Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 62 - Chapter 9

Chapter 62 - Chapter 9

Magkakaroon pa sana ng mahabang diskusyon sa pagitan ni Mr. V at ng limang taong kaharap nito ng biglang umeksena ang isang miyembro ng Alchemy Powerhouse Association. Hindi lamang siya karaniwang miyembro lalo pa't ito ay isa sa may mahahalagang papel kapag may isinasagawang pagdadaos ng malalaking mga okasyon. Makikitang napakaganda nito na animo'y buhay na manika, may bloodline ng Zoron Tribe na kilala sa puppetry.

Habang tumatagal ay aakalain mong buhay na manika ito ngunit kaiba lamang sapagkat may buhay itk ngunit din nito matatakasan ang kapalaran ng nasabi nilang Bloodline. Karaniwang kapangyarihan ng lahi ng mga Zoron ay ang mahiwagang hibla at sinulid na siyang makapangyarihang sandata nila. Hindi mo sila gugustuhing makalaban. Ang taktika nila ay hindi sa panlabas na anyo o lakas kundi sa kaloob-looban ng tao, ang kanilang ispiritu.

Kung napakalakas na bloodline ang mayroon ang Zoron Tribe ay masasabi mong may lubhang kapalit o masamang dulot ang nasabing bloodline. Gagawin kang pang buhay na manika, halos walang natural na emosyon ng tao, mahihina ang mga galaw nito na animo'y isang robot ngunit dahil sa tulong ni Mr. V sa Zoron Tribe na may puppetry bloodline ay unti-unti nilang nasusugpo ang pagkakaroon ng masamang epekto nito sa kalusugan ng bloodline na ito.

Laking pasalamat nila lalo pa't noon ay naging parang laruan na lamang sila na parang walang kabuhay-buhay ay napigil iyon ni Mr. V na siyang kinikilala nilang napakahusay na Alchemist sa buong buhay nila.

Unti-unti na rin silang bumalik sa pagiging tao ngunit matagal pa bago sila makalampas sa pagsubok ng Bloodline nila. Maraming Cultivator ang nagsasabing malalakas sila ngunit paano naman ang buhay nilang hindi kakikitaan ng emosyon. Ang masasabi lang ng Zoron Tribe sa mga ito ay napakasaklap na pagsubok ito sa bawat isa sa kanila.

...

Iniwaksi agad ito ni Van Grego sa kanyang isipan at hinarap ang kanyang miyembro na siyang MC o kaya ay tagapag-ayos ng mga mga okasyon. Ito ay si Nica Frunto. Napakaganda nito at kakikitaan din ng kakaibang saya ang mukha nito. Masasabi mong masayahing dalaga ito at mahilig makihalubilo. Patunay lamang na isa siya sa maraming mahuhusay na MC ng Alchemy Powerhouse Association maging sa pag-organisa ng malaking pagtitipon na ito.

Bakas ang kaba sa dalagang si Nica Frunto sa pagharap niya kay Mr. V. Halatang may pinag-uusapan pang mahalagang bagay ng bisita na walang iba kundi ang limang mga Elders ng Grego Clan maging ang asawa ng First Elder ng angkan na ito.

Ang kaninang mga ginawang eksena at pambabastos ng mga matataas na miyembro ng Grego Clan ay hindi niya magawang hindi makaramdam ng galit sa mga ito. Isa siya sa isang daang miyembro ng Alchemy Powerhouse Association na nandito. Halatang sila ang pinili lalo pa't sila ay mahilig makipaghalubilo at marunong humawak sa mga Iba't ibang tao. Bawat isa sa kanila ay kilala sa mapagpasensyang tao ngunit lahat ng pasensyang inipon nila ay nilagok at inubos ng mga miyembro ng Grego Clan patunay ang ginagawa nilang eskandalo Kani-kanina lamang.

...

Dumistansya muna si Mr. Van kasa-kasama si Binibining Nica para sa peibadong usapin. Kadalasan ay ang mga tao mismo sa asosasyon nila ang lumalayo ngunit naintindihan ito ng dalaga lalo pa't masyadong bastos kung sila ang paaalisin lalo pa't mga bisita ang mga ito galing sa angkan ng Grego Clan. Hindi maipagkakailang napakapropesyunal ng matandang si Mr. V sa harap ng lahat ng tao. Mararamdaman mo rin na wala itong malisya o masamang mabuti sa pagtulong sa mga Iba't ibang angkan at kaharian. Iniidolo ng dalagang ito ang matandang so Mr. V na siyang nagbigay pag-asa sa kanila sa pangalawang pagkakataon.

Nagmistulang parang isang nahulog na anghel ang matandang ito upang sagipin ang nakararami sa kontinenteng ito.

"O, bakit ka naparito Binibining Nica? May kailangan ka ba mula sa akin?" Sambit ni Mr. V sa harap mismo ni Nica.

Nagbalik sa reyalidad ang dalagang si Nica ng hindi namamalayan na nasa malong distansya sila sa mga Bisitang glaing sa Grego Clan maging sa iba pang bisita.

Ang pagsambit ng matandang si Mr. V ay kasalukuyang nahihintay pa rin ng sagot mula sa dalaga. Agad rin siyang nakaisip ng gusto niyang sabihin sa matanda.

"Mr. V, paumanhin po sa aking naging asal kani-kanina lamang. Kinakailangan ka na po sa likod ng Stage dahil oras na po para sa gagawin nating malaking pagpupulong na ito. Yun lamang po..." Yumukod pa ang babaeng ito sa kay Mr. V bilang pagbibigay respeto dito. Mahina lamang ang pagkakasabi nito na sapat lamang upang marinig ito ng malinaw ni Mr. V.

"Ah, yun ba, salamat sa iyong paalala, hindi ko namalayan ang mabilis na takbo ng oras. Mamaya lamang ay susunod ako lalo pa't magpapaalam muna ako sa ating bisita, napakabastos naman kung aalis agad ako ng wala man lang sinasabi sa mga ito." Mahinang sambit ni Mr.V lalo pa't ayaw niyang maging bastos sa mga bisita kahit sabihin pa na siya ang naagrabyado. "Ang bisita ay bisita" iyon ang nasa isip niya.

Medyo napaisip ang napakagandang dalagang si Nica Frunto. Marami siyang naiisip lalo pa't alam niyang aksidenteng ipinahiya mismo ng Grego Clan ang kanilang founder hindi man pisikalan ngunit sa pamamagitan ng matutulis at masasakit na salita ng mga ito. Ngunit napag-isip-isip niya rin ang pagiging kalmado ng matanda maging ang napakahabang pasensya nito. Kung siya ang nasa kalagayan ng matandang si Mr. Van ay kinalbo na ng dalagang si Nica ang mga mahihinang elder ng Grego Clan. Mas lalo pa siyang napabilib dito.

"Kung iyon po ang kagustuhan niyo Mr. V, pumunta nalang po kayo kaagad dahil wala na po tayong dapat aksayahin na oras lalo pa't delikado para sa bisita kung lalalim pa ang gabi bago sila makaalis sa Alchemy Powerhouse Association." malumanay na tugon na sabi ni Nica Frunto

Nagpaalam na si Mr. V sa mga Elders ng mabilis. Hindi niya din iniistorbo ang mga ito lalo pa't kumakain na sila ng dumating at lumapit si Mr. V sa kanila. Naagaw na ng pagkain ang atensyon nila kung kaya't nakalimutan nila ang binata.

Isa lamang patunay na magagaling sa pagluto ang mga Chef ng Alchemy Powerhouse Association maging sa pagpreserba ng enrhiya sa mga pagkain. Tunay na kamangha-mangha, iyan ang nasa isip niya kahit na noong una niyang matikman ang mga pagkain katulad ng nakahain nito.

...

Natapos na ang nasabing mga pagkain ng hapunan ng lahat ng mga bisita. Makikita sa lahat ng mga ito ang pagiging masaya lalo pa't hindi ordinaryong pagkain ang kanilang nakain na inihain para lamang sa kanila ng malaking Asosasyon na ito.

Nagkaroon ng mga palabas kagaya ng mga katutubong sayaw ng Iba't ibang angkan at tribo na miyembro ng Alchemy Powerhouse Association maging ang mga napakagandang awit at boses ng mga ito ay napakahusay.

Maya-maya pa ay may biglang tumayo sa stage. Ito ay si Nica Frunto na siyang napiling maging MC sa gabi ng pagpupulong na ito.

"Magandang gabi sa inyong lahat, hindi na po natin patatagalin ang ating ating layunin kung bakit nagkaroon tayo ng malaking pagpupulong na ito. Amg inyong tanong ay masasagot na maya-maya pa." Sabi ni Nica Frunto upang pasimula sa pormalidad ng okasyong ito.

"Halina't ating tunghayan ang magiging speaker natin ngayon, ito ay walang iba kundi ng Asosasyong ito, si Mr. V."

Nagkaroon ng malakas na palakpakan ngunit walang sumisigaw. Lahat ay nakatuon ang kanilang mga tingin sa malaking stage na nasa harapan nilang lahat. Walang ano-ano pa ay pumasok na ang matandang si Mr. V sa gitna ng stage. Kitang-kita ng lahat ang matandang lalaki ngunit hindi kakikitaan ng panghihina ito. Bakas ang epekto ng katandaan dito at pormalidad sa matandang lalaki na ito.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Mr. V at agad na nagsalita...

"Ang pagpupulong na ito ay may layuning tipunin ang lahat ng mga taong naririto at manghikayat sa tagalabas na kabilang o miyembro ng mga karatig na Kontinente ng Hyno. Kinakailangan natin ng mga taong manirahan dito sa kontinenteng ito. Ang bilang natin ay napakonti lamang na hindi maikukumpara sa populasyon ng isang bansa ng alinman sa kontinenteng ito. Hindi na din tayo umaasa pa sa mga First Rate Class. Tayo na lamang ang tatayo ng sarili nating paa lalo pa't ang inaasahan nating tulong sa mga First Rate Class ay walang kasiguraduhan pa sapagkat wala silang ni isang plano upang pigilan ang nalalapit na malaking digmaan. Ikinalulungkot kong sabihin ngunit ang nabing digmaan ay anim na araw magmula ngayon. "mahabang sabi ni Van Grego at diretso nitong sabi ng walang kagatol-gatol.

Marami ang nahintatakutan sa kanilang narinig. Ang alam lang nila kahapon ay may digmaan na mangyayari ngunit ang sabihing anim na araw mula ngayon ay sasapit ang digmaan ay tila bombang sumabog sa kanilang mga tenga ito. Napakapanghihina ng loob ang ganitong balita na kahit sila ay hindi makayanan ang narinig at nahimatay ang iba sa mga ito.

"Sinasabi mo Mr. V na ang digmaan ay anim na araw na lamang ang natitirang oras sa Kontinenteng ito? Nagbibiro ka lang hindi ba?!"sabi ng isa sa mga elder ng Lenui Clan na animo'y gusto pang ikumpirma ito galing mismo ky Mr. V na gusto pang bawiin ito ni Mr. V at sasabihing nagbibiro lamang ito ngunit bigo siya. Makikita ang kaseryosuhan nito patunay lamang na hindi ito nagbibiro.

"Paano naman ang Royal Clan? Kilala sila sa malalakas nilang mga Martial Arts Technique, mataas na Cultivation Level at may pambihirang mga talento, Alam naming kayang-kaya nilang pigilan ang pagkakaroon ng madugong digmaan na ito." Sambit ng isa sa Opisyales ng Barrentine Clan na umaasa ng malaki sa kakayahan ng Royal Clan. Sila ng pinakamalakas na Clan lalo pa't may iba't ibang alyansa ang nasabing Clan kung kaya't alam nilang makakaya nilang sugpuin ang sinuman na sisira ng Kontinente ng Hyno.

"May Formation Arrays ang mga Royal Clan upang maprotektahan ang buong kontinente ng Hyno. Isama pa ang mga hindi mabilang na mga Armaments na may matataas na Grade"- sambit ng isang Elder ng Voyar Clan na malaki ang pananalig sa magagawa ng Royal Clan sa malaking suliraning kinakaharap ng Hyno Continent.

"Ang kanilang bilang ay masyadong marami kumpara sa kahit na sinumang angkan dito. Siguradong mapapahinto nila ang labanan na ito at madadala na lamang sa mabuting usapan."hindi mapigilang magsalita ang isa sa Opisyales ng pinakakalmadong angkan ng Herfonion lalo pa't isinusulong nila ang batas ukol sa kapayapaan ngunit naging sensitibo ang bawat Opisyales ng angkan na ito ukol sa mangyayaring digmaan lalo pa't para sa kanila ay sobrang napakadelikado lalo na sa mga katulad nila na tanging hangad lamang ay mamuhay ng matiwasay malayo sa magulong sistema ng mundo ng Martial Arts. Ilang daang taon na silang namumuhay dito kasama ng ibang mga Cultivator kung kaya't ang pagkakaroon ng suliraning ito ay lubos na naging malaking tinik para sa kanila. Unang-uma ay ayaw nilang magkaroon ng kaguluhan at lalong-lalo na ang pagdanak ng dugo sa sarili nilang lupa. Walang sinuman ang nagtangkang manghimasok sa prinsipyong pinapalakad ng angkan na ito.

Tiningnan sila ni Mr. V ng napakaseryoso at makikita ng lahat ng mga may matataas na posisyon sa kani-kanilang angkan na napakasensitibo ng usapin ng pagpupulong na ito. Ang akala nilang pagtitipon para sa selebrasyon ng mabuting pakikipagnegosasyon at ugnayan ng malaking Asosasyon na ito at ng kanilang mga sariling angkan.

Walang ano-ano pa'y nagsalita na si Mr. V sa kanilang mga tanong.

"Unang-una sa lahat ay masasabi ko na ang Royal Clan ay walang maitutulong sa atin ni katiting man lalo pa't sino tayo para sa kanila upang magdesisyon? Isa lamang tayong kasangkapan para sa kanila. Ikinalulungkot lalo pa't ang pangalawang rason ay lubhang ikakagulat lalo pa't ang hinihingi niyong tulong ay imposible ng mangyari dahil----

Wala na ang Royal Clan." Kalmadong sabi ni Mr. V na tila hindi ito aware sa magiigng epekto ng mga impormasyong sinabi niya sa lahat ng panauhin sa pagtitipon na ito.

Pagkatapos sabihin ni Mr. V ang mga katagang wala na ang Royal Clan ay parang isa itong bombang sumabog mismo sa kanilang sarili at sa kaloob-looban nila.

Tunay ngang hindi nila alam kung bakit nawala na lamang ang sinasabing mga malalakas na pamilya na bumubuo sa Royal Clan na taliwas sa inaasahan nila. Makikita sa mukha ng bawat isa ang hindi mag-isip ng mga masasamang pangitain ukol sa malaking digmaan na sila mismo ang magiging pain ng malaking kontinenteng ito.