Matapos makolekta ni Van Grego ang mga nakakalat na mga Beast Cores at Martial Spirit ay umalis na agad sila dahil wala na siyang interes pa sa ibang bagay lalo pa't sobra sobra na ang nakolekta niya.
Agad silang tumungo sa timugang bahagi dahil dito ang pangunahing layunin nila. Inihanda nila ang kanilang sarili at iniiwasan na ang maaaring maging aberya sa pagpunta nila sa isa sa Forbidden Areas ng parte ng karagatang ito. Hindi maipagkakailang ang mga kinakailangan pumunta at matanggap ang mana (succession) o ang kayamanang naiwan ng yumaong malakas na Martial Expert. Hindi maipagkakailang wala pang nakatanggap ng succession nito kung Kaya't masasabi mong lubhang napakapanganib ng lugar na pupuntahan ni Van Grego kasama si Nexus Gallo.
Walong araw na lamang mula ngayon ang natitira upang tuluyang bumukas ang nasabing isa sa pinakadelikadong Forbidden Areas dito sa karagatang ito, ito ay ang Black Water Trench. Sa pangalan palang ng nasabing lugar ay masasabing napakadelikado na. Tanging ang mga Martial Ancestor Realm Expert lamang pataas ang pwedeng makapasok at makakuha ng nasabing tagapagmana ng yumaong Martial Expert.
Lahat ay pwedeng sumali maging ang mga nasabing mga Martial Beasts o kaya ay mga Cultivator na may lakas na Martial Ancestor pataas.
......
Pitong araw na ang nakalipas nang sila ay naglakbay sa malawak na karagatang ito. Hindi maipagkakailang kaya nitong tugunan ang populasyon ng mga Martial Beasts na naninirahan rito. Hindi maiiwasan ang mga patayan o labanan sa lugar na ito na kung saan karaniwan ng batas ng Cultivation World.
Ang kanilang pagdating ay eksaktong araw kung saan tuluyan ng bubukas ang nasabing Black Water Trench.
Hinintay na lamang nila ang pagbubukas ng Lugar upang makipagsapalaran si Van Grego upang makamit ang nasabing tagapagmana ngynit isa itong malungkot na araw para kay Van Grego lalong lalo na sa naging kasangga at kaibigan niyang Martial God Beast na si Nexus Gallo.
"Salamat sa iyong naging tulong kaibigan, ang samahan ako sa pagpunta rito at sa pakikipaglakbay sa kaunting panahon ay malaking tulong ito sa akin." masayang sabi ni Van Grego kay Nexus Gallo na siyang kaisa-isang kaibigan niya lamang sa malawak na karagatang ito na mababakasan din ng lungkot sa tono ng pananalita niya.
"Wag kang magpasalamat sa aking Ginoong Van, sa katunayan nga ay wala man lang akong naitulong sayo kundi ang pagturo ng direksiyon papunta sa lugar na ito at nailagay pa kita sa mapanganib na sitwasyon." Makahulugang sabi ni Nexus Gallo na hanggang ngayon ay sinisisi niya ang kanyang sarili lalo pa't nailagay sila sa sitwasyon kung saan halos mabawian sila ng buhay sa delikadong sitwasyon ng dalawang Martial Monarch Fish Beast.
"Wag mong sisihin ang iyong sarili lalo pa't isa lamang iyong aksidenteng kaganapan kung saan hindi nating kontrolado ang takbo ng pangyayari." Pampalubag-loob na sabi ni Van Grego kay Nexus Gallo. Alam nilang hindi nila hawak ang takbo ng pag-iisip ng ibang nilalang kung kaya't walang dapat sisihin sa nangyari.
"Salamat kaibigan sa iyong mga naitulong sa akin, ang lugar na ito ay hindi na ligtas para sa katulad ko, ganap na akong Cultivator kung kaya't ang aking aura ay hindi ko na maikubli pa ng matagal." May himig ng pasasalamat ang kanyang boses ngunit makikitaan din ng bagabag ang boses ni Nexus Gallo.
"Walang anuman, parehas tayong nagbenipisyo sa isa't isa. Ngayon ay kailangan mo ng umalis lalo pa't ang iyong kaligtasan ay hindi na masisigurado pa." May himig ng babala sa pakakasambit ni Van Grego sa kaniyang mga salita.
"Siya nga pala kaibigan, kung tama ang aking impormasyon ay may isang Sect na kung tawagin ay Roaring Beast s Sect kung saan ay mas angkop ang iyong Cultivation ngayon. Masasabi kong ang Sect na ito ay may malakas na pundasyon sa pagturo sayo upang mas lumakas ka pa lalo, diretsuhin mo lamang sa timog na bahagi ng karagatang ito papunta sa malaking Kontinente na una mong makikita." Mahabang dagdag na sabi ni Van Grego upang tulungan si Nexus Gallo sa kanyang bagong buhay, hindi isang Martial Beasts lamang kundi ay isa ng ganap na Cultivator na gustong tahakin ang landas ng paglalakbay, pagsuong sa delikadong sitwasyon, maging ang pag-abot ng rourok ng tagumpay bilang isang Martial Beasts Expert.
"Maraming Salamat sa iyong mga tulong Mr. Van, tatanawin ko itong malaking utang na loob sa buong buhay ko, balang araw ay magagantihan ko ang iyong kabutihang nagawa mo sa akin." Masayang sambit ni Nexus Gallo sa binata na walang ginawa kundi ang tulungan siya ng walang hinihintay na kapalit.
Walang ano-ano pa ay umalis na si Nexus Gallo sa lugar na ito upang maglakbay bilang simula ng kanyang bagong buhay bilang isang Cultivator baon ang kanyang determinasyon na maging malakas sa hinaharap at wag biguin ang kanyang kaisa-isang kaibigan niya na walang hininging kapalit sa mga tinulong niya bagkus ay patuloy pa rin sa pagpapalakas ng loob niyang maging malakas balang araw.
"Balang araw ay magagantihan ko din ang kabutihang ibinigay mo sa akin Mr. Van, hindi man malaking tulong ngunit sisguraduhin kung tutupadin ko ang aking pangako!" Sambit ni Nexus Gallo sa kanyang isipan. Mabilis siyang naglalakbay sa malawak na karagatan papunta sa kontinente baon ang determinasyon, hindi lamang dahil sariling pangarap kundi dahil na rin sa pag-asang lalakas upang sa huli ay may maipagmamalaki at may maitulong sa kaibigan niyang walang hinihinging kapalit kundi ang pagtulong gamit ang kabutihang hindi mababayaran ng salapi o ng malaking halaga ng kayamanan.