Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 63 - Chapter 10

Chapter 63 - Chapter 10

Nagimbal ang lahat sa impormasyong ipinahayag sa kanila ng matandang lalaki na si Mr. V lalo pa't hindi maipagkakailang nagulat silang wala na ang Royal Clan. Bakas sa bawat isa sa kanila ang matinding takot at pangamba sa maaaring kahihinatnan ng kontinenteng ito. Bawat isa sa kanila ay may sariling mga pamilya o kaya ay kadugo lalo na sa kanilang mga angkan kung kaya't nagsusumigaw ang bawat isa sa kanila ang nagbabadyang malagim at kalunos-lunos na kamatayan.

Hindi mawari ng bawat isa sa mga panauhing narito kung paano masusulosyunan ang nalalapit na digmaan na kahit sino ay makakapagsasabi ng sila ay magiging talunan o ang mas malalang kalalabasan ng pangyayari ay inaasahan nilang dadanak ng mga dugo ang bawat isang sasabak sa digmaan. Sa lebel pa lamang ng kanilang Cultivation ay masasabi mong wala silang maibabatbat idagdag pa ang malaking bilang ng mga taga-ibang Kontinente at ng mga sasawsaw pa sa gagawing pagsakop sa maliit na kontinente ng Hyno. Isa itong delubyo para sa kanila kung kaya't halos nawawalan na sila ng pag-asa upang mabuhay ng mapayapa.

Nagmistulang pipi ang lahat lalo pa't wala silang masasabi pa dahil alam nilang hindi na nila hawak ang takbo ng buhay nila sa pagdating ng digmaan na yayanig sa kalupaan ng maliit na kontinenteng ito. Bakas sa mga mukha nila ang labis na takot sa nakaabang na kamatayan nila at hindi nila lubos maisip na magiging alipin sila kung sakaling makaligtas sila sa kamatayan ngunit nagmistulang patay na rin sila lalo pa't hindi sila malaya na kung saan hindi sila maituturing ng kanilang amo na tao kundi isang bagay na pwedeng gamitin o ibenta maging sa kung ano man ang nais nilang gawin.

Maya-maya pa ay biglang nagsalita si Mr. V na hindi lubos na inaasahan ng sinuman sa mga panauhin dito.

"Ngunit may isang paraan pa upang maiwasan natin ang madugong trahedya kung sakali mang may mangyaring hindi inaasahang sakuna at yun ay ang paglikas. Inaasahan kung susunod kayo sa aking paalala at hindi ito utos bagkus isa ito paalalang hindi tayo ang magkalaban dito kundi ang ating mga karatig na mga Cultivator sa kontinenteng maaaring makisawsaw sa magiging digmaan." Sambit ni Mr. V na kung saan ay makikitaan mo ng pag-aalala ang boses nito maging ang mukha nito ay makikitaan ng mapagmalasakit at mapagkumbaba patunay lamang na mabuti ang kanyang hangarin sa kahit na sinuman sa kontinenteng ito.

Nagkaroon ng pag-asa ang mga matataas na opisyales na naririto sa loob ng hall na ito dahil na rin sa kanilang narinig lalo pa't kahit na hindi nila alam kung ano ang naiisip ng matanda na mga hakbang at pamamaraan upang maiwasan ang napakalaking trahedyang naghihintay sa sinuman sa kanila ay nagtitiwala sila rito lalo pa't wala na silang maaari pang maging sandigan sa mga orasna mangyari ang kinakatakutan ng lahat ng mga Cultivator na nasa kontinenteng ito. Alam nilang wala silang kakayahan maging ng sobrang laking kayamanan upang pahintuin ang kalunos-lunos na sasapitin ng kontinenteng ito. Hindi lubos mais ipng lahat na magtatapos ang buhay nila dito bagkus ay isa itong bagong simula. Hindi nila mawari kung ano ang sinapit ng mga miyembro ng Royal Clan ngunit para sa kanila ay hindi na ito maaari pang alamin dahil alam nilang ang mundong ito ay para lamang sa malalakas at ang mga tao ay mananatili lamang sa iyo o sa isang lugar kung may mga kayamanang at benepisyo silang makukuha ukol dito kung kaya't madali lamang nilang nauunawaan ang mga hindi inaasahang pangyayari ukol sa pagkawala ng Royal Clan.

"Ang iyong suhestiyon Ginoong V ay maaaring maging epektibo ngunit saan naman lilikas ang mga taong aming mahihikayat ukol sa bagay na ito, dito ba sa lugar na ito?" Sambit ng isang opisyales ng Malton Tribe na may halong pagtataka at pagkamangha.

Halos lahat ng mga Opisyales ay ganon din ang mga nasa isip. Ang pananatili sa lugaar na ito ay parang paraiso para sa kanila lalo pa't sobrang sagana ng mga pagkain, Cultivation Resources maging ng kayamanan ang malaking Asosasyon na ito. Ang kaninang pag-aalala ay siya namang pag-usbong ng tuwa, galak at hindi rin maiiwasan ng iba na magkaroon ng pagkaganid at paggamit ng sitwasyon na ito upang nagbenipisyo sila sa maaaring maibigay ng Asosasyong ito.

Lingid sa kaalaman ng mga Opisyales ay alam na ni Van Grego ang mga takbo ng bituka at iniisip nila. Hindi na bata kung mag-isip si Van Grego upang mauto ng mga ito kung kaya't may ibabalita siyang hindi lubos na inaasahan ng mga bisita ukol sa gagawing paglikas ng mga tao upang maiwasan ang pagkakaroon ng malaki at maraming kasuwalidad sa inaasahang madugong digmaan na magaganap sa kontinenteng ito.

"Para sa kaalaman ng lahat ay hindi ginawa ang gusali ng Asosasyong ito upang maging gusali o lugar na paglilikasan. Paumanhin ngunit hindi angkop ang lugar na ito upang likasan ng mga taong gustong lumikas sa madugong digmaan ng kontinenteng ito." Kalmadong pagkakasabi ni Mr. V ukol sa gagawing balak ng mga ganid na mga Opisyales na kapwa niya Cultivator. Alam niyang gagawa ang mga ito ng masasamang mga gawain ngunit natatakot siyang may mangyaring sapitin ng mga ganid na mga Cultivator na ito lalo pa't ang ibang mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association ay likas na gustong makipaglaban sa mga gustong manghimasok sa kanilang ginagawang mga operasyon at mga gawain kung Kaya't kung sinuman ang gumambal dito ay siguradong magtatamo ng sugat ngunit kung iyong ilagay sa sitwasyon ng labanan ang mga Opisyales ng Iba't-ibang angkan na naririto ay siguradong magiging malubha ang mga lagay ng mga ito o agarang kamatayan ang magiging resulta nito kung kaya't ayaw niyang magkaroon ng mga sugatan o maging ng labanan sa loob ng teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association. Hindi man sa pagmamayabang ngunit kahit na ang mga miyembro ng Kids Department ay kayang-kaya nilang labanan ang mga Opisyales ng Iba't-ibang angkan na naririto lalo pa't halos lahat ng mga batang miyembro ng Asosasyong ito ay nagtataglay ng malalakas na bloodline o kaya ay may mga pambihirang talento at kayamanan sa kanialng mga kaloob-looban.

"Sinasabi mo ba Ginoong V na hindi pwede ang mga tao na naririto, hindi iyon makatarungang desisyon para sa amin maging ng mga gustong lumikas at makaligtas sa digmaang ito. Wala kang awa huklubang matanda!" Paasik na sambit ng isang opisyales kay Mr. V ng may kasamang galit, pangongonsensya at panghahamak. Hindi nito lubos maisip na magiging ganito ang matanda lalo pa't hindi niya inaasahan ang magiging sagot ng matanda sa kanila.

Maging ang iba ay parang nabuhayan ng loob upang gawin ang sitwasyong ito upang pasamain ang imahe ng matandang ito sa paningin ng lahat lalo pa't kahut na hindi nila makuha ang loob nito at mga benepisyo ay maiganti lamang nila ang kahihiyan na sinapit nila sa matandang hukluban na si Mr. V na kinaiinisan nila ukol dito. Ayaw na ayaw nilang binibigyan sila ng utos ng kahit na sino lalo pa't nagmumukha silang mababa kung susundin nila ang utos nito.

"Maaatim mo naman siguro na mamamatay kami at ang lahat ng mga tao Mr. V kung kaya't marami kang dahilan upang hindi kami tulungan."sarkastikong sambit ng isa sa opisyales ng Tremo Tribe na may halong pangongonsensya at pagpapahiya sa matandang kanyang kaharap.

"Siguro nga ay sasalbahin niya lamang ang mga miyembro ng kanyang Asosasyon na ito lalo pa't kahit na mga ordinaryo at inosenteng tao ay hindi niya pananatilihin sa loob ng gusaling ito!" Panghahamak na sambit ng isa sa mg Elder ng Taver Clan dahil na rin sa mga sinabi ni Mr. V lalo pa't inaakala nila ng kanilang angkan na dito sila mananatili ngunit taliwas sa kanilang inaasahan. Gusto nilang sila ang masusunod sa anumang oras kung Kaya't naging malaking tinik na nakabaon sa kanilang lalamunan ang mga itinuturing nilang huklubang matana na si Mr V.

Ang iba ay nananatili na lamang na namamatyag sa sitwasyon at pinili na lamang na manahimik. Alam nilang hindi nila hahayaang mapahamak ang kanilang sarili o maging ng angkan sa padalos-dalos na desisyon. Halos karamihan sa kanila ay may itinatagong poot at galit sa matanda. Ang iba naman ay neutral lamang ang pagpapasya at ang iba ay may malaking respeto sa Asosasyong ito at sa matandang si Mr. V ngunit pinili lamang nilang huwag makisawsaw sa alitan at usapin ng malaking Asosasyon na ito lalo pa't ayaw nilang mawalan sila ngbenepisyo kung paiiralin nila ang kanilang mga sariling mga hangarin at ganid lalo pa't naiipit sila sa sitwasyon ng buhay at kamatayan, benepisyo o ang reputasyong iniingatan.

...

Sa isang upuan kung saan may anim na katao ay bakas sa kanila ang matinding kasiyahan sa takbo ng usapin at pagkaipit ng matandang si Mr. V lalo pa't isang malaking tinik rin ang matandang ito na hindi nila maalis-alis sa kanilang lalamunan. Nagmistulang natatawa at nagagalak sila sa inaasahan nilang rebelyon ng mga kapwa nila angkan ukol sa matandang si Ginoong V lalo pa't hindi nila maiaalis sa sistema nila ang ginawang pagppaahiya ng matanda sa kanila maging ang atensyon na inagaw at sinira nito. Nagmistulang mga payaso sila sa kapwa nila bisita. Ayaw na ayaw nila ang sitwasyon kani-kanina lamang ngunit napalitan ito ng matinding kasiyahan sa kanila dahil sa hindi inaasahang argumento maging ang pagtanggi ni Ginoong V na gagawing lugar-palikasan ang mga malalaking gusaling ito na lubos na ikinagalit ng mga Opisyales ng Iba't-ibang angkan at tribo ng Second at Third Class. Ang limang tao na ito ay walang iba kundi ang walang kadala-dala na mga Elders ng Grego Clan.

Hindi lubos maisip ng Grego Clan na papanig sa kanila ang sitwasyon kung saan nahihinuha at ramdam na ramdam nilang nasa kanila ngayon ang huling halakhak.

Nasa pawestong paarko ang inuupuan ng mga Elders at ang itinuturing na ina ni Van Grego ng Grego Clan kung saan ay may malaking lamesang na may maraming pagkaing nakahain na buong atensyon ang ibinibigay nila habang nanonood sa kung paano nagbabatuhan ng mga negatibong mga pahayag at komento ang ibang mga tribo at angkan sa matandang si Ginoong V. Masaya sila sa mga takbo ng pangyayaring ito ngunit hindi sila lubos na nasisiyahan ukol sa reaksyon ng matandang dahil na rin sa pagiging kalmado nito. Kahit sila ay nagulantang sa walang karea-reaksiyon na mukha nito na wari'y isang bagay na higis tao. Hindi nila lubos mawari kung paano palalabasin ang itinatagong damdamin ng matanda na lubos nilang ikinakabahala.

"Paano yan honey, ni hindi nga nagbago ang reaksiyon ng matandang hukluban na iyan. Sobrang naiinis na ko sa matandang iyan!" sambit ng Lady Amelia sa asawa nitong si First Elder Ramon dahil na rin sa pagiging consistent ng matandang naging tinik sa lalamunan nila.

"Honey, Masyado siyang mapagmataas lalo pa't kung akala niya ay mapapasunod niya tayo sa mga sinasabi niya ay nagkakamali siya. Hindi tayo utusan ng isang gurang na yun!" May hinanakit na may diing sabi ni First Elder Ramon sa matanda habang kaharap niya ang kanyang kapwa Elders ng Grego Clan.

"Kailanman ay hindi ko nanaisin na magsilbi sa kanya lalo pa't kumukulo talaga ang dugo ko sa matandang iyan. Ewan ko ba at naiirita ako sa pagkatao ng hukluban na yan, masyado siyang masakit sa mata. Hindi ko mapigilang hindi mamuhi!" paasik na sambit ni Second Elder Kirina na halata sa boses niya ang kuryusidad sa pagkatao ng matanda. Hindi niya mapigilang magalit kapag nakikita niya ito.

"Manood na lamang tayo. Hindi ko hahayaang hindi tayo makaganti man lang sa pagpapahiya sa atin. Masyado yata siyang kompiyansa sa kanyang sarili, tingnan natin mamaya ha!ha!ha!" Makahulugang sambit ni Fourth Elder Glemor na halata sa boses ang matinding panggigigil sa matandang si Mr. V.

"Mukhang may pinaplano ka Glemor ha, isali mo naman ako diyan. Kating-kati na kong gumanti sa pagpapahiya sa atin. Hindi ko maatim na inaapi tayo ng hukluban na iyon, kailangan nating turuan ng leksiyon iyon ng siya ay maging sunod-sunuran sa mga gusto natin at maangkin ang lahat ng kayamanan niya maging ng napakagandang teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association, bwahaha!" Medyo may kahinaang sambit ni Fifth Elder Elmo na kung saan ay sila lamang ang nakakarinig. Nasa bandang dulo sila at malayo sa komosyon kung saan patuloy pa rin sa diskusyon sa pagitan ng mga angkan at tribo laban kay Mr. V.

Gusto ng magsagawa ng plano si Fifth Elder Elmo ngunit hinihintay niya pa ang hudyat ng pagsisimula ng magandang palabas at iyon ay ang pahiyain ang matandang si Mr. V at gawing sunod-sunuran sa anumang iuutos nila. Makikita sa limang ito ang kakaib ngunit makahulugang ngisi.