"Humanda ka sakin, Hyahhh!" Malakas na sambit ng Martial Dominator Expert kay Van Grego.
Naramdaman ng lahat ang pagtaas ng enerhiyang inilalabas sa katawan nito. Napakalakas ng awra nito na kayang paluhudin ang sinumang mababa ang lebel ng rank ng isang Cultivator.
Kasabay nito ang pagbunot ng Martial Dominator Expert ng Mid Grade Armament na nasa anyong espada. Napakatalas nito na wari'y kayang hatiin ang sinumang nilalang o bagay idagdag pang may namumuong enerhiya na bumabalot sa espada sa oras ng pagtanggal nito sa loob ng lalagyan nito.
Walang sinayang na oras ang Martial Dominator Expert na ito at agad na lumusob sa pwestong kinatatayuan ni Van Grego. Hindi maipagkakailang ang lakas at bilis nito ay mahihirapang kakalabanin ng isang ordinaryong Martial Ancestor Realm Expert.
Sa ipinakita palang ng Martial Dominator Expert na ito ay gusto niya ng kitilan ng buhay si Van Grego lalo pa't naubos na ang naimbak nitong pasensya ngayon. Gumamit na siya ng dahas upang mailigtas ang dangal niya maging ng iba pang Martial Expert na naririto.
Kapag lumabas ang ganitong eksena kani-kanina lamang ay siguradong maapektuhan ang kanilang reputasyon, pangalan maging ang kanilang posisyon at katungkulan sa kani-kanilang mga lugar na pinamumunuan.
Tatlong metro na lamang ang layo ng nasabing Martial Dominator na hawak ang sariling sandata upang kitilan ng buhay si Van Grego ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi man lang ito umalis sa puwestong kinatatayuan nito at nagsalita...
"Hindi ba sinabi sa iyo na bawal gumamit ng dahas sa labas na sakop ng Tarangkahan na ito? Ang iyong kabalbalan at pagiging agresibo ay dapat parusahan." Kalmadong sabi ni Van Grego na may himig ng babala sa Martial Dominator Expert
Tumigil ang Martial Dominator Expert at humalakhak.
"HA!HA!HA!HA! Ikaw ang tuturuan ko ng leksiyon, Hyahhhh!" Galit na galit na sambit ng Martial Dominator Expert at sobrang bilis ng kanyang pagdating sa harapan ni Van Grego. Mabilis niyang hinampas ang kanysng matalas na espada na kasama ang kanyang enerhiya upang hatiin sa dalawang bahagi ang katawan ni Van Grego ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay may kung anong puwersang tumama sa labas na bahagi ng katawan ng Martial Dominator Expert diretso sa pinakaloob ng kanyang katawan. Nawasak ang lahat ng kanyang iniingatang Cultivation maging ang kaniyang kalagayan ngayon nasa kritikal na kondisyon na.
Agad itong sumuka ng napakaraming dugo sa bibig maging sa kaniyang tenga ay may tumatagas na mga sariwang dugo maging ang pares ng mata ng Martial Dominator Expert na ito ay makikitaan ng magkahalong napakatinding sakit at sobrang pagkatakot.
Sa loob ng tatlong paghinga ay siyang pagkawala ng anumang enerhiya sa katawan ng Martial Dominator Expert.
Lahat ng mga nakasaksi ay nagkaroon ng takot sa kanilang mgs puso. Masasabi nilang hindi basta-basta ang Martial Ancestor Expert na nasa kanilang harapan na kahit sila ay nagimbalsa pangyayaring ito.
Napakakonti lamang ng mga Cultivator na kayang labanan ang mas mataas na lebel ng Cultivation/Rank na kanilang kakalabanin na Cultivator. Hindi maipagkakailang isang henyo ang nag-iisang Martial Ancestor Realm Expert na kalahok sa pagkuha ng Legacy.
Kahit na hindi pa nagpapalabas ng kahit na anumang enerhiya ang binatang ito ay nakaya niyang patayin ang Martial Dominator Expert na iyon. Ano kaya ang misteryosong enerhiya na iyon?
Oh, nagtataka ba kayo kung bakit biglang lumitaw ang nasabing misteryosong enerhiya? Di ba kayo sinabihan ng Martial Slave na ito? Sabay turo sa Martial Slave na nasa harapan nito.
"Binalaan ko naman siya diba kung kaya't di ko na iyon kasalanan." dagdag na sambit ni Van Grego na animo'y simpleng bagay lamang iyon para sabihin.
Maraming mga maktol at komento na nararamdaman ang rinig na rinig ng kahit na sinuman ngunit wala namang paki si Van Grego dito.
Bigla na lamang nakaramdam ng matinding sakit ang Martial Slave na kitang kita sa kanyang suot ang pagkabitak sa bandang kung saan dapat tatama ang enerhiyang nailabas na atake ng Mid Grade Armament. Makikita ang malalim na bitak sa gitnang bahagi ng katawan ng Martial Slave. Makikitang maigi ang bitak mula sa ulo papuntang tiyan hanggang sa pinakailalim na parte ng paa ng Martial Slave.
Bigla na lamang bumaba ang kanyang nasabing Cultivation ng Martial Slave sa hindi maipaliwanag na pangyayari. Bakas ang pagtataka ng bawat isa na ngayon ay kitang-kitang kita nila ang panghihina sa Cultivation nito.
"Oo nga pala, nakalimutan kung sabihin sa inyo na ang pagpasok sa loob ng Black Water Trench ay magsasanhi lamang sa inyo ng agarang kamatayan." Simpleng sabi ni Van Grego na may halong babala sa mga ito.
"Wag kayong maniwala sa kanya, isa lamang siyang Martial Ancestor Realm Expert, binibilog niya lang ang isip niyo!" Pagdepensa sa sarili ng Martial Slave sa sinabi ni Van Grego.
"Talagang kinokontra mo pa talaga ang sinasabi ko, kung ganon ay patayin niyo na lamang ako! Gusto ko kung mamamatay man ako ay patayin niyo ko gamit ang malalakas na bala ng pana at kanyon. Sambit ni Van Grego na animo'y sumusuko na.
Ikinagulat ito ng karamihan lalo pa't ang kaninang nagtatapang-tapangan na binatang ito ay nagmamakaawang gusto ng mamatay ngunit dahil siya na mismo ang nagrequest ay gagawin na nila ito ng walang pakundangan.
"Kung yan ang iyong gusto, bibigyan ka namin ng aragang kamatayan, Tira!" Sambit ng isang Peak Martial God Realm Expert at siya ang namuno upang patayin ang Martial Ancestor Realm Expert na kahit siya'y itinuring ang binata bilang isang sakit sa ulo at kahit siya'y napikon na sa ugaling ipinapakita ng binata.
Kating-kati na siyang patayin ito na ngayon alam na niyang pagkakataon na ang naghatid sa kanya nito upang patayin ito na hiling mismo ng binata.
"Huwag!!!!!!" Sambit ng Martial Slave sa mga gustong patayin ang binata.
Ngunit huli na dahil bigla na lamang umulan ng mga bala ng kanyon at pana ang kinatatayuan mismo ng binatang si Van Grego.
Ang mga bala ng kanyon at pana ay mga Excellent Grade kung kaya't sigurado siyang mamamatay ang binatang iyon.
Sa kabilang banda ay nawalan ng enerhiya maging ng buhay ang nasabing Martial Slave na kanina lamang ay may nag-uumapaw na enerhiya. Agad na pinuntahan ni Van Grego ang katawan ng Slave ng palihim.
Bigla na lamang nawala ang misteryosong harang at natamaan ang pigura ni Van Grego ngunit sa pagdaplis lamang ng bala nito ay naging puting usok na lamang ang kaninang nakatayong binatang si Van Grego.
"Nautakan tayo ng Binatang iyon, Ahhhh!" Galit na sambit ng Peak Martial God Expert
Lahat ay nagsimula ng magkaroon ng mga komento at hinanap agad ang binata.
Ilang minuto ang nakalipas ng muling nagpakita ang binatang si Van Grego sa kaitaasan ng karagatan. Kitang-kita ng binata kung paano siyang maiging hinahanap ng mga daan daang Cultivator.
"Makinig kayong lahat, Una sa lahat ay gusto kong idetalye ang mga bagay-bagay ukol sa Martial Slave, Ang kinatatayuan ko kanina lamang ay isang matibay na depensa ng Martial Slave. Salamat sa pagwasak ng depensa uoang mamatay ng tuluyan ang masamang Martial Slave na iyon.
"Pangalawa ay nagpapasalamat ako sa inyong lahat para makuha ko ang mahahalagang kayamanan ng Black Water Trench." malumanay na sabi ni Van Grego at agad na inilabas ang Epic Grade na Scroll kung saan sinasabing nakapaloob sa scroll ang isang napakalakas na Martial Arts Technique. Isang buong scroll na pinapangarap ng lahat na makuha.
"At tsaka nga pala, ito oh!" Nilantad niya ang apat na kulay puting Beasts Core na may iba't ibang tingkad ng kulay puti na naglalabas ng misteryosong enerhiya. Magkaiba rin ang kulay nito.
"Atsaka ito pa... Ito pa... At ito pa ................................... " Sunod sunod na sambit ni Van Grego upang ipakita ang mga nakakamanghang kayamanan na nakuha niya.
Marami pang inilabas si Van Grego na mga kayamanang makuha niya sa loob ng katawan ng Martial Slave. Sa dami nito ay naglaway ang mga kalahok na Martial Realm Expert sa nakuhang kayamanan ng Black Water Trench. Lahat sila ay may namuong masamang plano laban sa binata. Namuo sa kanilang puso't-isipan ang labis na sakim o ganid para mapasakamay nila ang mga kayamanang natamo ng binata.
Halos lahat ay gagawa na ng hakbang ng pigilan sila ni Van Grego.
"Hintay! May Pangatlong bagay pa akong sasabihin sa inyo para sa opisyal na pagtatapos ng Paligsahan na ito ng Black Water Trench. Iyon ay ang... PAALAM!" Nakangiting sambit ni Van Grego na may kasamang ngisi.
Huli na para sila ay makalapit sa binata upang dakpin ito. Na-activate na ni Van Grego ang Wrap Stone upang tumakas sa gustong madakip. Hindi ito simpleng Wrap Stone lalo pa't walang sinuman ang makakatrack sa sinumang gumamit nito. Isa itong Epic Grade Wrap Stone.
Nang mawala si Van Grego sa paningin nila maging sa lugar na ito ay siya namang palita ng mga Maraming mga tinik kutsilyo, Pana, Shuriken st iba pang matutulis na bagay.
Sa dami nito ay napilitan ang lahat ng mga kalahok na Cultivator na umalis sa lugar na ito dala-dala ang kanilang galit at di kanais-nais na impresyon sa binatang nagtataglay lamang ng Martial Ancestor Realm.
Sa malayo ay tanaw na tanaw nila ang tunay na anyo ng Black Water Trench, nagmistulang isang lugar na puro tinik. Ngayon ay maituturing na itong Land of the Black Thorns.
Alam ng lahat ng naririto na hindi nila hahayaaang makalabas ito sa kanilang lugar maging karatig na mga lugar at Kontinente. Magdudulot lamang ito ng matinding kahihiyan sa bawat isa sa kanila. Bago maghiwa-hiwalay ay binayaran nila lahat ng mga Rogue Cultivators maging ang mga ordinaryong Cultivator na may simpleng estado sa buhay para manahimik.
Isa ng kawalan sa kanila ang pagkawala ng mga kayamanang nakuha lahat ng binatang may lakas na Martial Ancestor Realm at mas mas matinding kawalan pa sa kanila kung maapektuhan ang reputasyon at posisyon nila sa kanilang lugar kung kaya't ang pagbibigay ng kaunting kayamanan para sa kanilang sariling kapakanan at posisyon ay kaunting bagay o sakripisyo lamang kung kaya't hindi nila ito tinatanaw na malaking bagay.
Matapos ng insidenteng naganap sa Black Water Trench ay naukit sa bawat isa sa kanila ang pigura ng binatang may lakas lamang ng isang Martial Ancestor Realm Expert.
Maraming mga tao ang nagagalit sa binatang si Van Grego unang-una na rito ay ang Peak Martial God Realm Expert at si Tim Negarra.
Maraming mga tikom ang bibig at sinabing neutral ang pagpapasya kay Van Grego.
Magkagayon man ay marami pa din ang humahanga sa taglay na galing at talino ni Van Grego, isa na dito si Brenn Luciano na lubos na humahanga sa misteryosong Cultivator.
Ang mga pangyayaring ito ay sila lamang ang nakakaalam na nakaukit na sa kanilang puso't-isipan ang larawang tumalo sa ilang daan na malalakas na Cultivator at may lakas lamang na Martial Ancestor Realm. Ito ay walang ibang kundi si Van Grego, ang di kilalang Eksperto na nagpamalas ng ekstraordinaryo ngunit natural abilidad ng isang Cultivator.