes
"Talagang aalis kami lalo pa't ang mga produkto at pagkain ng Asosasyong ito ay nakakasuka at nakakadiri. Sino ba naman ang mananatili sa Asosasyong ito?!" Masungit na pagkakasabi ng isang magandang babae na sobrang bait noon ngunit ngayon ay lumabas na ngayon ang tunay na ugali nito.
"Mas mabuti pang magnegosyo kami ng sarili naming mga produkto kaysa sa bulok na paggawa ng Asosasyong ito na may huklubang mukhang demonyong matandang katulad mo!" Matalas na pagkakasabi ng isang magandang babae mula sa grupo ng isang sikat na mga negosyante. Nakataas ang mga kilay nito na animo'y isang uwak na lumilipad.
Ilang sandali pa ay umalis na ang halos lahat ng mga Cultivator. Tanging ang natira na lamang ay dalawampu't limang porsyento ng Cultivator ang naririto patunay lamang na nawalan na ng tiwala ang mga ito sa kakayahan ng Alchemy Powerhouse Association.
Marami pa ang nananatiling hati ang desisyon ngunit karamihan ay umalos na rin lalo pa't nahikayat silang wala silang mapapala sa mga ito.
Tanging ang mga natitira lamang ay ang may tiwala pa sa kakayahan ng Alchemy Powerhouse Association. May kanya-kanya silang mga naiisip ngunit tahimik lamang ang mga ito at nanatiling nakaupo o kaya ay nakatayo na walang intensyong umalis sa gusaling ito.
Kung iyong makikita ay marami pa rin ang mga mga nanatiling mga bisita patunay lamang na hindi pa sila handang mawala ang mga oportunidad na ibinigay ng Asosasyong ito upang maiangat ang kanilang estado sa lipunan. Karamihan sa mga ito ay ang mga natulungan ni Mr. V lalo pa't wala silang pinuhunan kung ang maibenta lamang ang mga ito.
Ngunit higit pa ang inaasahan nilang tulong ang gusto nilang makuha at iyon ay ang proteksyon sa nalalapit na digmaan. Ito ang pinakaninanais ng lahat ng natira dito. Sa oras na ito ay kailangan nila ng sandigan at ito lamang ang natitira nilang pag-asa upang makaligtas sa sakunang magaganap ilang araw mula ngayon.