Makalipas ang ilang linggo ay nasa maayos pa rin ang kalagayan ng pamumuhay ng kontinenteng ito. Ngayon ay ang huling linggo ng buwang ito na siyang magsisiklab ang labanan. Unti-unting nararamdaman ng mga nilalang na ito ang pagbabago sa Kontinente ng Hyno maging ang ibang mga karatig na mga kontinente ay animo'y mga mababagsik na mga nilalang na sabik ng manlapa sa kontinenteng ito. Halos lahat ng mga nasa Second Rate Class at First Rate Class ay walang alam sa darating na digmaang magaganap. Ang pagkasira ng selyo sa kontinenteng ito ay hindi pa lubos na alam. Wala silang kaalam-alam na nalalapit na ang kawakasan ng maliit na kontinenteng ito.
Sa kabilang banda, halos lahat ng mga kontinenteng malapit sa lugar ng Hyno Continent ay nabalot ng ganid ang kanilang puso. Karamihan sa mga ito ay mga Martial Realm Expert na may lakas na Martial Emperor hanggang Martial God Realm Expert. Ang mataas pa sa Martial God Realm Expert ay hindi pinayagang sumama sa mga lulusob at angkinin ang kontinente ng Hyno. Mas pinaghahandaan nila ang mga kalaban ng ibang mga Kontinente na siyang lalahok rin sa pag-angkin ng maliit na Kontinente ito. Hindi nila pinag-abalahan ang pagpaplano ukol sa magiging depensa ng Kontinenteng ito. Napag-alaman nilang wala na ang pangunshing namumuno sa kontinente ng Hyno na walang iba kundi ang Royal Clan. Alam nilang may malaking kontinenteng sumusuporta sa Angkan na ito na posibleng lalahok din sa gagawing pag-angkin at paggalugad ng Kontinente ay may inihahanda na silang mga panlaban sa mga ito.
...
Ang Three Great Continent na ito na kilala sa napakalakas nitong soberanya at pamunuan ay may interes din sa mga kayamanang nakatsgo at nakabaon sa lupain ng Hyno Continent. Marami silang tanong tungkol sa maliit na kontinenteng ito na kung saan ay may pag-asa silang gawing Sub-Continent ang Hyno na siyang mas dadagdag sa lupaing hawak ng kanilang pamamahala. Ang tatlong malalakas na Kontinenteng ito ay ang Gallon Continent, Dracin Continent at ang Serpien Continent.
...
Isang araw naman ang lumipas...
Napakalamig ng temperaturang bumabalot sa bawat kabahayan dulot ng napakalamig na klima. Literal na umulan ng niyebe na kung saan ay halos balutin na ng yelo ang bawat lugar dito. Halos wala ng makikitang pagal-gala alinsunod sa mensaheng ipinakalat sa bawat kabahayan sa lugar na ito.
Sa kabilang lokasyon na medyo may kalayuan dito kung saan makikita ang napakaraming mga lalaking matiyagang nagsasanay sa larangan ng pisikal. Ang iba naman ay masugid na nag-eensayo sa kanilang malalakas na mga Martial Art Technique. Tinatawag ang lugar na ito bilang Snow Fall Camp. Halos lahat ng mandirigmang nandito ay makikitang nanghihina at nangangayayat na batid ang matinding exhaustion, uhaw at kawalan ng lakas dulot ng matinding pagsasanay.
Ang Snow Fall Camp ay sakop pa rin ng lugar ng Snow Fall Valley. Ang kampong ito ay sentrong sanayan ng mga mandirigma o gustong maging mandirigma ng bayan na ito. Hindi na rin makatiis ang ilan nagsalita ng laban sa sistema ng pagsasanay at ng kontinenteng ito.
"Ilang buwan na tayo ritong nagpapakapagod sa ensayo ngunit wala man lang tayong sapat na pahinga na natatanggap. Kinukulang na tayo sa mga Cultivation Resources dito." Sambit ng isa sa mga mandirigmang sasabak sa nalalapit na araw ng digmaan.
"Ang mga anak at asawa ko ay hindi ko na nakikita ng matagal dahil sa pesteng digmaan na ito, hindi ko kayang malayo sa kanila!"
"Sana naman ay bigyan nila tayo ng malaking benepisyo sa gagawing digmaan na ito. May mapapala ba tayo dito? Diba wala!?!" malakas na sabi ng isang mandirigmang may lakas na Martial Monarch Realm.
" Maraming mga sakripisyo na tayong nagawa, bakit kailangan pa nating mag-ensayo ng ganito!?!"
...
Halos lahat ng mandirigmang nadito ay may lakas na Martial Knight Realm hanggang Martial Emperor Realm. Ang kanilang mga hinaing at hiling ay hindi natutugunan lalo pa't isa lamang sila sa marami pang bayan na may layuning sumali o lumahok sa magaganap na digmaan sa Hyno Continent. Lahat ay puspusang training pero makikitaan din ang bawat isa ng pagtutol ngunit wala silang magagawa utos ito ng kanilang pamunuan na may matataas na posisyon na may suporta galing sa iba't ibang mga malalakas na Imperyo at kaharian.
Ang kanilang lakas ay lubhang napakahina hindi dahil wala silang talento ngunit ang kulang na suplay ng Cultivation Resources ang siyang nagpapahina ng pag-angat ng lebel ng kapangyarihan nila. Tanging ang mga Martial General at Martial Emperor lamang ang binibigyan ng mga Martial Arts Technique.
Ang mga Martial Arts Technique na ito ay masasabi mong mga Low Grade Technique. Dito mo makikitang ang klase ng pamumuhay ng bawat isa dito ay lubhang napakakomplikado na kung saan sinusunod ang batas ng Kagubatan na siyang nagpapahirap pa lalo sa mahihina na kung saan nilulugmok pa sila pailalim.
Ang kontinenteng ito ay walang iba kundi ang isa sa pinakamalaki at pinakamalakas na Kontinente , ang Kontinente ng Gallo na kilala bilang the "Land of Ice" dahil na rin sa napakalamig na temperatura dito.
...
Isa lamang sa ilang libong bayan ng kontinente ng Gallo ang Snow Fall Valley na binigyan ng kautusang tumulong sa nalalapit na digmaan.
Katulad ng ibang mga maliliit na bayan ay hindi sila binibigyan ng malaking prebilihiyo at atensyon ng malalakas na mga kaharian at imperyo. Isa lamang silang itinuturing na napakaliit na kasangkapan sa malaking kontinenteng ito sa larangan ng manpower o sa lakas ng bilang.
Kahit na tumanggi sila ay wala silang magagawa dahil kahit na anong tanggi nila ay magdudulot lamang ito ng kaparusahan at matinding suliranin sa kanilang sarili maging sa pamilya't angkan nila sa hinaharap.
Kung maikukumpara mo ang sitwasyon ng maliliit na bayan at mga angkan sa Third Rate Class ng Hyno Continent ay parang agwat ng langit at lupa sapagkat dito ay napakaistrikto na walang lugar lugar ang pagiging iresponsable at tatamad-tamad. Ang makakain ng dalawang beses sa isang araw ay kasiyahan na ng bawat isang pamilya o ng bawat angkan. Ang rasyon ng mga pagkain ay hindi maitatangging tinitipid palagi kapag araw na ng distribution ng supply mapa-pagkain man o mga Cultivation Resources.
Ang mga kasapi ng mga mandirigma ay matatawag na masuwerte pa rin lalo pa't ang Cultivation Resources nila ay sapat lamang sa kalkulasyon ng namamahala sa kanila ngunit hindi maitatangging kinakapos din sila lalo pa't hindi aktuwal na kalkulasyon ang ginagawa kundi sa bilang ng mandirigmang sasabak sa gagawing pakikidigma laban sa maliit na kontinente ng Hyno at hinahandaan nilang mabuti ay ang mga kalahok na siyang magiging matitindi nilang kalaban.
...
Nagtataka man ang ilan sa mga nangyayari kung bakit lubhang napakatahimik pa rin ng lugar. Kahit na napakalakas na ng mga sinasabi ng bawat isang mandirigmang nandirito na aabot sa limang libo ay sigurado silang naririnig sila ng mga bantay dito kung saan idudulog sila sa namamahala dito upang parusahan sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kanila ngunit taliwas at kakaiba ang araw na ito sa kanila.
Walang ano-ano pa'y bumukas ang malaking gate papasok ng kampo. Dinig na dinig ng lahat ng naririto ang tunog na inililikha ng paggalw ng gate. Hindi ito ang tunog kung saan taliwas sa karaniwang marahas na ingay na siyang kinakabahan ng lahat.
Hindi kalaunan ay bumukas ang malaking gate na may tatlong di kilalang tao ang lumantad sa kanilang lahat. Sa tindig pa lamang ng mga taong ito ay makikita mong hindi sila basta-basta lamang o isang ordinaryo sapagkat sa dating palang ng mga ito ay kakikitaan mo ng karangyaan maging sa mga paggalaw ng mga ito. Nahintatakutan ang mga mandirigmang nandirito. Pinaghihinalaan nilang isa sa mga pamunuang ng Gallo Continent ang mga ito. Kahit sila ay hindi nila kilala ang mga ito lalo pa't ang pamunuan ay hindi kailanman bumibisita sa klase ng lugar kagaya ng maliliit na bayan kagaya ng Snow Fall Valley.
"Sawa na ba kayo sa buhay niyong ito? Gusto niyo ba ng mararangyang buhay at ng inaasam ng lahat na KALAYAAN? Narito kami mula sa Hyno Continent upang kayo ay hikayatin naming sumama sa amin." Sambit ng lalaking isa sa medyo may katandaang Pinuno ng Hunters Department ng Alchemy Powerhouse Association na si Leo Loriano at ang dalawang lalaking naging kasa-kasama niya sa ay kapwa miyembro rin Hunters Department.
Nabalot ng katahimikan ang buong lugar sa loob ng Snow Fall Camp kung saan ay marami ang nadala sa mensaheng sinabi ni Leo Loriano ngunit agad ding nagbalik sa kanilang ulirat ang bawat kasapi ng mandirigmang naririto nang tuluyan ng naiproseso sa kanilang ng may katandaan ng lalaki.
"Isa kayong kalaban ng Kontinenteng ito at maaari kayong mamatay sa oras na dumating ang mga bantay ng kampong ito!" madiing sabi ng isang medyo may kapayatang mandirigma. Halata sa boses ang kanyang pagkadisgusto sa taong sinasabing galing sa Hyno Continent.
"Ang inyong panghihimasok sa Kontinenteng ito ay papatawan kayo ng napakatinding parusa!" dagdag na sabi ng isang may katandaan ng lalaki ngunit kakikitaan pa rin ng malakas na pangangatawan.
"Kapag nalaman ito ng mataas ng Pamunuan ng Gallo Continent ay lulusob kami ng maaga!" Dagdag pa ng isang mandirigmang halos umisok ang galit dahil sa mga bagong saltang mga taong ito.
"Hahahahahahahahahahaahahahahahahahaha.....!!!!!! humahagalpak na tawanan ang lumabas sa bibig ni Leo Loriano maging sa dalawang kasamahan nito. Halos lumuha na sila sa kakatawa na animo'y ito na ang pinakanakakatawang narinig nila.
Pagkatapos na makontrol ni Leo Loriano ang kanilang sarili sa kaninang tawanan o mas mabuting sabihing halakhak ay sumeryoso ang mukha nito.
"Sigurado ba kayo na parurusahan kami ng matindi? Nagpapatawa ba kayo? Tingin niyo ba may pakialam pa ang namumuno sa malaking kontinenteng ito sa inyo? Dinalaw ba kayo o binigyan ba kayo ng katiting na atensyon sa miserableng kalagayan niyo? Diba hindi?!" Mahabang sagot na nasa anyong patanong ang sinabi ni Leo Loriano sa mga mandirigmang nasa harap niya.
Maraming katanungang parang isinampal sa kanilang mukha at parang karayom na tumusok sa puso ng mandirigmang nandito ngayon ang lahat ng sinabi ni Leo Loriano.
"Ang tanging maitutulong ng Hyno Continent ay kalayaan. Matapos ang digmaan ay ibibigay namin ang inaasam niyong kalayaan ngunit hanggang doon lamang iyon liban doon ay wala na." Simpleng sambit lamang ni Leo Loriano na animo'y isang simpleng tanong at sagot lamang ang kanyang sinasabi.
Marami pang ginawang mga pamamaraan upang makumbinsi ang mga mandirigmang nandito. Ipinakita niya ang mga kaganapan o pangyayaring nagpapakita na walang pakialam ang mga namumuno maging ang mga monopolyong nagaganap sa kontinenteng ito.
Halos hati lamang ang naging desisyon ng mga mandirigmang nandirito. Isinasaalang-alang din ng karamihan sa kanila ang naging offer ni Leo Loriano ngunit sa huli ay tanging tatlong libo lamang ang kanyang nakumbinseng sumama sa kaniya.
...
Isa lamang ang Snow Fall Valley sa marami pang lugar na hinikayat sa pamamagitan ng pangakong kalayaan. Ang kalayaan na gustong makamit ng bawat isa na siyang gustong makuha ng lahat ng mga Cultivator.
Ang ganitong sistema ng panghihikayat ay alinsunod sa plano at estratehiyang binuo ni Mr. V.
Halos lahat ng lugar sa bawat Kontinente ay sabay-sabay na oras mismo ginawa ng mga miyembro ng pinili at ginrupo mismo ni Van Grego ang panghihikayat sa mga tao.
Upang maiwasan ang anumang klaseng malaking aberya sa kanilang ginawang kilos laban sa mga malalaki at malalakas na mga kalapit na kontinenteng lalahok sa pag-angkin ng Hyno Continent ay naisipan ni Van Grego na sabay-sabay na oras ang ginawang kilusan na ito lalo pa't kulang sila sa oras at maiwasan din ang pagkakaroon ng mga traydor maging ang paghahanda at plano ng mga kalabang mga Kontinente ay hindi magtatagumpay.
Tinatayang ilang milyon ang bilang ng nahikayat ng mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association sa loob lamang ng isang araw na ito. Ang kanilang target na mga klaseng tao ay nasa maliliit na mga bayan o yung may pinakamababang estado ng pamumuhay sa lipunan ng mga karatig na mga kontinente.
Walang kayamanan ang na-involve sa ginawang panghihikayat sa mga taong ito. Dala na rin ng sobrang pang-aabuso at pang-aaping naranasan ng bawat isa ay gusto nilang maging malaya. Malaya sa ginagawang panlalamang ng mga makapangyarihan at mataas ang estado sa kanila. Malayang pumili ng desisyon at daang tatahakin. Ito ang pinanghahawakan ng lahat. Kalayaan an g hangad nilang matamo sa mundong ito kung saan napakaimposible mang mangyari para sa kanila ngunit ipinapaubaya na lamang nila ito sa pamunuan ng Hyno Continent.
May alinlangan mang nadarama ang mga nahikayat ukol sa pagtataksil daw na ito ay hindi nila masisisi ang kanilang sarili. Ang sarili nilang kontinente mismo ang tumalikod sa kanila. Sa pangarap nilang malabo pa sa mataas na sikat ng araw na siyang pumatay sa pag-asa nilang magandang pamumuhay ngunit ngayon ay mas hinihiling at inaasam na lamang nilang maging malaya. Malaya sa lahat ng sakit na dinulot mismo ng sarili nilang lupang kinalakihan at kinamulatan.