Sa kalayuang parte ng upuan kung saan nakaupo ang lalaking nakamaskara ay hindi mo makikita ang kabuuang mukha nito kung saan ay nakaupo lamang ito habang may hawak-hawak na baso na may lamang wine. Masaya itong umiinom ngunit makikitaan din ng pagkapula ang balat nito dahil na rin sa epekto ng pambihirang wine. Napakaasarap, ito ang masaaabi niya hindi lamang sa lasa ng wine kundi sa lahat ng mga pambihirang pagkain at inumin na kanyang natikman.
Ngunit sa likod ng mga pagtawa niya at pagtamasa ng mga bagay na ito ay siya namang kabaligtaran sa mga naiisip niya patungkol sa nangyari noong mga nakaraang taon lalong-lalo na ang pagkawala ng mga taong itinuturing niyang dalawang anak, isang dugo't laman niya mismo at isang anak-anakan. Dahil sa napakalupit at di mababaling patakaran ng kanilang angkan ay nawala ang mga ito. Tanging an asawa niya na lamang ang naging sandigan niya ukol dito.
Masakit,
Sobrang sakit
Sobra-sobrang sakit ang nararamdaman niya maging ng kanyang asawa at tatlong anak dahil sa kalunos-lunos at di makatarungang batas ng kanilang angkan kung saan ay hindi niya naprotektahan ang dalawang talentadong batang iyon ngunit wala siyang nagawa dahil napakahina niya pa noon.
Hindi niya maatim ang nagawang pagpapasya at desisyon ng mga kapwa niya Elders. Kahit magalit siya ay wala na iyong silbi pa. Ano pa ang dahilan niya? Maibabalik ba nito ang pagkawala'y ng dalawang napakatalentadong Cultivator ng kanilang angkan?
"Kung sana ay narito kayong dalawa, pinagsisihan kung hindi ko kayo naligtas sa pagpapasyang hindi ko kontrolado, ipinapangako kong gaganti ako kahit pa sarili ko silang kadugo, magbabayad ang dapat magbayad ng kahayupang ginawa nila. Sisingilin ko at tatanawin kong buhay nila bilang kabayaran sa buhay niyo!" Madiing sambit ng lalaking nakamaskara na halata ang matinding galit nito kasabay ng paglagok ng alak.