Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 61 - Chapter 8

Chapter 61 - Chapter 8

"Magandang gabi sa inyo mga Elders ng Grego Clan. Pasensya na sa aking pag-agaw ng atensyon sa lahat ng mga bisitang narito at sana ay hindi ko nasira ang gabi niyo!" Kakikitaan ang boses ni Mr. V ng lungkot at naghihingi ng pasensya sa lahat ng nagawang komosyon kani-kanina lamang.

Nagbalik na sa kanilang ulirat ang mga Elders kabilang na rito ang magulang ni Van Grego na si First Elder Ramon at si Amelia na siyang nanay niya.

May mga sinasabi pang kung ano-ano ang mga Elders ng Grego Clan bago pa sila tumugon sa kanilang magiging sagot. Hindi na kakikitaan ang kanilang mukha ng pagkadisgusto ngunit ang isip nila ay makailang ulit nilang binugbog, pinagsasampal at pinagtataga ang matandang si Mr. V. Alam na rin ni Van Grego ito ngunit isinawalang-bahala niya na lamang ito. Hindi niya maitatangging kadugo niya ang mga ito bagkus ay hinabaan niya pa ang kanyang pasensya sa pakikitungo sa mga ito.

"Pasensya na rin sa aming mga padalos na pagsigaw at pagbulyaw. Inaasahan naming hindi magkakaroon ito ng kasiraan sa ating ugnayan." malumanay na sabi ni Third Elder Kirina kay Mr. V.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Mr.V ay naiinis at kinamumuhian siya ng babaeng Elder na ito. Pinagsasampal, tinatadyakan at pinagpapatay niya na ang matandang ito. Ang kahihiyan na naidulot sa kanilang angkan dahil sa paglitaw ng huklubang matandang nasa harapan niya pa hanggang ngayon ay lalong nagpapainit sa sug niya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya makontrol ang galit sa matandang ito. Alam niyang naiinis siya dito noon pa man pero di niya alam na hahantong sa ganitong klaseng galit ang nagpapakulo sa kanyang dugo sa matandang ito.

"Wala po iyong problema Mr. V. Ang aming ginawang kani-kanina lamang na eksena ay bunsod lamang ng pag-iba ng kapaligiran lalo pa't may nakasalubong kaming mga malalakas na Martial Beasts sa daan." Kalmadong sabi ni Fourth Elder Glemor na animo'y inaasahan niyang kakagat ang matandang ito sa kanyang dahilan.

Kilala ang Fourth Elder na ito bilang eksperto sa pagdadahilan at sa mapanlinlang nitong taktika kung saan gumagamit siya ng mga sitwasyon na aakalain mong totoo ang sinasabi nito. Liban dito ay alam ng mga miyembro ng Grego Clan ang pagiging bayolente nito dahil madaling uminit ang ulo nito sa hindi niya nagugustuhang pangyayari o mga taong humaharang sa kanyang dinadaanan.

Isa sa pinaka-kinaiinisan niyang tao ngayon mula noon pang buwan ay ang matandang hukluban na nasa harapan niya ngayon. Kahit na kinaiinisan niya ito ay tahimik niya lamang pinapatay ito sa isip njya na animo'y gustong nang wakasan ang buhay nito.

Nanatili pa ring kalmado ang lalaking si Fourth Elder Glemor sa harapan ni Mr. V na wari'y mabibitag nito ang matanda sa dahilan niya at hindi nga siya nagkakamali sa kanyang inaasahan.

"O, ganun ba? Sana ay humingi kayo ng tulong sa mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association para naman hind kayo nahirapan sa pagpuksa ng mga mababangis at malalakas na Martial Beasts." sambit ni Mr. V na may halong pag-aalala sa boses nito.

Alam na alam ni Van Grego ang mga ugali ng mga Elders ng Grego Clan lalo pa't sariling angkan niya mismo ito ngunit sila rin ang dahilan kung bakit itinakwil siya ng mga ito. Bago pa siya maging emosyunal ay ikinalma niya ang kaniyang damdaming lubos niyang itinatago mula sa kaloob-looban niya at ipinukos ang kanyang sarili sa mga taong kaharap niya ngayon.

Kung ibang mga tao ang makakakita sa mga Elders ng Grego Clan ay aakalain mong mga anghel sila na nalaglag sa lupa pero para kay Van Grego ay hindi na siya malilinlang ng mga ito. Itinuturing niyang mga masahol pa demonyong nagbabalat-kayo ang mga ito. Sa mga naranasan niyang mga paghihinagpis at paghihirap sa kamay ng mga Elders na ito ay hindi na siya magpapauto pa sa mga ito.

"Salamat na lamang sa inyong tulong Ginoong V. Nasugpo rin namin ang mga mababangis at malalakas na Martial Beasts kani-kanina lamang."dagdag ni Elmo Grego na siyang Fifth Elder na siyang sinusuportahan ang ginawang paghahabi ng sitwasyon ni Fourth Elder Glemor.

Parang kapani-paniwala ang kanilang sinasabi ngunit sa kaloob-looban ni Van Grego ay lumiliit na ang kanyang pasensya sa gabing ito. Patunay ang pagiging tuso ng mga Elder. Hindi njya inaasahan na ganito kawalanghiya ang mga ito. Mas sumubra pa ngayon ang pag-uugali ng mga ito lalo pa't maituturing na mayayaman na ang mga ito na siyang kung umasta ang mga ito ay kaya ng bilhin ang kahit na ano sa mundong ito. Na parang sila na ang mga hawak sa lahat ng teritoryo o lupain na nakikita ng kanilang mata.

Patunay lamang ang pag-uugali nila sa pagharap sa matandang nagbigay sa kanila ng yaman na isa lamang maliit na kusing sa bulsa o mas sabihing sa kabuuang yaman ng batang si Van Grego, ang itinakwil nila mismo sa kanilang angkan sa mura nitong edad.

(Kung mapapansin niyo na may pagkakaiba ang kanilang apelyido dahil na rin sa maraming mga kadahilanan. Una na rito ay dahil sa hindi legal na ikinasal ang kanilang magulang. Ang iba ay dahil na rin sa isa lamang sila sa maraming asawa ng isang lalaking Cultivator; ang iba ay sumapi lamang sa angkan o di kaya ay hindi nila kadugo. halimbawa na rito ay ang naging aksidenteng pagkakaibigan o ugnayan ng Cultivator sa miyembro ng mga angkan nito.)

"Magandang gabi pala inyo Ginoo at Ginang Grego, ang may anak na sinasabing napakatalentado sa mura nitong edad!"maligayang sambit ni Mr. V ng may galak sa harapan ng mag-asawang sina First Elder Ramon at First Lady Amelia.

"O, nalaman niyo po ba iyon? Akala ko ay hindi niyo po iyon mapapansin lalo pa't itinuturing lamang kaming maliit na angkan ng Grego Clan. Sa totoo niyan ay opo, siya ay si Necro Solliano." Masayang sambit ni First Elder Ramon kay Mr. V na may halong galak lalo pa't alam ni Mr. V ang napakatalentadong bata sa kanilang Angkan sa kasalukuyan.

"Nec-Necro So-Solliano?"mahinang sambit ni Mr. V na narinig mismo ni Fourth Elder Glemor at ng iba pa.

Nang mapagtanto ni Fourth Elder Glemor ang sitwasyon ay nakaisip siya na isa itong malaking oportunidad sa kanilang angkan lalo pa't napakatalentado pala ng kaniyang itinuturing na pamangkin ngayon lalo pa't nabalitaan ito ng matandang lalaki na si Mr. V.

Inaasahan niyang mas lalaki pa ang oportunidad sa pagpapalawak ng kayamanan nila lalong-lalo na ang kanilang Cultivation Resources. Kaya't hindi na rin mapigilan ni Fourth Elder Glemor Grego na makisawsaw sa usaping ito.

"Ang sinabi ni First Elder Ramon ay pawang katotohanan lalo pa't ang batang iyon na anak mismo ni First Elder Ramon ay nagtataglay ng Dual Attributes ng elementong hangin at tubig sa kanyang Martial Roots na siyang patunay na magkakaroon ito ng dalawang Martial Spirit sa hinaharap." masayang sambit ni Glemor Grego sa harap ni Mr. V na may tunay na ngiti sa labi nito.

Nabuhayan ng loob ang bawat isang Elder ng Grego Clan. Napakainteresante ng kanilang usapin na nangangahulugan din ng maraming kayamanan na naghihintay sa kanilang mga palad na kusang lalapit sa kanila. Bawat isa sa kanila ay naging atentibo sa pakikinig nito lalo pa't nakuha nila ang loob ng Founder ng Alchemy Powerhouse Association.

"Kinagigiliwan namin ang batang iyon lalo pa't sa murang edad ay nasa antas na ng Peak Diamond Rank na ito. Patunay lamang na may ibubuga pa ito sa hinaharap.

Napangiwi na lamang si Van Grego sa kanyang napag-alaman sa sinasabing pinakatalentadong bata na anak mismo ng kanyang ama. Sa antas na lakas ng batang nagngangalang Necro ay hindi maikukumpara ang lakas nito sa mga batang miyembro ng Alchemy Powerhouse Association (Kids Department). Kahit ang pinakabatang miyembro ng Departamento ng mga bata ng Asosasyong ito ay kayang nitong pitikin lamang ang isang hamak na Peak Diamond Rank kahit na may Dual Attributes pa ang Martial Roots nito.

Hindi ito inaasahang mga sagot ni Van Grego mula sa kanyang kaangkan. Ang akala niya ay ibang batang anak ng mga Cultivator na nasa kabilang sa kanilang angkan ang umsbong ngunit nagulat siya dito.

"Kung nagtataka kayo ginoo ay hindi ko sariling anak iyon. Anak iyo ng aking asawang si Ramon sa ibang babaeng kabilang sa aming angkan. Noong una ay nagtampo at nagalit ako ngunit alam kong anak niya iyon idagdag pang napakatalentado nito kung kaya't kalaunan ay natanggap ko din ito. Sino ba naman akp para tumanggi sa biyayang anghel na dumating sa aming angkan lalong-lalo na sa aming pamilya." mahabang salaysay ni First Lady Amelia kay Mr. V.

Sa huli ay naikalma ni Van Grego ang sarili sa kanyang mga nalamang impormasyong impormasyon kani-kanina lamang. Muntik na siyang mawalan ng kontrol sa sarili lalo pa't alam niyang nakita ng kanyang itinuturing na ina ang ekspresyon niyang nagtataka kani-kanina lamang.

"Uhm, siguro namali lamang ako ng nasagap na balita noong kamakailan lamang. Namali lang siguro ako ng dinig lalo pa't nagngangalang Van Grego ang sinasabi nilang napakatalentadong batang iyon." sambit ni Mr. V sa casual na tono ng pananalita idagdag pa nakapagtatakang ekspresyon sa mukha ng matandang ito na nasa harapan ng limang nagtataasang miyembro ng Grego Clan.

Ang kaninang masayang atmospera ay nabalot ngayon ng nakapabigat na tensiyon ng lugar na kinatatayuan mismo ng anim na tao na kaharap ang matandang si Mr. V.

Ramdam ni Mr. V ang pagtahimik ng anim na matataas at nakakataas na miyembro ng Grego Clan. Agad din nakabalik sa reyalidad ang anim na taong ito ng tuluyan nilang maisip ang impormasyong sinasabi ni Mr. V.

"Ang walang kwentang batang iyon ay matagal ng patay, siguradong napatay na iyon ng malalakas na mga Martial Beast sa napakasukal at napakadelikadong kagubatan na nasa hangganan ng Aurora Village ha!ha!ha!ha!ha!" Sambit ni Fourth Elder Glemor sa mapanghamak na batang si Van Grego na animo'y walang pakialam sa kamatayang sinapit ng batang iyon.

"Ang basurang batang iyon o mas mabuting sabihing isang "crippled" na invalidong cultivator ay wala ng halaga pa sa mundong ibabaw na ito, mas mabuti pang namatay na iyon kaysa maging isa sa magiging pabigat pa sa hinaharap ng Grego Clan ha!ha!ha!" Dagdag na sambit ng Fifth Elder Elmo Grego sa sinabi ni Fourth Elder Glemor na animo'y suportado niya ang nasabing Elder.

Aanhin ko naman ang batang inampon lamang ng aking asawa dahil sa awa nito noon, sana ay hindi na lamang namin iyon kinupkop at hinayaan na lamang na mamatay sa gutom iyon o pinakain na lamang sa mga mababangis na Martial Beasts!" casual na pagkakasabi ng itinuring niyang ama noon pa man sa pagsasalaysay na bakas sa mukha nito ang animo'y malaking kalugihan ang pagkupkop sa batang iyon.

Pagsisisi, Kalugihan, Galit. at iba pang negatibong mga dmadamin ang ibinabato nila sa batang inaakala nilang patay na.

Walang awa, Walanghiya, Mga Demonyo, ilan lamang iyan sa maraming masasabi ng lahat sa ginagawang pagtrato ng mga Grego Clan sa batang si Van Grego.

"Nakakalungkot ngalang isipin na namatay ang batang iyon na hindi ko nasabing ampon lang namin siya. Kung hindi lamang sa iniingatang posisyon ng asawa ko ay hindi ko na lamang siya kinupkop pa. Iyak ng iyak ako noon dahil nagsisisi akong kinupkop ko ang basurang batang iyon sa aming angkan. Muntik ng mawala sa amin ang posisyon bilang susunod na lider ng Grego Clan. Sa labis na kahihiyan namin na natanggap dahil sa pagiging crippled ng batang iyo ay parang nawalan kami ng sariling mukhang maihaharap sa ibang tao. Mabuti na ngang namatay na iyon, isa siyang malas, isang salot na nagdadala ng trahedya sa sinuman!" Mahabang sabi ni First Lady Amelia na animo'y ngayon niya lamang nailabas ang itinatagong galit at poot sa batang inampon nila.

Hindi ito ang inaasahang magiging sagot ng mga Elders ng Grego Clan lalong-lalo na ang sinabi ng kaniyang itinuturing na mga magulang. Nalaman niyang ampon lang siya ngunit ang mas napakasakit ay ang malamang huwad lamang ang pinapakita ng kaniyang mga magulanga lalong lalo na ang kaniyang inang itinuring niya na kaisa-isang taong poprotektahan siya ay siya palang isang tigreng nagtatago sa balat ng napakagandang nilalang.

Parang bombang sumabog ang mga narinig niya ngayong gabing ito. Tuluyan ng nawasak ang plano niyang may babalikan pa siya sa angkan nila. Ang magandang mithiin niya para sa Grego Clan ay tuluyan ng gumuho hanggang sa maging abo na lamang ang lahat. Mas higit pa ito sa inaasahan niya.

Ang lahat ng ginawa niyang sakripisyo ay masakit balikan at isipin. Ang pagiging matatag niya na akala ni Van Grego ay kaya niya pang balikan at ayusin ang lahat ng kanyang pagkakamali maging ang impresyon ng tao sa kanya.

Ang masasabi niya na lamang sa pangyayaring nagmulat sa katotohanan ay hindi na maibabalik pa ang panahong sinira mismo ng sariling mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan.

Bigo.

Pagkabigo.

Paulit-ulit na pagbigo.

Patuloy sa pagkabigo.

Kabiguan ngunit kailangan niyang tanggapin kagaya ng isang malalaking along tinangay ang napakagandang kastilyong buhangin sa dagat (idiom).